Palusot 10

Palusot 10

“Manang inaantok pa ako. Madaling araw na halos ako nakatulog.” Sabay takip ng unan sa mukha.

Pero di pa rin tumitigil ang pangingiliti sa tenga niya. Kaya naiinis si Maya inalis unan sabay bangon at sisigawan sana si Manang…,

“Ma….ano ang ginagawa mo dito sa kuarto ko. Sino ang nagpapasok sa yo?”

“Si Manang. Kanina ka pa raw niya ginigisng. Kaso di ka daw magising. Kaya ayun sa akin ka na niya pinagising.”

“Ano naman ang ginagawa mo dito ang aga-aga pa.”

“Sinusundo ka….”

“At bakit?”

“Magsisimba tayo. It’s Sunday. Kaya bangon ka na, tapos after the mass may pupuntahan tayo.”

“Saan naman tayo pupunta?”

“Secret walang clue…”

“Ok fine. Babangon na ako at maliligo. Kaya puede lumabas ka na at sa baba mo na lang ako hintayin.”

“Ok…pero after ko makuha ang kiss ko.”

“Kiss mo? Eto gusto mo?” sabay amba ng kamao niya dito

“Sabi ko nga baba na ako. Sabay na tayo mag brakfast ha.”

Habang hinihintay ni Richard si Maya bumaba. Naalala na naman niya ang naging usapan nila ni Ochel. Di siya makapaniwala na ipinauubaya na nito si Maya sa kanya.

FLASHBACK

“Hello, pre pasensiya na alam ko gabi na. Pero puede ba kita makausap kahit sandali lang.” sabi ni Ochel sa kanya sa telepono.

“Sige hindi pa naman ako inanatok eh. Ano ba iyon?”

“It’s about Maya.”

Napahigpit ang hawak ni Richard sa celphone niya. “What about Maya, pagbabawalan mo ba ako manligaw o lumapit sa kanya? Sorry pare pero si Maya lang ang puede gumawa noon.”

“Hindi pare, mali ka. Sasabihin ko lang alagaan mo si Maya. Huag mo siya pababayaan. Kung mahal mo siya alagaan mo siya. Kasi si di ko na iyon puedeng gawin sa kanya eh. Ikaw na ang bahala sa kanya.”

“Ha? Bakit?”

“Malalaman mo din sa tamang panahon. Di pa alam ni Maya. Parating ang parents niya from Korea. They will tell her the fucking truth. Gusto ko ipasyal mo siya bukas. She loves amusement park. Ikaw na ang bahala kung saan mo gusto siyang dalahin. Pasayahin mo siya. Para pag nalaman niya ang katotohanan. Di siya gaano masaktan. Kasi nandiyan ka. Pero pare I’m warning you, pag sinaktan mo si Maya ako ang makakalaban. Mahal na mahal ko si Maya. Gusto ko ipaglaban kung ano meron kami pero hindi talaga puede eh.”

“Makaka-asa ka sa akin, pare. Hindi ko sasaktan si Maya. Mahal ko siya. Salamat pare ha. One down, one to go.”

“Ha ano ibig mong sabihin?”

“Si Alex na lang ang kalaban ko sa puso ni Maya.”

“Hahaha….”Slow ka rin pare eh….sa palagay mo kung may pag-asa si Alex kay Maya tatawagan kita at sa yo ipagbibilin si Maya. Syempre hindi at kay Alex ko siya ibibilin. Kaso alam ko KAPATID / KUYA lang ang pagtingin inuukol ni Maya kay Alex.”

“Totoo ba yan pare?”

“Oo naman.”

“Sige patatawarin kita sa pagtawag mo sa akin ng slow.”

“Salamat Richard. Sige matulog na tayo.”

“Pre nakakbakla ka naman.”

“Ano, tado ka ah.”

“Kasi naman pre sabi ‘Matulog na tayo'”

“Tado ka…sige na…”

END OF FLASHBACK

“Ano bakit ka natatawa diyan?”

“Wala meron lang ako naalala ”

“Halika breakfast na tayo.”

“Btw, mag dala ka ng extra clothes ha…”

“Ha? Bakit? Saan ba tayo pupunta after the mass?”

“Basta….mamaya mo na malalaman?”

“So hindi puede doon sa pupuntahan natin ang naka bestida?”

“Hindi naman…you just need an extra clothes. Sige na huag ka na magtanong. Halika na gutom na ako.”

“Good manang” sabay nila bati dito.

“Good morning din mga anak. Hala kain na kayo at baka mahuli pa kayo sa misa.”

“Manang paki handaan naman po naman si Maya ng extra complete clothes na pamalit.”

