The Covergirl – 11

The Covergirl

Chapter 11

“Hindi na kailangang,” protesta niya, kinuha na niya ang cardigan niya at nagmamadaling lumabas. Napatas ang kilay ni Richard sa aligaga niyang boses. “Ibig ko sabihin, huag ka na mag-abala. Baka may pending ka trabaho. Kailangan mo na agad bumalik sa opisina mo.”

“Oo, kahit kelan naman hindi ako nilubayan ng trabaho eh,” nakalolokong sagot ni Richard sa kanya. “Pero kailangan ko rin naman kumain di ba?”

Tinulungan siya nito maisuot niya ang kanyang cardigan at pinatong ang mga kamay nito sa balikat niya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya upang paharapin siya nito sa kanya.

“Wala sa intensyon ko ang gawin ka lunch, Maya. Sabi nito sa malumanay na tono ngunit ramdam mo ang pilit na kinukubling galit sa singkit niyang mga mata. “Kelan ba maglulubay ang hinala mo sa akin?”

Pakiramdam ni Maya ay nahuli na siya sa bitag noon makasakay sila sa kotse nito, pilit niya maging kampante at gawin normal ang tibok ng puso niya, na parang tinatambol ng drum sa lakas ng pintig nito ngayon.

“Malamig na simoy ng hanging ngayon kahit tanghali,, alam na alam mo na malapit na talaga ang pasko.” Sabi ni Maya dito. “I love Christmas season, kahit ibig sabihin noon ay traffic na naman dahil sa mga namimili.”

“Are spending your Christmas here?”tanong ni Richard sa kanya,

“No” simpleng sagot niya na iniiwasan ang nag-aarok na titig nito sa kanya.

Nasa loob na sila ng isang restaurant, hindi mapakali si Maya, naging madaldal ito, kahit anong paksa ay sinasabi nito sa kanya. Ini-isip niya na sa ganun paraan ay maiiwasan niya malaman ni Richard ang kanyang tinatagong sekreto.

“Ok ka lang ba, Maya?” tanong dito ni Richard, “Napansin ko na kanina ka pa asiwa at di mapalagay.” Puna dito ni Richard at tinitigan siya. Kinabahan si Maya na baka mabasa nito ang pinakatatago niyang sekreto.

“Kung ang career mo ang bumabagabang sa yo,” sabi nito, “Sa palagay ko naman ay may karapatan ako mag predict na maging successful ito. It will be a tremendous hit.” Hinuli ni Richard ang mga mata ni Maya. “Maging instant hit ka, Maya. Dadagsa ang mga offer sa iyo, magazine covers, teevee guesting, product endorsement, laganap ang billboards mo, makikilala ka sa tri-media Print, TV and Radio. Nasa position ka na ikaw ang mamimili ng gusto mo labasan at endorse.” Naka ngiting sabi nito sa kanya,

“Oh.” ang tanging nasabi ni Maya.

Kumunot ang noo na tinitigan siya ni Richard. “Hindi ka ba masaya o excited sa mangyayari sa yo? Hindi ba yan ang gusto mo mangyari?” tanong nito sa kanya.

“Oo naman, ito ang gusto ko,” masayang sagot niya kabaligtaran ng nararamdaman niya talaga. “Ayoko maging sobrang pagkaisipin kasi baka maloka na ako o malunod sa sobrang tagumpay, at habang buhay ako magpapasalamat sa opportinidad na binigay mo sa akin.

“Saka ka na magpasalamat.” putol niya dito. “Ang proyekto ito ay resulta ng teamwork. Kung ano ang naganasiya mo sa proyekto ito ay pinaghirapan mo.”
Dumukot siya ng pera sa wallet niya at inilagay sa mesa. “Kung tapos ka na, ihahatid na kita sa studio bago ako mag derecho sa opisina ko.”

Tumango na lang siya, hindi niya maintindihan kung bakit bigla ito nagalit.

Nasa studio na si Maya ay iniisp,pa rin niya kung bakit bigla pakiramdam niya ay nagalit sa kanya si Richard. Meron ba siyang nasabi mali kaninang kumakain sila?

