Revenge or Love – Prologue

Revenge or Love

Prologue

Fort Bonifacio, 2008

Para kay Richard mas nanaisin pa niya kung nabaril siya dahil sa engkuwentro sa pakipaglaban sa Abu Sayaf.

Kesa sa nangyari sa ngayon sa kanya. Nawala ang lahat sa kanya, dangal at ang pangalan kanya iningatan. Ang pangarap niya maging isang magiting na Admiral ay nawala na. Hindi na siya ang pinagpipitagan si Lieutenant Senior Grade Richard Lim ng Phil Navy o Hukbing Pandagat, ang nirerespeto, ang hinahangaan, ang tinitingalang opisyal. Wala sa kanya ang lahat-lahat.

Isang kriminal na ang tingin sa kanya ng taong bayan. Isang taksil, magnanakaw. Gusto niya maghimagsik, pero ayaw niya bigyan kasiyahan ang tao gumawa nito sa kanya.

Kinutya siya ng mga taong bayan. Ang mga tao dating humahanga at tumitingala sa kanya. Pero ngayon siya ay binabatikos na ng mga ito. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Masakit para sa kanya na makusahan na isang magnanakaw at taksil sa bayan. Dadalahin niya ang kahihiyan iyon habang buhay.

Nasa loob siya ng session hall ng senado, habang isa-isa tinatanggal ang insigna niya, buttons, pins, medals at espada. Hinubaran siya lahat lahat. Inalisan siya ng dignidad.

Ng kaluluwa.

Nabalewala ang lahat ng pinaghirapan niya bilang isang navy personnel. Isa siya sa mga navy personnel na binuwis ang buhay para makapag rescued ng 50 katao noon panahon ng search and rescue operation para sa mga survivors ng lumubog na barko na M/V Princess Victoria sa kasagsagan ng bagyo noon 2004.

Meron din siyang limang taon karanasasan sa manitahan sa karagatan. Nakukususmahin mo ay mahigit sa 2,570 hrs and 57 mins na may laying 35,567.14 nautical miles. Sa panahon ang unit niya ang responsible sa paghuli ng mga smugglers, illegal loggers, human traffic / smugglers, mga illegal fisherman sa ilalim ng Maritime Law Enforcement operation na sinagawa sa iba’t-ibang lugar tulad ng Batanes, Ilocos,,Cagayan, Isabela, Zambales, Scarborough, Bicol, Palawan, Mindoro, Quezon, Romblon, Cebu, Ilo-ilo, Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Taw, Davao at Maguindanao.

Kasama din siya sa mga ilan naval operation para suportahan ang ground operation laban sa mga Abu Sayyaf and ilan lawless elements.

Madami na din siyang sinalihan at nilahukan iba’t-ibang navy exercise sa loob at labas ng bansa.

Recipient din siya ng iba’t-ibang awards. Ilan medalya, campaign ribbons at badges na rin ang naiparangal sa kanya.

Naging procurement officer din siya ng Philippines Navy, dahil isa siyang Engineering graduate ng PMA. Kasalukuyan nasa unang taon siya sa kursong Mechanical Engineering sa Ateneo noon naisipan niya mag-apply sa PMA. Dahil sa taglay na talino, nakapasa siya kaya sa PMA na niya ipinapatuloy ang kanyang kursong engineering, Dito nag enroll siya sa kursong Naval Science Enginnering. Iyon ang pinili niya dahil gusto niya maging isang Navy tulad ng ninong Charlie niya na isang retired US NAVY. Ito ang idol niya. Buti na lang at namayapa na ito.

Ngunit di niya sukat akalain na iyon programa ginawa niya pagbabago para sa Navy dahil nakalikom siya ng limang million piso pabor sa gobyerno ay ang maglalagay sa kanya sa kapahamakan, dahil lang sa isang ganid, corrupt at magnanakaw na navy officer. Nasagasaan niya ang mga katiwalian ginagawa nito. Kaya nagtanim ito ng galit sa kanya.

Dahil sa ginawa niya, gumawa ng maitim na hakbang ang senior officer niya laban sa kanya. Inutusan siya nito samahan ang ilan sundalo na maghahatid ng perang pangsahod sa katimugan. Lingid sa kaalaman ni Richard na tauhan ni Captain dela Rosa ang kanyang kasama. Nasa byahe sila noon bigla may humarang sa kanila sinasakyan. Kaya ang resulta ay na frame up si Richard sa kasong pagnananakw.

Ngayon nasa harap siya ng mga Senador at kakatapos lang litisin sa kanyang kaso. He endure all the humilation, pilit niya ini-ignore ang mga sinasabi ng mga tao sa gallery, dahil alam niya na maaalala niya iyon habang siya ay nabubuhay.

May dungis na ang kanyang pagkatao, habang buhay na siyang tatawagin magnanakw. Kahit hindi niya ito ginawa.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng session hall ng senado. Nakita niya ang tao siya talaga ang may sala…tinitigan niya ito ng mabuti, walang emosyon mababasa sa kanya mukhang, pero basang basa ni Captain dela Rosa ang mukha niya. Hinanap din niya sa gallery ang isang mukha, ngunit bigo siya makita ang mukha ng babaeng minsan niya inalok ng kasal – si Stephanie.

Alam naman niya hindi ito dadating eh, dahil di pa naman siya nahahatulan at kasalukuyan nakakulong palang siya sa Crame ay pinasoli na nito ang engagement ring na binigay niya. Hindi naman ito nagtanong kung totoo ba iyon binibintang sa kanya. Nagbabakasakali lang naman siya baka nagbago isip nito. Ngunit bigo siya, wala ito doon, sinuko na talaga nito. Ngayon lang niya napag isip-isip na di niya pala ito lubusan kilala at masakit iyon sa kanya.

