The Covergirl – 06

The Covergirl

Chapter 6

It was not a normal Monday morning sa office ng AA Media, Maya was dress in a corporate attire, a competent businesswoman. Naka ayos ang buhok niya -sleek bun at naka formal three piece black suit siya.

Busy-busy si Eman sa pag-aayos ng kanyang camera at pag set-up ng mga equipment na gagamitin sa pictorial. Tsine-check din nito ang mga mga ilaw at angulo para sa pictorial ng pumasok doon si Maya. Sinuyod ni Maya ang kabuuan ng opisina ni Richard at ayaw man niya aminin sa sarili pero tamang-tama ang opisina nito para sa shooting ngayon umaga.

“Ang henyo sa trabaho.” nagulat si Maya noon bigla may malamyos na boses na bumulong malapit sa kanyang tenga, napaikot bigla si Maya para lamang matagpuan ang sarili niya nakatitig sa mga mata ng tao laman ng kanyang isipan.

“Yan talaga ang porte ni Eman,” sabat nito, nagagalit siya sa sarili dahil sa lakas ng tambol ng puso niya pag nalalapit ito sa kanya.

“Bakit mukhang wala ka yata sa mood ngayon umaga?” Tanong sa kanya ni Richard na nakataas pa ang kilay. “May hang-over ka ba over the weekend?”

” Of course not.” dagli sagot niya dito. “Ako pa hindi ako umiinom ng sobra sa sa kakayanan ko.”

“Tama nalimutan ko nga pala nawawala ka sa sarili pag nakainom ng sobra”.

“Maya, nandiyan ka na pala.” Singit ni Eman kay Maya habang nagiisip ito ng isasagot kay Richard. “Bakit ang tagal mo?”

“Pasensiya na, Eman, medyo natagalan si Sandra sa pag-aayos ng buhok ko eh.”

Tinitigan ni Eman si Maya, “Sabagay worth it naman kasi nagawa ni Sandra ang look na kailangan ko para sa shooting na ito. You really look competent.

“Tama ka diyan Eman, seryoso sabi ni Richard. “Nasa kanya ang katangian ng isang boss na iyong Maaasahan, Matalino,”

“May sariling paninindigan, Aresibo at walang awa amo,” salansa ni Maya sa sasabihin pa ni Richard habang binibigyan niya ito ng malamig na tingin. “Gagayahin kita, Mr. Lim.”

Napataas ang kilay ni Richard sa sinabi ni Maya. ” sige maiwan ko muna kayo dalawa para maka pagsimula na kayo sa trabaho ninyo, at ako din sa trabaho ko.

Sa mga sumunod na oras, walang ginawa si Eman kungdi kumuha ng mga shots, ayusin ang ilaw, ang blocking at angulo, magbigay ng utos ng dapat gawin habang si Maya naman ay panay ang pose ng isang busy babaeng executive.

“Ok, tapos na tayo dito.” Maya mag relax ka muna sandali habang inaayos ang conference room for the next session, sabi ni Eman dito.

Ang sumunod nilang scene ay sa conference room, kung saan kinuhanan si Maya bilang isang Chairperson sa isang board meeting. Ang nalalabing oras pa para shooting noon araw na iyon mas nakakapagod pa. At noon natapos na rin sila sa wakas, natagpuan ni Maya ang sarili na hinahanap-hanap niya ang presensiya ng matangkad na pigura si Richard Lim, noon papalabas na siya ng AA Media office.

Pilit niya kinukumbinsi ang sarili niya na simpleng paghanga lang iyon at lilipas din pagkatapos ng bente kuwatro oras, isa pa hindi naman siya interesado sa akin eh, mas gusto niya ang mga tulad ni Stephanie iyon payat at may mayaman hinaharap. Kaya…

“Looking for me?”

“Huh? Bakit naman kita hahanapin?”

“Kasi na miss mo ako, hindi ba?”

“The nerve!” Sabay ikot ng mga mata. “Bakit naman kita ma mi-miss.”