Nakabihis na siya ng custome niya para sa final segment ng pictorial niya, last shooting day hopefully kung walang aberya mangyayari. Tumayo si Maya sa harapan ng isang full length mirror . Nasiyahan siya sa nakita niya ang reflection niya sa salamin. Naka suot siya ng white and filmy negligee, it floated around her slim curves, falling gentle folds to her ankles. Ang studio ni Eman ay nag transform sa isang romantic place.

Napasipol si Eman sa paglabas ni Maya sa dressing room. “Napakaganda mo. Sino man lalaki ang makakakita sa mga picture mo ay maghahangad na mapaibig ka, at ang lahat naman kakababaihan na makakakita ay nanainisin na makipagpalit sa puwesto mo. Minsan talaga ginugulat mo ako eh.” Puri dito ni Eman.

Natawa siya sa paputi ni Eman, naglakad siya patungo kay Eman ng bigla bumukas ang pintuan ng studio nito. Pumihit siya upang tignan kung sino ang pumasok, nakita niya pumasok si Richard kasama si Stephanie. Nagkatitigan silang dalawa, gang naglakbay dahan-dahan sa kabuuan niya ang mga mata ni Richard at mababanaag mo ang matinding paghagod nito sa katawan mo.

He took his time in bringing his eyes back to her face. “You look extraordinary, Maya.”

“Salamat.” Sabi niya dito saka siya tumingin kay Stephanie na binigyan siya ng napalalamig na titig.

“Tamang-tama ang dating ninyo, magsisimula pa lang kami.” Sabi ni Eman.

“Mag trabaho lang kayo diyan. Huag ninyo kami pansinin.” sabi ni Richard. “Gusto lang kasi ni Stephanie na makita ang project na pinagkaka-abalahan lately.”

Apektado si Maya sa sinabing iyon ni Richard, pakiramdam ni Maya may laan oras si Richard kay Stephanie.mna kahit anong busy nito sa trabaho basta humiling si Stephanie aympinagbibigyan nito. Nakadama siya ng selos at nalungkot siya sa isipin na siya lamang ang nagmamahal dito. Na ang nararamdaman niya para dito ay hindi masusuklian ng pagmamahalmdin mula dito. Masakit isipin o makita ang minamahal mo na iba ang kasama, na ito ang nagbibigay ng kasiyahan dito.

Bakit pa kasi nahulog ang kalooban ko sa yo. Alam ko naman kumplikasyon ang dala mo sa buhay ko pero eto sumige pa rin. Hinayaan ko pa rin ang puso ko na mahalin ka.

“Maya!”

“Ha? “ang sigaw ni Eman ang muling nagpabalik sa kasalukuyan.

“Ano ba kasi ang ini-isip mo para bigla ka nawala?” tanong ni Eman.

“Nai-isip ko lang sina Mama at Papa, excited na kasi ako makita ulit sila ngayon pasko.” Palusot niya sagot kay Eman.

“Mamaya na yan at mag trabaho na tayo. Eto na ang finale ngayon pa ba tayo magkaka-problema.” sabi ni Eman sa kanya. Ngumiti na lamang si Maya. Binigyan siya ni Eman ng instruction na tumingin lamang sa camera at isipin ito ang lalaking minamahal niya. Napalunok siya at sinunod ito. Di nagtagal, pinayagan niya ang kanyang mga pangarap to take command, inisip niya si Richard ang camera.

“Ganyan nga, Maya.”

Lost in her own world, she blinked and stared at Eman without comprehension.

“That was great! Mukhang na in-love na rin ako sa yo ah.” sabi ni Eman ng matapos ang pictorial nila.

“Tingin ko dapat magpakasal na tayo at gumawa ng maraming lenses,” sabi niya dito habang naglalakad papuntang dressing room.

“Richard, that negligee is so marvelous ” Nadinig ni Maya ang komento ni Stephanie. “Gusto ko ang negligee na iyon. Puede mo ba ako bigyan ng ganun?” sabi ni Stephanie sa mababa at malamyos na tinig.

“Hmmm? sige,” habang ang mga mata niya ay nakatitig kay Maya. “Kung yan ang gusto mo, Stephanie.”

