Coach….I Love You 4

Coach…..I Love You

Chapter 4

Pagkaligo muling pinuntahan ni Maya si Richard sa kuarto nito. Hindi na siya kumatok, sakto pag bukas niya nakita naman niya ito hirap na hirap sa pag hubad ng shortpants niya. Hindi pa pala ito nakakapag palit. Nasa may tuhod na ni Richard ang shortpants nito noon pumasok si Maya. Kaya bigla siya napatalikod.

“Sorry, akala ko tulog ka na kaya di na ako kumatok. Gusto lang naman i-check kung may lagnat ka pa.” sabi ni Maya habang nakatalikod kay Richard.

“You may turn your back now Maya” sabi ni Richard. Kaya dahan-dahan ito humarap dito.

May takip na ito kumot, pero wala pa din suot na bago short pants.

“Let me help you.” sabi ni Maya.

“Are you sure?” tanong naman ni Richard.

Maya, nodded. Dahan-dahan sinuotan ni Maya ng shortpants si Richard. At noon nasa may hita na, hinayaan na lang niya si Richard ang humila nito pataas.

Noon ayos na ang shortpants nito. Saka ito tinanong ni Maya, “Kamusta na ang pakiramdam mo?” sabay hipo sa noo at leeg nito. Nakahinga siya ng maluwag noon nahipo niya wala na ito lagnat.

“Ok na ako. Magaling kasi iyon nurse ko eh.” naka ngiting sagot ni Richard dito.

Napansin ni Maya, hindi nito ginalaw ang ginawa niyang sandwich. “Hindi ka kumain?”

“Busog pa kasi ang pakiramdam ko, kaya nagkape na lang ako.” sagot nito sa kanya.

“Pero dapat kumain ka, para maka inom ka ulit ng paracetamol ng hindi na magtuloy-tuloy yan lagnat mo.”

“Wala na nga ako lagnat di ba? At saka wala pang apat na oras para uminom ulit ako ng gamot.”

“Sige magpahinga ka na. Matutulog na rin ako doon sa kabilang kuarto.” inayos nito sa pagkakahiga si Richard.

“Maya.”

“hmmm.”

“Inaantok ka na ba?”

“Hindi pa naman, balak ko magbasa ng book gang makatulog ako.”

“Puede dito ka muna?”

“Ha? Ano naman gagawin ko dito sa kuarto mo?

“Movie marathon tayo.”

Napaisip si Maya. “Sige ano bang mga movie collection mo”

“Tingnan mo na lang sa dvd rack ko”

“Halos lahat ng nandito napanood ko na eh.”

“Meron diyan pinahiram sa akin ng isa ko student. Kaso horror iyon eh. Mahilig ka ba sa horror?”

“Ok lang. Asan ba? Ano title noon movie?”

“Pakihanap na lang diyan, Conjuring iyon title noon movie.”

“Here, I found it na.” sinalang ni Maya iyon dvd sa dvd player at umupo sa upuan katabi ni Richard.

Umusod si Richard, “sit beside me.”

“No, Am fine here.” sabi ni Maya.

“Are you sure? Baka matakot ka?”

“No, sanay ako manood ng horror movies.”

“Ok, if you said so….”

Ngunit wala pa sa kalagitnaan ng movie, napapaigtad na si Maya sa upuan niya. Nagsisisi siya kung bakit di pa siya tumabi kay Richard. Hindi niya alam na ganito pala ka scary nitong conjuring.

Dahil napanood na ni Richard iyon movie, hindi na siya masyado nagugulat sa mga eksena. Mas pinapanood niya ang reaksyon ni Maya. Pero hindi siya nagpapahalata. Gusto niya ito tumabi sa kanya para sa kanya ito sisiksik pag natakot.

Naka isip ng kalokohan si Richard. Hindi alam ni Maya na hi-tech ang unit ni Richard. Hindi nagpahalata si Richard kay Maya na may inabot itong remote control mula sa side table niya. Hihintay na lang ni Richard na muli magulat si Maya sa eksena at isasagawa na niya ang plano niya. Di nag tagal ay nagulat si Maya,, sakto bigla na buksan ang pintuan at ilaw sa cr ni Richard.

Napatalon at napatili si Maya…” eeeeeeeeeeeh…” sabay upo sa tabi ni Richard.

