The Covergirl – 07

The Covergirl

Chapter 7

Ding…dong…ding..dong…

“Good morning sweetie” bungad agad ni Richard kay Maya sabay bigay ng peck on her lips. “Ready?”

“Good morning too, in a bit just fixing some more stuffs to bring for the shoot. Come in. Do you want coffee?”

Pumasok si Richard sa loob ng condo ni Maya.

“Yes please. Alam mo naman coffee drinker ako eh.”

“Ok wait a minute”. Maupo ka muna.

Umalis sandali si Maya at pinag timpla ng kape si Richard. Nakangiti siya habang nagtitimpla. Napahawak siya sa lips niya na hinalikan muli ni Richard.

“Nice place” ang boses na iyon ang nagpanumbalik sa paglalalag ng isipan ni Maya.

“Thanks. Here’s your coffee. Pang ilan mo na ba yan?”

“My first for the day.”

Tinaasan ng kilay ni Maya si Richard sa sagot nito.

Natawa ito saka humigop ng kape bago muling tumingin kay Maya. “Hmmmm…. I think madadals ang pag punta ko dito sa unit mo para maka inom ng masarap na kape. ”

Pina-ikot ni Maya ang mga mata niya sa sinabi ni Richard. Upang pagtakpan ang kasiyahan nadadama niya sa sinabi ni Richard na madadalas ito sa condo unit niya.

“Bolero ka rin pala Mr. Lim.”

“Ano sabi mo?”

“I’m just joking Richard.”

“Honestly speaking, this is really my first cup of coffee since I was in a hurry to go here in your unit.”

“Why in a hurry?”

“I was thinking you might change your mind and go by yourself in my office for the photo shoot today.”

“You don’t trust me?” sabi ni Maya na pinalungkot ang mukha.

“Of course I have trust in you. It’s that….”

“Natatakot ka baka magbago ang isip ko. Tama ba ako?”

“Well yes, alam ko naman kung gaano kayo girls na magpalit ng desisyon.”

“Well ibahin mo ako, kasi pag sinabi ko tinutupad ko. Sandali lang ayusin ko lang gamit ko para maka-alis na tayo.”

“OK, take your time, medyo maaga pa naman eh.”

Iniwan na ni Maya si Richard sa living room niya. Inaliw naman ni Richard ang sarili sa pag tingin ng mga pictures ni Maya sa mga albums nito andun. Sa pagkuha niya ng isang album, may mga nahulog na mga solo picture ni Maya.

Pinulot niya ang mga ito at dali-dali kumuha ng isa at inilagay sa wallet niya. Ibinalik na niya muli sa album iyon ibang mga solo pictures nito at naupo na lamang na pasipol-sipol pang nalalaman ngunit di maalis ang ngiti sa mukha niya.

Ganun ang ayos niya noon lumabas si Maya mula sa kuarto nito. “What’s funny?” tanong ni Maya dito?

“Nothing. Shall we go?”

“Yeah, halika na.”

Magkaagapay sila sa paglabas ng unit ni Maya.

“After you beautiful lady.”

“Thank you”

Si Richard na rin ang nag lock ng unit niya. Nasa loob na sila ng elevator ng akbayan siya ni Richard. Hinayaan na lang niya si Richard at di na pinansin ang kamay nito sa balikat niya. Kahit pakiramdam niya ay may mga paru-paru naghahabulan sa loob ng tiyan niya. Ang puso naman niya ay parang tinatambol na drum sa lakas ng tibok nito. Na kung hindi naka-akbay sa kanya si Richard, baka natumba na siya dahil nanlalambot ang mga tuhod niya. Animo’y wala itong mga buto.

Hindi inalis ni Richard ang pagkaka-akbay niya kay Maya gang makarating sila sa parking ng kotse niya. Inalalayan pa siya nito sa pagsakay. Ito na rin ang naglagay ng kanyang seatbelt kaya lalo niya na samyo ang amoy panlalaking colonge gamit nito. Hindi tuloy niya naiwasan mapapikit and inhale his male scent.

