The Covergirl – 13

The Covergirl

Chapter 13

“Maya…Maya….bumaba ka na diyan nandito na ang mga pinsan mo.” sigaw ng mama nito.

“Huh?” napamulat si Maya….Sina Mama nandiyan na….Ri….. Bakit nandito pa din ako sa bathtub?” Pinakiramdaman ni Maya ang sarili…..”panaginip lang ang lahat? Parang totoo. “Hindi puede ito, siya na lang lagi laman ang isipan ko simula noon dumating ako dito.” Napabuntong hininga siya, saka napangiti, “Richard ano ba ito ginawa mo sa akin, nagkakaroon na ako ng wet dreams ng dahil sa yo.” ” Dapat ko na kalimutan kung ano man damdamin meron ako para sa yo.

Nag-ayos na si Maya at bumaba upang maikipag kuwentuhan sa mga pinsan niya. Nagkakatuwaan silang lahat sa salas nila, 2 minuto na lang ay Pasko na….bukasan na ng mga regalo…….

Ring….ring…ring….Tumunog ang telepono nila.

“Yes, she is here. For awhile, I’ll just call her.”

“Ate Maya, may tawag ka, mula sa Philippines, ang ganda ng boses.” sabi ng pinsan niyang si Ana.

Kinabahan si Maya pero napangiti na rin….may idea na siya kung sino ang tumatawag sa kanya. Handa pa naman siya na kalimutan ito ngunit paano….

“Hello.”

“Hello, Maya”

“Richard?” hindi makapaniwala si Maya na tutuparin nito ang pangako tatawagan siya before 12 midnight.

“Bakit parang gulat na gulat ka. Di ba sabi ko sa yo tatawagan kita before the strike of 12midnight.” Nahimigan niya ng kaunting pangungutya ang boses nito, nadikit na lamang niya ang noo niya sa pader. Kamusta ka na? Merry Christmas!”

“Fine. I’m just fine. Merry Christmas too!” She tried to compose herself. “I…..I didn’t expect to hear from you.

“So you didn’t take it seriously when I told you I will call you on the eve of Christmas.” he said in a sad voice. “It just mean you didn’t trust me at all.”

“No, hindi sa ganun, alam ko kasi busy ka sa trabaho at tiyak may party din sa bahay ninyo.”

“It’s alright Maya, just wanna great you personally Merry Christmas, that’s why I call. Sige na hindi kita aabalahin pa, alam ko nagkakasiyahan kayo diyan ng pamilya mo. Merry Christmas again and see you a week after New Year. Goodbye.” he hangs up.

“Goodbye, Richard.” bago ibinaba ang phone

Isang naka ngiting Maya ang nakita ng mga kamag-anak nila, noon bumalik si Maya sa salas. Ngunit, ang mga magulang niya, alam na hindi siya lubusan masaya, kita sa mga mata niya ang ikinukubling kalungkutan. nagkasiyahan silang magpipinsan hangga madaling araw.

“Ate Maya, sino iyon tumawag sa yo? Boyfriend mo? Sana sinama mo dito para nakilala namin.” sabi ni Ana.

“Oo nga naman, Maya.” sabi naman ng iba pa niyang kamag-anak at pinsan pati na rin ang mga magulang niya.

“Ano ba kayo, wala pa ako boyfriend. Boss ko iyon tumawag…..”

“Boss mo o boss ng puso mo?” tukso naman ng pinsan niyang si Joma. Namula ang pisngi niya.

“Uy, si Maya namumula” sabi naman ng nakakatanda niyang pinsan si Doris.

“Ate Doris, talaga.”

“Tama na yan at baka magkapikunan pa kayong magpipinsan.” sita ng isa niyang tiyahin. “Pero Maya, guapo ba ang boss mo?”

“Auntie, napaka guapo at ang bango pa niya.” wala sa loob na sabi ni Maya sa kanila.

“Boom…ate huli ka.” Sabi ni Sabel. “Crush mo siya noh?

Lalo pa namula ang mukha ni Maya. Kaya ayun siya ang naging tampulan ng tukso. Masaya din si Maya, kahit papaano, dahil nakasama niya ang lahat mg mahal niya sa buhay ngayon kapaskuhan. Kahit ang puso niya ay nalulumbay.

Mabilis lumipas ang araw. Bisperas ng Bagong Taon, papaalis na sila mag-anak upang mag tungo sa clubhouse, doon nila sabay-sabay sasalubungin ang bagong taon, ng bigla mag ring ang telepono nila.

“Ma, sige na po ako na ang sasagot.”

“Sige anak,sumunod ka na lang at baka matagalan kayo mag-usap ng boss mo.” nakangiti nitong sabi sa kanya,

“Ma!”

“Hello!”

Happy New Year! My friend….

“Eman?” aabi nito na parang dismayado at ito ang tumawag sa kanya.

“Bakit parang hindi ka masaya ako ang tumawag? Expecting someone else?”

“No, I’m not expecting anyone else. Napabuntong hinga si Maya…

“Wow ang lalim naman ng bunting hininga mo,” biro dito ni Eman.

” Napatawag ka? Aside from greeting me. Meron ba tayong bagong raket?” Tanong ni Maya dito.

“Happy NewYear Sweetie! Yes I have a new project for both of you. But let’s not talk about it now.” How’s your holiday so far?

“Magkasama kayo ni Eman?”

“Opps, don’t get us wrong. Wala kami relasyon ni Eman. Huag ka magselos. I’m all yours.”

“Hahaha. Very funny.”

“May pinuntahan kasi sila ni Lisa malapit dito sa bahay, kaya dumaan na rin sila dito.”

“Wait sabi mo sina Eman at Lisa?”

