Palusot 15

Palusto 15

Dinala ni Richard si Maya sa isang French Mediterrean Cruisine Resto na Beure Blanc sa Resort World.

“Nice place…..oh bakit salubong na naman yan kilay mo?”

“Kasi naman tingnan mo iyon mga ibang diners na lalaki, kasama na nga nila mga date nila kung makatingin pa sa yo wagas.”

“Well, wala ka magagawa maganda ang girlfriend mo eh.”

Napatawa si Richard sa sinabi n Maya. Tapos tiningan niya si Maya.

“What?” tanong ni Maya dito.

“Well, you are telling the truth. You are so beautiful tonight and I’m so lucky, I’m your date” sabay bigay dito ng smack kiss.

Kinapula naman ng mukha ni Maya ang gnawang iyon n Richard.

Masaya ang dinner nilang dalawa. Kung ano-ano ang napagkuwentuhan nilang dalawa. Sakto 8:00 PM sila umalis, malapit lang naman ang Beure Blanc sa Republiq.

Pagpasok nila, nakita agad ni Richard ang mga kaibigan niya, giniya niya si Maya sa mga ito.

“Pare late kayo dalawa ha. Saan pa kayo galing ha?”

“Nag dinner muna kami diyan sa Beure Blanc.”

“Ahh…..” sabay-sabay sabi ng mga kaibigan ni Richard.

“Guys, meet my ‘YAM’, Maya dela Rosa.”

“Honey, this is, Wilmer, Arman, Francis, Eufrey, Bryan. Wala pa sina Floyd at Dan eh. Sinundo pa ang mga girlfriend nila.

“Hi….nice to meet you all.

“Same here….sabay sabay sabi ng mga kaibigan ni Richard.”

“Akala ko kasama din natin ngayon ang mga kaibigan mo Maya?” Sabi naman ni Wilmer.

“Yeah, parating na sila. Nag convoy pa sila at dinaanan pa nina Bham iyon friend namin sa The Fort eh.” nakangiting sabi ni Maya kay Wilmer.

“Kaibigan mo si Bham?”

“Oo at nasabi na sa akin n Richard. Kaya lagot ka sa akin kapag niloko mo iyon friend ko,”

“Naku mas mabait kaya ako kesa diyan sa boyfriend mo noh.”

“Bakit? Maloko ba itong si Richard?”

“Naku kung gusto mo malaman ang kalokohan niting boyfriend mo. Labas tayo minsan at sasabihin ko sa yo ang lalaht-lahat.” sabi noon Bryan.

“Sira ulo ka talaga Bryan. Baka maniwala sa yo itong YAM ko. At alam ko yan style mo”, sabay akbay kay Maya ni Richard, ikaw ito dakilang playboy, chickboy. Gusto mo pa sulutin sa akin si YAM ko,” iritadong sabi ni Richard.

Tumingin naman si Maya dito, “bakit galit ka. Siguro totoo iyon sinasabi ni Bryan.”

“What mas naniniwala ka pa sa kanya?”

“Wala ako sinabi….”

“Maya, huag mo intndihin ito si Bryan, ito talaga ang pinaka chickboy namin.” sa akin ka sumama at ako ang magsasabi sa yo an mga kalokohan nitong kaibigan namin.” sabi naman noon Francis.

“Isa ka pa, ikaw ito sumusunod kay Bryan eh. Basta YAM, huag ka maniwala sa kanila. Goodboy ito boyfriend mo.”

“Alam mo, kung itong mga kaibigan mo eh mga mahilig sa mga babae, eh di ka na rin nalalayo sa kanila. Kaya mo nga sila naging kaibigan eh, kasi pare-pareho kayo ng gusto.” sabi ni Maya pero naka ngiti naman ito.

Nagkatawanan silang lahat ng bigla may dumating sa table nila. “Ehem….ehem….ehem…” napalingin si Maya sa likuran at nakita niya ang mga kaibigan niya.

“Ang tagal naman ninyo…..”

“Btw, Hon, these are my friends, Lechel, Mishee, Frida, Mhean. Kilala mo na naman sina Bham, Jaja at Kuya Ochel di ba?

“Hello, nice to meet you all. Eto naman ang mga kaibigan ko….Arman, Francis, Eufrey, Bryan at si Wilmer.

“Hello everyone….”

“So Richard, gaano mo kamahal itong kaibigan namin?” Tanong agad ni Mishee kay Richard pagka upo nito.

“Mahal na mahal.” sagot naman ni Richard.

“Alam mo na ba na topakin yan? Kaya mo bang sakyan ang topak niya sabi naman ni Jaja?

“Selosa yan?”

“Teka-teka kaibigan ko ba kayo, bakit puro nega yan mga sinasabi ninyo kay Richard.” protesta naman n Maya sa mga kaibigan niya.

“Tama lang iyon, para magkaalaman na. Aba kung hindi niya kaya tanggapin iyon. Mabuti pa ay hiwalayan ka na niya. Kasi di ka niya totoo mahal.” sabi naman ni Bham.

“Di ba tama ako, Wilmer right? Hirit pa n Bham.

“Ha? A eh o-oo.” sagot ni Wilmer. “Shit. Bakit bigla ako nag stummer.”

“May sinasabi ka ba?” tanong ulit ni Bham.

“Wala….”

Nagkatawanan silang lahat.

“Teka nasaan na sina Ellen at Avon? Akala ko ba kasama sila dito.?” tanong ni Maya sa mga kaibigan niya.

“Naku hinintay pa ang boyfriend nila.”

“Wait,” sabi ulit n Wilmer, “tama ba dinig namin na ang hinihintay ninyo pangkaibigan ay sina Ellen at Avon?”

