Palusot 2

Hmmm…Palusot should be really one shot tapos may follow up story siya pero iba na dapat ang title…. Kaso wala ako maisip na kakaibigang title so I stay with the title na Palusot…so eto ang followup story…..

Palusot 2

Halos kakabukas-bukas palang nina Jaja at Bham ng bakeshop ni Maya ng bigla may pumasok na isang guapong nilalang sa bakeshop nila at palinga-linga ito. Parang may hinahanap. Kaya nilapitan ito ni Jaja….

“Yes, good morning sir. Is there anything we can help you with?” Tanong ni Jaja dito.

Busy kasi si Bham sa pag-aayos ng cakes display sa glass chiller nila.

“Ah, yes…Good morning. My name is Richard Lim and I’m looking for Maya. Is she there already?”

“You are looking for Maya? Why do you have an appointment with her at this early morning?” seryosong tanong dito ni Jaja.

Napalunok si Richard, mukhang di uubra ang charm niya dito at baka ma bad shot pa siya dito kung magpapalusot siya.

“Honestly, speaking wala kami pinag usapan oras what time kami puedeng mag-usap about doon sa cake at design na oorderin ko sana for my mom’s 60th birthday. Since nakita ko bukas na ang shop niya, dito na muna ako dumerecho instead na office ko. Nagka usap na kasi kami kagabi. Pasara na siya noon mapansin ko ang bakeshop niya.” mahabang paliwanag ni Richard sa kausap niya.

“I see….by the way, I’m Ms. Kudo one of Maya’s assistant here. I’m afraid di mo makakausap ngayon umaga si Maya. Nandito siya lunch time. Sa morning kasi nag-iikot siya sa ibang branches namin. Tumitigil siya doon gang mag-open iyon store.”

“Oh I see, so nasa The Fort ninyo siya ngayon?” tanong ni Richard.

“No bukas pa siya sa The Fort branch namin, nasa Trinoma siya ngayon.

“I see….akala ko kasi iyon sa The Fort lang ang branch ninyo. Kasi iyon lang ang na mention sa akin ni Maya last night.”

“If you want I will set you an appointment mamayang lunch time.”

“Will you do that for me?”

“Of course Mr. Lim, you are our customer and its important to us to serve you better. Para naman ma recommend ninyo ito store namin sa mga friends and associate ninyo.” nakangiting sabi ni Jaja dito.

“Thank you Ms. Kudo. Babalik na lang ako dito mamayang lunch time.”

“Ok, Mr. Lim…see you later.”

“Oh by the way, ano ba marerecommend mo bilihin ko ngayon para madala sa office?”

“Well you can try our Tuna or Chicken Casserole or our tuna and chicken turn over.”

“Then give me six each of items.”

“Eto sir, hindi kami mapapahiya..this is our house specialties. Si Maya mismo ang gumagawa ng timpla nito. It’s their family secret. Minana pa niya sa lolo niya. ”

“Sige ano pa yan, house specialties ninyo?”

“Our special cookies called “Masa Pudrida”, tikman ninyo….” sabi pa ni Jaja.

Kumuha si Richard…..”hmmmm masarap nga siya pero mukhang ma oily siya but hindi nakaka umay.

“Well yes, ma-oily talaga siya kasi pork fats ang isa sa main ingredients niya.”

“I see…hindi pala siya puede sa mga may high blood.”

“Bakit sir may high blood na kayo?”

“No not me….I’m talking peolpe in general.”

“Well, tama kayo diyan but still ito pa rin ang best seller namin, lalo na ngayon Christmas season. As early as now nga po, madami na kaming nakukuhang advance order, sa Masa Pudrida pa lang po.”

“No wonder ikaw ang kinuhang assistant ni Maya, ang galing mong mag sales talk ng customer. Sige bigyan mo din ako ng isang box niyan Masa Pudrida ninyo.”

“Thank you sir, ikaw ang buena mano namin for today. Hope may dala ka suerte.”

Binigay ni Bham ang lahat ng order ni Richard…..”sir eto na po ang order ninyo.”

“Magkano lahat?”

“P2, 400.00 po lahat sir.” sabi ni Bham. Binigyan ni Richard ng P3 000 si Bham.

“Here’s your change sir, P840.00. Less 10% discount po, madami naman kayo nabili at bago namin kayo customer.”

“Wow, thank ypu, so paano see you again later.”

“Yes sir…”

Pagka-alis ni Richard…..”Bham, grabe ang guapo niya at mukhang interesado siya kay Maya ha.” sabi ni Jaja dito.

“Umiral na naman yan pagka maghuhula mo. Malay mo naman, kaya lang niya hinahanap si Maya ay dahil nga sa cake na oorderin niya.

——–

“Good morning everyone……” bati ni Richard sa empleyado niya.