“Do you like my smell?”Naka ngiting tanong nito kay Maya.

Pinamulahan si Maya sa tanong na iyon ni Richard.

“You are blushing sweetie.” at hindi napigilan ni Richard ang sarili na muling bigyan ng smack sa lips si Maya saka umalis sa harapan nito at umikot papunta sa driver seat.

Kapwa sila tahimik habang papunta sila sa AA Media Bldg sa Makati. Muling lang nagsalita si Maya noon pababa na ito ng kotse ni Richard.

“Thanks for the ride. I know my way to the venue for the shoot. I can manage no need to accompany me. Sabi ni Maya in a serious tone, saka bumaba ng kotse ni Richard. Hindi na nito hinintay na pagbuksan siya ni Richard.

Mabilis na bumaba din ng kotse si Richard at hinabol si Maya na papunta na ng elevator.

“Maya, wait! Look I’m sorry sa nagawa ko kanina. I just can’t help myself.” Sabi nito in frustration kay Maya. “Please huag ka naman magalit sa akin.”

Kinapa ni Maya ang sarili kung galit ba siya dito. Huminga siya ng malalim saka nag salita, “Hindi ako galit sa yo.”

“Talaga?”

Tumango si Maya dito. Mas galit ako sa sarili ko. Dahil hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito kapag ikaw ang kaharap ko. Himutok ni Maya sa sarili niya.

“Halika na at baka nandoon na si Eman.” Giniya na siya nito papasok sa elavator.

Pagdating nila sa set. Nag ready na agad si Maya. Dressed in a lilac-colored slim 3/4 blouse and violet form fitted pencil above the knee skirt, Maya’s role now is of a working girl. The photo shoot was to be shot at Richard’s secretary office, na ikinagalak ng secretary ni Richard.

“Ako nga pala si Lisa Perez. Alam ko ito talaga ang kalakaran ng trabaho mo. Pero parang napakaganda at exciting ng trabaho mo. Lalo na…” sabay tingin sa gawi ni Eman na busy sa pag se-set-up ng mga gagamitin sa photo shoot. “Mr. Lopez is a real an expert noh?” At ang guapo niya ha. May asawa na ba siya?”

Natawa si Maya sa sinabi ni Lisa, “kay Nikon lang.”

“Oh” napangiti si Lisa sa sinabi ni Maya ngunit napasimangot din agad..”kayo bang dalawa…ibig ko sabihin may relasyon ba kayo?”

Oo siya ang akin panginoon at ako ang kanyang dakilang alipin. Sagot ni Maya, habang tinitingan si Eman ngayon lang niya napansin na may itsura pala itong. Muli siya napatingin sa magandang mukha ni Lisa, napangiti siya. “Alam mo iyon kasabihan, “The way to a man’s heart is through his stomach.” Tumango si Lisa. “Sundin mo ang payo, sa lalaking yan iba,” “The way to his heart is through his lenses and camera.”

Nasa ganun tagpo sina Lisa at Maya, nang lumabas si Richard sa opisina niya. Sumilay ang pilyo ngiti sa mukha nito ng makita niya si Maya, “ang matalik na kaibigan ay isa na ngayon epektibong sekretarya” biro ni Richard dito.

Hindi na pinansin ni Maya ang bilis ng tibok ng puso niya, humarap siya kay Richard na naka ngiti “to bad I’m demoted.”

“Hahaha, very funny Maya, pero alam mo naman na ganyan ang kalakaran sa business world.” Ngumiti siya dito, “Minsan nasa itaas, minsan nasa baba.”

“Maya, mag ready ka na. Sigaw ni Eman sa kanya mula sa kabilng side.”

“Masusunod mahal na panginoon, panginoon ng camera.” Pabirong sagot ni Maya kay Eman habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Eman.

