Palusot 52

Palusot 52

Naka schedule na ang 10 session chemotheraphy ni Maya na tatagal ng 7 months kasi every 21 days ito gagawin sa kanya. Naka schedule na rin siya sa isasagawang pagkuha ng stem cell sa katawan niya bago ang chemotheraphy session niya. Ifroforzen muna ito hangga puede na magpa transplant si Maya.

“Kinakabahan ka ba? Malapit na pag harvest ng stem cell sa yo at ang chemo?”

“No. I’m doing fine. Ngayon pa ba ako susuko. Ang dami dami kaya nagmamahal sa akin. At saka my kids needs me.”

“That’s the spirit.”

“Kaya lang….”

“Anong kaya lang….?”

“Pag nagpa chemo na ako, malulugas ang buhok gang makalbo ako. Ang pangit ko tiyak noon, payat, maputla at kalbo.”

“Ano ka ba, maganda ka pa rin kahit kalbo ka.”

“Hmmm, sinasabi mo lang yan para palakasin ang loob ko.”

“Of course not, at saka ano ang gnagawa ng mga wig noh. At aayusan kita promise.”

“Talaga?”

“Oo naman.”

“Arthur gusto ko sana kunan mo ako ng picture o video every chemo session ko at kunan mo ako lagi ng picture ha. Gusto ko may rememberance sa itsura habang may sakit ako. Malay mo mag publish ako ng video para sa mga ibang tao na may sakit ng tulad ng sakit ko. Gusto ko silang huag mawalan ng pag-asa.”

“Hmmm, maganda idea yan ah. Sige I will do that for you.”

“Thanks friendship.”

———–

Nagbukas ng email niya si Richard at nagulat na lang siya at may nakitang siyang isang email mula sa di niya kilalang tao. Napatawa na lang siya. Dahil alam niya na ang mga kaibigan na naman niya ang may kagagawan noon. Napailing na lang siya, kasi sa kahit anong paraan ay gagawin ng mga kaibigan niya para mapasaya- blind date, text mate, phone pal, pagpapakilala ng kung sino sino babae at ngayon naman ay sa pamamahitan ng e-mail.

Binuksan niya ang e-mail na nagmula sa isang Pinky Rose.

Hi!,

“My name is Pinky Rose can we be friends. Someone give me your e-mail address kaya eto nag e-mail ako sa yo. Hope ok lang sa yo. Don’t worry I’m single and 26 years old. How about you? Are you still single and available?”

Hope to hear from you soon.

Pinky.

Natawa si Richard sa email ni Pinky. Di niya maintindihan ang sarili niya dahil napangiti siya sa simpleng email na iyon, At eto sinasagot niya…..

Hi Pinky,

“It’s ok with me. Sanay na ako i-set up ng mga friends ko. Kaya no problem. Di ako naniniwala na single ka sa age mo. By the way, I’m 29 years old incase di nabanggit ng kaibigan ko, nagbigay sa yo ng email add ko. Paano ka ba sasabihin sa yo ito, na di kita maooffend. I’m just being honest yes I’m single pero di ko alam kung available pa talaga ako…..”

Richard.

Saka pinindot ni Richard ang send button. Hindi alam ni Richard pero may kakaibang dating sa kanya si Pinky. At di nagtagal muli nag pop ang iphone niya for new mail.

From Pinky…

“Ows talaga? Bakit di mo alam? Curious lang ako di ako tsismosa ha.”

Pinky.

From Richard…

“Hahaha….well, I have gf pero nawala siya almost a year ago na. Di ko alam kung nasaan siya.”

Richard.

Send.

From Pinky

Wow ang faithful mo naman palang boyfriend. Nakakainggit ang gf mo. Iyon bf ko nahuli ko may kasamang ibang babae kaya hiniwalayan ko. Di mo hinanap ang girlfriend mo?”

Pinky.

From Richard

Hinanap ko siya sa buong Pilpinas at sa Amerika. Kaso di ko pa rin siya nakita. Alam mo ba na kaya ako iniwan ng gf ko kasi nahuli din niya ako. Pero set up lang naman iyon sa akin. Di talaga ako nagtaksil sa kanya. Mahal na mahal ko kaya ang gf ko.

Richard.

From Pinky,

Baka pumasok sa kumbento at nag madre na, baka nasa Rome. Well sana magkalinawan kayo. Hey til next time ha. Got to go.

Pinky.

———

“Maya, matagal ka pa ba?” tanong ni Arthur ng puntahan niya si Maya sa kuarto nito.

“Nope I’m ready na. Halika na.”

“Ano ba yan ginagawa mo at natagal ka?”

“Ah nagsulat lang ako ng ilan thoughts about my upcoming chemo. Di ba nga balak ko mag publish ng video.”

“Ah…let’s go. Baka malate tayo.”

——-

Nagpatuloy ang buhay nina Maya at Richard na magkalayo sa mahabang panahon. Patuloy ang gamutan kay Maya samantala si Richard naman ay patuloy sa kanya buhay.

“Pare naninibago ako sa iyo ngayon. Mukhang inspired ka lagi at masaya.” sabi ni Wilmer nag magkita sila magkakaibigan sa kasal nina Ochel at Jaja.

“Oo nga. In love ka ba ulet ano.” sabi naman ni Eufrey.

