Revenge or Love 1

Revenge or Love

Chapter 1

Taiwan, 2013

Di mapigilan ni Maya di maiyak habang inaayos ang mga gamit ng kanyang ina at Papa Jiro niya. Di pa rin niya matanggap na wala na ang mga ito, na iniwan na siya ng mga ito.

Sa loob ng labing limang taon pagsasama nila ay naging mabuting ama ito sa kanya. Kaya masakit din para sa kanya ang pagkawala nito.

At sa halos 25 taon niya dito sa mundo, ngayon lang sila nagkawalay ng kanyang ina. Nasa sinapupunan pa lamang siya noon mamatay ang kanyang ama. Hindi na niya ito nakita kahit sa larawan man lang. Tanging ang apelyido na lang niya ang taglay na alaala nito sa kanya. Ginawa ng kanyang na ang lahat para mabigyan siya ng maginhawang buhay.

Sa kabutihang palad ay sinama silang mag-ina ng boss nitong Taiwanese sa Taiwan noon magbalik ito sa bansa nila. Pinagpatuloy ng kanyang ina ang pagiging executive assistant nito sa amo nito si Mr. Gao. Doon na rin siya sinilang.

Hindi lingid sa kaalaman ni Maya ang namumuong relasyon ng kanyang ina at ng Papa Jiro niya. Hindi naman siya tutol sa relasyon ng dalawa. Balo na si. Papa Jiro niya at ang ina naman niya ay matagal na din balo.

Tanggap ng pamilya Gao silang mag-ina. Kaya noon inalok ng kasal ng Papa Jiro ang ina niya ay ganun na lang ang tuwa ng mga ito. Sampung taon gulang siya noon nagpakasal ang mga ito. Legal na inampon siya ng Papa Jiro niya kaya napalitan ang apelyido niya ng Gao. Ayaw niya sana dahil iyon na lamang ang tanging alaala ng kanyang ama sa kanya. Ngunit hinding-hindi niya malilimutan ang salitang binitawan ng kanyang ina sa kanya.

FLASHBACK

“Pumayag ka na anak na maging Gao. Maniwala ka at sa hindi mas nanaisin mong maging Gao kesa apelyido dala-dala mo ngayon kapag……..”

Naputol ang sasabihin sana ni Teresita noon lumapit sa kanilang mag-ina si Jiro.

“Darling, let Maya decide on her own. She has her own mind to decide. Maya, sweetheart, it’s up to you if you want your surname to be change or not. But I will be very happy if you become a Gao, cause you are the daughter that I never had.” sabay halik sa noo niya bago ito umalis at iwan muli silang mag-ina.

“Mama, meron po ba kayong inililihim sa akin tungkol kay Dad?”

Naging mailap ang mga mata ni Teresita….wala anak. Sige iha mahuhuli pa kami ng Papa Jiro mo sa appointment namin sa doktor.

END OF FLASHBACK

“Ate,,you are crying again”, sabi ng anim na taon gulang na kapatid niya si Kristoffer inakap niya ito, I just miss our parents kiddo..”

“Ate they are both in heaven now watching us. Don’t cry na ate. Sige you will look very ugly.” sabi ni Kris habang pinapahiran ang kanyang mga luha.

Napangiti na lang siya. Kailangan niya magpakatatag sa kanya ibinilin ng kanyang ina ang kaisa-isa niyang kapatid bago ito malagutan ng hininga.

FLASHBACK

Alam ni Maya sa itsura ng kanya ina ay himdi na ito magtatagal. Hirap na hirap na ito magsalita.

Galing sa isang party ang kanyang mga magulang pati na rin ang mga parents ni Jiro noon maaksidente ang mga ito. Nahagip ng isang truck ang sasakyan nila. Tanging ang ina lang niya ang nakarating sa hospital ng may buhay pa. Ang talo ay pawang DOA na.

“Maya anak……”

“Ma, mapahinga ka muna at pagaling. Huag ka muna mag salita. Mahihirapan ka.”

“Anak, hindi na ako magtatagal alam ko. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Alagaan mo siyang mabuti, ganun din ikaw alagaan mo mabuti ang sarili mo.”

