Palusot 11

Last Update….dimkomalam kung kelan ang next Update ko…pag di ulit ako busy…

Palusot 11

“Sit down Maya, meron tayong maselang bagay na pag uusapan.” sabi ng papa niya.

Umupo si Maya sa isang sofa katabi si Ochel. Hinawakan ni Ochel ang kamay nito.

“Relax everything will be fine. Sa umpisa lang mahirap tanggapin but eventually natanggap ko na din.”

“Alam mo na?”

“Yes last night after we talk sa phone.”

“Maya iha, don’t get us wrong. Kung meron man ako gusto mapangasawa si Ochel ikaw iyon. Same thing with your parents towards kay Ochel. Pero ….

“Pero…ano po ang rason at ayaw ninyo sa relasyon namin. Bakit ninyo inilihim sa akin ang tunay na nangyari noon18th birthday ko. Bakit ninyo ako itinago o bakit ninyo kami pinaglalayo dalalwa.

“Kasi magkadugo kayo dalawa.” sabi naman ng mama niya.

“Magkadugo? Paano iyon nangyari….”

“Bago namatay ang papa….ang lolo ni Ochel. Pinatawag niya ang parents mo. Gusto niya daw maka usap ang mga ito. Wala siya sana balak ipag tapat pa ang katotohanan. Gusto niya dalahin hangga sa hukay ang lihim nila. Pero nalaman niya nagkakamabutihan kayo dalawa ni Ochel. Nabahala siya. Kaya ayun napilitan siya ipagtapat sa amin ang katotohanan na mag pinsan kayo dalawa ni Ochel.

“Mag-pinsan kami ni Ochel? Paano iyon nangyari?

“Sabay nag buntis noon sina Mama si Lola Ising ni Ochel at ang Mama Lola Conchita mo Maya. Noon pa man ay magkaibigan na ang 2 pamilya.

Nasa isang pagtitipon sila noon nag bigla sumakit pareho ang tiyan ng mga lola ninyo. Kambal ang anak ng lola ni Ochel isang lalaki at isang babae. Ngunit patay ang sanggol na babae inanak ng lola mo Maya. Noon panahon iyon naniniwala sila sa kasabihan malas kapag nagkaanak ng kambal ba di parehas ang gender. Its either na mamatay ang isa sa mga sanggol o ang isa sa mga magulang.”

Nagpatuloy sa pagkukuwento ang mama ni Richard.

“Buhay ang diwa ng lola ni Ochel noon nanganak…ngunit ang lola mo ay nawalan ng malay. Sabay sila nasa delivery room noon ng hospital na pag-aari nina Papa. Kaya narinig niya ang nangyari sa kaibigan niya, alam ng lola ni Ochel kung gaano hinintay ng mga lola at lolo mo ang magka-anak. Kaya inutusan niya ang nagpaanak sa kanya na pagpalitin ang dalawang sanggol. Ayaw pumayag noon docktora. Pero napilit na rin ito ng mama. Dahil ipinaliwanag nito na baka di rin palarin ang isa sa kambal o sa kanilang mag-asawa pag di pinaghiwalay ang kambal. Mas nanaisin pa niya isipin na patay talaga ang isa sa mga anak niya.”

“Kaya ayun inakala ng Lolo Simon mo ay anak niya talaga si Teresita. Mahal na mahal ng lola at lolo mo si Teresita. Spoiled si Teresita sa lola at lolo mo, saksi ako doon kasi lagi ako nasa kanila noon.

Ang lolo at lolo naman ni Rey noon ay sa Manila na nanirahan dahil nandoon ang negosyo nila. Nasa kolehiyo ba kami nina Teresita noon nakila ko si Rey at noon naging mag nobyo kami ng Tito Rey mo at nalaman ng Lola Ising ninyo na magkaibigan kami matalik ni Teresita ay tuwang tuwa siya. Lagi niya pinasasama si Tereista sa akin pag dadalaw sa kanila. Minsan nga nag seselos ako dahil mas magiliw si Mama kay Teresita. Ang tanging konsuelo ko lang ay hindi niya ninais na maging asawa ni Rey si Teresita. Iyon pala ay may dahilan siya.”

“Magkapatid si Mama at Tito Rey?”

“Paano ito nalaman ni Lolo Leonardo?”

