Palusot 5

Palusot 5

“Melanie…..” ang tanging nasabi ni Richard. Nagulat ito sa ginawang paghalik sa kanya ni Melanie. Naitulak agad niya ito. Kaso huli na nakita na ni Maya ang ginawa sa kanya ni Melanie. Sa inis naitulak niya si Melanie sabay sabi…

“Bakit mo iyon ginawa?” nanlilisik ang mga singkitin mata nito.

Nahintakutan si Melanie at umalis na lang sa tapat niya at nag order ng pagkain.

Hindi nagpahalata si Maya sa nakita niya. Hindi na rin niya pinansin si Richard. Hindi niya maintindihan kung bakit para naiiinis siya sa kanyang nakita.

“Mhean, aalis na ako. Ikaw na bahala dito at pag iisipan ko yan proposal mo. Teka whatntime pasok ni Frida? Bakit wala pa siya?”

“Nag-off today may aasikasuhin ata papeles.” sagot naman ni Maya.

Papaalis na si Maya ng bigla may humila sa braso niya.

“Maya…..”

“Oh, Mr. Lim, fancy seeing you here sa branch namin sa The Fort.”

“Dinala ko kasi sa Ford iyon kotse ko. Ikaw din, hindi ko alam na ngayon pala ang araw ng bisita mo dito sa store. ”

“Ah paano, I go ahead wala kasi ngayon si Jaja…wala kasama doon si Bham, mag-isa lang siya doon.”

“Ah ok….see around” hindi na rin nagtagal si Richard sa shop nina Maya at umalis na siya. Asar na asar siya kay Melanie kasi sinira nito ang plano niya. Dumerecho na lang siya sa opisina niya.

———-

“Bham nasa opisina lang ako pag may naghanap sa akin ha.”

“Okie doks. Pag si Richard ang naghanap sa yo, papasukin ko na lang diyan sa office mo ha.”

“hus, bakit naman ako hahanapin noon. I saw him sa The Fort store natin, may kasama girlfriend.”

“So that’s the reason kung bakit malamlam yan mata mo”

“Ha? Ano connect noon? Pagod at puyat lang ako. Absent ang isang baker ni Mhean kaya tumulong ako sa preparation sa kusina. Sige sa loob muna ako.”

Tumango na lang si Bham dito. Mamamaya pa ay nag ring ang celphone nito. Napangiti siya sa nakitang tumatawag sa kanya.”

“Bru, sino ba iyin babae kasama ni Richard?” taning agad ni Bham sa kausap.

“Sinong Richard at sinong babae. Puede paki explain?”

“Bakit ka ba tumawag, for sure may sasabihin ka sa akin about Maya.”

“Tama, meron kasi isang guy dito kanina, sabi noon mga tauhan ko, obvious na may hinihintay kasi oana ang tingin sa pintuan. Tapos may pumasok daw na magandang girl at lumapit dito sabay halik sa lips. Pero mukha hindi iyon ang hinihintay noon guy kasi nagalit daw ito noon halikan ningirl siya sa lips. Palabas naman kami ni Maya noon, kasi nga pabalik na siya diyan. Tapos bigla siya hinabol noon guy.” Mahabang paliwanag ni Mhean kay Bham.

“So ayun pala ang story behind. Well, si Richard iyin guy na humabol kay Maya. Bago niyang kakilala. Wala pa din kami masyadong alam about him, pero yesterday nag lunch sila kasama ang mom ni Richard.”

“Talaga….hindi kaya may gusto ang Richard ba yan kay Maya?”

“Malay natin….abangan ang mga susunod na kabanata.”

“Ay kinikilig ako friend. Can’t wait na i-chika yan kay Frida.”

“Teka asan iyon girl kanina…ayun naiwan sa store kasi nag-order pa siya. Si Richard pagka-alis ni Maya umalis na rin eh. Ni hindi nga tinapunan ng sulyap iyon girl eh.”

“Mhean, nakita ba ni Maya noon halikan noon girl si Richard?”

“I think so….”

“Medyo malungkot si Maya noon dumating dito, ayun nga at nag derecho sa opisina niya eh. Tingin ko tinamaan din ang atin kaibigan at nagselos ito sa nakita niya kanina. Are you sure, walangbrelasyon iyin girl at si Richard?”

“Sa tingin ko wala talaga….”

“Oh siya, sige na at mukha may customer ako parating. Wala si Jaja ako lang mag-isa dito ngayon at iyon dalawa waitress.”

“Ok bye friend.”

——–

“Erase…..erase…..erase….ano ba yan bakit ba ayaw maalis sa eksena ko iyon akin nakita kanina. Eh ano naman kung kahalikan siya babae. Natural lang iyon. Ang mga katulad niya na may itsura tiyak habulin ng mga babae. Nakaka-asar lang at sa bakeshop ko pa sila nagtagpo. Grrrrrr…”

“Mainit ata ang ulo mo……?”

Napatayo si Maya sa kinauupuan niya noon narinig niya may isang pamilyar na boses na nagsalita. Nakatalikod kasi ang upuan niya. Paghatapmniya ganun na lang ang gulat niya…..

“What are you doing here sa office ko?”

“Pinatuloy na ako ni Bham dito eh.”

“Have a sit.” pinindot ni Maya ang intercom, “Bham paki sabi kay Army dalahan niya kami dito ng maiinom na fresh lemonade at cookies.”

“Nice cozy office.” sabi ni Richard.

