Purpleheart

Sorry ngayon lang ulit naka pag post super busy lang sa work. Dami kasi work….sa ngayon eto lang ang nakayanan ko….hirap kasi gumawa ng story na madami iniisip….kaya pagpasesiyahan ninyo na muna iting nakayanan ko…..

Purpleheart

Simula noon si Richard na ang humawak ng family business nila. Once o twice a week na lang siya umuwi sa residential house nila, para dalawin ang parents niya at ang kakaisa nyang “kapatid” na si Erikanicole.

“Hi! Pa, Ma….good evening po….si Erikanicole?”

“Nasa room niya….” sagot ng mama niya. “Baka natutulog na iyon”.

“Iho malapit ka na mag 30 wala ka pa rin bang balak mag-asawa?” Sabi ng papa niya.

“Pa, 29 pa lang po ako. At saka hindi ko pa po nakikita iyn babaeng nagpapatibok ng puso ko eh.”

“Baka naman kasi hindi ka naghahanap anak….” sabi naman ng mama niya.

“Dadating din siya Ma, sige pupuntahan ko muna si Erika.” Napapailing na lang si Richard, kaya ayaw niya umuwi dito sa kanila. Lagi na lang siya kinukulit ng magulang niya mag-asawa na siya. Pero ano magagawa niya wala pa siya nakikita babae maaari niyan magustuhan.

Spoiled sa kanya si Erikanicole….actually hind niya ito tunay na kapatid….may nag-iwan lang sa gate nila dito noon baby pa ito….noon walang kumuha dito ay inampon na ito legally ng parents niya. That was 13 years ago.

Kumatok si Richard sa kuarto ni Erika pero hindi ito sumagot Kaya pumasok na lang siya sa room nito. Napangiti siya noon makita nito an maayos ang kuarto nito. Naupo muna siya sa kama nito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa CR nito. Tiyak naliligo ito…..

Nakita niya ang macair nito na bigay niya. Binuksan niya ito, ganun na lang ang pagkamakha niya sa nakita niya doon…..

“Hindi ito pupuede…masyado pa siyang bata para sa mga ganitong bagay….. She is only 13 years old. For petesake.” Dali-dali niya pinadala sa e-mail niya ang nabasa niya sa macair ng kapatid niya.

Hindi siya nagpahalata sa kapatid niya ang natuklasan niya……

“Kuyaaaaaaa”, masayang sigaw ni Erika at sabay damba dito. “Dala mo ba ang S4 ko?”

“Hmmm, kaya lang naman masaya ka makita ako eh dahil alam mo may dala ako sa iyo.” kunwari nagtatampo sabi ni Richard. “Baka may-iba na nagpapasaya sa yo ha.”

Erika rooled her eyes….”kuya bata pa ako, at wala pa sa isip ko ang mga ganyan bagay, spare me.”

“Dapat lang, baby ka pa kaya. Pag 18 ka na saka puede paligay.”

“Kuya, ikaw ang dapat maghanap na matatawag ko na “ate”……” sabi nito sa kuya niya.

“Pati ba naman ikaw sumasali sa pangungulit nina mama?”

“Kuya, you are getting any younger….”

“Hmmm, nasasbi mo lang yan, for sure magseselos ka pag nagka girlfriend ako.”

“Of course not. I will be happy pa nga eh.”

Ginulo nito ang buhok ng kapatid niya sabay bigay ng pasalubng niya dito. “Eto na ang hinihingi mo S4…”

“Thanks kuya…..pero sana magka girlfriend ka na talaga kuya.” sabay halik sa pisngi nito.

“Ok….goodnight baby sis….”

Pagpasok ni Richard sa kuarto niya. Dali-dali niya binuksan ang email niya at binasa doon nakita niya sa macair ng kapatid niya…..

Dear Purpleheart,

I’m only 13 years old. Tama ba magkaroon na ako ng crush? I have a crush with an older man. He is a senior sa school namin. I know sasabihin mo bata pa ako, para sa mga ganitomg bagay. Pero naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko eh. Mabait siya at hind mayabang kahit alam niya madaming humahanga sa kanya. Pero noon isang araw nilapitan niya ako, sabi niya hihintayin daw niya ako. Purpleheart, ano ibig niya sabihin noon. Naguguluhan ako. Wala naman ako kapatid na babaeng puede ko sabihan ng nararamdaman ko. Kuya ko kasi eh, ayaw pa mag-asawa para magkaroon na ako ng ate eh.

I hope you can help me, Ms. Purpleheart. Hoping to hear from you soon.

“Baby pa ang kapatid ko….Paano siya magkakaroon agad ng crush….sino ang lalaking ito at may lakas pa ng loob na sabihin sa kapatid niya hihntayin niya ito…..dapat makausap ko ang lalaking ito. Baka lokohin lang niya ang kapatid ko.” sabi ni Richard sa sarili niya.

Para may sumundot sa konsensiya niya…”lakas ng loob mong magsalita na matino ka tao….baka nalilimutan mo kung ano ang ginawa m sa bestfriend mo noon pareho kayo 16 years old.”

“Nasaan ka na ba? Bakit bigla ka umalis at di na muling nagpakita……”

“Kailan ko kumilos agad baka mapahamak ang kapatid ko. Pero saan ako magsisimula….sa school ba ni Erika o si Purpleheart? Tama si Purpleheart muna ang dapat ko unahin…..”