“Bakit hindi mo ba na miss ang guapong mukha ito over the weekend o mas gusto mo iyon ka date mo noon Sabado ng gabi sa bar. Ganun ba ang mga tipo mo, matangkad nga pero ang payat naman niya.” Seryosong sabi nito.

“Bakit iyon ka date mo di ba ganun din payat na may malaking hinaharap kaya halos ma subsob sa bigat ata ng dinadala niya.” Asik na sagot niya dito.

“Insecure? Don”t worry hindi naman ako mapili eh.”

Tiningnan lang ng masama ni Maya si Richard at nilampasan ito sa paglalakad.

“Maya!, wait. Nagbibiro lang ako. Let’s have dinner first. Then ihahatid na kita pauwi sa condo mo.”

“No thanks, Mr. Lim. Dala ko ang kotse ko.”

Pasakay na si Maya ng kotse niya ng may pumigil sa braso niya. Kahit hindi siya tumingin alam niya kung kaninong mga kamay iyon humawak sa kanya. Amoy na amoy niya ang masculine scent nito. Napapikit muna siya at bumungtong hininga bago humarap dito.

“Mr. Lim pagod na ako sa maghapon shooting please let me go.”

“Malilimutin ka bang tao o talaga lang na matigas ang ulo mo? How many times do I have to tell na call me on my first name?”

“Ok, I’m sorry, Richard please let me go. I’m died tired of today’s shooting. All i want is warm bath and crawl into my bed and have a good night sleep.”

Richard release her hand but block her way to bo inside her car. ” Let’s have dinner first. You need to eat. Masama matulog ng walang laman ang tiyan. Hindi porke model ka hindi ka na kakain.”

“But I’m not hungry.” sagot nito.

“Paano ka nabusog sa light snack na kinain mo kanina sa photo shoot?”

“Huh? Paano mo nalaman?”

“Natural, ako ang nagpadala ng snack na iyon sa yo eh.”

“Why did you do that?”

“Because I want too.” “Come-on let’s have dinner.”

“Where?”

“Sa Greenbelt 5 – Three Brother’s Italian Restaurant.”

“Ok. Susunod na lang ako.”

“No, iwan mo na lang dito ang car mo. Hindi naman iyan mawawala.”

“Pero hassle pa kung babalik ulit ako dito just to get my car.”

“I’ll take you home and pick you up tomorrow morning.”

“But”

“No buts, sweetie.”

“Bakit kasi hindi na lang si Ms. Stephanie ang isama mo sa dinner mo eh.”

“Jealous?” “Ikaw ang gusto ko kasama.”

“Of course not. Bakit naman ako magseselos?” “What I mean bakit ako ang gusto mo isama mag dinner?”

“Isn’t it obvious.’

Bumilis ang tibok ng puso ni Maya sa sinabi ni Richard. Kaya nanahimik na lang siya. Baka mag stammer lang siya pag nagsalita siya. Parang may naghahabulan mga kabayo sa dibdib niya.

“Cut your tongue?”

“Let’s go, I’m starving. I love Italian food. Pag-iiba sabi ni Maya at umuna na sa papunta sa kotse nu Richard.

Napatingin na lang si Richard kay Maya at naglakad na ito para pag buksan ng pintuan ng kotse.

“Paborito mo rin pala ang Italian foods.” Tanong ni Richard sa kanya.

“Rin? Meaning mas gusto mo ang Italian food over Chinese foods”

“Well, medyo sawa na kasi ako sa mga Chinese foods eh.”

“I see. Paano ka nga pala napadpad sa bar last Saturday?”

“Ha eh,” sabay ngisi nito sa kanya.

“Coincidence ba talaga iyon?”

“Honestly speaking, I followed you there.” sabay titig sa mukha ni Maya.

Yumuko si Maya kunwari may kinuha sa bag niya. Hindi niya makayanan ang titig ni Richard. Bumilang muna siya ng tatlo bago muling tumunghay kay Richard.

“Paano mo naman ako nasundan doon.”

“Papunta na ako sa condo mo, nakita kita sa lobby na sumakay sa kotse which I believe kay Joaquin. Sumunod ako sa inyo. Then I called Stephanie to follow me there. The rest is history na”

“Sabi ko na nga ba eh.” Bakit mo ako pinuntahan sa condo ko?

