Palusot 9

Palusot 9

“unedited”

“Maya”

“Richard”

Nakapamulsa si Richard noon tinawag niya si Maya. Napatiim bagang ito dahil may binulong si Ochel dito na ikinatawa ni Maya.

“Puntahan mo na ang isang iyon. Tingnan mo mukhang isang lovesick puppy ang itsura.” bulong ni Ochel kay Maya.

Natawa si Maya sa sinabi ni Ochel. “Sira ka talga.”

Binalingan ni aochel si Richard. “Pre…ikaw na muna ang bahala sa pumpkin ko ha.” saka ito bumaling kay Maya. “I’ll go ahead pumpkin sabi bigay ng smack dito.” ikinapula naman iyon ng mukha ni Maya. Hintay muna ito maka-alis si Ochel saka lumapit kay Richard.

“Anom ginagawa mo diyan sa labas. Di ka pumasok sa loob andun naman si Manang.” Hinawakan ni Maya ang kamay ni Richard. “Halika doon tayo sa loob mag usap.”

Nagpaakay naman si Richard. Dinala siya ni Maya sa gazebo. Pinuntahan naman sila doon ni Manang.

“Manang paki dalahan naman kami ni Richard dito ng dinner at citronella candle.”

Di nagtagal dumating isang kasambahay nila si Jellie may dala itong citronella candle. Pagkasindi ay umalis na ito. Kahimikan ang bumalot sa dalawa. Wala unang gusto magsalita. Hangga di na makatiis si Richard. Kaya he clear his throats and….

“Alam ko wala ako karapatan magtanong ng ganito. Pero di ko mapigilan ang sarili ko. Bakit?”

“Huh? Anong bakit?” balik na tanong ni Maya..

“Bakit ang dali mo siya napatawad. Ganun na lang ba iyon? Konting paliwanag lang. Ok na ulit ang lahat sa inyo? Muli mo siyang tatanggapin sa buhay at puso mo?”

Napangiti si Maya sa mga sinabi ni Richard. “Mabuti alam mo wala ka karapatan magtanong sa akin ng mga ganyan bagay. Afterall were just what? Mere acquaintance di ba? We cant even call oursleves friends. Kasi kakakilala pa lang natin. Pero di naman ako malditamg tao eh. Kaya sasagutin ko yan tanong mo. Bakit ko siya agad napatawad?”

“Oo”

“Kasi wala na puwang sa puso ko ang ano mang galit, hinanakit sa kanya. It’s been ten long years. Di ako ang tipo ng tao nagtatago ng grudge sa ibang tao nakasakitbsa akin. Siguro noon 1st two years noon sariwa pa sa puso ko ang galit at tampo sa kanya. Baka hindi ko agad siya mapatawad. Mas nanaig sa akin ang pananabik na makasama siyang muli, makakuwentuhan tulad ng dati namin ginagawa. Just like old times.”

“So kayo na ba ulit.”

“Bakit gusto mo malaman?”

“Para naman alam ko kung itutuloy ko pa ang balak ko.”

“Balak na ano?”

“Damn it Maya, alam ko alam mo ang gusto ko tukuyin o sabihin.”

“Bakit ka nagagalit diyan?”

“I’m sorry, nafru-frustrate lang ako, naiinggit, na i-insecure at higit sa lahat nagseselos.”

“Frustrate saan, na-iinggit at nagseselos kanino? Kay Ochel?

“Hindi lang kay Ochel pati na rin kay Alex?”

“Bakit?”

“Maya naman eh, ok fine. Gusto kita…unang kita ko palang sa yo sa bakeshop mo nagustuhan na kita. May kakaiba ako naramdaman dito.” Sabay turo sa puso niya. Kaya gumawa ako ng kung anu-anong palusot. Sadya ko iniwan ang ipad mini ko, planted ang pakikipag kita natin sa mom, safya ako pumunta sa bakeshop mo sa The Fort para makita ka at makasabay mag breakfast. Kaso pumalpak.”

Nakikinig lamang si Maya sa mga sinasabi ni Richrad.

“Alam mo ba super saya ko noon nag dinner tayo dito sa bahay mo. Ang saya-saya ko kasi pinag-luto mo ako. Pakiramdam ko meron ka rin nararamdaman para sa akin. Na maaring may gusto ka rin sa akin. Kaya kanina after sana ng breakfast natin sa bahay. Balak ko na magpaaalam sa yo kung puede ako manligaw sa yo. Pero may dumating na panira sa dapat ko sana gawin….”

“Maya, gusto ko lang naman sana bigyan mo ako ng chance na makilala natin ang isa’t-isa. Alam ko di hamak na mas lamang sila sa akin dahil kaibigan sila ng pamilya mo. Samantala ako, ilan araw pa lang tayo nagkakakilala.”

“Kaya ka ba na fru-frustrate kasi pinaghihinaan ka na ng loob dahil mas higit ko sila kilala sa yo. Na mas nakakalamang sila. Ano ibig sabihin? Sumusuko ka na?”

“Of course not bakit naman ako susuko. Lalaban ako kung may laban ba ako, Pero kung wala, bakit ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa isang tao ayaw naman sa akin. Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko, kung sa huli ay masasaktan din ako.”

Natatawa si Maya sa mga sinabi ni Richard.

“Pinagtatawanan mo ba ako?”

Napatigil sa pagsagot si Maya, kasi bigla dumating si Manang at isa pang kawaksi dala-dala ang dinner nila. Pagkahain ng dinner nila umalis na ang mga ito.