“Maya, are you ok?” Kunwaring nag-aalalalang tanong ni Richard dito? Hindi nagpahalata si Richard na siya ang may pakana noon.

“Yeah, I’m fine, nagulat lang ako sa eksena tapos bigla pa sumabay na bumukas iyon pintuan at ilaw sa cr mo. Paano pala iyon nangyari?”

“Ewan ko. Nagkataon lang siguro. Don’t worry bukas ipapa check ko sa maintenance. Grabe ka tumili, buti na lang wala ako sakit sa puso at sound proof ito unit ko. Kung hindi baka akalain ng ibang tenant kung ano ang ginagawa ko sa yo.”

“Sorry na gulat lang talaga ako.” tatayo na ulit sana si Maya para bumalik sa upuan niya ng magsalita si Richard.

“Stay…” sabay hawak sa kamay niya. May kakaibang init na dumaloy sa katawan ni Maya noon nagdaop ang mga kamay nila ni Richard. Hindi nila alam kung pareho sila may naramdaman o siya lamang ang nakaramdam noon. Dahil sa gilid ng mata niya, napansin naman niya walang kakaiba kay Richard. Kaya binale wala na lang niya kung ano man ang naramdaman niya.

“Gusto mo patayin na natin, iba na lang ang panoorin natin.”

“Hindi, ok lang, malapit na rin naman matapos eh, tapusin na natin.”

“Sige, ikaw ang bahala…..basta huag ka ulit titili ng ganun kalakas ha….”

“Opo…..nagulat lang talaga ako….”

Natapos nila ng maayos ang palabas…hindi na ganun natakot si Maya, siguro dahil hawak ni Richard ang kamay niya hangga matapos ang palabas.

“Inaantok ka na ba Maya, o isa pa?”

“Ikaw, kaya mo pa ba ang isa pang movie….”

“Oo naman….pero light naman panoorin natin….para relaxing.”

“Ok….naghahanap si Maya ng comedy movie ng makita niya ang isang dvd….’Nothing Hill? Uy, mahilig ka pala sa Romcom…..

“Romcom?”

“Romantic Comedy…tulad nito Nothing Hill….fave ko ito.”

“That’s not mine….”

“Ah naiwan ng isa sa mga babae mo.”

“Sa pinsan ko yan….noon minsan nagpunta dito at pinanood iyan. Mukha nalimutan dalahin pag-alis niya.”

“Pinsan sa puso…..” sabi naman ni Maya.

“Halika ka nga dito, hindi pa naman tayo, selosa ka na.” nakangiting sabi ni Richard.

“Hello? Anong tayo piangsasabi mo diyan? Walang tayo noh?

“What? Pagkatapos mong makita ang lahat sa akin di pa rin tayo?” sabi naman ni Richard.

“Anong nakita ang pinagsasabi mo diyan? Wala po ako nakita noh?”

“Bakit hindi mo ba nakita at nahawakan ang akin sexy katawan at nakita mo rin ako naka boxer short…. huag mo iyan ide-deny.” sabi ni Richard.

Namula si Maya sa mga sinabi ni Richard. Nahagip nito ang isang unan at binato niya ito. “Ewan ko sa yo, pervert….diyan ka na nga.”sabay labas ng kuarto nito. Dinig pa niya ang tawa ni Richard.

Napa sandal sa may pintuan si Maya habang ini-imagine noon pinupunasan niya ang katawan ni Richard at noon naka boxer short ito, napa-giggle siya. Pumasok na siya sa kabilang kuarto ng bigla niya maalala ang lady antagonist sa conjuring…..dali-dali niyang kinuha ang kumot at unan niya, saka bumalik sa kuarto ni Richard.

“I’ll sleep here….ayaw maalis sa isipan ko ang lady antagonist sa conjuring…”

“Sure sweetie, you can sleep here beside me foreve.” sabi ni Richard sabay usod para makahiga sa left side niya si Maya.

Nahiga na si Maya, patalikod kay Richard.

“Wala ba ako goodnight kiss? Sabi ni Richard?

“Suntok sa bibig gusto mo??

“Sabi ko nga matutulog na ako.” tumalikod na rin si Richard kay Maya. Pero may ngiti sa mga labi nito.

Si Maya sa kabilang side ay ganun din may ngiti sa labi nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s