“I want to asked you out.” Kaso may nakauna sa akin. Malungkot nitong sabi.

“You want to asked me out?”

“Yes.’ Walang kakurap-kurap na sagot ni Richard.

Pinamulahan ng mukha si Maya sa sinabi ni Richard.

“Kaya sinundan mo na lang kami.” Nakangiting sabi ni Maya.

“Yes.” Nakangiting sagot ni Richard.

Tumigil muna sila sa pag uusap nila, noon dumating ang order nilang pag-kain. Ang waitress na nag serve obvious na nagpapa-cute pa kay Richard.

“Napansin mo ba? Masama ang tingin noon waitress sa akin. Pakiramdam ko ay inagaw kita sa kanya.”

“Hahaha. Well, what can you expect you got a handsome date.” sabay kindat nito sa kanya.

“Hindi ka rin mayabang ano?”

“Nagsasabi lang ako ng totoo”

“Ok fine. Pero tell me, sanay ka ba talaga I-dine-date ang mga empleyado mo?”

“You are not my employee, you are my talent.”

“Pareho rin iyon.”

“No magkaiba sila para sa akin.”

Nagsimula na silang kumain. Pero tuloy pa din ang usapan nilang dalawa.

“So Maya are friends now?”

Nag-isip muna si Maya. Siguro mas mabuti na rin maging magkaibigan kami kesa lagi ako umiiwas sa kanya. Ngumiti si Maya saka nag salita…

“Friends”

Nagtagal pa sila sa restaurant kahit tapos na silang kumain.

“Gumagabi na Richard mabuti pa umuwi na tayo.”

“Sige, tara na.”

“Here we are.”

“Thank you for a nice dinner. I had fun.”

“Your welcome, sunduin kita bukas ng unaga.”

“No need I can take a cab.”

“I insist, magtatalo na naman ba tayo.”

“Ok fine. If you insist.” Bye. Akma baba na si Maya, nang bigla ito pinigilan ni Richard.

“Wait!, Bumaba ito ng kotse at umikot para pagbuksan si Maya ng pintuan.

“Thanks again, Richard. See you tomorrow.”

“Ihahatid na kita sa unit mo.” hinawakan na niya si Maya sa siko at giniya na ito papasok ng condo.

“Paano pasok na ako. Maaga pa ang call time ko bukas. Baka magalit si Eman pag na late na naman ako,”

Papasok na ng condo niya si Maya ng bigla ito pigilan ni Richard at bago pa maka react si Maya, Richard is kissng her slowly. Napapikit na lang si Maya at tinugon ang halik ni Richard. Ang lambot ng labi ni Richard at ang bango ng hininga niya. Sabi ni Maya sa utak niya.

Naipasok ni Richard ang dila niya sa loob ng bibig ni Maya. Samantala si Maya naman ay inilagay ang mga kamay niya sa leeg ni Richard. Habang hawak naman ni Richard ang batok ni Maya. Sa ayos nila mas napalalim pa ang halikan nilang dalawa.

Richard is so ….natigilan si Maya, dahil dahan-dahan sina suck nito ang dila ni Maya. Napamulagat si Maya, pakiramdam niya ay daan-daan boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya. Dahil doon ay bahagya niya ito naitulak.

Para naman natauhan si Richard sa ginawa niya. Napayuko ito ngunit hawak pa rin ang batok ni Maya.

Namumula ang mukha ni Maya.

“I’m sorry sweetie. I just….carried away, you made me feel hot everytime you are near me.”

Ngumiti lang si Maya. “Cold shower lang katapat niyan. Sige na umuwi ka na at maaga pa tayo bukas.”

“Hindi ka galit?”

“Pareho lang tayo na carried away.” “Sige na uwina”

“Ok…Goodnight.” tumalikod na si Richard na may magandang ngiti sa mga labi niya.

Pumasok na rin si Maya at napasandal sa likod ng pinto ng condo niya naka ngiti rin.

One thought on “The Covergirl – 06

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s