“Ma, naman eh, huag nga po kayong magsalita ng ganyan. Gagaling kayo.”

Umiling ang kanya ina. “Hindi na anak, hinihintay na ako ng Papa Jiro mo.”

“Ma…” magsasalita sana si Maya pero pinigilan ito ng kanyang ina….

“Ikaw na bahala sa lahat-lahat anak, magpakatatag ka. Ikaw na ang bahala magpatakbo ng negosyo iniwang ng Papa Jiro mo, sa inyo magkapatid iyon. Kaya sana ay pagingatan mo.”

Kahit hirap na magsalita ang ina nito, makikitaan mo pa rin ito ng katatagan. Para kay Maya ang kanyang ina ay isa sa mga nakilala niya may matatag na determinasyon. At sa nakikita niya ngayon itsura ng na, na unti-unti naghihina sa harapan niya. Pakiramdam niya ay hinihiwa ng matalas na kutsilyo ang puso niya.

Tinapat na siya ng doctor na isang milagro na lang ang puedeng magbuhay kay Teresita. Nagtamo ito ng internal bleeding at may broken ribs pa ito sa tindi ng impact ng bangga sa sasakyan nila. Mahal talaga ito ng Papa Jiro niya, kasi isa sa mga dahilan kung bakit buhay pa ito ngayon ay dahil niyakap ito ng Papa Jiro niya upang di masyado mapuruhan.

Napaiyak lalo si Maya sa sinabi ng doktor sa kanya. Hulong ng langit sa kanilang mag-ina ang pamilyang Gao.

Masurte kung aabutin pa ng isang araw na buhay ang kanyang ina. Kaya naman di na siya umalis sa tabi nito. Ipinagbilin na lang niya sa kapitbahay nilang si Nathan kung puedeng dalahin sa hospital si Kris para makasama rin nito kahit sandali ang kanilang na.

“Ma magpahinga na kayo. Kailangan ninyo yan.”

“Si Kris?” sabi nito habang hawak ang kamay niya.

“Sinabihan ko na po si Nathan na dalahin dito si Kris.”

Tumango ang kanyang ina saka ngumiti. “Mabait na bata yan si Nathan, kung kayo ang magkakatuluyan alam ko magiging masaya ka.” sabi nito habang marahan tinatapik-tapik ang kanyang kamay.

Ngumiti lang si Maya. Alam niya iyon, ngunit wala siyang makapang pagmamahal sa puso niya para kay Nathan. Kaibigan lang ang tingin niya dito. Ayaw niyang bigyan ng alahanin ang kanyang ina at masaktan ito kapag sinabi niya wala siyang pagtingin kay Nathan. Alam niya gusto nito si Nathan para sa kanya. Ngunit gagawin niya ang lahat, para lang mapanatag ito ay gagawin niya, kahit buhay pa niya. Napangiti siya noon makita niya nag relax ito. Alam niya di na rin ito magtatagal.

Ayaw ni Maya mag isip kung ano ang puedeng mangyari. Pinahid niya ang mga luha sa mga mata niya.

“Magpagaling ka Ma, di ba manonood pa tayo ng concert ng Fahrenheit?. Promise mo iyon sa akin di ba. Kaya Ma, pagaling ka ha.” nakangiting sabi ni Maya sa natutulog na ina. Nasa ganun siyang ayos noon dumating si Nathan kasama si Kris at ang tiyahin at pinsan niya sa side ng Papa Jiro niya.

Nagpapasalamat siya sa pamilya Gao na tinanggap sila. Dahil kung wala ang mga ito, ay sila na lamang talaga mag-ina ang laging magkasama at magkakampi. Wala silang kamag-anak na maaring takbuhan at hingian ng tulong.

Pagkakita niya sa nakakabatang kapatid ng Papa Jiro niya ay umakap agad siya dito. “Auntie Estela, grandpa, grandma and Papa they are all gone and looked at mom…. The doctor told me that she will not last longer. Auntie, what shall I do.”

“Ssshhhh, hush Maya, were here for you and Kris. We love you so much. We will help you to be strong.”

Nasa ganun silang tagpo ng bigla may humila sa laylayan ng suot niya blouse. Pagtingin niya ay ang anim na taon na kapatid niya si Kris.

