Palusot 12

Palusot 12

“Maya, bilisan mo diyan nandito na sa baba si Richard. May lakad ata kayo dalawa eh….” sigaw ng Mama ni Maya.

“Coming Ma…” di nagtagal bumaba na si Maya.

“Hi sorry medyo na late ako.”

“It’s ok, worth a wait naman eh. You are beautiful as ever. This is for you.” sabay abot ng mga tulips bouquet.

“Hus, nambola ka pa, thank you for the flowers.”

“Tita, hiramin ko muna po si Maya.”

“Sige iho, pero saan ba ang lakad ninyo dalawa ngayon. Ang aga pa eh aalis na kayo. Out of town ba?”

“Wala po kami out of town. Gusto po kasi ni Maya, mag mall hopping kami.”

“Mall hopping?” napataas ang kilay na sabi ng mama ni Maya.

“Yes, Ma why po?”

“Iha di mo naman papagurin sa pag dra-drive itong si Richard. Ma traffic ngayon dahil malapit na ang pasko.”

“Meron naman po MRT eh.” Sagot ni Maya.

“MRT? Anak naman.” tapos tumingin ito kay Richard, “Iho huag mo nga sunduin ang kapritso nitong anak ko.”

“Ma….”

“Iho, sandali lang ha.” hinila nito si Maya malayo kay Richard para di nito madinig ang usapan nilan mag-ina. “Maya, hindi si Ochel yan kasama mo si Richard. Huag mo gawin sa kanya ang mga bagay na ginagawa ninyo dati ng kuya Ochel mo.”

Masama man makinig sa usapan di maiwasan ni Richard ang di makinig sa kung ano man ang pag-uusapan ng mag-ina. Kinakabahan kasi siya eh.

Nasaktan si Richard sa narinig niya. Kaya lumayo na siya at hndi na pinakinggan ang sagot ni Maya. Naupo na lang siya muli sa sofa.

“Ma….alam ko po iyon. Magkaibang-magkaiba silang dalawa. At saka po, am over kuya Ochel. I guess 10 years being apart from each other help me alot to get him over. May nararamdaman ako kay Richard. I’m doing this kasi I want to test him, kung gaano siya ka patience sa akin. Kung kakayanin ba niya ang topak ko. Malay ninyo pakitang tao lang ang lahat kasi nanliligaw siya. Di ba mas maganda habang maaga malaman ko na. Para naman alam ko kung hahayaan ko ang puso ko na mahulog sa kanya ng tuluyan o hindi.”

“Sabagay may punto ka diyan. Sige umalis na kayo para di kayo ma trapik sa daan.”

“Thanks Ma.”

Bumalik ang mag-ina na naka ngiti.”

“Let’s go.” sabi ni Maya.

“Tita alis po muna kami.”

Tumango ang ina ni Maya. Humalik naman pareho sina Maya at Richard kay Teresita.

It’s been two weeks simula noon nanligaw si Richard kay Maya at exclusively dating na sila. Nasa kotse na sila noon medyo napansin ni Maya na tahimik si Richard. Di iyon katulad ng dati na bubbly ito kapag magkasama sila.

“Hey, may problema ba? Ok lang naman sa akin kung di mo trip ang mag mall hopping eh. We can go na lang sa isa sa mall. Let say sa Shangrila.”

“Walang problema.” sabay pa start ng kotse. Pero hinawakan ni Maya ang kamay ni Richard…

“Hindi ako naniniwala. Siguro naman kahit papaano ay medyo kilala na kita. Alam ko pagtahimik ka meron ka malalim na iniisip. Ano iyon, spill it out.”

“Ba’t ba ang kulit mo ha…” nakatawa sabi ni Richard. Pilit niya tinatago ang totoo salobin niya. “Halika na, so sa Greenbelt muna tayo. Doon na rin tayo mag park.”

“Ano nga sabi eh.”

“Wala nga…iniisip ko lang kung ano ang IT natin for the day. Iniisip ko sa GB muna tayo, then Landmark then Glorietta. Saka tayo sumakay ng MRT, baba sa Shaw blvd para Shang naman tayo, then Megamall, Podium, Galleria. Then Taxi tayo pa Gateway. After Gateway, Trinoma, The Block at SM North. Then pag may oras pa, pagbalik natin sa Rockwell tayo. From Rockwell taxi tayo para G para kunin ang kotse then The Fort tayo then Newport and lastly MOA?” naka ngiti sabi ni Richard kay Maya.

Nanlaki ang mata ni Maya sa sinabi ni Richard. “Are you serious pupuntahan natin lahat ang mga yan.?”

“Oo iyon ang gusto mo di ba. Basta for my YAM gagawin ko. ” So shall we go. Malapit na mag 10, mag-oopen na ang mga malls.” tanong ni Richard.

“Are you sure kaya natin puntahan ang lahat ng mga yan.”

“Oo masaya nga iyon eh, pag may nakita tayo maganda bilihin, we will buy. Kung saan man mall tayo abutin ng gutom doon tayo kakain. Masaya ito, kakaibang adventure.”

“Sige bahala ka, pero di ba manonood pa tayo ng movie.” sabi n Maya.