Maya’s jaw dropped sa gulat sa sagot ni Richard. Ang simpleng regalo ibibigay nito sa babae nasa tabi nito ay nakasakit ng sobra sa damdamin niya. Napaiyak siya sa loob ng dressing room. “Paano niya iyon nagawa?” Special ang gown na ito, sa kanya ito. Nasaktan siya sa isipin na hinahaplos ni Richard ang katawan ni Stephanie habang suot ng gown na iyon. Ang sakit na nararamdaman niya ay napalitan ng galit. Hinubad niya ang negligee, itinupi iyon at inilagay sa kahon. Umalis siya ng dressing room, nakita niya si Richard na naka upo mag isa. Lumakad siya papunta dito at binagsak niya sa harapan nito ang kahon.

“Para sa kaibigan mo. Kung gusto mo palabahan mo muna.”

Tumalikod na siya para lumabas na mag dignidad pa rin, pero mabilis na nahagip ni Richard ang pulsuhan niya,

“What’s wrong, Maya?” Tumayo ito pero mahigpit pa rin ang hawak nito sa kanya.

“What’s wrong?” ulit niya dito, sabay tingin dito, “Whatever do you mean?”

“Come-on, Maya, ilabas mo na yan galit mo,” sabi nito sa kanya sa matigas na boses nito. “Upset ka at gusto ko malaman kung bakit.”

“Upset?” “Kung upset man ako, sa akin na lang iyon. Wala sa kontrata ko na obligado ako na sabihin sa yo ang nararamdaman ko. Pilit siya kumawala sa pagkakahawak nito, ngunit inilipat lang nito ang pagkakahawak sa balikat niya at inalog siya.

“Timigil ka na nga! Ano ba ang nangyayari sa yo?”

“Sige sasabihin ko sa yo kung bakit ako nagkakaganito,” sabi nito kay Richard, “Pumasok ka dito kasama ang girlfriend mo tapos bigla mo ibibigay sa kanya ang gown na yan. Ni hindi mo man lang ako tinanong kung ok lang ba sa akin? Basta ka na lang sumagot “you can have it.”

“Iyon lang ba ang pinaggaganyan mo? Sabi nito, “good heavens, mga babae talaga, kung gusto mo ang gown na yan, then isa yo na yan.”

“Huag mo nga ako suyuin diyan,” galit na sabi nito kay Richard. “Hindi ako nagpapatawa. Sa ibang tao ka na lang maging mabait, iyon mas mabibigyan halaga ang kabaitan mo. And please bitawan mo ako.”

“Hindi ka aalis hangga hindi ka pa nagiging kalmado at hindi natin napapag usapan kung ano talaga ang ugat ng problema mo.”

Hindi na niya mapigilan ang umiyak. “Hindi mo ako maiintindihan.” sabi nito habang tumutulo ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi. “Wala kang alam, kaya hindi mo iyon maiintindihan.”

“Ssssh, tahan na Maya,” sabi dito ni Rchard habang pinupunasan ng kanyang mga daliri ang mga luhang nalalandas sa magandang mukha ni Maya. “Luha ang akin kahinayan, hindi ko kaya nakakakita ng umiiyak na babae. Tahan na Maya, huag na umiyak please.”

“Ito lang ang alam ko paraan ang umiyak,” miserableng sagot niya.

Napamura si Richard. ” Hindi ko alam ang pinagkakaganyan mo Maya. Kung ang nightgown lang na iyon ang rason ng pinagkakaganyan mo. Eto, kunin mo na- it’s obvious na importante ito sa yo.” kinuha nito ang box ng nightgown at inabot kay Maya. “Marami na naman nightgown si Stephanie.” Ang huling salita na sinabi ni Richard na akala nito ay mapapaglubang ang kalooban niya ay kabaligtaran ang epekto nito sa kanya.

“Ayoko na ng gown na yan. Ayoko na yan makita.” sigaw niya dito. “I hope you and your lover will enjoy it.” at nagmamadaling tumakbo palabas ng studio.

Sa labas ng studio, nakatayo siya sa bangketa at nag-aabang ng taxi. At noon may natanaw na siyang paparating na taxi at kakawayan niya ito, bigla may humawak sa kamay niya at napaikot siya upang makita lang na naka tayo sa harapan niya si Richard.

