Palusot 48

Palusot 48

Di na pinayagan ni Arthur si Maya na lumabas dahil baka kung ano na naman aksidente ang mangyari dito. Kaya naman bored na bored na si Maya sa loob ng hotel niya. Wala siyang magawa. Kaya naisipan niyang mag-ayos na lang ng mga gamit niya dadalhin niya pauwi muli ng Pilipinas. Huling tatlong araw na lang siya sa Cambodia at muling haharapin ang problema sa Pilipinas. Nag-aayos siya ng gamit ng bigla dumating si Arthur.

“Hi friendship. Going somewhere?”

“Naiinip na ako dito kaya eto, nag-aayos na lang ako ng mga dadalahin ko pauwi. Baka mamaya eh ma excess baggage pa ako.”

“Nagtatampo ka sa akin noh?” hindi sumagot si Maya. “I’m after your welfare at kaligtasan ninyo ng anak mo.”

“Pero Arthur, plain coincidence lang talaga ang dalawang insidenteng iyon.”

“Ok fine..tara gala tayo for the last time.”

“Talaga?”

“Kaya nga ako nandito eh. Ayoko naman maghiwalay tayo na maysama ka ng loob sa akin.”

“Thank you..sandali mag bibihis lang ako. Saan ba tayo puounta.”

“Secret walang clue. Basta, you will love it.”

Di nagtagal ay lumabas ang dalawa. Walang dalang sasakyan si Arthur.

“Maglalakad lang tayo?”

“Nope magrerent tayo ng tuktok at magpapalibot tayo sa City ng Cambodia.”

“Wow, exciting yan.”

“Sa wakas lumabas kang muli sa lungga mo. Akala ko ay mabibigo na naman ako. Pero saan kaya pupunta ang dalawang ito. Wala silang dalang sasakyan.”

Sinundan na lang ni Tiffany ang mga ito hangga tumigil ang mga ito sa paradahan ng mga tuktok. Kinausap ng mga ito ang driver at sumakay na sila sa tuktuk.

Dali-dali naman nag park si Tiffany ng kotse niya. Nakipag usap din siya sa isang may ari ng tuktuk. Binayaran niya ito at siya na mismo ang nag drive ng tuktok. Sanay naman siyang mag motor kaya marunong siyang paandarin ito.

Di pa masyado nakakalayo sina Maya dahil nga namamasyal sila upang makita ang ibang magagandang lugar sa Cambodia. Bigla may nag over take sa kanilang tuktuk na ang bilis magpatakbo. Sanhi upang sigawan ito ng driver nila dahil nga muntik na silang maaksidente sa pag oover take nito.

Mabagal pa din ang patakbo ng tuktuk nina Maya nang bigla may nakita silang isang tuktuk na parating na ang bilis magpatakbo. Umiiwas sila sa paprating na tuktuk ngunit napaka obvious na sila ang target. Dahil kahit anong iwas nila ay tinatapatan sila ng tuktuk

Sinabihan ni Arthur ang driver nila na iliko ang tuktok sa pavement para maiwasan nila ang paparating na tuktok. Mabilis na ginawa iyon ng driver nila ngunit na out of balance din sila. Dahilan para tumama ang ulo ni Maya sa semento. Mabuti na lang at di ganun kalakas ang impact ng pagtama ng ulo niya. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo noon tuktuk na sumasalubong sa kanila. Di na nito nagawa pang mag menor. Bumangga ito sa isang puno sa center island. Tumalsik ang driver ng tuktok.

Di naman gaano nasaktan sina Maya dahil nakaliko agad ang mga ito. Ngunit kung di sila naka iwas ay tiyak na head on collision ang mangyayri sa kanila. Dali-dali nilang pinuntahan ang tumalsik na driver. Noon dumating ang mga pulis at imbestigador. Inalis nila ang helmet na suot ng driver na nawalan ng malay.

Napasinghap si Maya sa pagkakaita kung sino ang driver ng tuktok.

“Kilala mo siya?”

“Oo siya si Tiffany Ramos.”

