Coach…..I Love You 2

Sorry natagalan ng posting….nasira kasi lappy ko…ayaw mag-open andun kasi iyon draft…..kaya eto ngayon ko lang natapos….

Again this is a little bit short story….isang chapter na lang tapos na ito…

Coach……I Love You

Chapter 2

August 26, 2013 walang pasok dahil National Heroes Day pero nasa school sina Richard, Maya, Eman at Dean Roberto. Dahil ito ang araw napagkasunduan nila maglaban ng larong football o soccer. Mas ninais nila na sa araw ng walang pasok gawin. Para wala silang audience. Tama na sina Eman at Dean lang ang kanilang audience. Ang mga ito na rin ang tatayong referee nilang dalawa.

Parehong naka football outfit ang dalawa. Noon di pa nagsisimula ang laro kampante si Maya na makaka score o goal agad siya. Ngunit noon nag simula na ang laro noon niya napagtanto niya na hindi pala ganun kadali. Dahil mabilis ang reflexes ni Richard. Na fru-frustrate na siya dahil lagi na lang na block ni Richard ang mga attempt niya maka goal.

Kaya halos mag-iisang oras na silang naglalaro at di pa rin siya nakaka-goal. Na kay Maya ang bola at noon sa pag takbo niya para tirahin ang bola para maka-goal na. Hindi niya sinasadya ay naitulak niya si Richard. Hindi rin naman akalain ni Richard na mangyayari iyon, ngunit dahil doon na napilayan siya dahil sa pagkakatapak niya sa bola at na outbalanced siya. Para di siya masubsob sa lupa, itinukod ni Richard ang kanya kamay, sanhi para pati ito ay ma sprained. Dahil sa sakit, di maiwasan ni Richard mapasigaw. Napahiga siya sa damuhan hawak ang nasaktan kamay.

Nagulat si Maya at dali-dali nito pinuntahan si Richard. “Professor…sorry, hindi ko sinasadya.” nagtatakbo din sina Dean Roberto at Eman kina Richard. Naiiyak na si Maya sa nangyaring aksidente. “Professor, sorry…sorry…hindi ko iyon sinasadya….” naiiyak na sabi ni Maya kay Richard.

“Eman, tumawag ka ng ambulasya bilis, dadalhin natin si Professor sa ospital.” sabi ni Dean kay Eman.

“Yes sir, sabi ni Eman….”

Butil-butil na ang pawis ni Richard dahil sa sakit na nararamdaman niya, tinulungan ito ni Dean na maka upo sa damuhan. Napansin nito, na balisa at umiiyak si Maya dahil sa nangyari sa kanya. Kaya sinabihan niya ito, “Coach, ok lang ako, huag ka mag-alala malayo ito sa bituka. Aksidente ang nangyari kaya nothing to worry. We can schedule another again….” sabay ngiti to asssure that he is ok.

Pero nakokonsensiya pa din si Maya sa nangyari. Kaya sabi niya, hahanap na lang daw siya ng ipapalit kay Nikki…..

Di nagtagal dumating ang ambulasya tinawag ni Eman. Katulong ang medic na kasama ay naisakay sa stretcher si Richard para madala ito sa ospital. Habang nasa emergency room, hindi makatingin si Maya ng derecho kay Richard. Bukod na na gui-guilty siya sa nangyari ay hindi niya maipaliwanag sa sarili niya na may kakaiba siyang nararamdaman kapag tinititigan siya ni Richard na walang suot na salamin. Para nababasa nito kung ano ang nasa kalooban niya.

Pakiramdaman ni Maya ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari masama sa professor. Noon muli niya ito tiningan, nagulat siya, kasi alam niya masakit ang nangyaring aksidente dito pero nakangiti pa rin ito sa kanya.

“Sa palagay mo ba mababawasan ang sakit kung iiyak ako?” tanong ni Richard kay Maya.

“Hindi ko namn sinabi umiyak ka eh…..napapisip tuloy ako na baka umaarte ka lang diyan para mag give in talaga ako kay Nikki.”

“Of course not, hindi ako umaarte…..”

Lingid sa kaalaman ni Richard, bigla pinisil ni Maya ang kamay nito na may pilay. At napasigaw ito sa sakit.

“Ok, I believe you.”

“Coach, dadagdagan mo pa ang pilay ni professor eh,” sabi ni Eman,

“Nagsisiguro lang ako.”

Di nagtagal dumating ang doctor na titingin kay Richard. Nilagyan nito ng bandage ang injured na paa at kamay ni Richard. Pinayuhan ito ng doctor na laging panatilihin tuyo ang bandage nito kaya kailangan araw-araw ito palitan. Sinabihan din ito ipahinga ang paa at iwasan ang ilakad iyon.

“Professor gusto mo samahan muna kita sa bahay mo para may makatulong ka habang nagpapagaling ka sa pilay mo.” sabi ni Eman. Natawa si Dean sa sinabi ni Eman.

