The Covergirl – 10

The Covergirl

Chapter 10

Hindi makapaniwala si Maya sa kalamigan ng loob na ipinakita ni Richaed sa kanya after noon gabi muntik na may mangyari sa kanila dalawa, noon nagkita sila sa pictorial kinabukasan. Ni hindi na pag-usapan ang pinagsaluhan nilang hapunan at ang nangyari sa kanila sa condo unit niya. Kampante at natural lang ang bawat galaw nito lalong lalo na sa pakiki tungo nito sa kanya. Napaka professional minsan lang niya ito nakakakitaan ng panloloko direkta sa kanya. Seryoso ito lagi.

Dumaan ang mga araw at linggo na naging maayos ang takbo ng pictorial nila, konti lang aberya lang sa shooting, pero naayos din naman agad. Nangangalahati na sila sa dapat kunan. At kung sakaling walang aberya mangyayari, mas maaga nilang matatapos ang pictorial.

Araw ng Sabado at nasa bahay lang si Maya, nasa malalim siyang pag-iisip tungkol sa damdamin niya kay Richard ng bigla tumunog ang landline niya.

‘Hello.” Masasalamin sa pagsagot ni Maya ang kapaguran at pagkayamot.

“Hello, Maya. Hindi ka lumabas?”

Hindi na kailangan magpakilala ng tumawag. Nakilala na agad ni Maya si Richard ang tumatawag, mabuti na lang at hindi dinig sa telepono ang lakas ng tibok ng puso niya.

“Hello, Mr. Lim.” sabi niya sa malamig na tono. “Habit mo na ang tawagan ang iyon empleyado kahit sobrang gabi na?

“Nagtatampo ka ano? Tanong niya sa panatag na boses. “Ayos ba ang araw mo?”

“Masaya” pagsisingngaling niya. “Kakarating ko lang mula sa masayang hapunan kasama ang isang kaibigan. Ikaw?”

“Baeutiful!”

“Tumawag ka lang ba para mag kumpara kung kamusta ang araw natin ngayon o meron ka ibang iniisip? Mataray niyang tanong dito dahil ini-isip niya na magkasama ngayon gabi sa isang romantic dinner sina Richard at Stephanie. Nginangangat ng selos ang puso niya.

“Tama ka diyan, meron nga ako iniisip na ibang bagay sa utak ko. Una, ini-isip ko pumunta diyan sa condo mo at mag-inuman tayo kung meron ka pang scotch.”

“Ha.” sambit niya na puno ng pagkapanic ang boses niya. Tumikhim muna siya, nautal sa pag-sagot, “No, ibig ko sabihin meron pa ako scotch dito, pero gabi na at….”

“Natatakot ka? Di ba sabi ko sa yo, hindi na ulit iyon mangyayri unless ikaw ang may gusto?” sabi ni Richard sa kanya.

“Hindi ah, hindi ako natatakot,” sagot agad niya. “Pagod lang talaga ako at inaantok na.”

“Talaga?” sagot ni Richard sa kanya at ramdam niya sa boses ni Richard na di ito naniniwala sa kanya.

“Oo, nagsasabi ako ng totoo.” Pakiramdam ni Maya ay namumula ang pisngi niya. “Ganyan ka ba talaga, gusong gusto mo akong asarin?”

“Sorry.” hingi paumanhin nito ngunit alam mo naman labas sa ilong ang paghingi nito ng “sorry” sa kanya. “Hindi na kita kukulitin mag-inuman tayo ng alak…..” binitin ni Richaed ang kanya sasabihin saka muling nag salita, “ngayon gabi. Kita na lang tayo sa Monday, goodnight Maya, sleep well, sweet dreams, dream of me.” then he hung up.

“Good night,” bulong niya, puno ng pagsisi ng ibaba niya ang telepono.

Kinabukas Linggo, natuloy na rin ang lakad nila magkaibigan. Nag lunch sila sa bagong bukas na Vikings sa SM North Edsa. Punong-puno ang nasabing restaurant. Mabuti na lang at may reservation sila ni Kristina kung hindi malamang nasa waiting list pa din sila ngayon. Mas nauna sa kanya si Kristina sa Vikings, kinawayan agad siya nito noon nakita siya sa entrance ng restaurant.