Sinakay agad sa ambulansiya si Tiffany upang madala ito sa pinakamalapit na hospital. Sumama na rin sina Maya at Arthur. Gusto rin pa tingnan ni Arthur si Maya. Baka mamaya ay na apektuhan ang pinagbubuntis nito.

Sa hospital na rin sila kinunan ng statement ng mga pulisya. Nakapag bigay na ng statement ang driver ng tuktuk nina Maya ganun na din ang driver na binayaran n Tiffany para ma rentahan ang tuktuk nito.

Sa hospital sinabi ni Maya na kilala niya ang driver na nakasidente. Tinanong siya ng mga pulis kung meron ba silang di pagkakaunawan ng suspect. Walang balak magsalita ni Maya ngunit si Arthur ang nagsalita. Sinabi nito na may gusto si Tiffany sa boyfriend ni Maya at pilit na inaagaw dito.

Nasa labas sila ng kuarto ni Tiffany noon bigla dumating ang tiyahin nito si Dra. Anna Ramos.

“Dra…ano po ang ginagawa nnyo dito?”

“Ako ang auntie ni Tiffany.”

“Auntie po niya kayo?”

“Di ko alam na magkakilala pala kayo ng pamangkin ko.”

“Dra. Si Tiffany ho an dahilan kung bakit nagkahiwalay si Maya at ang ama ng pinagbubuntis niya.”

“Arthur….”

“Ikaw ang nobya ni Richard?”

“Dati ho iyon doctora, sila na ngayon ng pamangkin ninyo. Kaya nga ho di ko alam kung bakit gusto pa niya ako patayin. Pinaubaya ko na nga ho sa kanya ang ama ng mga anak ko.” naiiyak na sabi ni Maya.

“Maya calm down, baka makasama sa dinadala mo yan. Remember bawal ka ma stress.”

Tumango na lang si Maya.

Kinausap naman ng tiyahin ni Tiffany ang mga police. Saka nagpaalam ang mga ito. Nasa kina Maya na raw ang desisyon kung magsasampa sila ng kaso laban kay Tiffany.

“Maya, don’t tell me di ka magsasampa ng kaso laban kay Tiffany. It’s so obvious na gusto ka niya patayin. Baka nga iyon dalawang unang insidente ay may kinalaman din siya eh.”

“Arthur, hassle pa kung magpa-file tayo ng kaso dito. Malalam pa ng media, mag li-link sa Pilipinas. Malalaman pa nila nandito ako. Kaka-email ko lang kina Mama na okay lang ako. Tapos meron silang ganitong mababalitaan. No, Arthur.”

“Then pag uwi mo nag Pilpinas doon ka mag file ng kaso. Hihingi tayo dito ng police copy para doon ka mag file.

“Pero….”

Nagtatalo sila ng bigla lumabas ang isang nurse mula sa toom ni Tiffany.

“Excuse me, the patient is awake already and she is looking for Ms. Maya dela Rosa?”

“That’s me.”

“Please go inside now.”

“I’m going with them. I won’t allow Maya to go inside alone.” sabi n Arthur sa nurse.

Walang nagawa ang nurse kung di pumayag. May cast lang sa paa si Tiffany at konting galos.

MAYA: Tiffany sabi noon nurse gusto mo raw ako maka usap.

Tiffany: Oo. Wala ka bang gustong itanong sa akin?

Maya: Tiffany bakit gusto mo ako patayin? Nasa iyo na nga si Richard di ba?”

TIFFANY: di pa iyon sapat na kabayaran sa ginawa mo sa akin. Sino ba yan nagproprotekta sa iyo at kahit Ilan beses ko na pinagtangkaan na patayin ka pero lagi ka pa rin nakakaligtas. Sa supermarket, sa Angkor’s Wat at ngayon. Ilan ba ang buhay mo?”

MAYA: ikaw lahat an may gawa noon? Pero bakit?”

Arthur: sinasabi ko na nga ba eh. Na hindi aksidente ang mga iyon eh, demonyo ka babae ka.

Maya: Arthur…please.

