Palusot 32

Palusot 32

It’s Valentine’s Day…..

Napagkasunduan nina Richard at Maya na combine celebration na lang 4th anniversry nila at Valentine’s Day.

Maaga pa lang ay pumunta s Maya sa condo ni Richard. Gusto niya iting sorpresahin. Excited na rin siyang ibigay dito ang regalo niya. It’s been a week na siyang nagpipigil na sabihin kay Richard ang good news.

For her, today is the right time to say it…..nasa harapan na siya ng condo ni Richard, since may sarili siyan susi sa condo nito. Di na siya nag doorbell. Pero nagtataka siya dahil pagpasok pa lang niya sa condo ni Richard. Makalat ito, pati damit ni Richard ay nakakalat sa salas. Para siyang kinabahan bigla. Kaya dali-dali siyang nagtungo sa kuarto nito a ganun na lang ang pagka gimbal niya….

“Mga walanghiya kayo…wala kayo delikadesa….kelan pa ninyo ako niloloko…kelan pa….” sabay bato sa mga ito ng dala-dala niyang supot.

Nagising sina Richard at Tiffany na parehong walang saplot. Nagulat si Richard na makita niya si Tiffany sa kama niya at nagwawal si Maya.

“Maya, wala ako alam sa nangyari. Di ko alam kung bakit siya nasa kama ko. Please maniwa ka sa akin…”

“Sinungaling ka….kulang pa ba ako? Kaya naghanap ka ng iba? Wala na tayo, break na tayo. Ayoko na kitang makita….sabay takbo palabas ng condo ni Richard.

Nagsuot lang ng pantalon si Richard at hinabol nio si Maya.

Mabilis naka alis si Maya. Di siya sa bahay niya nag tuloy. Nag check in muna siya sa isang hotel. Doon muna siya magpapalipas ng sama ng loob. Pinatay niya ang celphone niya para di siya ma track down ni Richard.

Pinayapa niya ang sarili niya. Ayaw niya maapektuhan ang anak niya, “Anak sorry ha, nasasaktan kasi si mommy dahil sa ginawa ng daddy mo eh. Pero anak sorry ha, masakit ang ginawa ng daddy mo. Kaya makikipaghiwalay na ako sa kanya. Kakadiri siya…..”

Tanging si Tin-tin lang tinawagan niya sa mga kaibigan niya. Pinapunta niya ito sa hotel na kanyang tinutuluyan. Nagpabili din siya ng bago celphone at sim card.

Ding…dong…ding..dong…

Pagkapasok ni Tin..umiyak agad si Maya dito. Kinuwento niya kay Tin-tin ang kanyang nasaksihan. Tsinek-up na rin siya ni Tin-tin pati na rin ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

“Maya, huag ka na umiyak…makakasama sa anak mo yan. Alalahanin mo na crucial sa isang buntis ang first trimester.”

“Tin tulungan mo ako. Next week pumunta ka sa bahay tapos pumunta ka sa kuarto ko, sa drawer ko sa side table ko. Meron ako doon purple envelop. Kunin mo naman iyon please. Sa ngayon ayoko muna magpakita kahit kanina, kahit sa ibang kaibigan natin. Sa yo, kasi iikaw ang nakaka-alam ng tunay ko kalagayan ngayon. Hindi naman sila maghihinala na nagkikita tayo eh.”

“Eh ano sasabihin ko pag punta ko sa nyo?”

“Hanapin mo ako kunwari. Sabihin mo di mo ako macontact sa celphone. Na kalangan mo ulit hiramin iyon maleta na lagi mong hinihiram sa akin, kapag may pupuntahan kang conference. Alam naman iyon ni Manang eh.”

“Sige gagawin ko iyon , kung sasabihin mo sa akin kung ano ang plano mo.?”

Huminga muna si Maya saka nagsalita….”gusto ko muna mag -abraod at lumayo. Pag nandito ako di ako makakapag-isip ng derecho at matino.”

“Yan na ba talaga ang gusto mo?”

“Oo…buo na ang desisyon ko.”

Napabuntonghininga si Tin-tin

“Tin please promise me na hinding-hindi mo sasabihin kahit kanino kung nasaan ako at ang plano ko. Please mangako ka.”

“Ok I promise….”

“Thank you….

