The Covergirl – 22

The Covergirl

Chapter 22

Nag indian sit si Maya sa isang sulok ng tent. Nilapitan ito ni Richard. I miss you so much at hinalikan siya sa lips. Hindi siya tumugon ngunit kinagat ni Richard ang ibaba niyang labi. Kaya nai-awang niya ito at naipasok ni Richard ang dila nito sa loob ng bibig niya. Naramdaman niya ang pangingulila ni Richard sa halik nito at ganun din naman siya. Kaya tinugon na din niya nang ang mapusok na halik nito. Naghiwalay lamang mga labi nun kapusin na sila ng hininga.

Umayos sila ng upo at hinalikan ni Richard sa may sintido si Maya, saka niyakap ito at inihilig ang ulo sa may dibdib niya. Habang naka-akap ang mga kamay nito sa bewang ni Maya.

“Sweetie, alam ko nasaktan ka sa nakita mo. Pero sana pinakinggan mo muna ang explanation ko. Alam mo ba halos mabaliw na ako sa kahahanap sa yo, lahat na lang posibleng puntahan mo, pinuntahan ko. Ilan Private Detectives na ang kinuha ko hindi ka pa rin makita. Iyon pala nasa kumbento ka lang.” Hinigpitan ni Richard ang yakap sa bewang nito. Tahimik pa rin si Maya, hindi nag salita pero, hininghot-singhot si Richard.

Natatawa si Richard sa ginawa ni Maya. “Sweetie, actions speaks louder than words talaga. Na miss mo ako, pero Sweetie, baka naman masinghot mo na lahat ang bango ko sa katawan.”

Tumingin si Maya kay Richard, sabay sabing, “Bakit ganyan ang amaoy mo? Ang baho mo, naligo ka na ba? Umalis ito sa pagkaka-akap no Richard at lumabas ng tent.

“What?, sabay amoy sa sarili, hindi ah, ang bango-bango kaya. Sabi nito habang sinusundan si Maya sa paglabas ng tent.

“Basta ayoko ang ginamit mong sabon pampaligo, mabaho siya.”

“Maya, Ito kaya iyon shower gel na binili mo, di ba gustong-gusto mo ang amoy na ito?

“Basta, ayoko ng amoy mo. Period.”

“Alam mo gutom lang yan, halika na kain na tayo, sabay hila dito sa isang side ng tent, kung saan nakalatag ang isang picnic blanket na may pagkain.”

“Hindi pa ako gu…. Kaso bigla tumunog ang tiyan niya.”

“Hindi ka nga gutom,” sabi nito naka ngiti.

“Oo na gutom na nga ako, pero mabaho ka pa rin.”

“Alam mo napipikon na ako sa iyo ha, sabay alis ng t-shirt, halika ka nga dito, amuyin mo itong kilikili ko.” Sabay hawak sa ulo ni Maya, at idinikit ang ulo nito sa kilikili nito.”

Napalunok si Maya noon makita niya ang katawan nito, “Ano ka ba, Richard. Basta maligo ka muna bago ako makipag usap sa yo.”

“Oo na, pero kumain muna tayo.” sabi nito saka siya binigyan ng nakakalokong ngiti.

Napansin iyon ni Maya,”what?”

“Bluff mo lang na mabaho ako, pero sa totoo ay miss na miss mo na ang amoy at katawan ko. Kaya dahil diyan papayagan kita na paliguan ako pag balik natin sa log cabin.” sabay kiliti dito ni Richard sa tagiliran.

“Whahahaha, ang corny mo talaga magpatawa.”

“Uy, tatawa na yan.”

Napangiti nga niya si Maya. “Ewan ko sa yo.”

“Bati na tayo?”

Tumayo muli si Maya, “hindi pa, hangga di ka pa naliligo.” saka nagtatakbo palayo sa kanya.

“Lagot ka sa akin pag nahuli kita.” pero di ba nakakalayo si Maya, nakita niya ito na parang matutumba kaya, “Maya!” sigaw nito saka tinakbo ng mabilis para hindi ito matumba sa lupa.

“Maya, what happen to you?”

“Medyo, nahilo lang ako.”

“Gutom yan, halika na at kumain na tayo, humigop ka muna ng mainit na sabaw. Para mainitan muna yan sikmura mo.”

Hindi na nakipagtalo si Maya, kailangan na din niya kumain.

“Babe, sorry….”

“Sshhh, wala ka kasalanan. It’s my fault. Kasi…

“May kasalanan din ako, kasi imbes na harapin ko ang problema natin eh tumakbo ako at nagtago.”

