Palusot 6

Palusot 6

“I will pick you up 7:00 PM sa bahay ninyo o dito sa shop mo?” sabi ni Richard kay Maya.

“Hmmm, Isa bahay na lang.” sagot n Maya.

“Ok, see you then.”

“Yeah, see you then.”

Napansin ni Richard na nag-aayos ng gamit si Maya. Kaya…

“Are you leaving? Do you have a lunch meeting o lunch date?”

Napakunot si Maya sa tanong ni Richard at tinaasan ito ng kilay. Natawa ito…

“I have a lunch date with someone. Satisfied.?”

Hindi nagustuhan ni Richard ang sagot ni Maya pero wala siyang magawa. Kaya….

“Very well then, I’ll go ahead. I’ll just see you tonight.”

“Ok…bye and thanks for releasing my loan ASAP.”

“No problem.” tuluyan na lumabas si Richard ng opisina niyo.

Habang sakay ng kotse niya. Hindi maalis sa isipan ni Richard kung sino ang kasama ni Maya sa pananghalian. Parang may aspile tumusok sa puso niya kapag naiisip niya may kasama itong iba.

————–

Pumasok si Bham sa loob ng opisina ni Maya. “Ano nangyari kay Richard? Bakit malungkot na lumabas? Ano sinabi mo sa kanya? Hindi pa kayo ok dalawa? Ano bang pinag-awayan ninyo? Pero teka bakit masaya ka?

“Reporter lang ang peg teh? Ano ba yan pinagsasabi mo? To answer your question, as far as, I’m concern ok naman kami ni Richard at di kami magka-away. Saan mo naman nasagap na mag-kaaway kami?

“Kasi kanina noon dumating ka malungkot ka.”

“Malungkot? Kelan? At kung malungkot man ako si Richard na agad ang rason. Hindi ba puede baka puyat ako at masakit lang ang ulo ko.”

“Oo na exag na ako. Kasi bagay kayo dalawa eh. Pero bakit masaya ka at siya naman ay malungkot noon umalis. Baka may nasabi ka masama.”

“Haller bakit naman ako magsasalita ng di maganda sa kanya eh siya ang dahilan kaya ako masaya.”

“Eeeeeeeeeh” tili si Bham

“Bham ano ba bakit ka bigla tumili diyan?”

“Wala friend kinikilig lang ako sa inyo ni Richard. Sabi mo siya ang dahilan kaya masaya ka.”

“Oo, kasi po na appove na iyon loan ko sa AA&C bank.”

“Talaga? Paano?”

“Yan naman ang sunod-sunod mong tanong. Pag-aari ng pamiya ni Richard ang AA&C bank. Narinig niya ang usapan namin ni Jaja about doon sa nag CI. Ayun pinamadali niya ang releasing noon MC ko. Kaya ako masaya.”

“You mean siya si Richard Lim the son of the bank magnate na si Don Roberto Lim? Na kaya masaya ka kasi may pera na tayo at tinulungan ka ni Richard.”

“Yes to both of your question.” sagot ni Maya.

Bigla na lungkot si Bham. Asar akala ko pa naman eh man namamagitan na sa inyo dalawa.”

“Ano? Adik ka talaga. Noon isang araw lang kami magkakilala….tapos kami na agad. Ok ka lang?”

“Hoy! Teh, hindi na uso ang Maria Clara 4G na tayo ngayon. At hello 25 ka na….ilan taon na lang wala ka na sa kalendaryo.”

“Wow, nagsalita ang may boyfriend. Aalis muna ako. Mag dedeposit ako sa bangko. Then I have a lunch date with Bullet ipapakila niya daw sa akin iyon bago niya girlfriend. Pinsan kong iyon talaga napaka playboy.”

“Then mga what time ka babalik dito?”

“Hindi na ako babalik, bukas na. I need to beauty rest kasi may date ako mamaya gabi.”

“Date?”

“Yap….sabay palabas ng pintuan.”

“Sino naman ka date mo?”

“Si Richard.” Sabay takbo palabas ng shop niya. Dinig pa niya ang sigaw ni Bham sa kanya.” Tawa siya ng tawa…..naisahan niya kasi ang kaibigan niya.

Tulad ng hinala niya ayun tumatawag na sa cellphone niya.

“Bham, I can’t talk to you I’m driving. Hahaha.” napatawa siya sa sinabi ni Bham na may utang siya dito.

Nag park si Maya sa harapan ng bangko. Binati siya ng guard on duty. Na ginatihan din niya ng bati may ngiti. Saka siya nag derecho sa New Accounts.

“Good morning ma’am. My name is Joy. How can I help you?”

“Good morning, gusto ko sana mag-open ng account dito sa bank ninyo.”

“Ah ok po.” Kumuha si Joy ng signature card at pina-fill-up pan kay Maya.

