Palusot 38

Palusot 38

Sasagutin na ni Shiey si Richard ng bigla dumating ang asawa nitong si Jay-R.

“Oh pare nandito ka pala. Bati nito kay Richard saka hinalikan ang asawa nito sabay tanong “Ready na ba kayo? Tara na kanina pa text ng text ang anak mo.” sabi ni Jay-R.

“Oo, ready na kami.” sagot ni Shiey. “Chard regarding doon sa ta….”

“Next time na lang. Di naman iyin ganun ka importante eh. Sige aalis na ako.”

Umalis na nga si Richard. Doon lang naka hinga ang magkapatid.

“Whew…that was close ate. Buti na lang dumating ka agad kuya. Save by the bell kami ni Ate.” sabi ni Jho.

“Bakit?”

“Nakita kasi ni Richard iyon kambal ni Maya dito kanina. Di ba hindi niya alam na nandito na si Maya at may anak na.”

“Kelan ba balak magkuwento ni Maya tungkol sa nangyari sa kanya?”

“Ewan.” sagot ng magkapatid. “Halika na nga umuwi na tayo.” sabi ni Shiey.

——

Nasalubong ni Arthur ang ina ni Maya sa hallway.

“Iho, maraming salamat sa yo ha. Napakalaking nag utang na loob ng pamilya namin sa yo. Kung wala ka, maaring di na namin kasama ang anak namin at apo namin.”

“Wala po iyon Tita…. Kahit naman sino tiyak ganun ang gagawin nila kay Maya. Aalagaan ito. Alam na rin po ba ninyo ang totoo tungkol sa kambal ”

“Oo iho. Snabi na rin sa akin ni Maya. Basta maraming salamat sa yo. Sa lahat ng ginawa mong tulong sa anak at apo namin.”

“Tita nagkita kami ni Richard kanina sa shop.”

“Ha?”

“Opo naglaro pa nga sila ng mga bata eh at iba talaga ang lukso ng dugo. Malapit agad sila sa isa’t-isa.”

“Talaga….naaawa na nga ako sa isang iyon eh.”

“Alam ko po Tita, pero respetuhin na lang natin ang plano ni Maya. Kahit ako po gusto ko na silang magkita. Kaso alam ko magagalit sa akin si Maya pag ginawa ko iyom. Kanina nga ho, muntik na ako madulas kay Richard.”

“Ha bakit?”

“Kasi ho, pinakilala siya sa akin ng kambal. Nasabi ko kilala ko na siya. Kaya ayun nagtaka, buti na lang naisip ko agad na nababasa ko siya sa business section ng mga broadsheets. Ayun lusot ako.”

“Mabuti naman kung ganun.”

“Sasabihin mo ba sa kanya na nagkita kayo pati na rin ang kambal.”

“Opo. Kasi baka magkuwento ang mga bata eh. Isa pa alam ba ninyo ang tawag nila kay Richard ay Baba.”

“What?”

“Nagulat nga din ako eh. Noon habang pauwi kami dito, tinanong ko sla bakit Baba ang tawag nila kay Richard. Alam ba ninyo ang sagot noon dalawa?”

“Ano sabi nila?”

“Naaawa daw sila kay Richard kasi wala pa daw itong anak. Kasi iniwan ito ng girlfriend niya na hangga ngayon ay hinihintay pa din ni Richard ang pagbabalik.”

Napabuntong hininga ang ina ni Maya. “Hay, sana makapag decide na agad si Maya kung kelan siya makikipagkita dito.”

Dingdong….dingdong…..

“Sino kaya ang dumating.” sabi ni Teresita.

“Sige po tita puntahan ko muna si Maya. Tulog na naman po ang kambal eh.”

Papunta na si Arthur sa kuarto ni Maya nang madinig niya ang boses ng bagong dating.

“Good evening Mama…..”

“Richard!!!! Napalakas na sabi ni Tersita. Sinadya niya ito para madinig ni Arthur at masabihan agad si Maya. Buti na lang tulog ang kambal.

“Mama, bakit parang gulat na gulat kayo?”

