Palusot 40

Palusot 40

Hindi mapakali si Maya habang hinihintay ang mga bista niya, andun siya sa gazebo ng mansyon nila.

Beep…beep…beep…

“Yan na sila. Galit kaya sla sa akin?” huminga ng malalim si Maya saka nagpaskil ng ngiti sa mga labi niya at hinintay dumating ang bisita niya.

“Iho, bakit dito kami dinala sa bahay nina Maya, akala ko ba may kakausap sa amin tungkol kay Maya?” sabi ni Don Roberto.

“Nandito po siya,..halina po kayo sa loob. Marahil ay kanina pa siyang naghihintay sa atin….”

Dinala ni Arthur ang mag-asawa sa gazebo. At ganun na lang ang pagkagulat noon dalawa sa nakita nila nakatayo sa gazebo.

“Maya? Is that really you?” tuwang-tueang sambit ng mama ni Richard at lumapit kay Maya at niyakap ito.

“What happen to you?” bakit bigla ka na lang naglaho. Alam na ba ng anak namin na naka balik ka na? Roberto tawagan mo dali si Richard.”

“Tita…”

“Anong tita? Mama at Papa pa rin ang itawag mo sa amin.

Natawa si Maya. Sige po. Ma, di pa ho alam ni Richard na nandito na ako. Di ko pa po ipinaaalam sa kanya. Pero ipaalam ko din po…Kaya huag ninyo po muna sabihin sa kanya ha. Ako na lang po.”

“Kamusta ka na iha…”

“Mabuti na ako Ma.”

“Ano ba kasi ang nangyari sa yo?”

Muling nag kuwento si Maya sa nangyari sa kanya 5 years ago. At tulad ng kanyang inaasahan, pagkagimbal din ang reaksyon una niya nakita sa mata ng magulang ni Richard.

“Oh Maya, anak, ok ka na ba talaga?”

“Opo, magagaling ang doctor sa Switzerland na tumingin sa akin. Pero under medicatins pa po ako for a year. Then babalik po ako sa Switzerland next year para da follow up check up ko po.”

“Dapat si Richard na ang kasama mo pag nagbalik ka doon. Though hanga ako sa kaibigan mo….isa siyang tunay na kaibigan….maasahan.”

“Tama po kayo..Ma, Pa..meron po sana ako gustong ipakilala sa inyo eh.”

“Ha sino?”

“Sandali lang po, tatawagin ko sila.”

Umalis sandali si Maya at pagbalik ay hawak hawak na nito sa magkabilan kamay ang kambal.

“Ma, Pa…ang mga apo ninyo. Si Dominic Richie at Dominique Ricci po. Kids you grandparents. Baba’s parents.”

“Mano po wawa, mano po wowo….” sabay sabi noon kambal.

“Oh no! Sila ba iyin kinukuwento sa amin ni Richard na kinatutuwaan niyang mga bata sa shop mo.?”

“Halina nga kayong dalawa.” sabay hila sa mga kamay ng kambal.

“Ang guguwapo at gaganda ng mga apo ko.”

“Syempre lola maganda si mommy at guapo naman si Baba.”

“Alam na nila ang Baba nila ang tunay nilang daddy?”

“Opo kannang umaga lang nila nalaman ang identity ama nila but they really know na meron silang real father.”

“Maya, kelan m ba sasabihin sa anak namin ang tu gkol sa yo para naman mahiram namin itong mga apo namin.” nagingilid sa luha sabi ng ama ni Richard.

“Pa, bukas ang bahay namin anytime na gusto nnyo makasama ang apo ninyo. Gusto ninyo dito kayo matulog sa bahay para makasama ninyo sila ng matagal.”

“Aba hindi namin yan tatangihan. Gusto ko maka bonding ng matagal tagal ang mga apo ko.” sabi ni Esmeralda.

“Teka nasaan pala sina balae?”

“Na sa hongkong po. Pero babalik na rin po ang mga iyon bukas.”

“Wawa, wowo, come we will show you our room…”

“Sure mga apo ko”

Tinanaw ni Maya ang papalayong mga pigura,

“Happy now?”

“Yes and thanks to you….everything is fall into pieces.”

“No problem, what friends are for di ba?”

“Sana ganyan din kadaling mag explain kay Richard. Wala na maraming tanong….”

“Well kung masasabi mo sa kanya ng maayos at ma-explain mo sa kanya. Tiyak maiintindihan ka niya.”

“Be positvie and everything will be alright.” hinalikan muna ni Arthur si Maya sa ulo bago ito iniwan sa gazebo.

——

Sa mga nagdaan linggo, mas lalo pa napalapit ang mag-aama sa isa’t-isa. Minsan ay nahihiram niya ito kina Shiey at naipapasyal sa mga malls o amusement park. Ngayon naman ay dadalhin niya ang mga ito sa opisina niya. Tumawag kasi si Shiey sa kanya kung puede sa kanya muna ang kambal. Bigla kasi dumami ang orders nila at di nila ito masyadong maaasikaso.

Doon kasi nagpahatid ang kambal after ng class niya sa British School. Meron kasi silang uspan mamasyal mamayang hapon. Kaya ayun napaaga ang sundo niya sa kambal at dinala muna dito sa opisina niya.

“Boss kaninong anak ang mga yan?” tanong ng mga empleyado ni Richard.

“Hello po! Hi po!….sabi noon kambal.

“Anak ng isang kaibigan ko.”

“Baba ang laki naman ng office mo.”

