Coach….I Love You 3

Coach……..I Love You

Chapter 3

Inalalayan ng mga guard sa condo ni Maya si Richard upang maka upo ito sa wheel chair. Si Maya na ang nagtulak ng wheel chair papunta sa unit niya. Noon naka pasok na silang dalawa sa unit nito.

“Nice place….very feminine… ”

“Thank you, coffee?

“Yes, please…..”

Pinagtimpla ni Maya ng coffee si Richard. “mag relax ka muna diyan, mag-aayos lang ako ng gamit ko.”

“No problem, take your time”

After ilan minutes tapos na si Maya at ready na ito umalis. “Halika na, alis na tayo.”

“Masarap ka pala mag timpla ng kape. Baka hanap hanapin ko ang timpla ng kape mo pag magaling na ako.”

“Hamo ituturo ko sa yo kung paano ako mag timpla ng kape.” sinasabi niya ito habang itinutulak ang wheel chair palabas ng unit niya.

Kotse ni Richard ang dala nila. Sa school na lang kasi sila nagpahatid kanina at kinuha ang kotse ni Richard.

Sa backseat pinaupo ni Maya si Richard para maging komportable ito. Di nagtagal nakarating na sila sa condo ni Richard sa may Rockwell sa Makati.

“Dito ka muna, aayusin ko lang ang papaliguan mo, para mapreskuhan ka na rin. Ano pala ang gusto mo dinner?”

“Bahala ka, feel free, ituring mong bahay mo na rin ito. Kung gusto mo puede mo din ako paliguan.” naka ngising sabi nito sa kanya….

“Duh?” sabay taas ng kilay dito. Umalis na ito at nagtungo sa banyo. Binuksan nito ang shower at tinimpla ang tubig. Habang ginagawa, panay naman ang bulong ni Maya, bwisit na lalaki iyon, nakuha pang mang-asar. Akala naman niya papayag ako paliguan siya. Duh! Ano siya sinusuwerte no….no…no…. Kung di niya kaya maligo mag isa, huag siya maligo. Amp!

Lumabas na ito ng silid ni Richard kung saan andun ang banyo niyo. “Richard. Ok na iyon pagliligu….. natigilan si Maya sa pagsasalita noon nakita niya nakatulog na pala si Richard sa wheel chair nito.

Nilapitan niya ito para gisingin. Ngunit ganon na lang ang pagka gimbal niya ang init ng katawan nito. Dali-dali siya nag punta sa medicien cabinet nito at kinuha ang thermometer doon, upang tignan ang temperature nito. Noon tumunog ang thermometer, hinintay niya matapos ang tunog saka kinuha sa kilikili nito at ganun na lang ang pagkamagha niya…..

” 38.5 degress…” basa niya sa thermometer na ginamit niya kay Richard. Dali-dali niya tinawagan ang Doctor nito para ipa-alam ang kasalukuyan kalagayan ni Richard….

Napayapa lang si Maya noon sinabi ng Doctor na natural lang daw na lagnatin si Richard dahil sa epekto ng pilay niya. Na hindi niya iyon dapat ipag-alala. Painumin na lang daw niya ito ng paracetamol at pagpahingahin ng mabuti. Nagpasalamat si Maya sa Doctor.

Nag tungo muna siya sa kusina at nagluto ng sopas para mainitan ang sikmura ni Richard bago niya ito bigyan ng gamot.

Noon maluto niya ang sopas. Dali-dali niya ginising si Richard. “Richard, wake up…kailangan mo kumain kahit sopas lang bago ka uminom ng gamot. May lagnat ka. Richard, gising na…” sinampal sampal niya ng mahina ang mukha ni Richard para magising ito.

Naalimungatan si Richard, “Higupin mo muna ito sopas, para maka inom ka ng gamot mo. Then magpalit ka na ng damit mo”.

“Can you help me, I feel so weak”. Sabi ni Richard kay Maya, pinag masdan muna ni Maya si Richard kung nagsasabi ng totoo o umaarte lang. Pero noon nakita niya para ito nauupos na kandila at siya ang nagpakain dito.

Sinubuan niya ito ng sopas. Pero nakaka ilan subo palang siya ay umayaw na ito.

“Ayaw mo na? Kokonti pa lang ang nakakain mo eh. Sige pa mga limang subo na lang please? ” sabi ni Maya.

Pero umiling lang si Richard. “Sabi sayo di ako marunong magluto eh. Mag oorder na lang ako sa labas para makakain ka ng maayos”. Akma tatayo na si Maya sa pagkakaupo ng pigilan ito ni Richard.

“Masarap ka magluto, kaya lang talaga ayoko na…gusto ko na matulog”.

“Ok uminm ka muna ng paracetamol para bumaba na yan lagnat mo.”

“Okay.” sagot ni Richard. Pagkatapos Makainom ng gamot si Richard. Tinulak na ni Maya ang wheel chair nito patungo sa room nito. Bago nito alalayan makapunta sa kama, inalis muna ni Maya ang sapatos nito saka inalalayan maka punta sa kama at makahiga ito. Noon ayos na si Richard, tumayo na si Maya.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Richard….

“Sa banyo kukuha lang ako ng towel, pupunasan kita. Sa itsura mo hindi kaya ang sarili mo.” di nagtagal at bumalik na si Maya.

Tinulungan niya ito maupo at sinandal ang likuran sa headboard ng kama. Noon maiyayos na niya ito ay sinimulan na niya ito pinasan. Inuna muna niya ang mukha at leeg at batok nito. Noon matapos niya ay bumalik ulit siya sa banyo upang labahan ulit ang towel para naman mapuasan niya ang braso nito walang pilay.