“Sige…ako na bahala doon. Pants ba o short?”

“Pants / shorts”

“No shorts, pants manang” sabi ni Richard

Tiningnan ni Maya si Richard” “Kelan pa kita binigyan ng karapatan mag desisyon para sa akin? Hindi porke pinayagan kita manligaw sa akin ay pakikialam mo na ang buhay ko. Gusto ko lang ipaalala sa yo ‘HINDI’ pa kita sinasagot.”

“Alam ko. Pero doon din naman tayo puunta eh.”

“Talaga lang ha. Di ka rin mayabang ano.?”

“Alalahanin mo nandiyan sina Alex at My Ken ko.”

Napaismis si Richard sa sinabi ni Maya. Pero eventually ay ngumiti na ang siya,

“Huag ka na magalit. Ayoko lang naman pag piyestahan ng mga lalaki ang legs mo doon sa pupuntahan natin eh.”

“Ok fine…”

Kumain na siya ng tahimik. Pagkain ay umalis na sila. Pagka simba ay binagtas na nila ang kahabaan ng SLEX.

“Sa inyo tayo pupunta sa AAV?”

“Nope….pupunta tayo sa EK?”

“What sa EK?”

“Ayaw mo?”

“No I love it…..puede gang gabi wait natin ang fireworks?”

“Your’re my Boss!”

“Thank you. Excited na ako.”

Since maaga pa naman ay dumaan muna sila sa Nuvali. Doon sila ng lunch at naglibot sandali. Bago nagtungo sa EK.

Tawa ng tawa si Maya kay Richard noon sumakay sila sa ‘EXTREME’ talaga napasigaw ito ng malakas.

“Hahaha….grabe ka naman sumigaw. Nadaig mo pa ako. Hahaha” sabi ni Maya kay Richard.

“Kasi naman pakiramdam ko naiwan iyon utak ko sa itaas noon bigla bumulusok pa ibababa. Pero enjoy siya. Ulitin natin mamaya bago tayo umuwi ha.”

“Oo ba…basta huag na sumgaw ulit ng ganun kalakas ha, kasi ikakaila kita kasama kita.”

“Ok lang ang dami kaya diyan mga chicks na nagaabangan lang na iwan mo ako para makalapit sila sa akin.”

Tinulak ito ni Maya. “Yabang” sabay iwan dito.

“YAM, wait for me.”

“Excuse me, I’m ‘NOT YAM’ baka isa mga babae mo iyon.”

“No ikaw si YAM. Hahaha.”

“Yam ya min mo yan mukha mo.”

“Hey, YAM means You Are Mine.”

Namula si Maya sa sinabi ni Richard. Kinilig siya sa tawag nito sa kanya. Pero di siya nagpahalata. “Excuse mo ako pag-aari.”

“Sa ngayon oo di pa pero dadating ang araw na sasagutin mo din ako kaya ngayon palang YAM na ang itatawag ko sa go.”

“Ang lakas din ng fighting spirit mo ha.”

“Ikaw ano tawag mo sa akin?”

“Wala”

“Wala? Bakit si Ochel tinawag mo My Ken at si Alex ay Oppa. Tapos sa akin ay wala.” Malungkot na sabi ni Richard.

“Sa wala ako maisip na itawag sa yo eh.”

“Basta pag isipan mo. Dapat may tawag ka din sa akin.”

“Corny mo, halika na nga….mag rio grande na tayo.”

Habang papunta sla sa Rio Grande, bigla may pumasok sa isipan ni Maya kung ano ang puede niya itawag kay Richard. Pero di muna nita sasabihin dito. Hahayaan muna niya ito manligaw sa kanya.

Kung hindi na talaga sila pupuede ni Ochel. Di na ganun kasakit sa kanya. After all its been 10 years bago ulit kami nagkita ni Ochel. Hindi naman panakip butas si Richard eh. Kasi may space na rin siya sa puso ko.

“Hey you’re spacing out.”

“Ha? Sorry may naisip lang ako.”

“Huag mo na pagkakaisipin kung ano ang itatawag mo sa akin. Malapit na tayo maka sakay. Sabi ko wala tayo kasamang iba sa bangka.”

“Bakit naman?”

“Gusto ko solo lang natin ang bangka eh.”

Umikot na lang ang mata ni Maya. Sabay bulong sa utak niya, whatever YM”

“May sinasabi ko?”

“Wala ha”

“Para kasi nadinig ko YM eh.”

“Ah kasi sabi ko mamaya mag YM nga pala kami ni Ochel. OO iyon nga kaya nasabi ko ang YM?” weeh muntik na ako dun ah.

“Ah ok…tara na eto na ang boat natin.”