“Ma’am magkano po ang idedeposit ninyo?”

“Kinuha ni Maya ang MC at inabot dito.”

“Ay ma’am bank din pala namin ang nag-isyu sa inyo ng MC ninyo.”

“Oo, na grant kasi iyon personal loan ko ng bangko ninyo. Kaya dapat lang na dito ako mag depost, di ba?

Habang pino-process iyon account ni Maya….hindi mapigilan ni Maya ilibot ang kanya paningin. Hoping na makita niya si Richard. Mukha naman nasa kanya ang suwerte kasi bigla lumabas si Fichard.

“Maya? Is that you? What are you doing here? Sana sumabay ka na sa akin.” naka ngiting sabi ni Richard.

“Hi! It’s alright. Nag-open ako nag account. Dito ko na dineposit iyon MC instead na sa existing bank ko.”

“I see…I thought you have a lunch date?”

“Yeah….after this doon na ako dederecho. For sure maiintindihan ako ni Bullet. Maghihintay iyon sa akin, kasi excited iyon ipakilala sa akin ang bago niya girlfriend.” naka ngiti sabi niya kay Richard.

“Oh….” parang nabunutan ng tinik si Richard

“Good afternoon po Director Lim.” Bati ni Joy dito saka humarap kay Maya. “Ma’am eto na po ang passbook and checkbook ninyo.”

Tumango lang si Richard dito, to acknowledge the greeting ng empleyado niya.

“Thank you.”

“It’s my pleasure ma’am.”

“Are you done?”

“I guess…. yes…”

“Welcome to AA&C bank. Hope you enjoy banking with us.”

“Thank you. Paano I go ahead na,”

“Bye….Maya. See you later.”

“Bye, yeah see you later.”

Umalis na siya. Samantala si Richard naman ay abot hangga tenga ang ngiti. Tinawag ni Richard ang bank manager niya.”

“Director Lim”

“Ms Zaraspe….magpa-order ka ng merienda sa Purplebutterfly bakeshop para sa inyong lahat. Sagot ko.”

Nagsigawan ang mga empleyado niya.

————–

Bago mag seven ay nasa mansion na niya Maya si Richard.

“Good evening po manang. Susunduin ko lang po si Maya.”

May halong pagtataka sa mukha ni Manang. Kaya medyo kinabahan si Richard.”

“May problema po ba Manang?”

Sasagot sana si Manang ng bigla lumabas si Maya.

“Manang si Richard na po ba yan?”

Nagulat si Richard ng hindi pa ito naka bihis. Naka pambahay lang ito na simpleng blouse at short.

“Hi, good evening….”

“Hi Richard, pasok ka…”

Pagpasok ni Richard, nakita niya naka-ayos ng dinng table at madaming pagkain nakahain sa mesa. Kaya hindi niya napigilan magtanong.

“May bisita ka dadating?”

Naka ngiting humarap si Maya kay Richard….”oo ikaw. I cooked for you. Naiisp ko mas masarap kung dito na lang tayo sa bahay. Atin pa ang oras mas ok pa ang food. Pero kung ayaw mo, just give me 30 mins and I will be ready.”

“No, this is all fine with me. You really cooked for me, huh?”

“Oo naman, just my simple way of saying thank you. Don’t worry wala yan lason. Sayang lahi mo kung mawawala ka agad sa mundo.” pabirong sabi ni Maya kay Richard.

“I’m flattered, this is the first time na may nagluto para sa akin.”

“Weh, nambola ka pa diyan. Wait lang I’ll change, amuy ulam na ako.”

“Iyon nga ang masarap eh…” bulong ni Richard.

“What? May sinasabi ka?”

“Wala sabi ko mukhang masarap iyon niluto mo.”

“Ah…..wait lang at kakain na tayo.”

Masayang nagkuwentuhan sina Maya at Richard habang kumakain silang dalawa. Dahil sarili nila ang oras di nila napansin na maghahating gabi na pala. Napasarap ang usapan nila. Andun sila sa gazebo at nagkakape.
Nang di maiwasan ni Maya mapahikab. Kaya napatingin si Richard sa relos niya.

“Kaya naman pala antok ka na eh, mag-aalos dose na nag gabi. Masyado tayo nalibang sa atin kuwentuhan.”

“Oo nga eh, di ko napansin ang oras.”

“I really had a great time. Ang sarap mong magluto. Grabe ang dami ko nakain.”

“I’m glad at nabusog ka.”

“Sige na….I’ll pick you up na lang the day after tomorrow para sa meeting ninyo ni Mama.”

“Ay oo nga pala sa Saturday na iyon,….sige pick me up here. Ready na ako before 9AM.”

“Bye Maya,” sabay halik sa pisngi nito. “Sweet dreams”

“Good night Richard.”

********************

One thought on “Palusot 6

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s