“Kasi naman iho, iniisip kita. Dahil medyo natagalan ang pag isita mo dito sa amin.”

Napansin ni Teresita na palinga-linga si Richard sa 2nd fllor ng bahay nila.

“Hinahanap mo ba ang Ate Kris mo at an mga bata? Naku wala sila nasa America doon muna hangga Thanksgiving.”

“Ah kaya pala walang maingay ngayon dito sa nyo.”

“Oo nga eh. Kamusta ka na iho?”

“Ganun pa din po nangungulila….Ah Mama, meron po sana ako itatanong sa inyo eh. Sana huag po ninyo mamasamain ang itatanong ko.?”

Kahit kinakabahan ay di nagpahalata si Twresita. “Ano ba iyin iho?”

“Napansin ko ho kasi bukas ang ilaw sa Kuarto ni Maya.”

“Ah iyon ba? Bunuksan ko kasi ewan ko ba at bigla ko na miss iyin anak ko iyon. Kaya ayun tumigil muna ako sandali doon, naiwan ko palang bukas ang ilaw sa kuarto niya.”

“Akala ko kasi nagbalik na siya eh.”

“Naku iho sana magdilang Anghel ka. Kasimkung miss mo na siya, ano pa kaya kaming pamilya niya di ba?” nangingilid ang luha sabi ni Teresita.

Bigla naman inakap ni Richard ang ina ni Maya. “Mama, huag na po kayo umiyak. Sige po aalis na ako, dumaan lang naman po ako eh.”

“Dito ka na maghapunan. Sabayan mo kami ng papa mo.”

“Naku huag na po…hinihintay pa ako ng mga kaibigan ko sa bar.”

“Dapat na kumain ka nga mag-iinuma pala kayo eh.”

Hindi mapahindian ni Richard ang Mama ni Maya kaya pumayag na lang ito.

“Kelan ba ako nanalo sa nyo Mama?”

“That’s my son….Manang pakitawag mo nga si Sir mo. Sabihin mo kakain na kami.”

——

Sa kuarto ni Maya, hindi mapalagay si Maya. Paikot-ikot ito. “Puede ba maupo ka muna dito. Nahihilo na ako sa kakaikot mo eh.”

“Kasi naman, bakit ngayon pa niya naisipan dumalaw kina Mama eh.”

“Ayaw mo ba siyang babain at kausapin mo na. Forget your plan kung paano siya kakausapin.”

“Kilala mo ako, pag nasabi ko na iyin talaga ang ginagawa ko. Nasa baba pa kaya siya, gutom na ako. Gusto ko na kumain.”

“Wait mag iintercom ako kay Manang.”

“Iyan ang huag mong gagawin. Kasi malalaman niya may tao talaga dito sa kuarto ko.”

“Bakit may mga naka assign kasing tunog ang intercom dito sa bahay. Kaya pag pinindot mo ang kitchen o dining, mag-iilaw at tutunig iyin button na nagmumura sa kuarto ko.”

“Wow ang high-tech pala nitong bahay ninyo.”

“Siya ang nagpalagay niyan dito. Kaya alam na alam niya pag tumatawag
ay ako.”

“Well we have to wait. Kumain ka muna ng chocolates.”

“Ayoko baka tumaba ako bago ako makipagkita sa kanya.”

“So?”

“Baka ayawan na niya ako.”

“Impossible, mahal na mahal ka niya kaya. Wait til ang kambal ang mag kuwento sa iyo ng first meeting nila ng Baba nila.”

“Baba?”

“Yan ang tawag ng kambal kay Richard”

“Sino ang nagpatawag ng ganun? Si Richard?”

“Nope ang kambal mismo…”

Napatango na lang si Maya. “Ano kaya itsura nila kanina sa shop noh?”

“Bakit di mo tawagan ang mga kaibigan mo.”

“Ayoko mo muna mag tanong sa kanila hangga di ko sila nakaka-usap lahat.” Malungkot na sabi ni Maya ng bigla tumunog ang cp niya. “speaking of…..”