“Good morning sir….” ganting bati ng mga ito.

“Siyanga pala Lisa, eto may dala ako pagkain sa inyo. Kaininin ninyo ngayon break time ninyo.”

“Wow, sir ang dami nito….anong meron?”

“Wala naman, may nadaanan kasi ako bagong bukas na bakeshop….kaya yan bumili ako para matikman natin. Malay mo, puede tayo doon mag order pag may mga meeting tayo dito sa office. Malapit lang dito sa office natin.”

“Purplebutterfly bakeshop….” basa ni Lisa sa box na kinalalagyan ng mga pagkain inorder in Richard.

“Purplebutterfly?” masarap iyon Masa Purdina nila diyan. Paborito iyon ng mom ko, sabi ni Alex. “Lagi nga ako dumadaan sa branch nla sa The Fort, para bumili at masilayan na rin ang may-ari si Maya…..”

“Kilala mo dude ang may ari ng “Purplebutterfly”? Tanong naman ni Bobby kay Alex.

“Oo naman pare kilala ko si Maya…..nanliligaw ako doon eh.” pagmamalaki pang sabi ni Alex.

“Hindi nagustuhan ni Richard ang narinig….”Ok guys back to work, di pa breaktime. Lisa, cancel mo nga pala ang early appointments ko bukas and may lunch out appointment ako today.”

“Yes, sir. Thank you po ulit sa pasalubong.”

Tumango lang si Richard at pumasok na sa loob ng opisina niya.

Di maka pag concentrate si Richard sa work niya dahil sa sinabi ni Alex. Naiinis siya dito kasi kilala nito si Maya at nauna pa sa kanya. “Damn” Napabuntonghinanga na lang siya…..

Panay ang tingin nito sa orasan at noon 11:00AM, tumayo na siya….

“Lisa, I’ll be leaving na baka mga 2PM na ako bumalik….”

“Ok sir…”

“Btw, Lisa, I don’t want to be disturb. So no phone call please…..”

“Copy sir….”

With that umalis na si Richard ng opisina niya. Nagtataka ang mga empleyado nito kasi, this the first time na ayaw magpa istorbo ng boss nila.

“Saan kaya ang punta ni Sir at ayaw mag pa istorbo?” nakataas na kilay na tanong ng bakla si Aaron…

“At ano naman yan iniisip mo, Bru? Tanong naman ni Arnel sa kanya….

“Baka pupunta si sir sa isang malamig na lugar?”

“Katanghalian tapat, pupunta siya doon?” tanong naman Tin-tin.

“Di ba Chinese si Sir, kaya mahilig sa tanghali….” sagot ulit ni Aaron.

Nagkatawan tuloy silang lahat……

————-

“Maya, mabuti maaga ka naka balik.” sabi ni Jaja dito.

“Bakit naman?”

“Kasi may kliyente ka mamaya dadating”

“Sino naman?”

“Si Mr. Lim, nagpunta siya dito kanina”

“Nagpunta dito si Ri…I mean si Mr. Lim kanina?”

“Oo, hinahanap ka, akala kasi niya nandito ka. Noon sinabi ko may arounds ka sa umaga, ayon babalik na lang daw siya ngayon lunch time.” informa ni Jaja.

“At Maya ang dami niya binili kanina sandwich at Masa Pudrida, naka P2,400, nga siya tapos binigyan ko ng 10% discount.” sabi naman ni Bham.

“Good…..papasok muna ako sa office, paki tawag na ang ako pag nandiyan na si Mr. Lim”

“Okay..sabi noon dalawa…..” “Maya” tawag ulit ng mga kaibigan niya.

“Oh bakit tumingin ulit si Maya sa mga ito.”

” Magpaganda ka ha….”

“Ha? Anong connect?”

“Basta, make yourself beautiful bago humarap kay Mr. Lim.”

Napapailing na lang si Maya pumasok sa office niya.

Busy si Maya sa pag pirma ng mga voucher at pag checheck ng ilan papeles noon may kumatok at pumasok si Jaja.

“Maya, nandiyan na si Mr. Lim.”

“Huh? Akala ko ba lunch time, 11:15 pa lang ah…”

“Mukhang excited na makita ka, kaya di na nakapaghintay ng lunch.”

“Ikaw talaga puro ka biro.”

“Wait, tinignan ni Jaja si Maya from head to toe”

“What?” pinanlakihan ni Maya ng mata si Jaja….

“Ok, pasado ka na look mo…bagay ka na sa kanya.”

“Sige susunod na ako….”

Di nagtagal lumabas na si Maya….

“Mr. Lim, good morning….it’s good to see yu again. This way please.” giniya ni Maya si Richard sa isang sulok ng baksshop kung saan sila puedeng mag-usap tungkol sa cake na gusto niya para sa mom niya.

