Coach…I Love You 1

Sorry talaga at one shot lang ang Purpleheart……

Here’s another one its another short story pero di siya one shot lag meron pa ito kasunod na chapter…pero di ko alam when ko ma po post ang next chapter…

Happy reading….

COACH….I LOVE YOU

Chapter 1

Para na naman may laban sa kanilang Unibersidad dahil sa ginagawang pagtatalo naman ng magaling nilang professor at ang magaling nilang national coach. Simula ata noon pumasok sa unibersidad nila ang professor hindi na natigil ang bangayan ng dalawang ito. That was 3 months ago…di nila alam kung magkakasundo pa ba ang dalawang ito. Ilan buwan na lang tapos na ang 1st semester….

Kung titingnan mo parang ang sexy at mala-anghel na mukha ng national coach nila ang pasimuno ng away nilang dalawa ng mabait na professor. Wala nga mag-aakala na mala-anghel na mukha ng coach nila ay nagtatago ang katarayan nito, kabaligtaran ng guapo nilang professor. Na napaka cool kahit gaano pa siya katarayan ng coach nila,

“Coach Maya, nasabi ko na sa yo di ba? Na mid-term exam ni Nikki ang araw na iyon. Sorry, pero final na ang desisyon ko.” sabi ni Sir Lim sabay alis ng salamin nito sa mata at tinitigan si Coach Maya sabay ngiti dito.

Humalikipkip lang si Coach Maya attinaasan ng kilay si Sir Lim. “Ano akala mo sa akin makukuha mo sa titig mo at ngiti. No way” bulong ni Coach Maya. Alam niya ang epekto ng mga titig at ngiti sa mga ibang kakababaihan sa campus nila.

“Sinabi ko rin sa yo na kailangan ko si Nikki siya ang pinakamagaling na spiker at scorer ng school natin. Malakas ang kalaban natin eskuwelahan. Gusto mo ba matalo tayo?”

Binigyan na isang pamatay na ngiti ni Prof Richard si Maya, his famous lopsided smile. Kahit hindi direkta iyon mga ngiti ibinigay ni Richard sa mga kababaihan nanonood sa kanila ni Maya, kinilig pa din ang mga ito at halos maglupasay. Pero mukha hindi iyon epektibo kay Maya.

“Syempre gusto ko manalo ang school natin. Pero malaki ang tiwala ko sa ho na kahit wala si Nikki sa laban iyon mapapanalo mo pa rin ang laban iyon. Magaling kang coach.”

“Maraming salamat sa confidence at tiwala binibigay mo sa akin. Kung ganun puede mo ireschedule ang exam ninyo o bogyan na lang ng special exam si Nikki para makapaglaro siya.”

“Puede ko iyon gawin pero unfair iyon sa ibang estudyante ko, bakit hindi na lang kaya ikaw ang mag reschedule ng match.”

“Sa palagay mo kung puede hindi ko iyon ginawa? Ayaw pumayag ng kalaban eskuwelahan na ireschedule ang laban.”

Galit na tinitigan ni Maya si Richard samantalang si Fichard at cool lang na nagiisip kung paano ma reresolba ang problema nila.

Nasa ganun silang tagpo noon makita sila ng Dean ng eskuwelahan nila. “Ano naman kaguluhan ito?” tiningnan ni Dean Roberto ang isa sa mga titser at tinanong ito. “Ms Lisa, ano nangyayari dito?” Sinabi ni Lisa kung ano ang nangyari. Kaya punapunta niya sina Maya at arichard sa opisina niya.

“Prof, Coach, wala na ba kayo maisip na paraan para maresolba ito problema ninyo dalawa. Hindi yan lagi na lang kayo nagbabangayan dalawa. Hindi ba kayo nagsasawa na lagi kayo pinapanood at pinag uusapan sa campus at faculty room?”

Nakatungo lang si Maya habang nagsasalita ang Dean nila. Samantalang si Richard naman ay seryoso lang.

“Sorry Dean” sabay sabi noon dalawa.

“Since wala naman sa inyo ang gusto mag give way. Ako na lang ang iisip ng paraan para maresolba na ito.”

“May naisip na po kayo sir?” tanong ni Maya.

“Oo, ayaw ninyo magcompromise sa isa’t-isa naisip ko na kayo dalawa na lang ang maglaban. Kung kaw prof ang mananalo, dapat maghanap nagkapalit si Coach to replace Nikki. Pero pag si Coach ang mananalo, dapat mo i-reschedule ang exam mo Prof. Oras lang ang i-aadjust mo Professor.

“Ano ang paglalabanan namin, sir?” tanong naman ni Richard.

“Coach Maya, hindi ba you always believe in equality of work.”

Tumango si Maya, “Yes Drea.”

“Kung ganun mag-isip ka ng isang gawain pambabae na gusto mo ipagawa kay Professor Lim.”

Napangiti si Maya, isang nakakalokong ngiti. “sige igawa mo ako ng isang cross stitch.”

Napatayo si Richard sa kinauupuan niyang silya, “Ano? Cross stitch? Hello sa buong buhay ko never ako humawak ng karayom.”

“Ito na ang oras para humawak ka ng karayom at manahi. There’s always a first time sa lahat ng bagay, Professor.” sabi ni Maya sabay bigay ng mapag-asar na ngiti. Malay mo, dahil dito matuto ka na manahi ng mga butas na kilikili ng t-shirt mo, socks o even underwear” sabay hagikhik. Naaamoy na niya ang panalo. Hindi niya maimagine isang Engineering pofessor mananahi o mag cro-cross stitch.