Nagulat naman si Richard sa sinabi ni Eman, iniisip niya ay si Maya ang mag vovolunteer na samahan siya sa bahay niya….” salamat na lang Eman, pero kaya ko pa ang sarili ko.”

“Pero Prof kakasabi lang ng doctor na huag ninyo muna ilalakad ang paa ninyo at igalaw ang kamay ninyo. Panginga ang kailangan ninyo. Paano kayo pupunta ng CR? Kailangan ninyo ng asisstant. Willing ako kahit walang sahod prof.” sabi ni Eman na kinikilig kilig pa.

Tumingin si Richard sa gawin ni Maya….

“What?” tanong ni Maya

Nanatiling tikom ang bibig ni Richard pero kay Maya pa rin nakatingin.

“Ah…gusto mo ako ang mag-alaga sa yo?”

“Hindi ba dapat lang, ikaw dalihan kaya ako napilayan di ba?”

“Huh, kanina sabi mo hindi ko iyon kasalanan dahil isa iyon aksidente, tapos ngayon sasabihin mo kasalanan ko? Ang bilis mo naman magpalit ng statement professsor Lim. Para kang babae. Tama kay Eman ka na lang magpaalaga.”

Hindi na napiligilan ni Dean ang tumawa ng malakas. Na ikinalingin nilang tatlo.
“Coach, Prof…hindi na ba kayo magkakasundomg dalawa? Wala kayo pinipiling kahit ano pinagtatalunan. Coach, ikaw na ang mag-alaga kay Professor. And that’s final. ”

“But Dean….nakakahiya na labas-pasok ako sa bahay niya. Kababae kong tao pupunta sa bahay ng isang lalaki na di ko naman kaano-ano. Bakit di na lang tayo kumuha ng isang aid dito sa ospital, ako na lang ang magbabayad, Dean.” protesta sabi ni Maya.

“Coach, my decision is final, Eman halika iwan na natin ang dalawang yan.” at umalis na ang mga ito ng ospital. Nangingiti si Dean para sa dalawa paboritong tauhan niya.

“Dean, bakit kayo na ngingiti diyan?”

“Bagay silang dalawa di ba?”

“Trulili ka diyan Dean”.

Tiningnan ng masama ni Dean si Eman.”

“Sorry Dean, na carried away lang po ako.”

“Professor, hindi naman kita matutulungan sa personal mong pangangailangan eh. Kaya ano ang magiging silbi ko sa pag-aalaga sa yo.” banat pa ni Maya.

“Kaya ko na ang sarili ko. Kailangan ko lang ng tulong mo sa ibang bagay. Like sa pagkain ko. Gusto mo ba ako mamatay sa gutom?”

“Bakit wala ka bang katulong sa bahay mo,pars ipagluto ka?”

“Wala ako maid sa bahay, ako minsan an naluluto ng pagkain ko o sa labas na ako kumakain.”

“Prof, di ako marunong magluto eh, bumibili lang ako ng lutong ulam o kumakain sa labas. Never ako ng luto, prito ko nga nasusunog ko pa eh.” pagsisinungaling ni Maya kay Richard.

“I know you are lying Maya…..masarap ka magluto, natikman ko pa nga iyon luto mo kare-kare eh.” sabay ngiti nito sa kanya.

“Huh?, when was that?” walang matandaan na okasyon sa school nila na nakatikim si Richard ng luto niyang kare-kare. Hmmm, baka narinig lang nito iyon. Bulong nito sa isipan niya,

Imbes na sagutin ang tanon ni Maya niyaya na nito umuwi na sila. “Halika na, magpatawag na tayo ng taxi….nasa school iyon kotse natin dalawa.”

Walang nagawa si Maya kungdi sumama dito.

“Ihahatid muna kita sa bahay mo. Then uuwi muna ako sa condo ko.”

“Bakit, tatakas ka ano?”

“May isang salita ako Professor…”

“Call me Richard, Maya wala tayo sa school.”

“Babalik ako…maliligo lang ako…kasi pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na. At kukuha din ako ng pamalit, mag sleep over na ang ako ngayon gabi lang sa bahay.”

“Bakit hindi muna tayo dumaan sa condo mo, kumuha ka ng gamit mo at sa condo ko na ikaw maligo.”

Nag-isip si Maya sandali. “Ok, imbalido ka naman eh..” sabay tawag ng taxi..

Natatawa si Richard sa sinabi ni Maya…..excited si Richard na magkasama sila ngayon gabi ni Maya sa condo niya. Pakiramdam niya na suerte at naaksidente siya dahil maganda naman ang naging kapalit noon.

*****************

6 thoughts on “Coach…..I Love You 2

  1. Uyyy si Prof, may HD kay CoachπŸ˜€

    Pipay, pinakikilig mo naman ako. Sobra, sobra na nga ako sa kilig dahil sa epi today, ngayon eto pa! Ang sarap talaga!πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s