After two weeks, lumipad si Maya patungo Cambodia. Doon muna siya saka siya mag-iisip kung saan siya pupunta…..

——–

“Ma, Pa kahit alisan pa ninyo ako nag mana..itakwil hindi-hindi ko papakasalan ang babaeng yan. Si Maya lang ang mahal,ko at mamahalin ko. Hindi ako titigil sa kahahanap sa kanya. Alam ko makikita ko rin siya,”
Sabi ni Richard.

“But son, it’s been a month at wala tayong balita kay Maya. Kahit maglang niya at kaibigan walang alam kung nasaan siya.” sabi ng mama nito.

“Richard, buntis ang anak ko at ikaw ang tinuturing ama.”

“Kung buntis siya alam ko hindi yan sa akin. Alam ninyo kung bakit,kasi simula nang makila ko si Maya, never na tumayo ang alaga ko sa ibang babae. At alam iyan ng babaeng yan. Kasi ilan beses na niyang iyin napatunayan. Ilan beses na siyang naghubad sa harapan ko pero never ako na akit sa kanya. Never na tumayo ang male gender ko. Kahit hawakan pa niya ito. Kaya kung buntis ang babaeng yan hindi yan sa akin,”

“Sa yo ito….”

“Payag ka ba ipa DNA test natin yan bata paglabas?

“Para ano, anak mo ito.”

“Bakit ayaw mo. Kasi natatakot ka malaman ang totoo na hindi ako ang ama niyan. Na gusto mo lang ako pikutin. Ito ang tandaan mo, kahit pa mag eskandalo ka, mag demanda ka, sirain mo ako sa maraming tao, WALA ako paki-alam. Dahil wala na kuwenta ang buhay ko. Si Maya ang buhay ko….kung wala siya mabutin mamatay na lang ako o patayin na lang ninyo ako.”

Sabi ni Richard sabay alis ng bahay at pinaharurot ang motor na bigay ni Maya.

Iyak ng iyak si Tiffany. Hindi niya akalain na mas pipiliin pa ni Richard ang mamatay kesa pakasalan siya.

Naalala niya tuloy kung paano siya sinaktan ni Richard noon nahli sla ni Maya.

Flashback

Galit na pinuntahan siya ni Richard sa condo niya. Pagkapasok na pagkapasok nito ay sinampal agad siya nito. Hindi nito inisip na isa siyang babae.

“Hayup ka, anong ginagawa mo sa kama ko kanina. Bakit doon ka natulog. Pnatuloy kita dahil sabi m masama abg loob mo at kailangan mo ng kausap. Iyon pala ay masama kang balak sa akin. Kung di kang kasalanan pinatay na kita ngayon din.”

“Richard mahal na mahal kita. Kaya naman kita paligayahin at pasayahin tulad ni Maya.”

“Hindi kita kailangan sa buhay ko. Hindi ako magiging masaya sa buhay mo. Kasi hindi kita MAHAL di mo ba iyon naiintindihan?” hinawakan ni Richard si Tiffany sa balikat nito at sinabing pasigaw “H-I-N-D-I K-I-T-A M-A-H-A-L….” sabay balya dito saka tuloy tuloy na lumabas ng condo nito.

End of flashback

“Iha totoo ba ang sinasabi ng anak namin? Kasi kita mo naman determinado siya na kahit itakwil at alisan namin siya ng mana ay willing siya huag lang siya makasal sa yo.”

Iyak lang ng iyak ito.

“Kumare hindi kamimpapayag na maagrabiyado ang anak namin. Babae ang sa amin.” sabi ng ama ni Tiffany.

“Naiintindihan ko kayo….pero hindi namin hawak ang puso at isipan ng anak namin. Malaki na siya ay kaya na niyang mag desisyon para sa buhay niya.” sabi ng ama ni Richard.

“Hindi na kami magtatagal. Kumare sabi naman ng ina ni Tiffany, magbalitaan na lang tayo.”

Hinatid nila ng tanaw ang mga ito. Habang papa-alis ng bahay nila. Dahil kung sila ang tatanungin, mas gusto nila si Maya ang makatuluyan ng anak nila. Wala ng iba pa…dahil nakikita nila ang kaligayahan ng anak nila kay Maya.

Nitong nakaraan isang buwan, halos patayin ng anak nila ang paghahanap ka Maya. Wala na iting gana mag-ayos sa saril..lagi na lang lasing kung umuwi. Parang ayaw na mabuhay….di na nga ito pumapasok ng opisina.

