The Covergirl – 08

The Covergirl

Chapter 8

Pagkatapos ng pictorial, ginugol ni Maya ang nalalabing oras niya sa pagsha-shopping, ang outlet niya pag stress siya o may gumugulo sa isipan niya. Mag-aala singko na ng hapon ng naka-uwi ng condo niya si Maya. Ibinaba na lang muna niya ang kanyang mga pinamili sa upuan sa kanyang kuaro. Kailangan niya mag madali kasi baka bigla dumating ang kaibigan niya si Kristina na inimbitahan niya mag pizza sila. Hindi na niya ini-lock ang front door niya para makapasok na si Kristina in case na dumating ito ng maaga. Dumerecho na siya sa bathroom, nilagyan niya ng hot, fragrant water ang bath tub. Saka niya inulubog ang sarili niya for thirty minutes, tamang tama kakaahon lang niya sa tub at kumukuha ng towel ng bigla may mag door bell.

“Bukas yan Kristina, pumasok ka na. Maaga ka lang ba talaga Kristina o ako ang mabagal kumilos?” sigaw niya habang binabalot ng tuwalya ang slim-fit niyang katawan, her hair is dripping with water, the strawberry scent is still clinging on her skin, habang naglalakad siya palabas ng kuarto niya I’ll be ready in a couple of minutes, naka tulog ako sa bath tub. Ang sarap kasing magbabad. Ang sakit ng mga paa…..” napatigil si Maya sa paglalakad, dahil imbes na ang kaibigan niyang si Kristina ang nakatayo sa harapan niya, nakaharap siya ngayon sa isang matangkad, guapong, mabango lalaki si Richard Lim.

“Saan ka nang galing?” tanong ni Maya noon nakabawi na siya sa pagkagulat.

“Pinagsimulan ko o ngayon lang?” nakangiting sagot nito sa kalituhan ni Maya.

“Akala ko ikaw si Kristina.”

“Mukha nga.”

“Ano ang ginagawa mo dito?”

“Ibabalik ko lang ito.” Sabay taas ng silver parker pen. “Palagay ko sa yo ito. May naka engraved na initial -MDR kasi.”

“Oo, akin nga yan,” sagot nito. “Nahulog siguro sa bag ko kanina. Hindi ka na dapat nag-abala puede mo naman ibigay ito bukas eh.’

“Baka kasi hanapin mo.” sinasabi niya ito habang nagpipista ang mata niya sa pigura niya nababalutan lang ng tuwalya. Hinagod siya nito ng tingin mula sa basang buhok gang sa magaganda niyang legs at tumutok ang mga mata niya sa dibdib niya. “Isa pa, ayos naman ang pag punta ko rito eh.”

Noon lang na-realize ni Maya ang itsura niya at na shock siya sa sarili niyang ayos. “Sandali lang.”

Dali-dali bumalik si Maya sa kuarto niya at kumuha ng jeans at loose tank top blouse, sinuklay niya ng mabilis ang buhok niiya at naglagay ng fresh powder at lip gloss. Bumalik siya sa salas niya at nakita niya prenteng naka upo doon si Richard.

“Nainip ka ba?, Pasensiya na kung medyo natagalan ako.” sabi niya sa malumanay na paraan. “Ang bait mo naman at nag-abala ka pa talaga para lang maibalik sa akin ang parker pen ko.”

“Ano pala ang gusto mo inumin? O nagmamadali ka bang…..”

“Hindi ako nagmamadali,” putol nito sa sasabihin ni Maya. “San Mig Light or scotch or anything you have here.”

“Napasimangot si Maya. “Titingan ko kung ano ang maeron ako dito.” Nagpunta siya sa kitchen area niya at naghanap sa mga cabinet kung may natatabi ba siyang alak doon. Sumunod si Richard sa kanya at sumandal ito sa may refrigerator niya habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon niya. Maya felt an intimacy na nagpapa-excite sa kanya at the same time ay nagpapagulo din sa sistema niya.

“Ang ganda ng lugar mo, ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng unit mo. Kanina umaga kasi iyon salas mo lang ang nakita ko.” sabi nito sa kanya. Ibinigay naman nito sa kanya ang alak na hiningi niya, “Cozy, friendly, maaliwalas, ganito rin ba ang nakatira sa unit na ito?” nakangiting tanong nito,

“Iyon ang sabi nila.”

“Walang masama sa pagiging palakaibigan, isa iyon magandang katangian, pero dapat mo rin kilalanin ang mga kaibigan mo at huag basta-basta iiwan di naka lock ang pinto.”

“May hinihintay lang kasi ako.”

” Paano kung ang dumating ay isang tao di mo inaasahan dadating.” Tiningan siya nito sa mga mata at dali-dali binuhat siya. “Ano sa palagay mo ang nangyari kung ibang tao iyon naka pasok at nakakita sa maganda mong katawan na nababalutan lang ng tuwalya na konting-konti na lang ay kita na ang kaloob-looban mo?” Namula si Maya sabay baba ng tingin. “Dapat lagi mong isasara o laging naka lock ang pintuan mo Maya. Hindi lahat ng lalaki ay kayang mag timpi tulad ng ginawa ko.” Saka siya nito binaba muli.

“Opo, kamahal.” asik na sagot ni Maya, naningkit lalo ang mata nito. Muli siya nito hinawakan sa mga braso at niyakap paharap sa kanya,, at kung ano man parusa ang iniisip igawad ni Richard dito ay nabitin dahil sa pag ring ng cellphone ni Maya. Dali-dali umalis si Maya sa pagkaka-akap ni Richard at sinagot ng tawag.

