Palusot 50

Palusot 50

Isang Linggo bago ang birthday party ng mga kambal. Abala na sina Maya at Arthur sa pamimili kung ano ang ilalagay sa loot bag at prizes sa mga parlor games.

“Parang kelan lang buntis pa lang ako. Ngayon eto isang taon na ang kambal.”

“Oo nga eh. Wala ka pa rin bang balak ipaalam kung nasaan ka?”

“Bakit nagsasawa ka na sa pagtulong sa amin?”

“Alam mong hindi yan ang dahilan ko Maya. Ayoko lang lumaki ang mga inaanak ko na walang kinikilalang ama.”

“Nandiyan ka naman eh.”

Tinaasan ni Arthur ng kilay si Maya sabay tingin sa paligid saka nagsalita. “Hindi ako daddy, mommy puede pa.”

“Baliw ka talaga.”

“Pero honestly speaking Maya….”

“Natatakot pa rin ako kay Tiffany. What if, ituloy pa rin niya iyon banta niya sa akin at sa pamilya namin ni Richard. Di kakayanin ng konsensiya ko iyon.”

“Si Tiffany nga lang ba o takot ka pa rin harapin ang galit ni Richard. Kung galit nga ito sa yo.”

“Well…”

“Maya, you have to face the consequences of life.”

“Ok fine…this December uuwi kami.”

“Bakit December pa, puede mo naman sila imbitahin sa kaarawan ng kambal eh.”

“No…December na lang para Christmas.”

“Ok sinabi mo eh.”

“Samahan mo ako ha…”

“Sabi ko nga. Pero girl, may sakit ka na naman ba?”

“Ha? Wala naman. Bakit?”

“Kasi parang ang putla putla mo eh.”

“Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa katawan except na madali ako mapagod ngayon at sumasakit ang joints ko.”

“Sign of old age na yan. Rayuma lalo na at tag lamig na naman dito sa Switzerland. Hahaha.”

“Ag ganun? Nasaan ba sina tito at tita para ma chika nga sila about sa unica iha nila.”

“Go ahead, one phone away lang at malalaman na nila kung nasaan ka.”

“Ewan ko sa yo.”

“Pero girl maputla ka nga. Para wala ka ng dugo.”

“Sira di ba noon pa naman anemic na ako. Tapos medyo laging late na ang tulog ko this past few days. Don’t worry iinom na lang ako ng vitamins with iron.”

“But I insist magpa check up ka pa din.”

Tumango na lang si Maya para matapos na ang usapan nila.

———–

Masaya ang naging birthday celebration ng kambal. Tuwang tuwa ang mga ito sa dami ng games at gift na natanggap ng mga ito. Kaya ayun after the party plakda sa pagod kaya nakatulog na agad.

Busy naman sina Maya at Richard sa paglilgpit ng mga kalat sa malawak na garden ng bahay nila kung saan ginawa ang birthday party ng kambal. Nang bigla….

Anong nangyari sa yo?”

“Medyo nahilo lang ako.”

“Mabuti pa magpahinga ka na at baka napagod ka dahil sa party ng kambal. Namumutla ka na nga eh.”

“Tapusin ko lang itong inaayos ko.”

“Ako na, kami na ang bahala dito. Sige na pumasok ka at magpahinga ka na.” Lumapit si Arthur sa kanya para alalayan siya papasok ng bahay.

“My God Maya, ang init mo. Ang taas ng lagnat mo.” hawak pa rin ito ni Arthur papasok ng bahay. Ngunit bago pa naman sila makapasok ng bahay ay nahimatay na ito.

“Mayaaaaa” sigaw ni Arthur. Mabuti na lang at andun pa iyon iba nilang kaibigan.

“Carlo please help me. Dalhin natin si Maya sa hospital.”

“Bakit anong nangyari?”

“Bigla na lang siyang yynahimatay at ang taas ng lagnat niya.

“What? Sige ilalabas ko na ang kotse.”

“Shit ano ito bakit may pasa si Maya. Saan niya ito nakuha.”

——-

“Nurse it’s emergency. The patient is burning with fever and she lost consicoiusness.”

Inilagay agad si Maya sa stretcher papuntang ER.

“Miss if Doc Raul Fores is still around kindly page him. Maya was her patient.” sabi ni Arthur sa receptionist.

“Paging Doctor Raul Fores. Please proceed to emergency room right now.”