“Ate, why Mama has plenty of bruises? Where is papa?” muling napaiyak si Maya. Wala pang alam ang kapatid niya sa totoong nangyari.

“Kris, baby….Papa, Grandma, and Grandpa…..they are all….” napaiyak na naman si Maya. Hindi niya masabi kay Kris. Naaawa siya dito, maliit pa ito para mangulila sa magulang.

“Let me handle this.” sabi ni Nathan kay Maya. “Hey Kiddo, come here, wanna some ice cream?”

“Yes…kuya.”

“Then let’s go.”

Hunatid niya ng tanaw sina Nathan at Kris. Naalala niya minsan sabi n kanyang ina sa kanya…pumili siya ng lalaking may dignidad tiyak na tatanda kayo nagmamahalan. Huag ka mag relay sa nararamdaman mo, utak ang paganahin mo.

Alam niya kung utak ang papairalin niya ay si Nathan na iyon. Ngunit matigas ang puso niya, dahil kahit ano sabi niya, emosyon pa rin ang kanyang pinaiiral. Kung ano pa rin ang tinitibok ng puso niya at sad to say di iyon si Natha,

Walang siyang nararamdaman kakaiba sa kahit sinong kagalang-galang na lalaki nakikilala niya bukod kay Nathan. Hindi niya maramdaman ang pagmamahal na nakikita niya sa mga magulang nila ni Kris. Her mom and Papa Jiro love each other so much at saksi siya sa pagmamahalan iyon. Na kahit matanda na ay damang dama mo pa rin ang pagmamahalan sa isa’t isa.

Kahit anong pilit ng kanya ina noon na pumili na siya sa kanyang mga manliligaw ay wala siyang mapili. She was a a typical homebody, she loves to read books, cooks and love writing love story. D naman siya ganun kagaling magsulat ng love story pero alam niya na may talent din siya kahit papaano sa pagsusulat.she lvoes to write stories of the prople she knew…masaya na siyang nabibigyan niya ng happy ending ang mga love story nila.

Pero sa ngayon ang kalagayan ng kanyang ina ang pinaka importante sa kanya. Hindi niya maisip ang buhay niya wala ito. Hindi lang ina ang kanya Mama sa kanya, bestfriend din niya ito at mentor sa lahat ng bagay. Hindi niya alam ang gagawin pag nawala ito, natatakot siya mag-isa. Kahit pa sabihin nandiyan ang mga kamag-anak ng Papa Jiro niya. Iba pa rin dahil di niya ito dugo at laman. Tangin si Kris lang ang kadugo niya. Oo nga minsan ay napipikon siya sa pagiging istrikto ng kanya ina sa kanya. Pero mahal niya ito at ramdam niya na mahal siya ng ina niya kaya ito ganun ka istrikoto sa kanya.

Paano na siya ngayon…..

Nasa ganun siyang pag iisip noon maramdaman niya gumalaw ang ina niya.

“Ma, ano po ang kailangan ninyo?” bulong nito sa ina.

Nagmulat ang mga mata ni Teresita. “Sana…

“Ano iyon Ma? Nandito na po si Kris, nakatulog lang po sa sofa. Sandali po gigisingin ko.”

Akma aalis si Maya para gisingin ang kapatid ng pigilan ito ng kanyang ina.

“Anak, patawad. Mag ingat ka sa pagpili ng mapapangasawa mo.”

Puno ng luha ang mga mata ni Tersita at masakit makita iyon ni Maya dahil ngayon lang niya ito nakitang umiyak ng ganun.

“Ma, ano po ibig ninyo sabihin? Masaya naman po kayo ni Papa Jiro ah. Mahal na mahal niya po kayo.”

“Alam ko anak at masaya ako sa kanya. Mahal na mahal ko din siya. Sana tulad niya ang mapili mo mapangasawa at di tulad ng…..” napapikit si Teresita dahil sa hirap niya paghinga…sanhi ng broken ribs niya….

“Katulad po ng tunay ko ama?”