“TIFFANY: Oo, ako lahat. Sayang nga eh, kung napaaga ang dating ko dito sa Cambodia, sana sa hospital pa lang pinatay na kita at ng anak mo.” sabi ni Tiffany na nanlilisik ang mata.

MAYA: paano mo nalaman na nandito ako sa Cambodia.

TIFFANY: tanga mayaman ako kaya ko ipagawa ang gusto ko ipagawa. Pinahanap kita at dito ka nila nakita. At amin pa iyon supermarket na una kita pinagbalakan patayin. Kaya nga wala kayo nakita ebidensiya sa cctv dahil pinaalis ko ang cctv cam sa area iyon. Ang talino ko no. ”

“MAYA: pero bakit, nasa yo na si Richard. Masaya na kayo at kahit kelan di niya ako minahal. Iyon ang sabi niya sa video na pinadala mo sa kin before.”

TIFFANY: mabuti naman at alam mo pala iyon. Pero magkakaanak kayo, di niya iyon puedeng malaman at baka balikan ka at pag-aralan mahalin. Di ko mabibigyan ng anak si Richard. Kaya mabuti pang mawala na kayo ng tuluyan sa kanyang landas.

MAYA: wala naman ako balak ipaalam sa kanya may anak siya sa akin eh. Ayoko na kayo guluhin.

TIFFANY: Hindi ako naniniwala, alam ko pag uwi mo sa atin, maaari kang makipagkita ka sa kanya. Kaya mabuti pa magpakalayo-layo ka na. Kung gusto mo pang mabuhay kayo ng anak mo.

MAYA: what if ayoko, babalik ako ng Pilipinas after ng bakasyon ko dito. Nandito ka naman dahil magsasampa kami ng kaso laban sa yo.

TIFFANY: hahaha…bakit akala mo ba mabubulok ako dito? You are wrong Maya, maraming kilala ang papa ko dito. Kayang kaya niya ako palayain dito. At pag nangyari iyon, ikaw agad ang una ko hahanapin sa Pilpinas para patayn kasama yan anak mo. Di lang iyon, idadama ko pati magulang mo.”

MAYA: ano ang kasalanan ng magulang ko sa iyo para pati sila ay idamay mo sa kabaliwan mo.”

“TIFFANY: malaki ang kasalanan ng magulang mo sa akin. Lalo na ang ina mo.”

“MAYA: ang mama? Bakit?”

TIFFANY: dahil sa kanya, di kinaya mahalin ng papa ko ang mama ko. Bunga lang ako ng isang aksidente. Lasing si Papa at ang tanging naroon sa tabi niya ay ang mama. Tingin niya kay mama ay ang mama mo na tanging minahal ng papa ko hangga ngayon.”

MAYA: di yan totoo…

TIFFANY: mahal na mahal ng papa ang mama mo. Pero ang mama mo ang papa mo talaga ang mahal niya. Binasted niya si papa, si mama naman ay may lihim na pagtingin kay papa. Pero di siya nito pinapansin. Hangga meron nangyari sa kanila kaya napilitan pakasalan ni papa si mama. Ngunit kahit minsan di naging masaya ang buhay namin, sa labas oo akala mo ay perfect family kami pero sa loob ng bahay kanya kanya kami. Never ko naranasan na mahalin ng mga magulang ko. Kahit pa sabihin sunod ako sa layaw, pero never nila ako minahal. Kahit pa sabihin na magaling ako sa school. Di nila iyon na appreciate.”

MAYA: I’m sorry Tiffany pero di mo dapat sa akin ibunton ang galit at sama ng loob mo sa mga magulang mo. Bakit di mo sila kausapin.”

TIFFANY: kasalanan mo din, dahil mang-aagaw ka.

MAYA: wala ako inagaw sa yo.

TIFFANY: inagaw mo sa akin ang pagmamahal ng magulang ni Richard. Dati ako ang prinsesa nila. Pero noon dumating ka na di na nila ako pinapansin. Ikaw at ikaw na lang lagi ang iniisip nila. Kaya dapat mawala ka na sa buhay nila.