“Siguro in love na yan doon kay Pinky, iyon ka email niya.” sabi naman ni Francis.

“Pare bakit ba ayaw mong ipakita ang itsura ni Pinky sa amin. Di naman namin siya aagawin sa yo. We are taken na.” sabi naman ni Arman.

“Wala na si Maya sa puso mo?” tanong ni Dan.

“Mga sira hindi noh, siya pa rin ang nasa puso ko. Sabihin na lang natin na masaya lang ako ka chat si Pinky. Nakaka-aliw lang mga sinasabi niya. Alam niya ang existence ni Maya sa buhay ko.”

“Sa tanong mo Arman, Kunwari pa kayo na hindi ninyo kilala si Pinky Rose eh kayo lang naman itong mahilig akong I-set up sa mga nakalipas na taon na wala si Maya.”

Nagkatinginan an magkakaibigan dahil wala silang alam sa sinasabing ni Richard.

“Ikaw ba may love may alam sa sinasabi ni Richard?” tanong ni Jaja kay Ochel

“Wa-wala ako alam doon. Alam mo naman di ako nakikialam sa lovelife ng hilaw na pinsan ko iyon. Kasi alam ko si Maya pa rin mahal niya.”

“Eh ikaw di mo na ba mahal ang kaibigan ko MIA?”

Tiningnan muna ni Ochel si Jaja at hinalikan sa lips bago nagsalita. “Kulang pa ba ang ibigay ko ang puso at pangalan ko sa yo para lang patunayan kung gaano kita kamahal ha Mrs. Ochel Lopez.”

“Biro lang naman, gusto lang kita patawanin kasi kanina ka pa seryoso diyan eh,”

“Well, nagtataka lang kasi ako kung anong meron si Pinky at nakuha niya ang atensyon ni Richard.”

“Oo nga eh. Pero ok na rin iyon. At least sumaya naman yan kaibigan natin yan.”

“Sabagay. Tara sali tayo sa kaguluhan nila.” yaya ni Ochel sa asawa.

“Pare ano bang itsura niyan si Pinky Rose di ko kasi siya kilala eh.” sabi ni Ochel na nakisalai na sa usapan.

“Sa totoo lang wala siyang pinakikitang litrato sa akin sa loob ng apat na taon magka chat kami.”

“Eh ikaw ba nagbigay na sa kanya ng picture mo?” tanong naman ni Bham.

Napakamot si Richard sa ulo sabay sabing “Hindi rin.”

“Naman” hindi ka rin iyon magbibigay di ka pala nagpadala ng litrato eh.”sabi ulit ni Bham.

“Tara group picture tayo tapos padala mo sa kanya. Sabihin mo hanapin niya kung alin ka sa picture. Base sa discription binigay mo sa kanya.”

Sabay sabay na sumang-ayon ang iba pa nilang magkakaibigan. Naggroup picture sila magkakaibigan lalaki. Nasa ganun silang kasiyahan ng bigla tumunog ang celphone ni Richard. Kinuha niya ito at napa ngiti.

“May e-mail ulit siya. Bilisan na natin ang picture taking para ma-open ko na ang e-mail ko.”

“Excited lang? Di makapaghintay?” sabi ni Michelle kay Richard. Na ikinatawa ng lahat.

——–

Napatawa si Pinky Rose noon nagbukas ng e-mail at nakita. Iya meron attachment na picture si Richard. Pinahuhulaan sakanya kung alin siya doon. Base sa ibinigay nitong description ng itsura niya.

Hi,

Anong meron at group picture pa ang pinadala mo. At anong okasyon at lahat kayo ay naka formal na kasoutan? Anyway, kungbpagbabasehan ko anb sinabi mong itsura mo, ikaw iyon nasa may right side na may katabing guapo rin. Noon unang akala ko ikaw iyon eh. Hawig siya ni Akihiro Sato…ang ultimate crush ko.

Wala ako maginong picture eh. Puro funny face ang picture ko. Di kasi ako mahilig magpa picture. Di bale I will meet you na lang in the coming months. Busy lang kasi ak ngayon eh. Pero don’t worry EB tayo.

Pinky.

Kasalukuyan naman papaalis na si Richard n opisina niya noon tumung ang iphone niya. Meron email si Pinky. Binuksan muna niya ito para basahin.

Minsan ay nalilito na rin siya sa sarili niya. Kasi bukod tanging si Pinky lang ang nagpapa excite sa kanya. Bagay na kay Maya lang niya nararamdaman before. Meron pagkakataon na parag si Maya ang ka chat niya sa email at di si Pinky. Meron mga bagay na magkapareho sila.

Tulad ngayon pagkabasa niya sa email ni Pinky. Di niya maiwasan na di masaktan. Kasi mas una nito napansin si Ochel kesa kanya. Napagkamaan pa siya iyon. Naisip na naman niya si Maya na unang minahal si Ochel.

“Paranoid na ata ako, bakit ko ba ikinokompara si Pinky kay Maya, magkaiba silang dalawa. Si Maya nawawala, si Pinky nasa Cebu lang at inaasikaso ang family business nila. Magkaibang tao sila, Erase. Erase. “bulong ni Richard sa sarili saka lumabas ng opisina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s