“Sorry, alam ko late ako,” hingi paumanhin ni Maya. Kahit araw ng Linggo traffic pa din.”

“Ewan ko ba naman sa yo..ang layo-layo nitong Vikings na ito sa lugar mo dito mo pa nasipan mag lunch. Meron naman sa MOA Vikings.” sabi sa kanya ni Kristina.

“Alam ko pero bago bukas ito, iyon sa MOA matagal.”

“Hus pareho lang iyon, iisa lang naman ang may-ari.”

“Halika na at kumain na tayo,” nagpunta na sila sa buffet area at kumuha ng pagkain, at habang kumakain ay masaya silang nagkukuwentuhan dalawa, ng bigla bumulong si Kristina kay Maya. “Isa sa pinagkakapitagan mukha sa business world ang nandito ngayon. Buti na lang dito tayo kumain.” Kinikilig na sabi ni Kristina kay Maya. “At take note, girl ang suwerte mo, pakiramdam ko ay invisible ang lahat ng tao dito, kahit sa kanya pa nakatingin ang lahat ng kababaihan, dahil busy siya sa pag tingin sa yo, ikaw lang ang tinitingnan niya.”

“Ha? Grabe ka naman. Bakit naman niya ako titingnan? Baka naman man hinahanap niya ang kasama niya.”

“Sa palagay ko hindi, kasi naka-abresiete na sa kanya ang kasama niya. Nakasimangot na nga ito dahil hindi inaalis ni pogi ang tingin niya sa yo.” sabi ni Kristina. “Girl, huag ka lilingon dahil papunta sila dito sa area natin. Huag ka papahalata, natural ka lang.”

“Maya, lagi na lang tayo pinagtatagpo.” naka ngiting sabi ni Richard sa kanya,

Narinig ni Maya ang pagbati iyon ni Richard at noon tignan niya si Kristina, nakatula ito, saka siya tumingin kay Richard at ngumiti. “Hello.” bati niya na para siyang pinangapusan ng hininga sa kaguwapuhan nito saka tumingin sa babaeng kasama nito. “Hello, Ms. Stephanie, we meet again.” Nakangiti sabi niya dito.

Tumango lang si Stephanie. Napansin ni Richard ang malamig na pagtungon ni Stephanie sa pagbati ni Maya sa kanya, obvious na hindi niya gusto si Maya na ikinataas ng kilay ni Richard.

“Kristina, This is Ms. Stephanie Reyes, Richard Lim,” pakila ni Maya.

“Oh no! Ikaw iyon may-ari ng AA Media Magazine,” excited na sabi ni Kristina, nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. Yumakap pa ito at hinakikan sa pisnig si Richard. Si Maya ang napapahiya sa ginagawa ng kaibigan niya. Kung puede lang siyang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon ay hiniling na niya sana.

Ngunit si Richard bale wala lang dito ang ginagawang panghaharass ng kaibigan niya. Naka ngiti pa nga ito. ” Yes, the one and only.” sagot nito sa tanong ng kaibigan niya.

Wlang nagawa si Maya ng ngitian ni Richard ng mapang-akit nitong ngiti si Kristina. Gusto niya dukutin ang mga singkit nitong mata. Nagseselos siya sa binibigay nitong atensyon kay Kristina. Maging si Stephanie at hindi na rin maipinta ang mukha,

“Isa ako sa fan ng magazine mo, Glamorous Magazine, Mr. Lim.” masayang sabi ni Kristina. “Excited na ako sa launching ng bago mong magazine kung saan si Maya ang feature.”

“Isang malaking karangalan atbkaranasan ang makatrabaho si Maya. Sabay tingin kay Maya na may nakakalokong ngiti. “Tama ako Maya di ba?”

“Yeah isang magandang karanasan.” sagot nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata nito.

“Richard,” singit ni Stephanie. “Tayo na sa table natin at hayaan na natin silang makakain ng lunch nila.” sabi nito sa paraan na itinataboy na sina Maya at Kristina.