“Meron naman LFS eh, eh di doon tayo manood, kung di pa tayo pagod.”

“Ok sinabi mo yan ha. Halika na nagmakarami tayo.”

“Makarami?”

“Makaraming malls na pupuntahan.”

“Ah…akala ko kung saan tayo makakarami eh.”

“Bakit ano ba iniisip mo?”

“Makarami sa paggawa ng babies.”

“Richard Lim, napaka pervert mo. Hind pa nga kita sinasagot ang dumi-dumi na nag iniisip mo. Yan ba ang balak mo gawin sa akin?”

“Of course not, I respect you. Di ko gagawin ang isang bagay na wala ka consent.”

“Mabuti naman.”

Di nagtagal ay nasa Greenbelt na sila. Ikot-ikot sila sa mga boutique doon. Nasa loob sila ng isang boutique, ng marinig ni Maya ang usapan ng dalawa babae nasa loob din ng boutique. Ikinainis iyon ni Maya, kasi halos lahat ng babae ay tumitingi kay Richard.

Girl 1: friend ang guapo noon guy oh.

Girl 2: oo nga noh. Pero kasama ata ang girlfriend niya eh.

Girl 1: hmm, malay mo naman, di niya yan girlfriend, baka kapatid o pinsan.

Sa inis ni Maya, kinuha ni Maya ang kamay ni Richard and entwined it with her hands at dinikit pa ang katawan nito kay Richard. Nagulat si Richard sa ginawa ni Maya. Ngumit lang ito sa kanya, Tuwang-tuwa si Richard sa ginawa ni Maya sa kanya.

Girl 2: sabi sa yo girlfriend niya iyon kasama eh.

Girl 1: hmm, tara na nga.

Napangiti si Maya. Sorry na kayo Richard Lim is my YM. Bulong ni Maya sa isipan niya, nagulat na lang si Maya noon bigla nagsalita si Richard.

“Why?”

“Alis na tayo dito. Punta na tayo sa Landmark.”

“Wait, babayaran ko lang ito binili natin. Sigurado ka ba gusto mo na umalis dito? Di pa natin naiikot ang ibang boutique dito ah, wala ka ba nagustuhan bilihin, YAM?”

Umiling lang si Maya. “Tara na sabi eh.” sabay pout n lips.

“Sabi sa yo huag ka mag pout ng lips eh.”

“Sorry nalimutan ko.”

“Next time na nag-pout ka, hahalikan na kita agad.”

“In your dreams, Mr. Lim.” sabay talikod dito.

“Hahaha”

Nakapagpataba sa puso ni Maya ang tawa ni Richard. She finds it too sexy.

“Sir, ang sweet naman ninyo sa girlfriend mo.” sabi noon saleslady.

“Syempre, mahal ko yan eh, I will spoil her sa lahat ng gusto niya.” sabi ni Richard sa saleslady. Ngumiti rin siya at umalis na,

Napangiti naman si Maya sa sinabi ni Richard.

“Let’s go YAM.”

Tumango lang si Maya. Kinuha ni Richard ang kamay ni Maya and entwined it with him. Di nagreklamo si Maya sa ginawa iyon ni Richard. Infact, gusto nga iyon eh, para ipakita sa mga tao na taken na si Richard. Kaya mamatay sila sa inggit.

Naglalakad sila papunta na ng Landmark, ganun pa rin ang mga tao nasasalubong nila. Lalo na ang mga babae, lagi tumitingin kay Richard. Gusong-gusto na n Maya dukutin ang mga mata ng mga ito, di pa nila nakikita na may ka holding hands na nga. Tumitingin pa rin.

Kung naiinis si Maya, ganun din si Richard kasi halos lahat ng lalaki ay naka tingin kay Maya. Lalo pa at naka short lang ito ngayon. Napahigpit tuloy ang hawak nito sa kamay ni Maya.

“Bakit?”

Hindi nagsalita si Richard, binilisan na lang nito ang paglalakad. At noon nakarating sila sa Landmark. Tinanong agad ni Richard kung saan ang ladies section. Tinuro naman noon guard.

“Hey, bakit ka ba nagmamadali, ano gagawin natin sa ladies section?” takang tanong ni Maya.

“Bibili ka ng jeans at palitan mo yan suot mong short.”

“Ha? Bakit ano mali sa suot ko?”

“Kung gusto mag mall hopping tayo magpapalit ka ng jeans at di mag sho-short. Dami manyak kung makatingin sa legs mo. Nakita na nga nila magka holding hands tayo. Tumitingin pa rin sa yo.”

Napatawa naman si Maya. “May pagka possesive pala ang YM ko.” di mapigilan nasawalat ni Maya. Natigilan si Maya pero di siya nagpahalata kasi naman kilig siya sa sinabi ni Richard. Naiinis din ito, di lang pala siya, ito rin pala.

“What did you call me?”

“Call you? Wala naman ah.”

“Meron, I heard it. Ano meaning ng YM?”

“YM? Eh di Yahoo Messenger.”

“Patawa ang isa diyan di naman nakakatawa.”