Dahil matibay ang ebidensiya pinakita ni Captain dela Rosa nahatulan si Richard ng 10 taon pagkakabilanggo. Hindi nagpakita si Richard ng kahinayan sa mga tao nakasaksi sa paglilitis niya. Isang matatag n a Lt. Richard Lim ang nakatayo sa kanilang harapan. Ngunit sa isang tagong bahagi ng pagkatao niya ay sumuko na siya. Pero hindi niya iyon ipapahalata, kakayanin niya ang parusang pinataw sa kanya, dahil wala na rin siya magagawa kungdi kayanin ang lahat ng ito.

Gusto kalimutan ni Richard ang kanyang nakaraan, ngunti bigo siya dahil para ito telebisyon naglalaro sa imahinasyon niya. Noon panahon pareho pang nabubuhay ang mga magulang niya. Ang labis nakasiyahan binigay niya sa mga ito sa bawat tagumpay na nakakamit nita. Pasalamat na nga lang siya at wala ang mga ito ngayon. Dahil di niya kakayanin makita lumuluha ang mga ito, lalo na ang kanyang ina. Kaya niya tiisin ang lahat dahil isa siyang survivor, huag lang madadamay ang pamilya niya.

Kaya nagpapasalamat siya sa Diyos na kinuha na ang mga magulang niya bago pa naman pumutok ang kasong binibintang sa kanya.

Hindi hindi niya malilimutan ang mukha ni Captain dela Rosa. Alam nito na nabasa ni Captain dela Rosa ang mata niya na sisisngilin siya ito. Kaya dali-dali ito umalis sa session hall pagkatapos nito tumestigo laban sa kanya.

Nasa Camp Aguinaldo na si Richard, naka posas at naka sakay sa isang mobile patrol na may grills. Dadalhin na siya sa muntilupa. Doon siya ikukulong sa loob ng 10 taon.

Suot ang unipormeng pang preso, naka posas ang mga kamay at escort ng dalawang pulis. Naglalakad si Richard patungo sa kanya selda. At habang naglalakad siya ay sari-sari ang naririnig niya sa mga ibang presong nandun. Nagpupuyos ang kalooban niya, ngunit wala siyang magawa.

Habangbuhay na may batik ang kanyang pagkatao. Hindi na niya maibabalik ang dating sarili niya.

Nakuyom niya ang mga palad at pinangako sa sarili na paglabas niya ng bilangguan ay sisingilin niya si Captain Arturo dela Rosa. Pagbabayarin niya ito sa mga kasalanan niya. Gagawin niya ang lahat para ito naman ang makulong.

Ipapadama niya dito ang lahat ng sakit at kahihiyaan kanyang nadama.

Nakarating na siya sa selda niya. Mga politiko ang mga kasama niya dito.

“Lt. di kami naniniwala ikaw ang may gawa noon. Kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin. Marami pa rin ako galamay sa labas. Maari ko silang pakilusin para makakuha ka ng sapat na ebidensiya laban kay Captain dela Rosa.” sabi ni ex zsenador Cunanan.

Napatingin dito si Richard.

“Alam ko ang kalokohan ginagawa ni dela Rosa. Kaya kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang.” sabay tapik sa balikat nito.

Tumango lang si Richard. Mabait pa rin ang Diyos sa akin.

“Siyanga pala, Lt. meron anak na babae si dela Rosa siguro ay nasa early 20’s na iyon anak niya. Alam ko ay nasa poder iyon ng ina at di na nakita ni dela Rosa. Nakipaghiwalay kasi ang asawa ni dela Rosa sa kanya, dahil di nito maatim ang kalokohan ginagawa ng asawa niya.”

Napakunot ng noo si Richard sa sinabi nito. “Paano po ninyo nalaman ang mga yan senator.”

“Tawagin mo na lang ako Gil. Hindi na naman ako senador ngayon eh.”

“Tulad ng sabi ko sa yo, marami ako tauhan sa labas, mula noon pumutok yan kaso mo. Pina imbestigahan ko na si dela Rosa sa mga tauhan ko, kaya ayun naka-kalap ako ng impormasyon tungkol sa kanya, sabihan mo lang ako kung interesado ka at ibibigay ko sa yo.”

“Bakit ang bait ninyo sa akin? May kapalit ba ang ginagawa mong pagtulong sa akin?”

“Wala ako hinihingi kapalit mula sa iyo. Malaki lang tiwala ko sa yo at sayang kung sa isang selda ka lang mananatili. Ang mga katulad mo ang kailangan ng ating bansa.”

“Salamat ex-senator. Ipinapangako sa inyo na sa akin paglabas dito doon ako maniningil at pagbabayarin ang tunay na may sala.

**************

mas matimbang ba ang paghihiganti kesa pag-ibig.

Kaya bang buwagin ng tunay na pagmamahalan ang galit at paghihiganti?

Kaya bang magpatawad ni Richard?

Kaya ba niyang mahalin ang anak ng tao nagpahirap sa kanya?

Abangan sa Revenge or Love…..

A/N: Richard’s achievement as Navy officer is base on Antonio Trillanes achievement found in wikipedia…..

Am always fasinated to write a story about soldier as my heroine….

Hope you like guys….

One thought on “Revenge or Love – Prologue

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s