Ngayon lang ulit nagtanong si Maya tungkol sa kanyang tunay na ama. Dahil noon bata pa siya iniisp niya masakit dito na alalahanin ang pagkamatay ng kanyang ama. Sabi lang kanyang ina noon na guapo ito at maraming babae ang nahuhumaling dito. Isa din daw ito honorable man.

Hindi sumagot si Tersita. Nanatiling tikom ang bibig nito. Nakita ni Maya na may gumuhit na sakit sa mukha nito. Napakagat ito ng labi.

“Maya, anak patawad…I’m so sorry….”

“Ma, wala kang kasalanan. Wala ka dapat ihingi ng tawad.”

“Ginawa ko lang ang alam ko tama, anak.” habang sinasabi ito ni Teresita at tinitingan niya ang kanyang anak., gusto niya maniwala ito sa sinabi niya.

“Oo naman Ma, lahat ng ginawa mo para sa akin ay tama.” hindi man maintindihan ni Maya ang sinasabi ng ina sa kanya. Pakiramdam niya ay iyon ang dapat niya isagot sa ikakapanatag nito.

Napasigaw si Tersita sa sakit. Kaya nagising si Kris at si Maya naman ay natataranta tumawag agad ng nurse.

“Anak, ginawa ko lang tama at makakabuti sa yo. Sabi ni Tersita kahit hirap na itong huminga.

“Ma, huag na kayo magsalita. Wala kayo kasalanan, naiintindihan ko kayo. Alam ko ginawa ninyo ang lahat para sa akin and I’m very grateful for that Ma.

“Mama, stoping crying.” sabi ni Kris na nakalapit na sa kanila.

“Kris baby, be a good boy to your Ate Maya, don’t be a hardhead boy. Always follow what your Ate said. Mama and Papa will be going somewhere. But we will be watching you.”

“Ma, please huag ka na magsalita ng ganyan. Makakaligtas ka.” sabi ni Maya umiiyak na rin.

Pumikit si Teresita,…..

“Mama” takot napasigaw si Maya…natatakot siya naiiwan na sila ng Mama nila. Nakahinga lamang si Maya noon nakita niya humihinga pa ito kahit hirap na.

Sa pagpikit ng mata ni Teresita ay nakita niya ang isamg guapo, charming and persuasive man. Napaka suerte niyang babae noon kabataan niya dahil siya ang nagustuhan at naibigan nito. Madaming babae ang naiinggit at gusto makipagpalit ng puwesto sa kanya. Lalo na noon inalok siya nito ng kasal.

Wala siyang kasing saya. Mahal nila ang isa’t-isa. Wala na siyang mahihiling pa, nasa kanya na ang lahat.

Ngunit di niya akalain na ang lahat ng iyon magiging isang pangit na panaginip. Si Arturo dela Rosa pala ay isang certified thief. Noon una, akala niya ay magaling lang talaga ang asawa niya kaya sobrang laki ang inuuwi nitong pera kesa totong sahod nito. Lagi nitong sinasabi na nabalatuhan siya ng boss niya, may binigay na bonus sa kanya, etc., etc. Lahat ng iyon ay pinaniwalaan niya.

Pero nadiskubre niya na may ginagawa itong anomalya. Naturang pa naman itong opisyal ng isang sangay ng Gobyerno ang Philippine Navy.

Noon nalaman niya ito ay kanya ito kinausap tungkol sa bagay na iyon at tinakot na iiwan siya kapag di siya nagbago. Na ayaw niya kumain ng galing sa nakaw ang pera.

Nangako ito magbabago ngunit panandalian lang ang gnawa nitong pagbabago at muling bumalik sa kanyang gawain. Di na kinaya ni Teresita ang lahat ng minsan makita niya ang isang bag sa ilalim ng kama nila at punong puno ng pera. Kakatapos lang noon ng balita ng isang nakawan sa bangko. Ayaw man niya isipin na sangkot ang asawa niya dito ay di niya kayang tanggapin na wala ito kinalaman doon.

Kaya nagdesisyon siya na hiwalayan na ito ng tuluyan. Ayaw pumayag ni Arturo. Ngunit tinakot niya ito, napag ginulo pa siya ay sasabihin niya ang katiwalian ginawa niya. Mahal pa rin niya ito, ngunit di kaya sikmurain ang ginagawa nito. Ipagsasa Diyos na lamang niya na magbago ito. Ayaw din naman niya danasin ng anak niya ang kahihiyaan kapag nalaman ng mga ito na may ama siya mangnanakaw.