Dali-dali nag search si Richard kung saan matatagpuan ang Purpleheart nito. Hindi naman siya binigo ni pareng google. Nakuha niya ang address kung saan nagtratrabaho itong si Ms. Purpleheart. Natatakot siya na baak kung ano pa ang ipayo nito sa kapagid niya. Baka sulsulan pa nito ang kapatid niya. Hindi iyon pupuede…..

****
Maganda ang gising ni Maya……kahit pa sabihin late na siya sa nakatulog dahil sa pagsagot niya sa mga e-mails ng mga readers niya. Pakiramdam niya ay maayos pa din ang tulog niya. Isa siyang parttime columnist writer sa publishing house nila. Bagay na lagi nilang pinag-aawayan ng ama niya. Pero nga walang puedeng sumira ng umaga niya kahit pa ang masungit niyang boss na walng iba kung di ang sarili niyang ama…..

Pagdating niya sa opisina nila…binati niya ang lahat….”Good morning everyone.”

“Good morning ma’am!”

Noon malapit na siya sa reception area, nakita niya may kausap ang receptionist nilang si Melody. Narinig niya ito humihingi ng appointment kay Purplehearts.

Nakangiti siyang hinarap ang laaki….”Looking for me mister?”

Pagharap ni Richard, “Yes….I…..”hindi na naituloy ni Richard ang sasabihin niya….

“Maya dela Rosa?”

“Richard Lim?” katuwaan ang naka rehistro sa mukha ni Maya noon nakilala niya kung sino ang naghahanap sa kanya.

“Ikaw si Purplehearts?” nakangiti din sabi ni Richard kay Maya.

“”The one and only. Bakit mo ako hinahanap.? Nagulat ka ba?”

“Medyo….hindi ko akalain na iyin pagiging tsismosa at pagiginga pakialamera sa lovelife ng mga tao, kasama na iyon sa akin eh ginawa mong career.”

“Actually, hindi naman talaga career, parttime ko lang ang pagbibigay ng payo. Pang-alis ng stress sa work lalo na malapit ang mga deadlines…..so bakit mo pala hinahanap si purpleheart? May ikokonsulta ka ba sa kanya?” pagbibiro nito sa kanya.

Napakamot sa ulo si Richard, “ha eh…. Can we talk in private?”

“Sure, tara may starbucks sa tapat.”

Kinuwento ni Richard ang plano niya kaya niya hinahanap si Purpleheart.

“Ibig mong sabihn na sumugod ka dito sa opisina ko para ako away-awayin dahil iniisip mo na baka bigyan ko ng masamang payo ang kapatid mo?

“Parang ganoon na nga. Sorry naman.”

“Hindi ko alam na kapatid mo si Erikanicole, hindi ko rin alam na nagkaanak pala ulit si tita.”

“Actually, hindi ko biological sister si Erika…adopted lang namin siya, may nag-iwan lang sa kanaya sa harapan ng gate namin noon baby pa siya.

Naging uneasy bigla si Maya….

“Bakit Maya, may nasabi ba ako?”

“Wa….wala.”

“Ikaw kamusta ka na? Bakit bigla kayo umalis ng walang paalam sa subdivision natin. Para naman hindi tayo magkaibigan noon.” sabi ni Richard…”Alam mo ba na hinanap kita at pinagtanong sa mga kakilala natin. Pero wala naman nakapagsabi kung nasaan kayo.” Patuloy na sabi ni Richard. “Sumama ang loob ko noon sa yo.”

“Sorry, napagbintangan kasi si Papa na nakadispalko ng pera. Pero iyon kumpare niya ang may gawa noon….. Umalis na lang kami at ginawang pambayad iyon bahay namin. Para lang huag makulong si Papa.”

“Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa amin, kay papa….”

“Para hindi mo kilala si Papa, masyado iyon ma pride at ayaw noon kinakaawaan siya. Sa Cebu kami tumira at doon muli nagsimula. Hangga naka banggon muli kami. Nagtayo si Papa ng maliit na publishing house na unti-unti lumago. Ngayon, eto na nga ang publishing house na pinaghrapan itayo ni Papa…”

“Ikaw kamusta ka na? Bakit hindi ka pa nag-aasawa?” tanong ni Maya kay Richard.

“Paano mo nalaman na hindi pa ako nag-aasawa”.

“Di ba iyon ang sabi ni Erikanicole sa sulat niya.”

“Oo single pa din ako, kasi 13 years ago meron ako kapitbahay na bigla na lang umalis. Hindi niya alam na kasama niya umalis ang puso ko.”

“Ikaw bakit hindi ka pa din nag-aasawa?”

“Ngumiti siya….kasi hindi ko pa nakikta ang mag-ama ko. I was 16 when I got pregnant….dahil sa nangyari sa pamilya ko iniwan ko ang anak ko sa bahay ng ama niya. It’s been 13 years at hindi ko pa din sila nakikita, until now…..

Richard was dumbfolded sa sinabi ni Maya….

~ THE END ~

4 thoughts on “Purpleheart

  1. The end na??? agad-agad???😦
    sana may next chapters pa… never mind kung matagal pa maghihintay naman kami and we will never get tired of reading your stories🙂

    Thanks for sharing your gift🙂

  2. Ms. P, welcome back! Thank you for this update, kahit matagal. hehe. Nakakawindang din itong one time story mo na ito. it leave a lot for us to imagine on our own…hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s