“Pasensiya ka na at napaaga ang punta ko. Bigla kasi ako nagkaroon ng lunch meeting eh. Kaya eto napaaga ako ng punta dito sa shop mo.”

“Walang kaso iyon.”

“Jaja, paki dalahan naman kami ng mga cakes samples natin. Para maka pili na si Mr. Lim”

“Coming…”

“Please bring us also some coffee and water. Thank you….”

Di nagtagal nilapag ni Jaja ang mga cakes samples at ang kape at tubig nila…..

Sinabi ni Maya ang mga flavor ng cakes nila…..tikman ni Richard ang bawat isa sa mga sample cakes. At noon natapos ito…..

“Well meron ka ba napili?”

“I like this Chocolate Truffle Cake ninyo…….”

“And for the design?” tanong ni Maya…..

“Puede ba kaw na ang bahala sa design ng 3 layered cake niya?”

“Ok….gagawan kita ng exclusive design para sa mother mo.”

“Wow, thank you….”

“Kelan pala ang birthday ng mom mo?”

“Sa October 24 pa naman.”

“Ah, ok…marami pa naman pala ako time to think of a design for your mom…can you tell me something about your mom para naman magka idea ako kung anong design ang gagawin ko sa cake niya…..”

“Hmmmm, I had a better idea, why don’t you join us for lunch…tutal it’s almost lunch time na rin naman eh…. Mas ok iyon di ba kasi mas malalaman mo kung ano talaga ang babagay sa kanya di ba? Kesa ako ang magkukuwento sa iyo about my mom.”

“But Mr. Lim….nakakahiya…lunch date ninyo iyon ng mom mo….”

“No…matutuwa pa nga iyon may makakasama kaming ibang tao. Kesa dati na lagi na lang kami dalawa lagi ang ng la-lunch date.”

“Oh bakit, hindi mo isama ang girlfriend mo sa lunch date ninyo ng nanay mo.”

“Is that your way to know kung may girlfriend ako?”

Namula si Maya sa sinabi ni Richard.

“For your information, wala ako girlfriend.”

“I’m not privy into your private matters Mr. Lim…”

“It’s Richard……”

“So shall we go now?”

“Hmmm, do I have a choice? Saan ba kayo mag la-lunch ng mom mo?

“Sa Chateau 1771 sa GB5.”

“Wait, I’ll just get my bag sa office. Excuse me.”

Pagpasok ni Maya sa office niya, “Jaja, aalis muna ako kasama ko si Richard…”

“Wow, first name basis ka na rin ha para siya Maya lang tawag sa yo. FC na kayo ha”

“FC?”

“Feeling Close”

“Ewan ko sa yo…sige aalis na ako baka mainip na si Richard at mom niya….”

“Wow ipapakilala ka niya?”

“Tange, kakusapin ko lang para sa idea ng design ng birthday cake niya… adik ka talaga, diyan ka na nga.”

“Bham bigyan mo nga ako ng isang box ng Masa Pudrina pakilagay sa paper bag natin.”

“Suhol ba sa future mother in law?”

“Isa ka pang adik, madinig ka ni Richard nakakahiya ka.”

“echoes”

“Kayo na muna bahala dito.”

Muling lumapit si Maya kay Richard. “Let’s go”

“Bye….” sabi ni Richard kina Jaja at Bham…

Ang hindi alam ni Maya palusot lang muli ni Richard ang pag imbita niya dito sumama sa lunch date ng mom niya. Ang original plan niya ay ayain ito mag lunch out kaso baka siya tanggihan nito. Kaya ginawa niyang dahilan ng mom niya. Bago siya pumunta sa shop ni Maya, ay nag text na si Richard sa mom niya.

Richard: hi mom! Where you?

Mom: GB5 gonna meet my amigas later, iho. Why?

Richard: nothing…

Mom: wanna join me for lunch? Am dining alone sa Chateau1771….

Richard: great…you’re the best talaga mom…Love you and see you at lunch…

Mom: ok son…

Richard: be an actress later ok?

Mom: why?

Richard: later mom, you will know…

Mom: ano naman kalakohan yan pinasok mo?

Richard: nothing mom..just wait for us…

Mom: ok

Yan yon naging usapan sa text ng mag-ina kaninang papunta si Richard sa shop ni Maya.🙂

*******************

4 thoughts on “Palusot 2

  1. yay! thank you Ms.P. nakakatuwa ang plot na ito. light ang easy lang. Okey na rin ang title na Palusot….hehe! Palusot to First Date.

  2. i like the plot….nakakatuwa….esp since inlove na agad si chard k maya….sana mabilis ang update hahaha…pls wag mo kming pag intayin ng matagal…pls? God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s