“Oo, sagot naman ni Bham. Bakit?”

“Kasi iyon dalawang kaibigan namin wala pa dito ang pangalan ng gf’s nla ay Ellen at Avon.”

“Talaga?” sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ni Maya.

“Teka, Richard di ba sabi name nooon wala mo pang friend at Floyd at Dan.”

“OMG di kaya…..” sabay-sabay nilang sabi. At di nagtagal…

“Sorry we’re late…” sabi nna Floyd, Ellen, Avon and Dan…

“Sila nga…”sabi naman nila at nagkatawanan silang lahat.

“What a small world”. Sabi ni Eufrey.

“Oo nga eh at pag sinuwerte ang isa diyan eh maging apat na sa inyong magkakaibigan Maya na bf ang mga kaibigan namin, don’t worry mababait kami except kina Bryan at Francis.” sabi naman ni Arman,

Muling nagkatuwaan sila, “Pero teka bakit apat? Sino iyon isa pa?” tanong naman ni Jaja.

“Sweetie, may pagka chismosa ka pala.” biro naman ni Ochel kay Jaja.

“Bakit may reklamo ka?” balik na tanong ni Jaja kay Ochel.

“Wala naman ako masamang ibig sabihin noon eh. I’m just joking.” sabay akbay kay Jaja.

“Naks kuya, tupi ka pala kay Jaja eh.” biro ni Maya dito

“Sindakan lang yan girl”, bulong naman ni Mhean kay Maya.

“You gave me an idea. Hihihi….”

“So sino nga iyon isa pa….”

“It remains to be seen pa.” sagot naman ni Arman.

“Maya, sino pala iyon sinasabi mo Ipakikilala mo sa akin?” tanong ni Maya.

“Akala ko ba hindi ka interesado? ”

“May sinabi ba ako ganun, ang sabi ko kung guapo ba?”

“Ah, oo nga pala. Well, guapo siya pero mas guapo pa rin ang boyfriend ko,”

“Ayeeee….” tukso naman ng mga kaibigan nila.

“Actually, magkakilala kayo dalawa eh.” Sabi ni Maya. “di ba honey” sabay tingin kay Richard sa gilid niya, kasi naka sandal siya sa kay Richard na naka-akbay naman sa kanya.”

Nagulat si Richard sa tanong n Maya, kasi hinahalikan nito ang expose na balkat ni Maya. “Tumango lang ito at tinuloy ang ginagawang paghalik sa balikat ni Maya.

Nakikiliti si Maya sa ginagawa n Richard sa kanya. Pero kanya na lang ito hinayaan.

“Pare, baka naman maubos na ang balikat ni Maya. Sa ginagawa mong paghalik sa balikan niya,” biro naman ni Dan dito.

“Walang basagan ng trip…gusto mo gawin mo din sa girlfriend mo.”

“Tapos na kami diyan….” sagot naman n Dan.

“Aha, at saan na kayo naka abot n Avina?”

Namula ang mukha ni Avina dahil sa ginawang pagsagot ni Dan.

Masaya silang nagkukuwentuhan, nang bigla may seksi babae lumapit sa kanila at……”

“Richard darling…… it’s great to see you here. Wanna join me later sa condo.I’m free tonight…..” sabi noon malanding babae kay Richard.

“Ca-Camil-la….” nauutal naman sabi ni Richard at napalunok.

Nagsalubong ang kilay ni Maya sa nadinig. Natahimik naman ang lahat.

“Excuse me, can’t you see, He has a date and it’s me. Kung meron man siyang gustong samahan mamayang gabi, ako iyon. So back-off, bitch.”

Nanlilisik ang mata binalingan ni Camilla si Maya. “Sino ka at bakit ka nakikialam sa usapan namin ng baby ko.”

“What? Baby mo, gurang ka na pala para magka-anak na kasing tanda ni Richard. Does it mean, salamat sa doctor yan itsura mo ngayon o ilan balde ng fountain of youth ang naubos mo?”

“Grrrrrr….di pa tayo tapos.” nangigigil na umalis si Camilla sa table nila.”

“Grabe akala ko may gulo mangyayari kanina dito eh.”

“Of course not! I won’t stoop down to her level. At ikaw lalaki ka, care to explain to me, kung sino ang babaeng lintang iyon”

Pinagpapawisan na ng malapot si Richard. Kung nakakamatay ang tingin baka kanina pa siya namatay sa kinatatayuan niya. Bulong ni Richard sa sarili niya,

“Ako na ang sasagot,” sabi ni Floyd. “Camilla is the daughter ng isa namin client sa banko, malaki ang gusto niya kay Richard. Isa siyang spoil brat kid. Minsan pinag bigyan ni Richard ng date kasi ginamit niya ang parents niya. Malaking client namin sila, kaya ayun pinag bigyan n Richard. Kaso, inisip ni Camilla na may gusto rin sa kanya si Richard.” mahabang sabi n Floyd sa kanila.

“Pinatulan mo ba siya kahit ONS lang?”

“A big NO! Ano ako sira?” sagot ni Richard sa tanong ni Maya.

“Ok, close topic na siya….”

Muling silang nagkuwentuhan ng kung ano-ano….bukingan ng mga kalokohan nina Richard at Maya. Binuking sila ng mga kani-kanilang kaibigan.

Sakto 12 midnight sila nag uwian. “Bham, puede ba ako na ang maghatid sa yo. Kung walang magagalit.” sabi ni Wilmer.

“Walang magagalit diyan,” sagot naman ni Mishee. “Kami ang magagalit sa yo, kapag niloko mo ang kaibigan namin. At kasama na rin kayong tatlo doon.” sabi pa rin ni Mishee.

“Opo…” sagot naman nina Richard, Dan at Floyd.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s