“Eat, we will talk later, tonight. Let’s have a quite and private dinner. Mapapagbigyan mo ba ako?”

Tumango ito. “Saan?”

“Leave it to me.”

“Ok, sarap nito ah, pamilya ba ni Carding ang nagluto nito?”

“Yap.”

——-

Pagbalik nila sa cabin, pinaliguan na nga ni Maya si Richard, ibang shower gel ang gnamit niya dito, iyon hindi masangsang sa pang-amoy niya. Habang sinasabon niya ito, nasabi niya sa sarili niya, “ang hirap naman ng buntis, napakaselang ng pang-amoy. Babe, malapit ka na maging daddy, “at napahagikgik siya.

“Why?”

“Nothing…”

“Hmmm, siguro naiisip mo rn iyon iniisip ko noh?”

“Ha, wala ako iniisip ha.”

“Talaga, hindi mo naiisip iyon nangyari sa condo mo before.”

“Of course not.”

“Talaga lang ha.?”

“O..Oo.”

“Puwes, ipapaalala ko sa yo,” at hinalikan na ni Richard si Maya.

Ang mga sumunod na sandali ay katahimikan na lang sa loob ng banyo ng cabin.

Kinakabihan, nagbibihis na si Maya ng susuotin niya sa dinner nila ni Richard ng makaramdam siya muli ng pagkahilo at bigla siya natumba at nawalan ng malay.

“Richard?” tawag dito ni Maya, nakatayo ito sa may bintana.

Humarap ito kay Maya na madilim ang mukha. “Kung hindi ka pa nawalan ng malay, hindi ko malalaman na buntis ka pala at huag mo sabihin hindi mo alam. Tumawag ako kay Doktora Jaja at sinabi niya sa akin na alam mo buntis ka, even before you go to Hongkong.”

“Babe, let me explain…”

“Bakit hindi mo sinabi agad sa akin. Damn it.”

“Please listen to me first, huag ka naman magalit oh,” naiiyak na sabi ni Maya kay Richard.

“Hindi ako galit, masama lang ang loob ko.”

Bumangon si Maya at lumapit kay Richard,,yumakap siya dito saka tumingala dito at ngumiti.

“Babe, wala ako balak ilihim sa yo ang kalagayan ko, oo nalaman ko buntis ako bago ako pumunta ng Hongkong. Dapat after ko magpatingin kay Doktora, dederecho na ako sa yo. Pero naisip ko, na ang araw ng balik ko from Hongkong ay ating 3rd monthsary. Kaya sabi ko doon ko na lang sasabihin sa yo. Pero….”

“Oh, Sweetie…..” sabay halik dito. “Fix yourself itutuloy natin ang ating dinner. Doon natin pag uusapan ang lahat-lahat.” binigyan ulit siya ni Richard ng magaan na halik, sabay yuko at hinalikan ang tummy niya, “baby, daddy loves you.”

Napaiyak si Maya sa gesture na iyon ni Richard. “Oh babe, I love you so much.”

“Same here, Sweetie.”

Dinala ni Richard si Maya sa Lake Damun. Meron doon isang mesa at dalawang sila. Sa isang bahagi ay may bonfire…..

Ang tahimik ng paligid, tanging ang maliwanag na buwan at bonfire lang ang ilaw nilang dalawa.

“Babe, ang tahimik naman dito, nakakatakot.”

“Huag ka matakot, relax ka lang, mabuti pa kumain na muna tayo.” kinumpas ni Richard ang kamay niya at lumabas kung saan si Carding na may kasama pang dalawang tiga silbi.

“Magandang gabi po ma-am, sir.”

“Magandang gabi din sa yo, Carding” sabi nina Maya at Richard.

At hinain na sa kanila ang kanilang hapunan. Pagkahain, umalis na muli si Carding at dalawa nitong kasama.

Tahimik silang kumain dalawa.

“Grabe, sweetie ang takaw mo, ang dami mong kumain.”

“Natural dalawa na kaming kumain ngayon eh.” sagot nito.

“Ngumiti si Richard.”

“Ano nginingiti mo diyan?” tanong ni Maya.

Hinalikan muna ito ni Richard, saka nagsalita, “natutuwa lang ako kasi hindi ka concious na tumaba. To think isa ka model.”

“Mas mahalaga sa akin ang anak natin kesa sa pagiging modelo ko. Puede ko naman ipagpatuloy ang career ko after ko manganak. Madali na lang naman mag work out eh.”

“I’m a lucky man to have you in my life, Maya. Time for dessert,”” muli kinumpas ni Richard ang kamay niya at lumabas si Shiey at Lisa.