“Bago namatay ang mama ang Lola Ising mo ay pinagtapat niya kay Papa ang totoo. Ngunit pinapangako ng mama si papa na huag na ipagtapat ang katotohanan. Na dadalhin niya ito sa hukay. Tutal naman daw ay patay na ang parents ni Teresita. Huag na daw guluhin pa ang buhay ng mga bata. Napapayag naman si Papa. Ngunit dahil nga sa nangyari sa inyo dalawa, napilitan si Papa na ipagtapat sa amin ang totoo.”

“Bata ka pa noon anak, 15. Kaya di naman masabi sa inyo dalawa ang totoo. Kaya nasipan na lang namin na ipadala sa ibang bansa si Ochel para mag aral dahil sa nalalapit na paghawak niya sa negosyo ng pamilya nila. Hangga’t maari ay iniwasan namin na makasama kayo o magkita man lang,”

“Kahit noon 18the birthday mo. Pinagbawalan na namin si Ochel na bumalik dito. Pero tumakas siya at tadhana na ang gumawa ng paran para di kayo magkita. Naaksidente siya, muntik na malumpo at nawalan ng memorya. Wala siya maalala. Kaya di kami masyado nahirapan sa kanya na huag ka alalahanin. Ikaw naman ay pinadala namin sa korea. Tutal gustong -gusto mo pumunta doon.”

“Kaya kahit noon nakaalala na si Ochel. Gumawa pa din kami ng paaran para di ka niya mahanap. Pati pangalan niya ay binago namin para kahit madinig mo nag uusap kami ng mama mo ay hindi mo iisipin na si Joselito iyon.

“Saan galing iyon Ochel na pangalan.”

“Iyon ang tawag sa kanya noon isang bata sa hospital noon naaksidente siya. Di niya mabigkas ang Joselito kaya umisip siya ng ibang pangalan na itatawag dito. Sa kalaunan ay tinawag na rin namin siya Ochel.” dagdag paliwanag ng ni Tita Flor,

Ang mama ni Maya ay iyak na lang ng iyak kaya si Tita Flor na lang niya ang nagpaliwanag ng lahat.

“Mag pinsan tayong dalawa?”

“Yes pumpkin..kaya di tayo puede dalawa. It will be an incest. Kaya pinagkatiwala na kita kay Richard. Sabi ko alagaan ka niya kasi kung hindi malalagot siya sa akin.”

“Ayun kaya pala malakas ang loob noon isang iyon, ay binenta mo na ako sa kanya.” sabay hampas dito ni Maya.

“If I know gustong-gusto mo naman.” sabi dito ni Ochel.

“Well, boto ako sa batang iyon kung siya ang makakatuluyan mo anak. Sabi naman ng papa niya.

“Anak sorry ha…..di ko agad nasabi sa yo ang totoo. Natakot kasi ako noon na baka mag rebelde ka eh.”

“Ma, I’m not like that, teka alam na ba ito ni Ate Kris?”

“Oo noon isang taon pa. Noon dumalaw tayo sa kanya.” sabi naman ng papa niya.

“Kung ganun kami lang ni Kuya Ochel ang huling naka-alam?” Kung di kami aksidente nangkita sa bahay nina Richard. May balak po ba kayo sabihin sa amin ang katotohanan o tutulad kayo kina lola na ililihim din ito sa amin?”

“What if, nagkita kami dalawa sa ibang lugaw. Nakalimot at nabuntis ako. Di ba nnyo iyon naisip?”

“Sasabihin naman talaga namin sa inyo eh. Hinihintay Lang naman makabalik ang magulang mo mula sa Korea. Kasi nga dito na mamalagi si Ochel. Di malayo na magkikita kayo muli. Kaya nga panay ang dalaw ko sa bakeshop mo nag aamoy-amoy ako kung naliligaw doon si Ochel noon. Buti na lang at hndi.”

“Sana mapatawad ninyo kami sa ginawa namin paglilihim sa nyo dalawa.” sabi ng mga oldies sa kanila.

“Wala naman tayo magagawa eh, nandiyan na yan eh di tanggapin na lang ng maluwag sa dibdib. Kung si Kuya Ochel nga tanggap na eh. Sino pa ako para tumutol di ba.”

“Di naman kami ni kuya Ochel nagkatuluyan, still isang pamilya pa rin tayo. Ang pinagtataka ko lang bakit alam ni Manang.”

“Kasi bago kami umalis ay piangtapat ko sa kanya at binilinan ko siya na in case na pupunta si Ochel sa atin ay huag sabihin sa yo.” sabi naman ng Mama ni Maya.

Napatango na lang si Maya.