Di nagtagal ay dumating si Doctor Fores. “Arthur bakit anong nangyari kay Maya?”

“Doc bigla na lang po siya nahimatay at ang taas ng lagnat niya. Tapos ang putla putla pa po niya.”

Bumaling si Doc Fores sa nurse.

“Doc, the patient is burning with fever, loss consiciousness, very pale and has bruise on her right arm.”

“What’s her vital signs?” tanong nito sa nurse habang ini-examine si Maya.

“Doc her bp and pulse rate is pallable.”

“What? Prepare to get complete blood test and samples from her. Get her blood type and prepare for an immediate blood transfussion. Then please page Doctor Liboro to go to my office immediately.”

“Yes doc.”

“Arthur ikuha mo muna si Maya ng private room para komportable siya habang sinasalinan ng dugo. Then puntahan mo ako sa office ko. We need to talk together with Doc. Liboro. We will wait for you.”

“Yes doc. And thank you so much.”

Pagkatapos maikuha ng room si Maya at maiayos ito para sa blood transfusion. Iniwan muna niya ito kay Carlo. Mamaya lang ay dadating na ang Papa niya. Pumunta na siya sa office ni Doc. Raul.

Tok….tok….tok…

“Came in….”

“Good evening doc.”

“Arthur, halika dito pasok, have a sit.

“Thank you po.”

“Arthur this is Doc. Liboro. Doc this is Arthur.”

“Hello po / Hello too.” sabi nina Arthur at Doc. Liboro sa isa’t-isa.

“Arthur, pinapunta ko dito si Doc Liboro. Kasi mas maipapaliwanag niya sa yo ang lagay ni Maya.”

“Bakit ho may iba na naman bang sakit si Maya.”

“May history ba siya sa pagiging anemic?

“Yes doc, anemic na po si Maya noon pa. Ang alam ko meron ho siya dating iniinom kapag bumababa ang dugo niya.”

“I see. Kapag lumabas na ang result ng complete blood test ni Maya. Si Doc Liboro na ang bahala mag explain sa iyo, kung ano man ang resulta ng test. Doctor Liboro here is an oncologist.”

Nag usap pa silang tatlo habang hinihintay ang blood test result ni Maya. Di naman sila matagal na naghintay at tulad ng inaasahan, tama ang hula ni Doctor Fores.

“Arthur, eto ang resulta ng blood test ni Maya. Tama ang findings ko, kaya pinapunta ko dito si Dr. Liboro.”

“According dito sa result ng blood test ni Maya, masyado mababa ang RBC niya compare sa WBC niya. Meron bang nasasabi sa yo si Maya before.” Sabi ni Dr. Liboro.

“Ano ho ang ibig ninyo sabihin doc.?”

“Kung meron siya nasabi sa yo kung may masakit sa kanya.”

“Recently doc, sabi niya madali siya mapagod at nanakit ang mga joints niya. Nagbiro pa nga ako sa kanya, na matanda na siya at kaya nakakaramdam na siya ng rayuma.”

Napatango lang si Dr. Liboro. How about bruises and nose bleeding?”

“Yes bruises yes I saw some sa kanya like kanina meron siya sa kanan braso niya. Pero sabi niya normal lang daw iyon kapag malapit na ang period niya. No I haven’t seen her bleeding. Bakit doc ano po bang sakit ni Maya?”

“Sa ngayon di pa ako puedeng mag bigay ng conclusion kung ano talaga sakit niya. Maybe anemic lang talaga siya. Kaya para maksigurado tayo ay magsasagawa pa ako ng iba pang test sa kanya.

——–

Nagising si Maya sa hindi pamilyar na kuarto. Kulay ube ang kuarto niya at ngayon ay nasa isang puting silid siya.

“Nasaan ako?” Tanong ni Maya, sinubukan niya bumangon ngunit nanghihina pa rin ang pakiramdam niya.

“Hello gising ka na pala friend. Huag ka muna gumalaw. Nandito ka ngayon sa hospital. Remember nahimatay ka kagabi.”

“Ano sabi ng doctor? Nahihilo pa rin ako. Puede na ba ako umuwi?”

“I’m afraid girl , di ka pa puede umuwi. Kailangan mo pang sumailalim sa ibang pang test. Kagabi kasi sa sobrang baba ng dugo mo ay sinalinan ka ng dugo. Hindi ka nila papauwiin hangga’t di ka nagiging okay talaga. May lagnat ka pa ba?” sabay hipo sa noo nito.

