The Covergirl – 05

The Covergirl

Chapter 5

Kinabukasan mas mahirap at matrabaho ang photo shoot nina Maya at Eman. Ayaw man aminin sa sarili niya pero hinahanap-hanap ni Maya ang presensya ni Richard sa photo shoot. Disappointed siya kasi wala ito doon at nayayamot siya sa kanyang inaasal. Dahil wala lang doon si Richard nawawala tuloy siya sa focus ng trabaho niya. Hindi iilan beses na sinabihan siya ni Eman na mag focus sa ginagawa niya dahil lagi lumilipad ang isip niya. Malaking proyekto ito kaya dapat lagi siyang focus. Ang proyekto ito ay puedeng niyang gawin daan para mas lalo pa siyang sumikat sa larangan ng pagmomodelo hindi lamang dito sa Pilipinas kungdi kahit sa ibang bansa. Hindi na nalalayo ang kanyang inaasam na tagumpay upang mas makilala ng lahat. Syempre si Richard ang magba-back-up sa kanya para matupad ang mga iyon. Subalit, parang hindi siya masaya sa proyekto ito.

Maaga tinapos ni Eman ang photo shoot noon naramdaman niya wala sa sarili si Maya. Sa tagal na nilang magka trabaho nito. Kilala na niya ito pag may ini-isip.

“Maya, let’s call it a day. Madami na tayo nakuhang shots for fun and sporty activities mo. Umuwi ka na at magpahinga. Sa Monday pa naman ang next shooting days natin eh. You have all the weekends to get rest and relax.”

“Thanks Eman.” You are really a friend.

Nasa condo unit na niya si Maya pero mukha pa rin ni Richard ang iniisip niya. Hay naku walang mangyayri sa akin nito. Mabuti pa maka punta na lang sa bar. Mayaya nga si Joaquin

Nasa isang bar na sina Maya at Joaquin pero si Richard pa din ang inisip niya. Grrr…talaga ano bang meron ang tao iyon at di siya mawala sa isipan ko. Makapag sayaw na nga lang.

Nag desisyon si Maya na huag na isipin pa si Richard and sumayaw na lang kasama si Joaquin na nakilala niya sa isang mutual friend. Sinabi na agad niya kay Joaquin na hangga magkaibigan lang sila at di na puedeng lumampas pa doon. Umiiwas siya sa pagkakaroon ng intimate relationship dahil wala pa naman talaga nakakabihag sa pihikan niyang puso.

Lingid sa kaalaman ni Maya. Meron mga pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya habang may kasayaw itong isang guwapong lalaki. Pareho magaling magsayaw ang dalawa. Perfect partner ika nga sa dance floor. Nag-eenjoy si Maya sa pakikipagsayaw dahil dinig mo ang mga halakhak niya sa dance floor. Lumapit dito ang lalaki at tumayo sa harapan niya. Nawala bigla ang kasiyahan sa mukha ni Maya ng makita niya sa harapan niya ang isang tao nagtataglay tiger mode look expression. Si Richard Lim.

“Hello, Maya,” binati siya nito sa napaka simpleng bati lang.

“Hello, Mr. Lim,” bati niya, nagtataka siya bakit parang nagrebulusyon bigla ang sikmura niya sa pagkikita nilang muli.

“Magkakilala na kayo ni Stephanie di ba?”

“Oo naman. Ikinagagalak ko makita ka muli.” Tumingin si Maya sa kapartner niya at ipinakila ito sa kanila.

“Mr. Richard Lim? The Mr. Richard Lim?” Napatingin si Maya kay Joaquin, nagulat siya sa reaksyon nito parang di makapaniwala nasa harapan niya si Richard Lim.

“Well, wala akong kilalang ibang Richard Lim, kungdi ako lang,” sagot nito kay Joaquin na naka ngiti.

Kung ganun “please join us for a drink dito sa table namin ni Maya.”

Ang lapad ng ngiti ibinigay ni Richard sa imbitasyon iyon ni Joaquin ng tinginan niya si Maya. Nangniningning ang mga mata nito sa katuwaan ngunit kabaligtaran naman iyon ng nararamdaman ni Maya. Pilit pinagtatakpan ni Maya ang paghihirap ng kalooban niya makasama sina Richard at Stephanie.

Ngunit dala ng kagandahan asal. Tinitigan niya si Richard sa mata at ngumiti dito sabay sabi sa malumanay na boses, “oo nga naman, dito na kayo sa amin mesa.” Pinahagingan din niya ng mabilis na sulyap si Stephanie at nakitaan niya ito ng pagsimangot indiskasyon ayaw nito may kahati sila sa mesa o mas tamang sabihin ayaw niya may kahati sa atensyon ni Richard Lim.

“Ang galing ng ipinakita ninyong dalawa sa dance floor.” sabi ni Richard kay Joaquin, na may patango-tango pa ng ulo. Tumingin din siya kay Maya. “Lagi ba kayo nagsasayaw dalawa kasi ang galing ng mga galaw ninyo dalawa eh?”

” Well, walang ako ibang magaling na ka-partner kungdi si Maya ” pagmamalaking sabi ni Joaquin. “Infact, kahit sino naman kapartner niya eh, magaling talaga siya.”

“Talaga?” tanong ni Richard na napataas ang kilay. “Hmmm, Puede mo ba ipahiram siya sa akin para naman malaman ko kung nagsasabi ka ng totoo.”

Kinabahan at nagpanic si Maya sa kaisipan magsasayaw sila ni Richard, makikita mo iyon sa kanyang mga mata.

Wala na nagawa si Maya kungdi tumayo dahil nasa tabi na niya si Richard at hinila ang kanyang silya para makatayo siya.