Buntis si Teresita ngunit di niya sinabi kay Arturo na buntis siya. Hindi niya maatim na galing sa nakaw ang pera ipapakain at ibubuhay niya sa anak nila. Kaya niya mag tiis at kumayod para sa anak niya na mabigyan ito ng magandang kinabukasan.

Pumasok siya bilang isang exclusive assistant sa isang Taiwanese firm. Sinabi niya buntis siya at kailangan ng trabaho, para mabuhay ang kanyang anak. Na kakamamatay lang ng asawa niya.

Sa unang kita palang ni Jiro Gao kay Teresita ay may naramdaman na siyang kakaiba dito.sa tagal-tagal na panahon ay ngayon lang muli tumibok ang puso niya. Tinaggap niya ito bilang executive assistant niya at noon kinakailangan niyang bumalik siya ng Taiwan ay sinama niya ito.

Noon nagsimula magtanong si Maya tungkol sa tunay niya ama. Puro kasinungalingan ang sinabi ni Teresita dito. Ayaw kasi niyang madungisan ang pagkatao nito, na tanglay niya ang dugo ng isang magnanakaw. Kaya pinaniwala niya na isa itong kagalang-galang na lalaki noon nabubuhay pa ito, na isa itong mabuting tao. At kapag nagtatanong pa si Maya tungkol sa ama niya ay nanahimik na lang siya para di na madagdagan ang kasunangalingan niya.

Ngayon malapit na siyang lumisan sa mundo, natatakot siyang malaman ni Maya na buhay pa ang kanyang ama. Natatakot siya na puntahan nito ang ama sa Pilipinas. Hindi niya mapapayagan na gamitin ni Arturo ang anak niya sa kasamaan.

“Patawad anak sa paglilihim ko sa yo.” bulong ni Tersita sa sarili niya.

“Maya, anak itawag mo ako ng pari, gusto ko mangimpisal.”

“Ma……”

Tinapik nito ang mga kamay ni Maya.

Lingid sa kaalaman ni Maya ay tinago niya ang mga perang binigay sa kanya noon ng ama niya. Hindi niya ito ginalaw tinabi niya ito kasama ang ilan sulat ng ama niya nito sa kanya at ilan balita tungkol dito. Kahit nandito siya sa Taiwan ay nakikibalita pa rin siya tungkol dito. Si Arturo ang kahinaan niya. Kahit mahal niya si Jiro ay may tagong bahagi pa rin sa puso niya ang nakalaan para dito. Di nila alam kung nagbago na ito, ngunit sa loob ng limang taon ay wala siyang narinig na balita tungkol dito. Ang pinaka huling balita narinig niya dito ay limang taon na ang nakakaraan.

Noon tumestigo ito laban sa isang navy officer na napagbintangan nagnakaw ng payroll money. Alam niya na inosente ang navy oficer na si Richard zlim, na tiyak may kinalaman ang asawa niya sa nakawan iyon. Masakit pa rin sa kanya na sa tinagal na panahon ay hindi pa rin ito nagbabago.

Sana di ito makita mg kanyang anak. Sana noon pa niya ito tinapon. Dapat di na niya ito tinago, dapat noon pa niya ito sinunog, ngayon ay nagsisis siya.

Di nagtagal bumalik si Maya may kasamang pari. Lumabas muna siya ng silid ng ina at hinayaan makapag usap ito sa pari.

Di nagtagal ay lumabas na ang pari. Pumasok si Maya at lmapit muli sa ina.

“Anak paalam na. Ikaw na bahala kay Kris. mahal na mahal kita kayo. Tandaan mo, ginawa ko lang iyon para sa ikakabuti mo. Paalam anak.” pumikit na si Teresita at lumuwag ang pagkakahawak sa kamay niya.

“Ma……”

Dali-dali tinawag ni Maya ang doctor. Sinuri nito ang kanyang ina…..

“I’m sorry Maya, pero wala na ang mama mo.”

“Mamaaaaa”

End of Flashback

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s