“Sumusobra na yan tantrums mo Maya at hindi ko tinotolerate ang mga tauhan ko nag wa-walk-out.” Mababa ang boses niya pero mapanganib, ngunit taas noon sinalubng ni Maya ang mga titig nito.

“Wala na tayo dapat pag-usapan pa, Richard.”

“Madami pa tayo dapat pag-usapan.”

“Hindi ko ini-expect ma mauunawaan mo ako. Sabi niya dito. “Lalaki ka.”

Narinig ni Maya ang paghinga ng malalim ni Richard bago siya niyakap nito.

“Tama ka diyan, Isa nga ako lalaki,” bulong ni Richard sa kanya bago siya nito hinala palapit sa kanya, saka siya binigyan ng mapagparusang halik, forcing her lips to open to his demands. Bumigay si Maya. Para lamang sila ang tao sa mundo, wala silang paki-alam sa mga dumadaan tao sa paligid nila.

At noon pakawalaan siya nito, umantras siya mula rito, at noon ayos na muli ang paghinga niya, “ngayon napatunayan mo na ang pagiging lalaki mo, kailangan ko na talaga umalis.”

“Bumalik ka muna sa studio. Tapusin natin ang ating piang-uusapan.”

“Tapos na ang pinag-uusapan natin.”

“Hindi pa.” Sinimulan na siyang hilahin ni Richard pabalik sa studio.

Hindi ako puedeng mapag-isa pag siya ang kasama ko, sabi niya sa sarili niya. Hindi ngayon na mahina ako. Malalaman niya agad ang pinagkakaganito ko ng walang kahirap hirap. Hindi niya puedeng malaman ang totoo. Pagtatawanan lang niya ako.

“Talaga, Richard.” sabi niya sa kalmado niyang boses. “Ayoko gumawa ng eksena dito, pero kapag nagpumilit ka pa, mapipilitan ako sumigaw. Sinasabi ko sa yo, kaya ko sumigaw ng malakas.”

“Hindi mo yan gagawin.”

“Yes, gagawin ko.”

“Maya,” sabi ni Richard habang hawak pa rin niya ito, “Meron tayo dapat ayusin dalawa.”

“Richard, wala iyon, pagod lang ako kaya ko iyon nagawa.” sabi niya sa malambig na boses, inignora na niya ang nanlalambot niya mga binti. “Pareho lang at tayo may temper na minsan hindi natin mapigilan lumabas. huag na lang natin pansinin o palakihin pa ang issue. Its just a silly thing anyway.”

“Hndi iyon kalokohan, pumasok ka muna muli sa studio.”

Medyo lumuluwag na ang pagkakahawak ni Richard sa kanya, muli niya ito tingnan at sa huling pagkakataon ay muling pinaki-usapan, “Richaed, hindi natin minsan maiwasan na nagiging maramdamin tayo. Kalimutan na natin iyon, please.”

“Sige pagbibigyan kita sa ngayon,” sang-ayon nito.

Nakahinga ng maluwag si Maya at kailangan na niya umalis agad doon dahil kapag nagtagal pa siya baka pumayag na siya sa anuman kagustuhan nito. Kaya noon meron taxi tumigil sa harapan niya ay dali dali siyang sumakay at hindi na nag paalam kay Richard.

To be continued

**************************

10 thoughts on “The Covergirl – 11

    • Sorry for the delay been busy the whole week. I got visitors kasi sa condo, cant write during night time. Tonight i will try o finish kahit isang chapter lang paalis na in mga bisita ko…

      • Thanks ms. P ! we know you are also bz but manage to find time writing, you are so talented, writing so many stories w spectacular plot. That is something. Thanks for sharing your talent. Baka sa susunod me request portion ka na from readers.🙂 you have the most number of stories in eb. Grabe, kung me suweldo lang to, ikaw na ang pinakahighest paid sa kasipagan mo. i salute you. Thanks so much.

    • Sorry been busy for the whole week since I got visitors sa condo. Walang time magsulat sa gabi pag dating galing office. Tonight I will try to write kahit isang chapter….

      • I like the story outline…i just hope that u’ll update more and fast (demanding ba? hehehe), this is one of fanfics which i have bookmarked and ur one of the few writers i like and admired…thanx for writing and sharing ur ideas with us…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s