“You heard me right, sweetie.”

“Sila na?”

“Hindi pa naman pero sa tingin ko malapit na.”

“Wow finally, sasaya na rin ang kaibigan ko yan at salamat di na siya naging torpe.”

“Your’re right.”

“Have you something in mind for me? Richard.”

“In mind? What do you mean?

“Work”

“Hmmm, meron ako naiisip na bago concept” There was a slight pause before he continued. “Anxious to get back to work?”

“Uh… yes… yes, I am. Ayoko walang ginagawa.”

“I see….sige titingnan ko kung ano puede natin gawin pagbalik mo. Isa ako hangal kung hindi ko gagamitin yan talento mo sa harap ng camera. Masayang sabi ntio sa kanya, para may tumatakbo na bagong project sa utak nito na bagay kay Maga.

“Basta ba makikinabang tayo dalawa diyan eh. Ok lang sa akin.”

“Hmm….. you’ll be back at the end of the week?”

“Yes, on the second.”

“I’ll be in touch, sweetie. Keep your calendar clear.” utos dito ni Richard. “Haharap ka muli sa camera, kung yan ang gusto mo.”

“All right. I…well…Tthanks for calling.”

“My pleasure. I’ll see you when you get back. ”

“Yes, Richard…..” nag-isip pa siya ng gusto niya sabihin. Gusto pa niya tumagal kahit isang minuto pa ang pag uusap nilang dalawa, gusto niya ulit marinig binabanggit nito ang pangalan niya.

“Yes?”

“Wala….wala na. ” napapikit siya at pinagalitan ang sarili. “Hihintayin ko na lang ulit ang tawag mo. Happy New Year!”

“OK.” He paused a moment, and his voice softened. “Have a good time with your parents, Maya. Happy New Year.”

———–

Huling araw na ni Maya sa LA, ng kasapin siya ng Papa niya. Ayaw na niya bigyan ng isipin ang mga ito kaya sinabi na lang niya na post-photography depression kaya siya malungkot. Hindi na niya sinabi na sangkot ang puso niya kaya siya malungkot.

Oo nga’t naka usap niya si Richard, hindi man lang nito nasabi sa kanya na miss siya nito. Tumupad lang ito sa pangako na tatawagan siya. Dala lang ng pangako nabitawan kaya ito tumawag. Bukod doon ay wala na ibig sabihin ng tawag nito.

Ang unang ginawa agad ni Maya pagdating ng Manila ay tawagan si Eman. Ngunit, siya pa ang inutusan nito na tanungin si Richard para sa bagong proyekto nito para sa kanila.

Lumipas pa muna ang ilan araw bago tumawag si Richard kay Maya. Pagkatapos ng kamustuhan, nagpatuloy si Richard sa normal na tono ng boses, “Actually, tumawag ako para ngayon weekend.”

“Weekend?” ulit ni Maya.

“Yap out of town trip.”

“Out of town?”

“Mountain hiking”

“Mountain hiking”

“Maya, para kang parrot, talaga bang kailangan ulit mo ang bawat ko sasabihin sa yo?” sabi nito sa kanya. “For sure, wala ka schedule mula Friday gang Sunday. Sinabi ko na sa yo na I clear mo ang calendar mo,

“Well, I…. Ah..”

“Good heavens, ano bang klaseng kausap ka.” sabi nito sa kanya na halata mo naiinis na sa kanya,

Napalunok siya saka muli nagsalita, “Wala, wala naman ako importante lakad eh. I…”

“Mabuti,” putol nito sasabihin niya. ” I was thinking to have more pictures of a lovely lady doing some extreme adventure work. Meron ako lodge sa Sagada. Magandang setting ang Sagada… doon natin kukunan ang mga activities na gagawin mo like, trekking, spelunking, rappelling, participating in tribal celebration. Puede natin pagsaman ang business and pleasure.

“Natin?” sabi ni Maya.

“Teka bago ka magpanic diyan,” sabi nito na may halong pag uuyam, Hindi kita kikidnapin at dalahin sa bulubundukin lugar para pagsamantalahan ka, pero binigyan mo ako ng idea.” tumigil siya sandali at natawa. Nararamdaman ko namumula ka na,” sabi nito sa telepono.

“Hahaha, nakakatawa ka,” sagot niya, naiinis siya dito dahil ang dali-dali nito mabasa ang sarili niya, “Naalala ko pala, meron ako kailan puntahan commitment ngayon weekend, so ….”

“Sandali, Maya,” putol ulit nito sa sabihin niya. “Baka nalilimutan mo under contrat ka sa akin hangga March of this year. Kaya hindi ka puedeng tumanggap ng kahit anong commitment outaide my company, at saka di ba ikaw ito gustong-gustong mag trabaho. Kaya yan binibigyan kita agad ng trabaho.”

“Alam ko, pero…”

“Kung ano man yan commitment mo na yan, gawin mo ngayon weekdays, basta i-clear mo ang weekends mo. And relax.” patuloy nito sa pagsasalita habang nanahimik si Maya sa kabilng linya. “Protektado ka sa anumang di-kagalang-galang na gagawin ko sa yo. Kasi kasama natin sina, Eman, Lisa and Dan my Art Director will be joinng us too.”

“Oh,” sagot niya, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o madidismaya. ”

“I….. I mean the company na ang bahala sa mga susuotin mo. Susunduin kita around 10PM , Thursday night. Packed and be ready.”

“Thursday night? Akala ko ba….” pero binabaan na siya nito ng telepono naiinis na binato niya ang celphone niya. “Nakakaasar ka talaga Richard Lim.”

———-

To be continued….

5 thoughts on “The Covergirl – 13

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s