Awang-awa na sila sa anak nila. “Maya anak, nasaan ka na ba. Bumalik ka na….maawa ka sa anak namin.” piping dasal ng ina ni Richard.

——-

Kahit magulang at kaibigan ni Maya ay walang alam kung nasaan ito. Minsan lang ito nagpadala ng email sa mga kaibigan. Pinagbilin lang nito sila muna ang bahala sa bakeshop nila. Pero hindi nito sinabi kun nasaan siya. Na huag sila mag-alala na ok lang siya at maayos. Na in due time ay magpaparamdam din siya. Pero di muna ngayon.

Ni respeto iyon ng mga kaibigan ni Maya. Hihintayin na lang nila ito makipag-usap sa kanila.

————

Sa Isla Fuego naglalagi si Richard….doon siya nag-iinom, nagpapakalasing……

“Maya….Maya….nasaan ka na ba….? Utang na loob bumalik ka na. Kailangang kita sa buhay ko. Ano pa ang silbi ng buhaynko kung wala ka rin naman. Mabuti pa siguro magpakamatay na lang ako….”

Akma maglalaslas ng pulso si Richard ng bigla…..

“Richard…..”

“Maya, nagbalik ka. Sabi ko na nga ba eh….babalikan mo ako. YAM, SORRY HINDI KO TALAGA ALAM KUNG BAKIT NANDUN ANG BABAENG IYON. MAYA IKAW LANG ANG MAHAL KO. MAHAL NA MAHAL, KITA…..”

Saka nahimatay si Richard……

“Paki tulungan naman ako manong na dalahin siya sa kuarto oh.”

Tinulungan nila ito madala sa kuarto nito.

Nagising si Richard dahil sa sinang ng araw….

“Maya….”

“‘Mabuti naman at gising ka na….”

“Ano naman ang ginagawa mo dito? Di ba sabi ko sa yo…wala ka maaasahan sa akin? Nasaan si Maya?

“Maya?”

“Nandito siya kagabi. Kaya nga di natuloy ang pagkakamatay ko eh”

“Ako iyon at hindi si Maya ang nakita mo. Akma maghihiwa ka na ng pulso noon makita kita.”

“Utang na loob umalis ka na Tiffany…..baka mamaya dumating si Maya at makita ka pa niya dito. At saka paano mo nalaman nandito ako. Si Maya lang ang nakaka-alam nito. Ito ang amin haven…kaya umalis ka dito. Ayoko malagyan ito ng masamang hangin. L-A-Y-A-S….” sigaw ni Richard dito.

“Tumatawag ako sa yo at ang katiwala mo ang sumagot kaya nalaman ko nandito ka. Nagpunta ako dito di dahil may masama akong plano sa yo. Gusto ko lang humingi ng tawad sa yo. Ngayon ko lang na realize ang mga kamalian na gawa ko sa inyo ni Maya.”

Humingi na rin ako ng tawad kina ninang at ninong. Huag ka mag-alala tutulong ako hanapin si Maya para makapag-paliwanag sa kanya. Na wala talagang nangyari sa atin noon nahuli niya tayo. Na hinubaran lang kita after kita patulungin. Na may pangpatulog ako hinalo sa inumin noon. Pangako hahanapin ko siya para ibalik sa yo. Sana mapatawad mo ako.”

“Saka ka na hmingi ng tawad sa akin kapa naibalik mo na si Maya sa aki….”

Umalis na si Tiffany pagkatapos humingi ng tawad kay Richard. Kahit di siya nito pinatawad, gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito.

Tnanaw ni Richard ang papaalis na si Tiffany….

“Maya…mahal ko nasaan ka na ba….? Bumalik ka na please…”

3 thoughts on “Palusot 32

  1. Kawawa nman si richard..kamusta na kaya si maya at anak nla..sno ang mkakita kaya kay maya..hai ms. Pipay thank you sa update..pero nbitin ako..next please kahit one chapter lang..thank you so much.whoah..!ganda ng 7 updates..

  2. Thank you so much for 7chapters…love it and I hope they will find Maya soon before he will kill himself…gonna be good when they see each other…hope the next chapter will be soon…you really love your Adiks fans…mwahugs😄😄😄

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s