Sumakay pa sila sa ibang rides, nagpa picture sa mascot ng EK, bumili ng couple shirt sa pamimilit ni Richard, kumain ng hotdog stick at ice cream at kung ano-ano pa puede nila makain.

“Grabe para ka naman bata kumain ng hotdog. Ang messy messy mo kumain.” sabi ni Maya kay Richard habang pinupunasan ng tissue ang paligid ng bibig nito at ilong nito na puno ng ketchup.

“Kaya nga ayaw ko kumain ng hotdog eh. Kasi nga tiyak magkakalat ako.” sabi nito.

“Eh bakit ka kumain?”

“Gusto mo eh. At natakam din kasi ako.”

“Yan malinis na huag ka nalang kasi amg ketchup.”

“Miss dapat kasi kiss mo na lang bf mo eh at ang dila mo ang pinaglinis mo sa ketchup sa bibig niya.”

“Ha eh…”sasagot sana si Maya kaso bgla sumingit si Richard.. Inakbayan pa nito si Maya.

“Naku mahiyain kasi itong girlfriend ko. Ayaw sa PDA kaya pinunasan na lang niya bibig ko. Di ba YAM?”

“YAM…stands for You Are Mine…..ang sweet naman ng tawagan ninyo” sabi noon tindera ng hotdog,

Umalis na sla sa harapan ng hotdog stand kasi pulang-pula na ang mukha ni Maya.

“You are more beautiful when blushing.”

“Ewan ko sa yo. Tara balik na tayo EXTREME…malapit na din ang fireworks….”

After the firewroks display…umalis na sila ng EK. Nag stop over na lang sila sa isang fastfood chain para sa light dinner nila saka bumalik ng Manila.

“Matulog ka muna. If you want. Gigisingin na lang kita pag malapit na tayo sa inyo.” sabi ni Richard.

“Richard, thank you. I really enjoy our Sunday.”

“Glad you enjoy our first official date.”

“Yeah First Official date.”

Dahil sa pagod nakatulog si Maya sa byahe. Ginising na lang ito ni Richard nioon malapit na sila sa mga ito.

“YAM, wake up nandito na tayo sa inyo.”

“Ha? Sorry nakatulog pala ako.”

“Ok lang…mabuti nga iyon at nakapahinga ka eh. Hey, may bisita ata kayo.”

“Ha? Sino kaya bisita namin.”

Bumama na sila nag sasakyan at habang naglalakad papasok ng bahay ay dinig nila ang tawanan ng mga tao sa loob ng bahay, Pagbukas ng pinto, pamilya nina Ochel at Ochel ang nandoon. Sa kabilang side naman ay ang parents niya.

“Papa…Mama….” sabay yakap sa mga ito.” Sorry po di ko alam na ngayon ang dating ninyo.”

“Hi Tita, Tito..good evening po.” nginitian naman niya si Ochel.

“Iha nakalimutan mo na ang kasama mo.” naka-ngiting sabi ng papa niya.

“Oh I’m sorry. Pa, Ma si Richard Lim po. Isang bagong kaibigan ko po.

“Magandang gabi po sa iyon Sir, !Ma’am, Tita, Tito and Pre.”

“Magandang gabi din sa iyo iho. Sabi ni Manang ay ipinasyal mo daw itong dalawa ko.” magiliw na sabi ng ina ni Maya kay Richard.

“Opo, nag punta po kami saEnchanted Kingdom.

“Richard Lim…..right?” sabi naman ng papa ni Maya.

“Yes sir”

“Any relation to Roberto Lim?”

“He is my father sir.”

“Send my regard to him. Kamusta kamo mula kay Arturo dela Rosa.”

“Makarating po sir. Sige po. Hindi na po ako magtatagal. Alam ko po sabik na kayo makasama si Maya.”

“Ayaw mo bang mag-stay muna Iho?”

“Sabi naman ni Tita Flor.”

“Huag na po…may mahalaga pa po ata kayo pag-uusapan.”

“Ihahatid ko lang po si Richard sa gate.”

“Sige iha…”sabi naman ng mga oldies.

“Good night. I will see you tomorrow again. Ako na ang susundo sa yo. Huag ka na mag drive o pasundo sa pinsan mo. Ako na official driver mo, same way din naman ang office natin dalawa eh.”

“Ha? Di ba nakakahiya?”

“Of course not…..”

“Ok then…you can pick up me at around 9AM”

“Bye and goodnight. Sabay halik sa pisngi ni Maya.

Pagkaalis ng kotse ni Richard. Pumasok na si Maya sa salas. Kinakabahan siya.

Sit down Maya…meron tayo pag uusapan maselang bagay…..

***************

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s