“Maya, marunong ka bang mag computer?” Tanong sa kanya ni Richard. “Meron sana ako ipapa-computer sa iyong mga letters.” nakangiti sabi nito sa kanya.

“Sorry, Mr. Lim,” sagot niya, hinayaan niya ang kanyang sarili na namnamin ang magandang ngiti nito. Pero hindi kami magka sundo ng computer eh. I mean meron naman ako alam sa computer pero di ako ganun ka expert. Kaya sa iba mo na lang yan ipagawa. Sa tunay mong sekretarya.” nakangiting sabi niya kay Richard.

“Ok, just asking lang kasi incase na mag leave si Lisa ikaw sana ang kukunin ko pansamantalang kapalit niya.” Richard grins. “Sige maiwan ko na kayo diyan.”

Naging maganda ang takbo ng pictorial. Wala aberya nangyari, lagi naka focus si Maya sa gagawin niya. Para siyang inspired mag trabaho, perfect ang lahat ng shots niya. Makalipas ang ilan oras, may naisip na bago idea si Eman na gusto ipagawa kay Maya. Kinausap nito si Richard about his new ideas. Richard agree’s to his idea.

“Maya, I want you to go inside Richard”s office and take some dictation from him and at the same time, you will seduce him”

“What?” “Why?”

“Gusto ko naman ipakita mo ang seductive side mo as a model.” “Show how alluring and seductive you are.”

“But Eman.”

“You can do it Maya.”

“Don’t worry Maya, I will be very cooperative.” Sabi ni Richard sa kanya sabay kindat sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti.

Inirapan lang ito ni Maya. “Ok, I just go and change my outfit and make-up to make it more realistic.”

“Asar talaga ito Eman kahit kelan. Paano ako aarte sa harapan ni Richard na inaakit ko siya na hindi ako kinakabahan.” “Kalma, Maya kaya mo yan. Ikaw pa magaling ka model di ba?” Kausap ni Maya sa sarili niya. Huminga muna ng malalim si Maya saka nagpalit ng damit at inayos ang make-up niya.

Paglabas ng dressing room, “Eman, ok na ba ang suot ko.”

Pinasadahan ni Eman ang suot niya, isang white body fit V-neck blouse na medyo litaw ang cleavage na tinernohan niya ng black mini-skirt. Her make-up is like of a seductive woman, red glossy lipstick at naka lugay ang kanyang buhok na naka wave curls to make more body to her hair. “Perfect” sabi ni Eman. “Ok get your props, notebook and pen and enter at Richard’s office.

Kinunan muna ni Eman ng ilan shots sa may pintuan ng opisina ni Richaed si Maya na akma papasok na sa loob. Noon pumasok si Maya sa opisina ni Richard, kasunod nito si Eman.

Kulang ang salitang gulat upang ilarawan ang pagkabigla sa mukha ni Richard sa pagkakita nito kay Maya. Napanga-nga ito, sabay shot ni Eman.

“Bilib na talaga ako sa yo.” sabi ni Richard kay Maya.

Napangiti na lang si Maga.

Ok lets start the ball rolling, at nag simula na nga kumuha ng mga shots nina Maya at Richaed si Eman. Sa simula ay medyo nagkaka-ilangan pa sina Maya at Richard pero eventually nakapag focus na rin sila. So the shooting went smoothly.

“Ok that’s all. I got enough shots na, sa inyong dalawa.” Sabi ni Eman. “Maya, shooting resume at 1:00 o’clock sharp. Mag rest ka muna. Last shoots will be at Lisa’s area again.”

“Yes master. Ano gagawin ko ulit doon?”

“Mamaya mo na malalaman. Para makuha ko talaga ang angulo gusto ko.” sabi ni Eman na papalabas na ng opisina ni Richard.