“Mareng Shiey bakit ka napatawag? May problem ba sa shop?”

“Wala…ayos lang sa shop. Kaya lang meron kang dapat malaman eh.”
Sabi ni Shiey sa kabilang linya.

“Ano iyon dapat ko malaman? Na nagkakilala ang mga anak ko at si Richard? Alam ko na iyon, sinabi sa akin ni Arthur.”

“Hindi iyon…?”

“Eh ano iyon?”

“Si Richard kasi nagtatanong kung sino ba daw sa kaibigan namin ang ina ng kambal.”

“What? Paano iyon nangyari? May sinabi ba kayo sa kanya?”

“Wala kaming sinabi sa kanya, ingat na ingat nga kami sa binibitawan namin salita eh.”

“Kung ganun bakit kaya niya iyon natanong?”

“Iyin din ang hindi namin alam. Mabuti nga dumaying agad si Jay-R kaya ayun di ko na nasagot at umalis na rin si Richard.”

“Mare, nandito si Richard, kumakain sa ibaba kasama nina Mama at Papa.”

“What? Nagkita na kayo?”

“No, nandito ako sa room ko.”

“Mag-usapa na kasi kayong dalawa. Nakaka-awa na kasi iyin tao eh,”

“Alam ko, huag kang mag-alalal malapit na malapit na kaming mag-usap.”

“Kelan nga iyon malapit na?”

“Basta…”

“Hay naku, bahala ka na sa desisyon. Nandito lang kami kapag kailang mo ng tulong.”

“I know, salamat ulit Mare.”

——–

“Ma, Pa, salamat po sa dinner.”

“Wala iyon iho, basta tatandaan mo,lagi kang welcome dito sa bahay namin.” sabay akap ni Teresita kay Richard.

“Salamat po.”

“Hamo iho, kapag may balita na kami kay Maya, ikaw agad ang unang makaka-alam. Alam mo naman ikaw ang gusto ko maging son-in-law. Pero iho, kung pagod ka na at may makilala ka iba, you are free to love her. Huag ka patali sa nakaraan.”

“Ma, noon nawala po ang anak ninyo, hindi na ho ulit ito tumibok para sa iba. Tumitibok langnito ngayon kasi buhay pa ako.”

Naakap na lang muli ni Teresita si Richard.

“Sige na po at baka dito pa tayo magkaiyakan. Aalis na po ako.”

——-

Medyo na kalma na si Maya. Kasalukuyan itong naka upo sa kama, nang mag salita muli si Arthur.

“Kamusta ang pakiramdam mo ngayon na sabi mo na kay Tita ang lihim mo?”

“I feel great, nabawasan ang mabigat kong dalahin dito sa dibdib ko. Si Mama na raw ang magsasabi kay Papa at Ate Kris ng lahat-lahat.”

“So anong next steps mo, tell the twins who there real father is?”

“Hindi muna baka kausapin ko muna ang mga kaibigan ko saka na ang kambal then Richard’s parents. Then si Richard na.”

“Hndi kaya magalit si Richard sa yo, dahil Parang pinag mukha mo siyang tanga sa lahat ng tao. Everybody knows your existance except for him?”

“Huag naman sana….just help me pray and help me to execute my plans na hindi pumalpak.”

“Ok, iyon naman ang papel ko sa yo di ba?”

“Ayaw mo noon, malapit ka na rin makalaya….”

“Hahahaha….”

“But I’m warning you Arthur, whatbis mine is mine…”

“Oo na…halika bumaba na tayo. Mukha naman naka-alis na anh prince charming mo eh.”

Tumayo na tin si Maya para bumaba. Nasa lubong nila sa may hagdanan si Manang.

“Manang kakain na ho kami. Sina Mama at Papa po?”

“Nasa library iha, meron silang seryosong pinag-uusapan eh. Iha mabuti na lang at ngayon ka lang bumaba. Kanina nandito ulit si Richard.”

Matipid na ngumiti si Maya kay Manang “oo nga ho eh.” at bumaba na ng hagdanan ang dalawa. Kasunod si Manang.

——-

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s