“Ma, Pa, Tita, Tito, dun muna kami sa lanai ni pinsan ha.” sabi ni Ochel. Tumango naman ang kani-kanilang magulang,

“Pumpkin cuz, kung wala sa buhay mo o di mo nakilala si Richard… matatanggap mo ba ng maluwag sa dibdib ang nalaman mo?

“Ewan ko…di ko alam. Sa una siguro hindi pero eventually matatanggap ko din. Ikaw ba?”

“Hindi rin siguro sa una…pero ngayon ayos na ako lalo na at may nakita ako magandang chicks sa bakeshop mo.”

“Hmmm, at sino naman doon? Saan branch?”

“Sa may rockwell, Jacque ang name niya”

“Oh si Jaja, goodluck medyo mataray ang isang iyon. Tingnan ko lang kung tatalab ang karisma mo doon.”

“Ipakilala mo naman ako.”

“Sa isang kondisyon….”

“Sige…ano ba iyon kondisyon mo?”

“Ano ang sinabi mo kay Richard?”

“Sa amin na lang iyon usapan lalaki iyon e.”

“Eh di bahala ka manligaw mag isa kay Jaja.”

“Ok fine…sasabihin ko na.”

“Sasabihin din pala ang dami pang arte.”

“Halikan kita diyan eh.”

“Yuck kuya, incest iyon. Buti na lang talaga puro smack iyon mga kiss natin kung di kikilabutan ako.”

“Ang sabihin mo gusto mo si Richard ang unang kiss.”

“Teka nilalayo mo ang usapan eh…ano nga ang sinabi mo kay Richard.”

Kinuwento ni Ochel kay Maya ang pinag-usapan nila ni Richard kagabi,

“Kaya pala ganun na lang kakampante ang isang iyon kanina, at may pa YAM YAM pang nalalaman na tawag sa akin.

“Ano YAM? Ang cheesy niyan soon to be bf mo ha,,,.YAM ka niya? Ewww”

“Nakakasar ka, ang sweet nga niya eh…”You Are Mine,” oh di ba ang sweet niya.”

“Kilig ka naman diyan, mas maganda pa din ang pumpkin.”

“Ewan ko sa yo.”

“Ikaw ganun din ba ang tawag mo sa kanya.?”

“Hindi..iba pero di pa niya alam.”

“Ano?”

“At bakit ko naman sasabihin sa yo. Kung idaldal mo naman sa kanya. Huag na uy.”

“Promise hindi ko sasabihin sa kanya.”

“Wala…wala ako tawag sa kanya, diyan ka na nga matutulog na ako. Maaga pa ako bukas.”

Nadaanan niya ang mga oldies sa salas na nagkukuwentuhan.

“Goodnight po, maaga pa po kasi ako bukas. Pa, huag na po ninyo ako ihatid bukas, susunfuin po ako ni Richard dito.”

“Naks, pinsan dibdiban na ang panliliagaw sa yo ni Richard ah. Pahirapan mo. Huag ka muna bibigay.”

“Kung di mo sana sinabi sa kanya iyon mga sinabi mo eh di sana puede pa kitang pagpanggapin na karibal niya. Kaso di eh, ang daldal mo eh…”

“Sorry na..pero ha ilakad mo ako kay Jacque.”

“Pag-iisipan ko, goodnight cuz.”

Hinabol ito ni Ocehl gang sa kuarto nito at kinukulit kay Jacque.

Nakangiti naman naka tingin ang mga magulang nila. Masaya sila at natanggap ng maluwag sa dibdib ng dalawa ang rason kung bakit di sila puedeng maging sila,

Pasalamat din sila sa pagdating sa tamang oras ni Richard sa buhay ni Maya. Di na ito gaano nasaktan sa nalaman katotohanan. At si Ochel ayun at mukhang may bago na rin pag-ibig. All wells that ends well sa kanilang mag-anak. Sabi ni Teresita sa sarili niya na inihilig ang ulo sa balikat ng asawa niya.

************

4 thoughts on “Palusot 11

  1. What a surprise!! Double treat, ah di pala triple treat!!! Sana kahit busy ka magkaroon naman ng update kahit papano…..thanks Ms Pipay🙂

  2. Whoa!

    Ang cute lang ng asaran ng magpinsan😀 Guess the 10 year separation did its job kasi kung baga naka move on na yung dalawa kaya tanggap na nila agad ang revelation ng parents nila.

    Si Richard naman over confident. Ano kaya ang mangyayari sa panliligaw nya? May pag-asa ba?😉

    Next please!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s