Tumayo na rin si Maya. “Ah, Richard, susunod na ako kay Eman, magpapalit pa ulit ako ng custome eh.”

Patayo na siya noon pigilan siya ni Richard.

“Bakit”

“Not so pass, sweetie.” Maya, can I kiss you? Sabi nito sa malamyos na boses sabay baba ng mga mata sa labi ni Maya. Sa kabiglaanan napa -awang ang mga labi ni Maya kasabay ang kaba limukob sa dibdib niya.

Gusto isigaw ni Maya “huag”, “hindi puede”, pero bumaba na ang mga labi ni Richard papunta sa kanya. Hindi siya makakilos. Animo’y may pumigil sa kanyang mag paa para tumayo at magtatakbo palayo kay Richard.

Pero hindi iyon ginawa ni Maya. Imbes na tumakbo o itulak si Richard, pumikit na lamang siya at hinintay na lumapat ang mga labi ni Richard sa labi niya. Sinusuyo suyo ni Richard ang naka-awang na malambot na labi ni Maya. Napahawak na lamang sa braso ni Richard si Maya.

Tumigil ito sandali at ngumiti sa kanya. Napakurap na lang ang nanlalaking mata ni Maya. Hindi ito tumutol ng muling sinakop ni Richard ang mga labi niya. Sa pagkakataon ito, mas madiin at malalim ang halik na pinagsaluhan nila. Tinugon din ni Maya with same intense ang halik ni Richard. Napaungol pa ito ng sandali bumitiw si Richard upang kumuha ng hangin. Muli nitong hinagilap ang mga labi ni Maya, naipasok nitong ang kanyang dila at nilaro nito ang dila ni Maya. Napasinghap si Maya sa ginawang iyon ni Richard.

Nakaramdam si Maya ng pagdaloy ng mainit na likido sa himaymay ng katawan niya. Nadala siya sa ginawa ni Richard. Naramdaman niya ang maiinit nitong kamay na humahaplos sa kanyang braso.

Nasa ganun silang tagpo ng bigla pumasok si Lisa sa oipisina ni Rochard. “Sir, opps sorry.” Bigla bitaw nina Maya at Richard Sa isa’t-isa, napatungo na lamang si Maya at nagtago sa likuran ni Richard.

“Ano iyon Lisa?”

“Wala ako nakita sir. Sabihin ko lang po iyon 2PM appointment po ninyo with Mr. Ty.”

“Ok, thank you Lisa.”

Pag-alis ni Lisa. Muling hinarap ni Richard si Maya. Hinawakan niya ito sa baba at itinaas ang mukha nito para maging eye level sila. It’s ok, I trust Lisa, hindi iyon magkukuwento. Wala tayong ginagawang masama. OK?”

Tumango lang si Maya.

“Let’s go, Let’s have lunch bago mag resume ang photo shoot ninyo.” Richard grabs Maya’s hand out to his office. They return 15 minutes before 1:00 PM. Para may time pa si Maya makapag ayos para sa next photo shoot.

Shooting start at exactly 1:00 o’clock. “Maya, gusto ko palitan mo ng toner iyon fax machine.” Sabi ni Eman dito.

“Hala, paano ko bubuksan ito fax machine para mapalitan ko ng toner? Pindot dito, pindot doon ang ginawa ni Maga, hangga makita niya ang bukasan. Parang bata tuwang-tuwa si Maya dahil nakita rin niya sa wakas ang bukasan. ”

“That’s right Maya, just continue what you are doing, pretend you know how to operate it. Yes like that, very good Maya.” Sigaw na sabi ni Eman,

Oo nga at nakita niya ang bukasan hindi naman niya ito makuha ang toner, naka ilan attempt na siya pero hindi niya ito maalis. Malapit na maubos ang pasensiya niya. At noon sa wakas nakuha na niya ang ink cartridge, inalog-alog niya ito. Ngunit sa pag-alog niya may kumalat na tinta sa kamay niya. Hindi iyon napansin, kasi piniproblema niya ay kung paano iyon maibabalik? Noon hindi na talaga niya kaya, iniwan na lang nito nakabuyangyang ang fax machine. Out of frustration naipahid niya ang kanyang kamay sa kanyang pisngi kaya ayun nakapulan ito ng ink ng toner.