“Hindi naman sa pinagtatawanan kita. It’s just that ang isang Richard Lim anak ng isang bank magnate, ay madrama palang tao. Madaming kalokohan alam. Ganyan ba ang style mo sa lahat ng nililigawan mo? Madaming palusot?

Napakamot ng ulo si Richard. “Hindi naman. Kasi sa totoo lang hindi ako maruning manligaw eh. Kasi…”

“Kasi ikaw ang nililigawan, nilalapitan ng mga babae.”

“Parang ganun na nga.”

“Katulad ni Melanie?”

“Are jealous of her?”

“Huh? Why should I be?”

“Kasi may gusto ka rin sa akin.”

“Hahaha….pinatatawa mo ako. Pero honestly speaking, no di pa kami offficial ni Ochel. Do you think kung kami na…papatuluyin pa kita dito. Do you think papayag siya na iwan ako sa yo?”

“Kng hindi pa kayo bakit hinalikan ka niya sa lips?”

“Kasi po we used to it. 15 palang ako we always give each other a smack.”

“Napasimangot si Richard.”

“Bakit ikaw din naman ah, nakikipaghalikan sa di mo girlfrend.”

“Correction si Melanie ang humalik sa akin hindi ako.”

“Whatever, hinalikan mo din siya.”

“Bakit gusto mo ba halikan kita?”

“Of course not. You are not my boyfriend.”

“So ibig bang sabihin noon, puede ako manligaw sa yo. Na may chance ako sa iyo”

“Manligaw ka muna para malaman mo.”

“Ok…simula bgayon araw na ito, manliligaw na ako sa yo.”

“Sige simula bukas, tylungan mo si Manang mag-igib ngtubig, maglinis ng bahay, mag sibak ng kahoy…umakyat sa bubong namai.”

“What?”

“Oh di ba ganun ang ginagawa ng mga manliligaw?”

“Ganun ba ginawa nina Alex at Ochel sa yo?”

“Hindi…they just court me the normal way.”

“Oh bakit gusto mo gawin ko iyon sa iyo?”

“For a change.”

“Sige kung iyon ang paraan para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko sa yo. Gagawin ko.”

“No I’m just teasing you…..”

“Maya…..hindi pa naman tayo, ina-under mo na ako.”

“Hahaha….kumain na nga tayo at gutom na ako.”

After nila kumain ay nagkuwentuhan pa sila. Tulad ng dati mag-aalas dose na noon umalis si Richard.

“Goodnight, Maya. Thank you at pinayagan mo ako maligawan ka.” sabay halik sa psingi nito.

“Goodnight din….wala na palusot-lusot ha. Pati si tita dinadamay mi sa kalokohan mo eh.”

“Yes boss….”

Pag pasok ni Maya sa mansyon nila. Snalubong siya ni Manang.

“Si Joselito ba iyon naghatid sa yo kanina?”

“Opo Manang?”

“Nakabalik na pala siya dito. Alam ba ng mga magulang ninyo ang muli nnyo pagkikita?”

“Hindi po.”

“Iha di sa nakiki-alam ako ha. Pero mas maaga iwasan mo na si Joselito. Kay Richard o Alex ka na lang. Huag mo na muling hayaan mahulog ang puso mo kay Joselito. Baka masaktan ka lang muli.”

“Manang, ano po ang ibig ninyo sabihin? Hindi ko kayo maintindihan.”

“Wala ako sa posisyon magsabi sa yo. Hintayin mo na lang umuwi ang mga magulang mo at sila ang taningin mo. Matulog ka na at maaga ka pa bukas.”

Iniwan na ni Manang si Maya.

“Tinawagan niya si Joselito pero di ito sumagot. Baka tulog na ito, dumerecho na siya sa kuarto niya noon tumunog ang celphone niya.

“Hi Pumpkin, bakit ka tumawag? Naliligo kasi ako eh.”

“Alam na ba nina tita at tito na nagkta tayo today?”

Katahimikan…..di agad nakasagot si Ochel

“Tinatanong kita?”

Bumunyong hininga muna si Ochel saka sumagot. “yes”

“And?”

“They are angry….huag ko na raw guluhin ang buhay mo?”

“Bakit daw…iyan din sinabi sa akin ni Manang. Ano bang meron na di natin alam?”

“Di ko rin alam pumpkin eh. Matulog ka na at huag mo na lang muna isipin iyon. Ako na bahala tumuklas kung ano man iyon?”

“Then tell me kung ano iyon ha…”

“Yes…goodnight. Sleep well pumpkin.”

“goodnight too My Ken….”

Kakaktapos pa lang nilang mag usap ni Ochel ng mag ring muli ang telephone niya, Ang mama niya ang tumatawag….

“Uuwi na kami bukas and we will talk. Don’t ever try to see Joselito again.” iyon ang sinabi ng mama niya. Hindi na siya nito pinag salita dahil pinatayan na siya nito ng telepono.

Napa-isip si Maya sa kun ano ba talaga ang dahilan. Gang makatulog siya.

—————–

5 thoughts on “Palusot 9

  1. yun oh! mukhang mas may pag-asa na si Richard! hhmmm ano kaya prob ng parents ni Maya kay Ochel? Aabangan ko talag itoπŸ™‚ Thankie Ms. Pipay!

  2. Huwow bitin naman! So curious and as well excited kung ano ang sa likod ng tungkol kay Joselito! May double treat bah?πŸ˜‰

  3. wow! ang saya may bagong update na ulit…πŸ™‚ hmnnn isang malaking YES! for Richard… bakit kaya ayaw ng parents ni Maya kay Joselito? kaabang-abang…thank you Ms. Pipay sa update.πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s