“Hi! Ate Maya.’ bati n Shiey dito.

“Ate Maya?” ulit ni Maya sa sinabi n Shiey.

“Sweetie, I want you to meet my favorite cousin si Honey Shiey Lim.”

“Pinsan mo siya?”

“Oo, Ate Maya, mag pinsan kami ni Kuya Richard at honey iyon tawagan namin kasi nga Honey iyon pangalan ko.” nakangiting sabi ni Shiey sa kanya,

Napasubsob sa mga kamay niya si Maya, “nakakahiya, babe I’m sorry nasampal pa kita noon.”

Hinawakan ni Richard ang baba ni Maya, “Sweetie, ok lang iyon, I understand.” Look, sabay turo sa mga kite lantern na unti-unti tumataas sa ere.

Napatingala ng tingin si Maya…napasinghap ito, noon mabasa ang nakasulat sa 5 kite lantern na nakalutang sa ere.

1st Kite Lantern: Will

2nd Kite Lantern: You

3rd Kite Lantern: Marry

4th Kite Lantern: Me

5th Kite Lantern: Maya

Pagtinging niya kay Richard nakaluhod na ang isa nitong tuhod at naka umang ang 2 singsing sa kanya harapan.

“Uulitin ko, will you marry me, Maya?, it’s long overdue proposal, dapat noon pa ito after your Hongkong, kaso nawala ka.”

“Maya, Please accept my heart, mamahalin kita habang ako’y nabubuhay. Ibibigay ko sa yo ang lahat-lahat.”

“No….Richard”

“No,? ayaw mo ako pakasal sa akin?”

“Tange, ano ka ba. Ikaw ang lahat sa akin, Richard,, Ikaw lang. Of course I want to be call Mrs. Richard Lim. Yes, I will marry you, I love you, too.”

Sinuot na ni Richard ang engagement ring sa kanyang ring finger at ang family heirloom ng mga Lim.

“Richard, it’s very beautiful.” sabay akap dito ng mahigpit. Sabay sa pag-akap nito ay muling nagliwanag ang kalangitan.

“Fireworks, I love it babe. Thank.”

“Glad you like it, meron pa look” sabay turo ni Richard kung nasaan ang bonfire. Kasi bigla dumami ang bonfire at isa-isa nagsilabasan ang mga kakatubo at sumayaw.

“Babe, ano iyin sinasayaw nila?”

“Sabi ni Carding, Yan daw ang tinatawag na Kadaclan o Natonin’s eagle dance. Sabi kasi ni Carding, sa kanila daw mga katutubo pag meron kasiyahan nagaganap, tinatawag nila itong Canao. Pero sa kanilang mga Barlig, ang selebrasyon ngayon ng Canao ay tinatawag na “oras”.”

“Oras? Bakit?”

“Kasi nagdidiwang tayo ng isang masayang kasiyahan ang ating engagement party.”

“Ah, ang galing naman nila.

“Tara punta tayo doon.”Sabi ni Richard.

“Wait, iyon Lemon pie na dala ni Shiey, masarap pa naman ito.”

“Takaw mo talaga.”

“Tse….”

Aliw na aliw si Maya sa panonood sa mga katutubong sasayaw. Pero higit pa siyang nagulat noon makita niya kasali na sa mga nagsasayaw ang Magulang niya.

“Ang Mama at Papa…nandito rin.”

“Yap, hindi lang sila, pati na rin si Mother Superior, ang Mama at Papa ko rin nandito.”

“Ha? Nandito silang lahat?”

“Oo, gusto nila masaksihan ang engagement natin dalawa. Happy?”

“Very happy.”

Mamaya pa hinila silang dalawa ni Shiey….kuya, ate halika kayo sayaw na rin kayo.

7 thoughts on “The Covergirl – 22

  1. Yay! The much awaited next chapter 22. Ang romantic nman ng proposal ni Richard & buntis na si Maya. Excited & happy for both of them. On to the nxt chapter.😉

  2. yun oh! nagpabalik balik na ako dito then EB inulit ulit ang pagbasa hhaha adik lang🙂 eto binabasa ko uli mas gusto ko kasi ang font dito madaling basahin LOL Thanks Ms. P!

  3. Woohoo! Happily ever after na ba itech?! Sana nga, sana wala nang sagabal sa kanilang dalawa.

    Next up, WEDDING DAY! Excited much lang😀

  4. Eiiiii mahal na mahal talaga ni Richard si Maya, to think muntikan mabaliw! haha.. Happy Family na sila soon🙂 excited na sa Wedding Plans!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s