“Nice meeting you Kristina. See you later Maya.” Ang nakakaloko nitong ngiti ibinigay kay Maya ay sapat na para bumilis ang tibok ng puso niya. Buti na lang at nakapag salita pa siya ng “goodbye” kahit ganun na ka erratic ang tibok ng puso niya,

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganun pala siya kaguapo, halos matunaw ako noon nginitian niya ako.” sabi nito kay Maya.

Grabe ganun ba katindi ang epekto niya sa mga kababaihan? Sabi niya dito. “Hindi ka na nahiya, may boyfriend ka na.”

“Hindi ko naman ikina-kaila na may boyfriend na ako. Pero babae pa rin ako.” Sabay tingin kay Maya, huag mong sabihin sa akin na hindi ka attracted sa kanya. Kilala natin ang isa’t-isa.”

Napabuntong-hininga si Maya, “Aaminin ko hindi pa ako immune sa kaguwapuhan ni Richard pero kailangan ko makahanap ng pangontra para sa mga susunod pang mga buwan na magkatrabaho kami.”

“You call him, Richard?”

“Iyon ang gusto niya itawag ko sa kanya, nagagalit siya pagtinatawag ko siya Mr.Lim, lalo na pagkami dalawa lang

“Sa tingin ko pareho kayo may gusto sa isa’t-isa eh. Di naman papahuli yan ganda mo.”

“Napansin mo ba iyon babae nakakapit sa braso niya, akala mo isang linta kung maka dikit kay Richard.

“Sino ba naman ang hindi makakapansin sa kanya.” lukot ang mukhang sagot ni Kristina sa kanya, pakiramdam ko nga nag eexpect siya natanungin ko din siya eh, at bakit ko naman siya pagkakaabalahan taningin. Pero sino nga ba siya? Siya ba ang nagmamay-ari ng puso ni Mr. Lim.’

“Bagay naman silang dalawa eh. Siya man ay maituturing emperor di ba?” bulong ni Maya.

“May sinasabi ka?”

“Wala. Tapos ka na ba? Halika na.” Hiningi na niya ang kanialng bill sa dumaan waiter, hindi na nito hinintay sumagot si Kristina. Noon nakapag bayad na sila, kinuha na ni Maya ang kanya wallet at tumayo na para umalis.

Kinabukasan nag tungo si Maya sa studio ni Eman doon kasi ang venue ng pictorila para sa araw na iyon. Maaga dumating si Maya sa studio para makita ang layout ng mga na print out na nitong mga pictures niya.

“Eman, gusto ko ng kopya nito, “Palaban ang dating ko dito.” Pero para siyang nakipag usap sa hangin, pagtingin niya kay Eman, masyado itong tutuk sa ginagawa nito at walang paki-alam sa presensiya niya. “Oo ba Maya,” siya na ang sumagot para dito. “Kahit ano pa ang gusto. Tignan mo ang tindig no,” pagpapatuloy niya. “Kampeon na kampeon ang tindig at porma mo. Humanda kayo Wimbledon, parating na si Maya. Kakabugin mo silang lahat Maya. Sabi niya bilang Eman. “Salamat, Eman. Hindi lang talent ang meron ka, kagandahan din. “Eman naman eh, huag ka nga ganyan, nakakahiya sa makakrinig.” muling sabi niya sa sinabi kunwari ni Eman sa kanya.

“Hindi mo ba alam na kinukulong ang mga tao kinakausap ang sarili nila?” isang malalim na boses ang bumulong sa tenga niya. Napatalon si Maya sa gulat. Nahulog ang mga picture niyang hawak sa mesa. “Pati magugulatin – masamang senyales yan.”

Umikot siya upang matagpuan niya magkaharap sila ng mukha ni Richard-sobrang lapit, kaya umatras siya ng isang hakbang. Napansin ni Richard ang kanyang reaksyon at napangiwi ito sabay silay ng isang nakalolokong ngiti.

“Huag mo nga ako gugulatin.” sabi ni Maya dito.

“Sorry, pero sobrang tutok ka sa pakikipag usap sa sarili mo eh.”