MAYA: Tiffany…

TIFFANY: kung babalik ka sa atin, pati magulang mo ipapatay ko lalo na ang ina mo. Isasama ko na rin sina tita at tito. Kaya mag-isip isip ka Maya. Kasalanan mo pag may nangyari sa kanila. Kungdi ko man sila mapatay, sisirain ko ang negosyo nila.

MAYA: you are sick Tiffany, you need a doctor. Baliw ka na.

TIFFANY: di ako baliw. Hahahaha

Maya: oo di ka baliw pero yan puso mo punong puno ng galit at sama ng loob. Kaya paano mo nasabi na. Mahal mo si Richard. Walang kakayahan magmahal ang katulad mo na puro galit ang nasa dibdib.

Tiffany: umalis ka dito sa harapan ako. Ayok kitang makita. I swear sa muli natin pagkikita, hind ka na talaga mabubuhay. Sisiguraduhin ko mamatay ka na. Layas….

Inilabas na n Arthur si Maya sa kuarto ni Tiffany. Nasa labas ang ttiyahin nito.

“Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal at ginawa ng pamangkin ko sa inyo. Totoo iyon sinabi niya sa inyo, never siyang minahal ng magulang niya. She never experience to be loved by her parents. Ang Tito Vicvic niya at ako lang ang nagpadama ng totoong pagmamahal sa kanya.” maluha-luhang sabi ng tiyahin ni Tiffany sa kanila.

“Doc. Kailangan ho nilang mag usap ng magulang niya and please patingnan ninyo na siya sa isang psychologist. She needs help.”

“Alam ko. Tinawagan ko na ang magulang niya at para papuntahin sila diro.”

“Doc, wala ho akong balak mag sampa ng demenda laban kay Tiffany. She needs helps.”

“Salamat Maya, napaka busilak ng puso mo. Ipagdadasal ko na sana ay magka-ayos kayo ni Richard.”

“Salamat po.”

“Alagaan mo yan mga babies mo ha.”

“I will… doc.”

Umalis na sina Maya sa hospital at umuwi na ng hotel para magpahinga.

“Ang lalim ata ng iniisip mo.”

“Arthur, samahan mo muna kaya ako sa pag uwi ko sa Pilipinas.”

“Bakit? Natatakot ka?”

“Hell no, samahan mo ako mag apply ng fiancee visa.”

“Fiancee visa?”

“Oo finacee visa para makasama mo na ako papuntang Switzerland.”

Naibuga ni Arthur ang iniinom niyang juice sa sinabi ni Maya. “Paki ulit nga ng sinabi mo. Nabingi ata ako eh.”

“Sabi ko mag-apply tayo ng fiancee visa going to Switzerland. Sasama ako sa yo doon. Ayoko muna pakita sa magulang ko o kay Richard. Baka mamaya ay totohanin ni Tiffany ang banta niya sa akin. Ayoko pati sila ay madamay sa kabaliwan ni Tiffany. Please….please…pumayag ka na.” sabi ni Maya with matching puppy eyes dito.

Nag isip muna si Arthur. “Ok fine…uuwi tayo ng Pilipina at mag-aapply ako ng fiancee visa para sa yo.”

“Thank you friendship. Love mo talaga ako.”

“Nambola pa ang isang ito. Huag mo nga ako yakapin, kinikilabutan ako eh.”

“Ang arte nito…ayaw mo noon matutiwa ang parents mo. Kasi mag-aasawa ka na.”

“Iyon nga ang ayaw ko eh. Naku Maya, huag na huag ka papayag na magpapakasal tayo ha. Isusumpa talaga kita.”

“Oo na….”

——–

Isang linggo lang ang itinagal nina Maya at Arthur sa Pilipinas. Sa loob ng isang linggo ko iyon. Di naglalabas si Maya. Tanging sa bahay lang siya ni Arthur tumigil, ang pag punta lang sa embassy ng Switzerland ang labas ni Maya.

Dahil maraming kakilala at connection si Arthur, madali na process an papales ni Maya. Kaya one week after ay lulan na sila ng eroplano magdadala sa kanila sa France saka Switzerland.

One thought on “Palusot 48

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s