Si Kristina ang tumawag para sabihin sa kanya di ito makakarating sa usapan nilang dinner dahil kailangan nitong mag-over time. Narinig ni Richard ang usapan nila. So hindi tuloy ang dinner ninyo pizza?”

“Wala lumabas na ang sekreto ko,” sabi nito. ” I’m a pizza lover, nasa London kami noon nahilig ako sa pizza.. Pag di ako nakakain ng pizza sa isang araw, bad mood ako.”

“Hmmm, puede naman tayo dalawa ang mag pizza di ba?” Inilagay niya sa lamesita ang walang laman baso ng alak at tumayo. “Grab a jacket, we will grab a bite of pizza.”

“Talaga, pero ok lang, no need. Puede naman ako dito na lang kumain.” Natataranta sagot ni Maya kay Richard.

“For pete sake, Maya magpipilitan na naman ba tayo? Kumuha ka na lang ng jacket at umalis na tayo, ” sabi nito sabay hila sa kanya sa upuan. “Gutom na rin naman ako eh.”

Wala na nagawa si Maya kung di sumunod sa kagustuhan ni Richard. Hinila na niya siya nito palabas ng condo niya. Di nagtagal nasa Yellow Cab na sila at umo-order na sila ng pizza. Dumating ang order nilang pizza at habang kumain sila nagkukuwentuhan at nag bibiruan silang dalawa. Di makapaniwala si Maya na maging ganun na siya ka relaxed at comportale kay Richard. At noon naubos na kahuli-hulihan slice ng pizza, sumandal si Richard at tiningnan ng seryoso si Maya.

“Grabe hindi ako makapaniwala na ganyan ka kalakas kumain ng pizza.”

Ngumiti lang si Maya, “Hindi ko naman yan madalas gawin, minsan lang. I’m an exceptional, you know.”

“You’re full of surprises and amazing. Nagugulat ako sa mga nakikita ko sa yo. Hindi ko alam kung ano ang aking i-expect mula sa yo.” Contradicting kasi minsan ang ugali mo eh.”

“Hindi ba kaya mo ako kinuha, Richard? Dahil sa pagiging versatile ko?”

Ngumiti ito saka kinuha ang baso niya ng wine at uminom, hindi niya sinagot ang tanong nito.

Nakaramdam si Maya ng kaba noon pabalik na sila ni Richard sa condo niya. Ayaw niya ipahalata kay Richard na kinakabahan siya at gusto niya ipakita na kalmado lang siya kaya nag kunwari siyang hinahanap niya ang susi ng condo niya sa bag niya para kumalma siya.

“Gusto mo bang pumasok muna para makapag kape ka?”

Kinuha nito ang susi mula sa kamay niya at ito na ang nagbukas ng pintuan, saka binigyan siya ng isang nakakaloko ngiti.smile. “I thought you’ll never asked me?”

“Na magkape? Ikaw pa na adik sa kape.”

“Oo nga pala di ba hindi ka nagkakape? Bakit may kape ka sa condo mo?”

“Hindi nga kaso syempre meron ako mga bisita na mahilig mag kape katlulad mo, so dapat kahit papaano may stock.”

“Sabagay, alak nga may stock ka eh, kape pa kaya.” sabi nito habang inaalalay siya papasok sa unit niya,

Hinuban lang niya ang kanyang jacket at dumerecho na siya sa kusina at naghanda ng kape para kay Richard at tea para sa kanya. At noon bumalik siya sa salas na may dalang tray sa mga kamay niya, nakita niya si Richard na kinakalkal niya ang mga CD collection niya.

“Marami ka palang CD collections.” Sabi nito sa kanya. “Hulaan ko itong “Classica music pinakikinggan mo pang in love ko o feeling romantic ka, itong soft music kapag na-mi-miss mo ang parents mo at gusto mo sila makasama, itong Rhythm and Blues pag gusto mo mag-emo at ang Pop-rock kapag masaya ka.”

“Wow, parang kilalang -kilala mo ako ah.” Nakaramdam ng magkahalong tuwa at inis si Maya kasi pakiramdam niya ay alam na alam ni Richard kung ano ang mood sa pakikinig ng music.

“Hindi pa naman gaano ganun kita ka kilala” pagtatama nito sabay baba na nito ang mga CD at lumakad palapit sa kanya. “Pero malapit na din kita makilala ng lubusan, Maya dela Rosa.” Bigla naging sobrang lapit nito sa kanya, napa-atras si Maya. “Ang kape mo lalamig na.” Sabi niya sabay alis sa tray upang ilagay sa center table ng mahulong ang kutsarita. Nag kasabay sila yumuko upang pulutin ang kutsarita, kaya nagkapatong ang kanilang mga kamay. Napaloob ang mga kamay ni Maya sa mga kamay ni Richard. Sa pagkakadikit ng kanilang mga kamay parang may kuryente dumadaloy sa buo niyang katawan, at dumilim ang kanyang mga mata. Tumingin siya dito.

Walang salita namutawi sa kanila dalawa habang nakatitig sila sa isa’t-isa, alam niya na tinatangay na sila ng agos simula pa noon nagkita sila sa studio ni Eman. Alam niya may namumuong atraksyon sa kanilang dalawa, hindi na maipagkakaila ang mararamdaman nilang pangangailangan nila sa isa’t-isa, kaya noon itinayo ni Richard si Maya, ay pumaloob siya sa mga braso ni Richard.

—————

To be continued…..

A/N: alam ko bitin kayo. Ako din bitin eh. Hehehe..try ko maka buo ng isa pa chapter. Pero pag hindi it’s either tom morning o tom night na post ko ng next chapter.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s