“Halika na mamimili na ako ng jeans.” sabay hila dito ni Maya

Pero pinigilan siya ni Richard. “Not til you tell me, what YM is?” sabi ni Richard sabay ngiti kay Maya na nakakaloko.

“Mamaya na lang, promise.” sabay taas ng kanan kamay.

“Promise?” tanong ni Richard.

“Promise.” nakangiti sabi ni Maya.

OK, tara na sabay akbay kay Maya. Kinilig naman si Maya sa ginawa ni Richard. Di nagtagal nakabili din si Maya ng guess jeans, binayaran ito ni Richard. Humingi sila ng bagong stock Kasi nga gagamitin na agad ni Maya.

Paglabas ng fitting room ni Maya at nakita ni Richard.

“Much better kesa short na suot mo. Let’s go bayad na naman yan eh.

Napangiti na lang si Maya sa sinabi ni Richard eh. Di mapigilan ng saleslady na magkomento.

“Ma’am kakainggit kayo masyado protective ang boyfriend mo sa yo.”

“Ewan ko ba doon, ayos naman ang suot ko short eh. Ayaw niya,”

“Kasi naman po ma’am iyon mga lalaki di mapigilan tumingin sa inyo, ang ganda kasi nnyo eh. Bagay kayo ni sir.”

“Salamat.” at ngumiti dito at umalis na.

Papunta na sila ng Glorietta. Dahil doon na lang sla mag tatanghalian.

“Saan mo gusto kumain” tanong ni Richard.

“Sa Dads na lang.”

Waiting sila sa Dads. Nang bigla may tumawag sa kanilang dalawa. Naka-akbay pa rin si Richard kay Maya.

“Sir Richard…Maya? Sabay tingin sa naka-akbay na kamay ni Richard sa balikat ni Maya. Mas kinabig naman ni Richard si Maya palapit sa kanya,

“Alex/Oppa” sabay na sabi nina Richard at Maya.Ikinagulat nila pare-pareho ang pagkikita nilang tatlo.

Mas una nakabawi sa pagka gulat di Alex. “Dito rin kayo mag-la-lunch dalawa?”

“Oo, kaya lang waiting pa kami eh. Panglima pa daw kami.” sabi ni Maya.

“Sino kasama mo Alex?” tanong ni Richard dito.

“Parents ko po, Sir Richard.”

“Richard na lang Alex, wala naman tayo sa opisina eh.”

“Nandito sina Tito at Tita? Kelan sila dumating?”

“Kahapon lang. Halika tiyak matutuwa sina Aboji at Omma pagnakita ka.” sabay kuha sa kamay ni Maya

“Ehem…Maya is with me.”

“Ay sorry, Richard.”

“Sige Alex, susunod na kami ni Richard sa loob.”

Umalis na si Alex, saka bumaling si Maya kay Richard, “tara pasok na tayo.”

“I change my mind, ayoko na dito kumain. Sa iba na lang, kung di ka pa naman gutom eh.” nakakunot na sabi ni Richard sa kanya.

Napatingiti si Maya dito. Nagseselos ka ba kay Alex?” tanong ni Maya kay Richard sabay hawak sa braso nito. Naalis na kasi ang pakaka-akbay ni Richard kay Maya,

“Hindi bakit naman ako magseselos?”

“Wala natanong ko lang. Sige sa Dads mega na lang tayo kumain. Pa reserve na lang tayo ng table for two para di na tayo waiting pag dating natin ng mega,”

“Ok fine. Tatawag na ako sa Dads mega. May number ka ba nila.”

“Yap. 636-3785. Tamang-tama may bago nga pala sa mega ang Dads World Buffets.” excited na sabi ni Maya.

“Ok tatawag na ako.”

“Hmmm. Puede ba habang tumatawag ka eh, pumasok muna ako sa loob. Babati lang ako sa parents ni Alex.” sabi ni Maya. Nakahawak pa din sa braso ni Richard.

“No, tayong dalawa ang papasok at makikipag usap sa kanila. Tatawag lang ako.” matigas na sabi nito kay Maya.

“Ok, sinabi mo eh.

Hinintay ni Maya matapos makipag usap si Richard sa telepono. Saka niya ulit ito niyaya pumasok sa loob at para na rin sabihan ang receptionist na di na sla doon kakain.

“Di ka naman excited na makita ang parents ni Alex niyan?”

“Alam mo, tigilan mo na yan kakaselos mo, wala sa lugar. Gusto ko lang sila makita kasi matagal ko na sila di nakikita.”

“Sorry, I can’t help it.”

Napangiti na lang si Maya at hinaplos ang guapong mukha ni Richard. Sabay halik sa psingi nito. “Tara na.” sabay ngiti dito at tumalikod na siya. Kasi baka makita nito ang pamumula ng mukha niya.

Si Richard napatula sa ginawang iyon ni Maya. Naramdaman naman ni Maya, parang wala sa likod niya si Richard kaya tumingin ito sa likuran niya, at iyon nakita niya ito nakatulala pa din.

“Richard!”

Parang doon pa lang natauhan si Richard. “Coming” at humabol na kay Maya and entwined their hands together.

**************

2 thoughts on “Palusot 12

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s