Napangiti si Maya. “Alam mo kasi yan Eman hindi lang malilimutin pero wala din yan paki-alam sa paligid niya kapag concentrated sa trabaho niya tulad ngayon. Kaya nasanay na ako na rin ang sasagot in his behalf.” Inimuwestra pa niya ang mga kamay niya, “pupusta ako na hindi niya alam na dumating ka na.”

“Hmmm…dapat siguro samantalahin ko ang pagiging busy niya.” Inipit nito ang buhok niya sa likod ng tenga niya. Ang simple kilos na ginawa ni Richard sa kanya at ang init ng mga daliri lumapat sa balat niya ay nagbigay ng pagamba sa kanya, bumilis ang pintig ng pulso niya.

“Richard, nandiyan ka na pala, kelan ka dumating.”

Sabi ni Eman, napabuntong hininga si Maya sa ginawang bigla pag sulpot ni Eman, hindi siya sigurado kung matutuwa ba siya o maiinis dito.

Tulad ng inaasahan, dahil parehong propesyonal sina Maya at Eman, naging mabilis ang shooting at pictorial nila, instead na sa March ito matatapos, kaya nilang tapusin ang pictorial bago mag pasko. Ngunit kahit matapos sila ng December, naka-kontrata pa din siya kay Rihcard hanggang March na ikinatuwa ni Maya.

Madaming tao sa studio ni Eman dahil sa shooting ngayon makakasama ni Maya sa spotlight ang isang 8month old baby boy. Nakilala niya ang sanggol at nanay ng nito na nasa studio, ganun na lang ang pagkagulat nilang sa pagkakahawig ng sanggol sa kanya,

“Alam mo ba ang hirap maghanap ng baby na kahawig mo? Sabi ni Richard na naglalakad sa patungo da kanya.

“Ang cute niya di ba? Sabi niya sa masayang boses habang ihinahalikan nito ang pisngi ng baby.

“Sinabi mo pa,” sang-ayon na sagot ni Richard. “Puede nga mapagkamalan na anak mo siya.”

Nag ready na sila para sa pictorial, sinabihan ni Eman si Maya na makipaglaro lang sa baby para maging natural lang ang mga shots nila dalawa. Nakipaglaro si Maya sa baby, naglaro sila blocks, pinupog niya ito ng halik sa tiyan, kiniliti sa paa, kinarga at ipinaghele, at kung ano ano pa. Di nagtagal kampante na sa isa’t-isa sina Maya at ang baby kaya hindi na nila napansin s Eman. Naging engrossed na si Maya sa role niya as a mother.

Habang hawak niya ang baby, na realizes ni Maya na gusto na rin niyang magkaroon ng sariling anak mula sa lalaking mahal niya. Napapikit siya at hinalikan si baby. Sa pagmulat niya ng kanyang mga mata, nakita niya ang sarili nakatitig sa marubdob na titig ni Richard sa kanya.

Lumapit si Richard sa kanila ng baby at kinuha nito ang baby sa kanya at nilaro ito.

Nakatitig lang si Maya sa mga ito at napaisip siya na ito ang lalaking mahal niya ngunit ayaw pa niyang aminin sa sarili niya. Pero ngayon, hindi na iyon mapagkakaila na gusto niya magkaroon ng anak mula dito. Kailangan niyang mag-isip at alamin kung ano talaga ang damdamin niya kay Richard.

Sisigaw na sana si Eman ng break muna sila ng one hour ng makita niya ang eksena noon tatlo. Napa ngiti si Eman at kinunan niya ito ng shots, tuwang tuwa si Eman dahil napaka-natural ng dating ng tatlo sa likod ng camera niya. Aakalain mo na isa silang masayang pamilya. Naka ilan shots muna si Eman bago sumigaw na break muna. Boses ni Eman ang nagpabalik sa diwa ni Maya sa kasalukuyan.

Matatagal pa bago madismantle ang equipment/props na ginamit ngayon at ang pag set-up ng bago equipment/props para sa susunod na segment, Maya. Tumingin si Eman sa relos niya. “Kumain ka muna bago ka magpalit para sa next segment. I’m giving you an hour.”

Thanks Eman, salamat. Makakapag solo din ako.

“Sama ako sa yo.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s