“Pero….”

“May lagnat ka pa di ka rin papayagan maka uwi niyan. Aside na you will undergo some more test.”

“Anong test?”

“Ewan ko kay Dr. Liboro. Siya kaya ang maysabi noon eh.”

“Dr. Liboto? Asan si Dr. Fores?”

“Si Dr. Fores doctor ng utak si Dr. Liboro doctor ng dugo.”

“Dugo…?”

“Oo di ba nga anemic ka. So isang espeyalista sa dugo ang kailangan mo at di ang mga katulad n Dr. Fores na utak ang speciality niya.”

Napatango na lang si Maya. Kasi nanghihina pa rin ang pakiramdam niya.

“Good morning. Kamusta na pakiramdam mo Maya? Can I call you Maya?”

“Good morning doc.” sabay na sabi nina Maya at Arthur.

“Yes Doc. You can call me Maya and I’m a little bit tired even though I just wake up.”

Tiningnan ni Dr. Liboro si Maya.

“May lagnat ka pa. Magpahinga muna. Then later kapag ok na pakiramdam mo. You will undergo some more test. Pag nawala na yan fever mo saka ka na umuwi.”

Tumango na lang si Maya. Nagpaalam muna din si Arhtur na uuwi para kumuha ng ilan gamit niya.

Bago umuwi dumaan muna si Arthur sa clinic ni Dr. Liboro.

“Hello Arthur, pasok…”

“Doc. Ano ho ba talaga ang sakit ni Maya. At kailangan pa niya mag undergo ng series of test.”

Napabuntonghininga si Dr. Liboro. “Arthur I’m afraid your friend has a leukemia. The signs and symptoms are present in her body. Kaya nga para makasigurado tayo, I want her to undergo some more test. Kasi baka mamaya meron ibang organ na na apektuhan.”

“So ano ano pong test pa ang gagawin kay Maya.”

“As of now meron pang limang test ang dapat isagawa sa kanya. Kasi sa ngayon iyon blood test pa lang ang nagagawa sa kanya.”

“So ano po iyong apat na test pa?”

“Bone-marrow aspiration and biopsy. And I”m telling you masakit ang procedure na ito. Kaya sana pag ginawa namin ito nasa tabi ka ni Maya. Kahit pa may general anesthesia. Ramdam pa rin ng oasyente ang sakit kapag insert na iyong needle sa gulugod niya.”

“Kailangan po ba iyon doc?”

“Yes, para malaman natin ang mga abnormal cells niya. Then she have to undergo some X-ray, CT Scan, MRI and ultrasound, para naman malaman natin kung may enlargement sa kanyang liver or lungs. Minsan kasi iyon iyon ng mass ng leukemia cells ay na chest kaya nahihirapan huminga ang pasyente may leukemia dahil di masyado maka circulate ang daloy ng dugo.”

Napatango na lang si Arthur.

“Then we have the Lumbar Puncture or Spinal tap, gamma needle naman ito na ating ipapasaok sa lower spine to collect the Cerebrospinal Fluid (CSF) sample.

“Eh doc ano po ba iyon CSF? Pasensiya na po kayo wala ako masyadong alam sa mga medical term eh.”

“It’s alright, ang CSF para siyang delivery man. Kasi siya iyon nagdedeliver ng nutrients sa ating utak at spinal cord or better known as the CNS or central nervous system. Isa siyang malinis at colorless liquid.

“Kailangan rin po iyon gawin kay Maya?”

“Yes. Kasi para ma detect natin kung meron suspected diseases or conditions sa CNS ng pasyente. Specially sa case ni Maya na sumailalim na sa isang brain surgery before. Sa case niya ngayon , masyado mabilis dumami ang white blood cells. Kaya sa pamamgitan ng pagkuha ng samples ng CSF maanalyze natin ang WBC count niya, glucose levels, protein and bacteria.

“Masakit din po ba iyon tulad ng bine marrow?”

“No, di ito masakit like sa bone marrow procedure. Maliit na needle lang ang ipapasok sa may lower spinal cord mo. Sandali lang ito usually 5 minutes tapos na ito. And the result will be available after 45 to 60 minutes.”

“So iyon dalawa pong natitirang test.?”

“Ah dito iyon blood samples na lang ni Maya ang i-aanalyze. Ang Flow cytometry test… After ko ma-analyze ang properties ng cancer cell ni Maya. Malalaman ko na ang kung anong type ng leukemia ang tumama sa kanya. Mahalaga ito kasi dito natin malalaman kung anong treatment ang ibibigay natin sa kanya.