“Baba ang tawag nila sa inyo boss?”

“Oo gusto nila eh. Kaya pumayag na lang ako.”

“Sabagay hawig naman ninyo iyon lalaki eh. Kaya parang anak na rin ninyo sila.”

“Kayo talaga..siya balik na sa trabaho. Kids let’s go sa office ko talaga.”

Nagulat ang kambal noon makapasok sila sa office ni Richard at makita ang picture ng mommy nila sa table ni Richard. Nagkatinginan silang magkapatid. Napansin iyon ni Richard.

“Siya si YAM ko. Siya iyon sinasabi kong girl na mahal na mahal ko.”

“Baba, what if makita mo ulti siya?” tanong ni Dominic

“Ano gagawin mo?”tanong ni Nique

“Tapos may babies na pala siya?” sabi pa ulit ni Nique.

“Magagalit ka ba sa kanya?” tanong ulit ni Dominic

“Hindi ko alam….siguro yayakapin ko muna siya nang mahigpit na mahigpit tapos hahalikan ko siya. Para malaman ko na totoo nga nasa harapan ko na siya. Saka ko naiisipin kung galit ba ako sa kanya o hindi.”

“At kung mau babies na naman siya. Masasaktan ako syempre. Kasi di pinagpalit niya ako sa iba.”

“What if babies ninyo palang dalawa iyon?”

“Syempre happy and sad ako. Happy kasi may anak na kami. Sad kasi di ko sila nakitang lumalik. Di ko sila naalagaan noon mga baby pa sila.”

“Ano po name niya?”

“Maya dela Rosa.”

“Nice name” saka ngumiti ang kambal

Naglaro na ulit ang dalawang bata sa computer ni Richard. Nang bigla may pumasok sa opisina ni Richard.

Nagkagulatan ang lahat….

“Ma, Pa..napadaan kayo?”

“Iho sinong mga batang yan….” tanong ni Esmeralda.

“Mga kaibigan ko po, inaanak nina Shiey at Jho. Dinala ko muna dito, madami kasing orders ang shop…baka di sila masyadong maalagaan doon. Wala pa naman ang yaya nila ngayon,”

“Hi kids….”

“Hello po.”

“Nick and Nique…this is my parents.”

“Hello po, Wawa and Wowo” sabay mano noon dalawa.

“Naku nakakatuwa naman ang mga batang ito. Pa kiss nga si Wawa sa inyo.”

Humalik naman sa pisngi ng kambal si Esmeralda at kinandong naman ni Roberto ang dalawa sa lap nito saka pinupog ng halik.

“Gusto ba ninyo ng pizza and ice cream? Halika kayo kain tayo…”

“Baba can we go with them?”

“Ma, Pa ingatan ninyo ang dalawang yan, isosoli ko pa sila mamaya.”

“Syempre naman iho, iingatan namin itong mga apo namin.”

“Ano sabi ninyo Ma?”

“Sabi ko iingatan ko ang mga ito.”

“Ah…”

“Ba-bye Baba, see you later. “Sabay halik sa magkabilang psingi ang kambal.

Tuwang-tuwa sumakay ng kotse ang maglolola at lolo.

“Wawa, you were surprise to see us here, ano po?”

“Oo, nagulat talaga ako.”

“Wawa, saan po tayo pupunta?” tanong naman ni Dominic.

“Sa mall na pag-aari ng Baba ninyo?”

“Meron mall si Baba?”

“Oo iyon AA Mall.” sabi ng Wowo nila

“Kay Baba po iyon?”

“Oo at pagdating ng araw sa inyo na iyon mall na iyon.” sabi naman ng Wawa nila.

Hindi nagtagal nakarating sila sa mall na pagaari ng Baba nila. Kumain muna sila ng pizza at ice cream. Saka sila namasyal at pinamili sila ng kung ano-ano ng lola at lola nila.

Pagkalipas ng isang oras ay bumalik na ang kambal sa opisina ni Richard na mga tulog.

“Pa, Ma, saan ba kayo nanggaling at ang tagal nnyo nawala. Di pa ninyo sinasagot ang tawag ko.”

“Huag ka nga diyan maingay at baka magising mo itong dalawang bata. Teka at ipapasok muna namin mga ito sa kuarto mo dito sa office. ” Pumasok si Esmeralda sa make shift room ni Richard kasunod ang dalawang bodyguard na buhat-buhat ang kambal.

Pagkayos sa kambal ay muling lumabas si Esmeralda. Siya naman pasok ni Roberto kasunod ang isang bodyguard, bitbit naman nito ang mga pinamili para sa kambal.

“Ma, Pa ano ang mga yan…tbaka magalit sa atin maglang ng mga batang yan. Kasi we are spoiling them with materail things.”

“Naku hindi magagalit ang mga iyin. Tuts me..”

“Bakit kilala ba ninyo ang magulang ng kambal?”

“Hindi?”

“Iyon naman pala eh…bakit ninyo nasabi ayos lang sa mga iyon?”

“Mother’s instinct… Siya hindi na rin kami magtatagal. Napagod din kami sa kakaikot sa mall mo.”

Napailing na lang si Richard. Kinuha ang celphine para matawagan si Shiey at sabihin malalate ang paghatid niya sa kambal dahil tulog na tulog ang mga ito.

“Richard, totoo ba iyin nadinig ko balita na magkakaroon ng Purpledish sa AA MALL”

“Ay di ko po alam Ma. Wala po kasing nababangit sa akin si Alex eh.”

“Ah ganun ba…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s