“So ano ang sa atin at napasyal ka ulit dito. Sa Saturday pa naman ang usapan namin ng Mama di ba? Pormal na sabi ni Maya.

“Ehem….hindi ko girlfriend iyon babae kanina. She is Melanie, a family friend.”

“Am not asking, bakit ang defensive mo. At saka ano naman kung girlfriend mo siya.”

“I just want to tell you that’s all.”

“It’s not a big deal. Don’t tell me nag effort ka pa talaga na pumunta dito just to tell me na hindi mo girlfriend iyon si Melanie. Alam mo, Mr. Lim..”

Pinutol ni Richard ang iba pang sasabihin n Maya….”what happen to Richard, bakit balik sa formality na naman tayo…”

“Naisip ko lang na hindi naman tayo ganun ka close para magtawag ng first name basis. Client kita kaya dapat may formality…..”

“Cut that craft…”

“Bakit ka sumisigaw?”

“I’m sorry, actually eto talaga ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito sa iyo.” sabay abot ng sobre….

“Ano ito..?” Napatulala si Maha noon nakita ang laman ng sobre. Napatingin ito kay Richard. Naka ngiti na ngayon si Richard sa kanya.

“How did it happen……?

“Hi Maya, I’m Director Richard Lim of Associated Asia and Commercial Bank”

“Oh no! Ikaw iyon nag-iisang anak ng banking magnate na si Chairman Roberto Lim?”

I’m afraid I’m the one.”

“Stupid of me na hindi kita agad nakilala the first time I saw you.”

“Ok nga yon, at least sa kauna-unahan pagkakataon meron hindi ako nakilala na anak ng papa ko.”

Napakunot ng noo si Maya sa sinabi niRichard.

“It’s hard to live a life in the shadow of your father. Iyin tipo lagi nakakabit iyin pangalan ng papa kapag na mention na iyon name ko. Para wala ako sariling identity. Di tulad mo, di mo ako nakilala na ako iyon anak ni Roberto Lim. At least sa yo nagkaroon ako ng identity.

“But still I’m sorry hindi kita na recognize agad-agad eh nakikita ko naman yan mukha mo sa society pages dating anyone at sa business section.”

“Jealous of the women that sorrunds me?”

“In your dreams Mr.Lim?”

“If you call me again Mr. Lim, hahalikan na kita. Unless gusto mo talaga halikan kita.” pilyo sabi ni Richard.

Namula si Maya sa sinabi ni Richard. “sira ka talaga…. Teka, paano mo nalaman nagloan ako sa banko ninyo? Dumadaan ba lahat sa iyon ang mga loans?”

“Nadinig ko kasi iyon usapan ninyo ni Jaja kahapon pagkadating natin after lunch. Kaya ayun pagdatingnko sa office, pinatawag ko sina Arman at floyd at pina expedite ko iyon loan mo. Sabi ko gusto ko early tomorrow morning which is today, nasa table ko na ang MC mo. Dahil gusto ko ako ang mag delier niyan sa yo.”

“Kaya ba nasa The fort ka kanina?”

“No, hindi pa ako nakakapasok noon, dinadala ko kasi iyon ford ko na kotse kasi tune up na nihadahil naka 50,000 kilometers na.”

“Ah..sa ford mo pa talaga dinala kotse mo.”

“Syempre doon ko kasi iyin binili eh. Tapos nagutom ako kaya ayun naisipan ko puntahan iyin bakeshop mo. Hindi ko naman alam na nandoon ka din pala.”

Hindi agad nakasagot si Maya kasi pumasok si Army dala-dala ang snakcs nila.

“Bakit ang tagal mo? Kanina ko pa yan tinawag ah.”

“Pasensiya na po Ma’am madami po kasi customer sa labas. Kaya di ko agad nadala ito sanakc ninyo.” nakatungo paliwanag ni Army kay Maya.

“Ah ganu ba sige…salamat.”

“Mainit ata ulo mo sa waitress mo na iyon?”

“Obvious ba? Napakatam kasi at ang bagal pa kumilos. Tsismosa pa…”

“Pagpasensiyahan mo na lang.”

“Ano nga pinag-uusapan natin kanina?”

“Iyon pagkikita natin sa The Fort kaninang umaga.”

“Ah, oo nga. Akala ko kasi stalker kita kasi alam mo kung nasaan ako.”

“Ang buapong ito stalker?”

“Nagbibiro lang, babae na nga pala ang lumalapit sa yo.”

“Ang cute mo magselos.”

“Excuse me hindi ako nagseselos. At wala dahilan ako para magseslos noh.”

“Ok fine. Eh di hindi sinabi mo eh.”

“Good. By the way, thanks sa pagtulong para mapadali ma approbahan ang loan ko.”

“No problem, it’s my pleasure.”

“Magkano pala ang monthly k dito?”

“Pupuntahan ka na lang dito ni Arman for some documents to sign.”

“Naku nakakahiya, ak na lang ang pupunta sa bank ninyo. Para madalaw ko na rin si Alex.”

Napasimangot si Richard sa sinabi n Maya.

“Huag na mapapagod ka pa. Sina Arman na lang ang pupunta sa yo.”

“Ayaw mo ba ako papauntahin sa office ninyo?”

“Of course not…saka na lang.”

“Since I owe this one…I will treat you dinner.” sabi ni Maya.

“Actually naunahan mo ako. Aayain sana kita mamaya mag dinner eh.”

Nagkatawanan silang dalawa.

2 thoughts on “Palusot 5

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s