“And the last?”

“It’s the Chromosomal test. DNS analization lang ito ng dugo at bone marrow ni Maya kung magkakaroon ng specific genetic changes ng isang pasyente may leukemia. Like cytometry test mahalaga din ito para sa treatment na ibibigay sa pasyente.

Napatango na lang si Arthur. “Sige Doc, aalis lang po ako sandali at babalik agad. At pag ok na si Maya maybe we can proceed sa mga test na gagawin sa kanya. The sooner the better. Ayoko na ho mahirapan pa si Maya at mag-alala pa. Maraming salamat po.”

“Don’t worry bata si Maya, in God’s will she will survive. Let’s just all pray for her.”

Tumango lang ulit si Arthur at lumabas na ng clinic nito.
———

Dalawang araw pa ang inilagi ni Maya sa hospital. Lumabas na rin ang resulta ng mga lab test na ginawa kay Maya. Papauwi na sila ay pareho silang tahimik sa sasakyan.

“Arthur daan muna tayo ng simbahan ha.”

“Sure….”

Muling nabalot ng katahimikan ang sasakyan. Muling naalala ni Maya ang sinabi ni Dr. Liboro sa kanila ni Arthur.

FLASHBACK

Muling dinalaw ni Dr. Liboro si Maya sa kuarto nito at tiningnan ito. “Good wala ka na ng fever. Puede ka na ma discharge bukas.”

“Talaga Doc.? Miss ko na ang kambal ko.”

“Doc. Meron na po bang resulta ang lab test ni Maya na ginawa kanina?” tanong naman ni Arthur.

Naging seryoso ang mukha ni Dr. Liboro. “Oo, kaya nga ako nagpunta dito. Gusto kitang makausap about it.”

“Sige po. Maya, maiwan ka muna dito ha.”

“No, gusto ko rin malaman kung ano ang sakit ko.”

“Kung ganun halina kayo sa clinic ko.”

Sabay sabay silang lumabas sa kuarto inakupa ni Maya. Kabado pareho sina Maya at Arthur. Pagkarating nila sa clinic ni Dr. Liboro ay agad ito tinanong ni Arthur.

“Ano ho ba ang findings ninyo?” tanong ni Arthur

“Maupo muna kayong dalawa.” sabi nito sa dalawa. Saka tumingin kaya Maya….”Hindi na ako mahpapaligoy-ligoy pa, Maya, you have an Acute Lymphoblastic Leukemia or (ALL).”

“What? Hindi…bakit ngayon pa.” Napaiyak si Maya. Dr may taning na ba ang buhay ko?”

“Maya, ALL can be cure. Kaya huag kang mawalan ng pag-asa. Basta magiging matatag ka lamang.”

“Ano hong klaseng leukemia ang ALL?”

“ALL ay isang uri ng blood cancer na mabilis dumami ang white cells sa bone marrow. Kaya maputla ka Maya, hindi simpleng anemic lang yan. Kaya nahimata ka kahapon, kasi masyado na mababa ang RBC mo.”

“Ano po ba ang best treatment?” tanong muli ni Arthur.

“Chemotherapy is the best treatment for ALL patients. Then bone marrow or stem cell transplant.” sabi ni Dr. Liboro.

“Stem cell transpalnt?”

“Yes.” At ipinaliwanag ni Doc. Liboro ang pag dadaanan treatment ni ‘Maya.

End of Flashback.

“Here we are. Tara na sa loob.” Yaya ni Arthur kay Maya.

—————

4 thoughts on “Palusot 50

  1. Thanks Ms Pipay for a wonderful treat for us adiks…a long wait but it’s worth it…we luv to read more episodes, it’s getting excited what happens 5yrs ago for both Maya and Richard…Arthur and his parents are wonderful people to care Mayas well beings while she was in Swetzerland…hope updates will be here soon…TY Ms Pipay

  2. na trauma ako sa pinagdaanan ni maya ….. buti na lang at mabait na kaibigan si arthur palagi siyang nasa tabi ni maya ….. naiinis ako sa pinaggagagawa ni tiffany kay maya pero at the same time naaawa rin ako ….. totoong may nababaliw ng dahil sa pag ibig ….. thank you ms. purplepipay sa mahabang update ….. sana may kasunod ito ulit ….. ♡

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s