“Asan pala nakalagay ang pamalit mong damit?” tinuro naman ni Richard dito ang cabinet niya ng mga damit. Bago nagtungo sa cabinet ng damit si Maya ay muli ito nagpunta sa banyo at muling binanlawan ang towel na gamit niya.

“Kaya mo na naman siguro punasan ang katawan mo mag-isa, di ba?”

“I can’t mahirap lalo pa at kanan kamay ko ang may pilay. Peude ikaw na lang ang magpunas sa akin? Lubos-lubusin mo na.” sabi nito kay Maya.

“What are you insane?”

“Pero Maya, masakit ang kamay at paa ko.” kung kaya ko I won’t ask for your help. I know its embarassing on your part pero wala ako choice at isa pa, huag ka mag-alala sa kalagayan ko ngayon, hindi naman kita ma rerape eh.”

“Lalabas na lang ako ng room mo para maging komportable ka sa pagbibihis mo.” sagot ni Maya dito.

“Please am begging you…..” nakita ni Maya ang itsura ni Richard…may butil butil na pawis ito kahit naka-on ang aircon nito.

Nakonsensiya naman siya, kaya…”ok I will help you change your clothes.”

“Thank you, sweetie….” sabi nito kay Maya.

“Don’t call me Sweetie, I’m not one of your girls….”

“Hey, wala ako ibang babae, napaka selosa mo naman.”

“Gusto mo bang tulungan kita o hayaan ka magbihis mag-isa?”

“Ok, I behave na…sweetie.”

Tiningan ng masama ni Maya si Richard. Ngumiti lang ito sa kanya. Iniwasan ni Maya mapatingin sa katawan ni Richard noon tinulungan niya ito hubarin ang t-shirt na suot nito. Ingat na ngat siya huag masaling ang kamay nito may pilay.

Ngunit di rin maiwasan ni Maya di tumingin sa katawan ni Richard. Dahil pinunasan niya ito. Natigilan siya noon lumapat ang kamay niya may bimpo sa katawan nito. Hindi siya makagalaw, kung di pa hinawakan ni Richard ang kamay niya, saka palang siya kumilos.

Punong puno naman ng amusement ang mata ni Richard habang ginagawa iyon n Maya sa kanya. Masayang-masaya siya, pakiramdam niya ayos lang na mapilayan siya kung si Maya ang mag-aasikaso sa kanya. He feels great.

Nag matapos punasan ni Maya si Richard, doon lang niya pinakawalan ang pinipigil niya hininga. Tinulungan niya ito ulit makapag bihis ng t-shirt.

“Paano naman ang shortpants ko. Kailangan ko rin ang tulong mo para mahuban ko iyon?”

“Ano? Pati ba naman iyon? Kaya mo na yan? Protesta ni Maya…

“Maya…please….”

Walang nagawa si Maya, “tandaan mo walang puedeng maka-alam nito. Kapag kumalat ito sa campus, sisiguraduhin ko sa yo, bugbog sarado ka sa akin.” Kinuha nito ang kumot at pinangtakip sa ibabang bahagi ng katawan ni Richard.

Na amuse si Richard kay Maya. Wala pa ba itong nakikita naka hubad na lalaki? Kasi kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.

“Itaas mo yan balakang mo para mahila ko ang short pants mo. Kilos na.”

Pero hindi kumilos si Richard para mahubad ni Maya ang shortpants niya, may naglalaro kasing kalokohan sa utak niya at gusto niya asarin muna si Maya.

“You know what sweetie, we don’t this blanket.”

“What?”

“Patayin mo na lang ang ilaw at wala ka na makikita….iyon nga lang ingat ka at baka mali ang mahawakan mo at may mabuhay di dapat mabuhay.”

“Sobra ito…bahala ka diyan sa buhay mo. Aalis na ako.” Sabay tayo at labas ng kuarto ni Richard.

“Maya…..hey comeback, I’m sorry…..I’m just teasing you. Ok I will behave na this time……please don’t leave me….not now.” pagsusumamo ni Richard kay Maya.

Wala naman balak iwan ni Maya si Richard eh. Naiinis lang siya sa pang-aasar nito sa kanya.

Nagtungo ito sa kusina at gumawa ng sandwich at kape. Baka nagugutom na naman ito dahil konti lang ang knain nito sopas kanina.

Pagpasok nito ng kuarto, patay na ang ilaw. Pero ramdam niya gising pa ito at nakatingin sa kanya. Kaya binuksan niya ang lampshade sa tabi ng kama nito.

“Pinaghanda kita ng sandwich at kape. Baka gutom ka na ulit. Maiwan muna kita, maliligo lang ako sa labas.” Akma lalabas na muli si Maya ng hawakan ni Richard ang kamay nito. Kaya napalingon dito si Maya.

“Hind pa ako gutom. You can use my bathroom and I’m sorry for teasing you.” sabi ni Richard kay Maya.

Tumango lang ito at muling lumabas ng kuarto ni Richard.

Naupo muna si Maya sa salas at nag isip-isip. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Tuwing nasa paligid niya si Richard. Pakiramdam niya di siya makapag isip ng maayos, masyado nito ginugulo ang systema niya. Aaminin niya natutuwa siya malaman na wala pala ito girlfriend at kinikilig siya tawagin nito Sweetie….

Tumayo na siya at naligo sa banyo nasa labas. Hindi niya sinunod ang sinabi ni Richard na iyon banyo sa kuarto nito ang gamitin niya. Nahihiya pa din siya.

*******************

2 thoughts on “Coach….I Love You 3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s