“Baka naman sabihin mo sobra ako brutal sa ho..puede ka manghingi ng tulong sa estudyante mong babae para maturuan ka mag cross stitch. For sure meron sa kanila ang marunong mag cross stitch. ”

Nanonood lang si Dean Roberto sa kanila dalawa. Nagpipigil lang ito matawa sa kalokohan ng Coach nila. Naaawa siya kay Professor Lim, sa binigay na task ni Coach dito.

“Professor pag may nagawa ka na cross stitch kukuha ako ng isang student sa fashion design department natin para husgahan ang gawa mo.” sabi ni Dean kay Richard. “Payag ka ba doon Coach Maya?”

“Yes, Dean at pag acceptable ang gawa ni Professor Lim, then I will concede sa laban ito.”

“Sinabi mo yan ha.”

“Oo naman, isa ako sportsminded person. Para ano pa at naging coach ako.”

“Ok, deal.”

“Ikaw Prof, wala ka ba ipapagawa na gawain panlalaki sa akin?”

“Huag ka mainip, Coach Maya, nagiisip pa ako kung ano ipapagawa ko sa yo.”

“Puede pakibilisan mo naman ang pag-iisip mo.”

“Eto na…eto na.”

“Ano bilis, sabihin mo na.”

“Maglaro ka ng football.”

“Gusto mo ako maglaro ng football? Sino kalaban ko ang buong football team?”

“No, tayo dalawa ang maglalaban ng football. Kapag naka goal ka sa goal mo then ako naman ang magco-concede sa laban natin.”

“Sigurado ka ba diyan? Alam mo ba ang rules sa football? Wala naman s atipo mo ang mahilig sa sports.”

“Huag mo naman ako masyado maliitin Coach Maya,”

“Naglaalro ka nga ng football?”

“Hindi porke isa ako professor ay wala na ako alam sa sports. Oo nga pala, Coach if you commit foul, talo ka na. Halimbawa, paghinawakan ang bola, foul iyon.” Ngumiti si Richard kay Maya para ipaalam dito na may alam siya sa football.

“Huag ka masyado bilib sa sarili mo Professor. Hindi mo ako basta matatalo.”

“Huag ka mag-alalal gentleman naman ako, hindi ako mananaching alam komkung saan dapat ilagay ang mga kamay ko pag naglaro na tayo.

Nag decide sila na saka na sila maglalaro ng football kapag nakakita na si Richard nang makakatulong sa kanya sa cross stitch work niya,

Kakatapos lang ng klase ni Richard at naglalakad siya sa hallway ng bigla nadinig niya may tumatawag sa kanya. “Profesor lLim!….” lumingon si Richard at nakita niya isang lalaki ang tumatakbo palapit sa kanya.

“Professor Lim, salamat naman at naabutan pa kita. Ako si Eman,” sabay abaot ng kamay niya, “sabi ni Coach Maya puntahan daw kita kasi kailangan mo daw ang tulong ko.”

Napakunot ang noo ni Richard, sa sinabi ni Eman.

“Sigurado ka ba sa akin ka pinapupunta ni Coach Maya?”

“Yes sir, grabe sir ang guapo mo pala. Ang bango-bango mo pa sabay lapit kay Richard at sininghot nito ang amoy ni Richard. Napa-atras naman si Richard. Alam mo ba sir noon nalaman ng mga girls napupuntahan kita, naku ang dami naiinggit sa akin. Ang dami gustong makipagpalit sa akin ng puwesto. Pero sorry na lang sila dahil ako ang sinabihan ni coach na puntahan ka at kausapin. Sabi kasi ni Coach kailangan mo daw ng tulong sa pag cro-cross stitch? Magaling ako doon sir, I can teach you.” Sabi ni Eman na halatang kinikilig….

“Thank you, Eman…pero meron na ako nakuha tutulong sa akin eh. Thank you na lang sa effort.”

“Ah ganun po ba sir.” malungkot na sabi ni Eman. “Ok lang po, sabihin ko na lang po kay Coach meron na kayo nakuha. Bye sir.” umalis na ito sa harapan niya,

“Maya…Maya…talagang kinakalaban mo ako. Nagpadala nga ng tutulong sa akin bakla pa.”

Pero kahit ganun pa ang nangyari, kahit lagi silang nagtatalo hindi mapigilan ni Richard na hindi mapangiti pag naiisip nito si Maya. Kahit sa simula ay lagi na lang silang nagtatalo, hindi niya maipagkakaila na attracted siya dito. Aliw na aliw siya sa hot temper nito sa kanya. Na sa kabila ng angelic face nito at natatago ang isang tigress sa katauhan nito. Wala pa siyang nakikita o nakikilalang babae na nakakuha ng attention niya kungdi si Maya lang.

“Professor! Professor Lim!”

“Dean?”

“Ok ka lang ba, Professor Lim, it seems you are spacing out?”

“I’m fine sir….meron lang po ako naalala.”

******************

5 thoughts on “Coach…I Love You 1

  1. Ms,Pipay ask ko lang kelan ang karugtong ng honeymoon??? hehehe akala ko nga yun ang ggawin mo after covergirl… pero ok din to kinilig ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s