“Eman ikaw na ang bahalng magpaliwanag kay Lisa kung ano ang nagyari sa kanyang fax machine.”

“Ganun?” Boses ni Richard ang nadinig niya sumagot mula sa likuran niya. Pagpihit niya nakita niya nakatayo sa likuran niya sina Lisa at Richard habang naka tingin sa makalat na mesa ni Lisa. “Pag nag retire ka na as a model, please lang huag ka mag-apply na maging sekretarya. Isa iyon malaking pagkakamali. Isa kang disater.” Naka ngiti ito habang sinasabi iyon kay Maya.

“Eman, ikaw ang umayos sa gulomg ito. Nahuli tayo red-handed by SOCO.” Aalis na ako. Tapos na ang trabaho ko for the day.

Mabilis ang kilos ni Richard at natawid agad nito ang distanya nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya at itinaas sabay sabi “black-handed I may say.” At iyon isa kamay naman ay inilagay nito sa baba ni Maya upang I-angat muli ang mukha nito. Ngumiti ng nakakaloko si Richard kay Maya, sanhi upang mag rigidon na naman ang puso niya. “Bukod sa kamay mo meron pa din ebidensiya diyan sa maganda mong mukha.”

Napailing si Maya sabay sabi, “Paano nangyari ang mga ito, mabuti alisin ko na sa mga kamay ko ang ebidensiya.” Tumingin siya kay Eman, “maiwan na kita. Ikaw na ang bahala sa mga ginawa ko kasalanan.”

Ngumiti siya kay Lisa tapos bumulong kay Eman. “Bilis bilisan mo ang kilos mo, old man.”

Papunta na sa may pintuan si Maya ng bigla sumulpot muli si Richard upang pag buksan siya ng pinto at bumana ng ilan baitang saka humarap muli kay Maya. “Playing cupid sa sekretarya ko, Maya?”

“Hindi ba puede?” Marami pang puedeng gawin si Eman bukad sa mga camera niya.”Sabi ni Maya na nauna ng maglakad kay Richard.

“Eh ikaw Maya, ano ang puede sa yo?” Malumanay na tanong ni Richard kay Maya sabay akbay dito para paharapin sa kanya.

Wa-la…wala na. Nasa akin na lahat ng kailangan ko. Pautal na sagot ni Maya kay Richard, pakiramdam niya ay isa siyang paru-paru nahuli nito.

“Everything” ulit nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya, Sayang at may appointment ako kung wala sana ay napag usapan na natin ito.” Pulling her close, his lips brushed her, muling ngumiti ito ng nakaloloko na mas lalo nagpa guapo dito. “Go and wash your face Maya, you are a total mess.” Sabay talikod dito at naglakad na papalayo kay Maya sa may hagdan. Iniwan nito si Maya na tuliro at tulala sa ginawa niya dito.

Matapss ang appointment niya, muling bumalik si Richard sa opisina niya, ngunit hindi siya makapag concentrate sa trabaho niya, mukha ni Maya ang laman ng isip niya. Walang sino man babae ang nakaka-pasok sa puso niya o nakaka kuha ng kanyang atensyon. Ngunit si Maya simula pa lang noon una silang nagkita nito sa studio ni Eman na mesmerized o nabighani na siya sa mukha nito. Naiintriga siya dito. Tumayo na siya sa kanya upuan noon may naramdaman siya natapakan niya. Noon tiningnan niya kung ano iyon. Nakita isa iyon silver parker pen pinulot niya ito at nakita niya may naka engraved na intial na MDR, napangiti si Richard.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s