“Puede ba ayusin mo iyan itsura mo na para ka lang napipilitan makipagsayaw sa akin,” bulong ni Richard kay Maya habang papalapit sila sa dance floor.

“Wala yan katotohanan,” sagot niya dito. Naiinis siya dito kasi pakiramdam niya ay madali nito nababasa ang sarili niya.

Ngunit sa pagdating nila sa dance floor nagbago ang music. Naging slow ito. Napangiti si Richard sabay bulong sa sarili niya..”pagsinisuwerte ka naman”. Pinaharap niya si Maya sa kanya at inakap ang mga kamay niya sa bayawang nito. Sa pagkakadikit nilang dalawa, gusto mag asal bata ni Maya para makawala sa akap nito para hindi nito mahalata na tensiyonado siya pagkakalapit nilang dalawa. Grabe ang tigas ng dibdib niya at lalaking-lalaki ang amoy niya. Ang mga kamay nito nakaakap sa kanyang waist held her so close na konting konti na lang na kahit hangin ay hindi na makakadaan pa. Kaya wala na rin siya nagawa kungdi ilagay sa dibdib nito ang pisngi niya, mas lalo niya nasamyo ang amoy nito na napapagising sa kanyang mga natutulog na kalamnan. Sa bawat pag ikot nila dalawa at lalo pa nadidikit ang katawan nila sa isa’t-isa. Ang bilis ng tibok ng puso niya at ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso nito. Gusto niya pigilan ang pagmamabilis ng tibok ng puso niya dahil baka ito makahalata. Hindi niya gusto itong nangyayari pag react ng katawan niya kay Richard Lim.

Hindi niya alam kung ano ba ang binubuhay nito sa katawan niya. Bagay na ni minsan ay hindi pa niya nararamdaman sa sarili niya. She feels her body is burning with passion.

“Tama nga si Joaquin magaling ka sumayaw,” bulong nito sa tenga niya, causing her to shiver and makes her heattbeat faster. Parang aatakihin siya sa puso.

“Dancing is one of my favorite pasttime.” Magaan sagot niya upang pagtakpan ang kakaibang nararamdaman niya sanhi ng pagbulong ni Richard sa tenga niya.

“Dapat nalaman ko din agad ito.”

“Talaga? Bakit naman?”

Para ako ang kasama mo ngayon gabi at hind iyon date mo ngayon. Magaling din naman ako sumayaw di ba? You really dance well, “the way you walk, the way you move. With a sensuous grace, and effortless rhythm.”

Balak niya sana tawanan ang sinabi nitong papuri sa kanya. Kaso noon nagtagpo ang mga mata nila, napatitig na lang din siya dito at hindi na nakapagsalita pa.

“Parang ulap ang iyong mga mata,” bulong niya sa sarili ngunit hindi niya alam na napalakas pala ang sabi niya.

“Maiitim at nakakatakot?” sustensiyon ni Richard habang nakatingin sa kanya.

“Minsan,” bulong niya. “Minsan naman ay parang kulimlim, hindi mo alam kung may bagyo o ulan parating. Hindi mo alam kung ano ang i-expect mong parating.”

“Hindi mo alam?” sabi ni Richard sa mahinang boses nito habang ang mga tingin nito at bumaba na sa mga labi ni Maya na isang hibla na lang ang lapit sa mga labi ni Richard. “Dapat ngayon alam na.”

Umiwas si Maya kahit nanghihina na siya sa malamyos at suwabeng boses nito. “Talaga lang Mr. Lim, gusto mo ba ako akitin sa gitna at karamihan ng tao nagsasayaw ngayon?”

“Ano sa palagay mo? Kung ito lang pagkakataon ko para gawin iyon, bakit hindi? Sabi ni Richard sa kanya, unless you have something else in mind?”

“Pasensiya na”, hingi niya ng paumahin at pinaling ang ulo niya sa ibang direction upang maiwasan ang mga titig nito. “baka nalilimutan mo may mga kanya-kanya tayo kasama, tara na tapos na ang tugtog.”

Kahit tapos na ang sayaw nila at pabalik na sa mesa nila. Hindi pinakawalan ni Richard si Maya. Hawak pa rin niya ito sa bayewang niya at hinapit pa ito para mas magkalapit sila at nagsasalita sa kanyang tenga. “Hindi kita pakakawalan hangga di mo binabago ang pagtawag sa akin ng pormal na Mr. Lim imbes na pangalan ko Richard.” noon hindi ito sumagot, muli ito nagsalita, sabay mas gusto ang ganito, ” I can stay like this forever. Ikaw ang tipo ng babae na nararapat sa mga bisig ng isang lalaki. At nalaman ko nababagay ka sa mga bisig ko.”

“Ok, you win,” sabi ni Maya in between her teeth, “Richard, darling puede mo na ako pakawalan bago pa hindi ako makilala?”

“As you wish.” Niluwagan lang ni Richard ang pagkakahawak nito sa kay Maya. “Huag mo sabihin sa akin na talaga nasaktan kita.” tanong nito na may malapad na ngiti ng tagumpay habang nakatitig siya mukha ni Maya.

“Ipapaalam ko sa yo pagkatapos ko magpa x-ray.”

“Hindi ako naniniwala na para kang isang babasagin crystal.” Nasa waist pa rin ni Maya ang mga braso nito gang makaraing sila sa mesa nila.

Nagkuwentuhan na silang apat for a couple of minutes. Ngunit ramdam ni Maya na naiinis si Stephanie sa kanya, simpleng pagtataray ang sagot nito sa mga tanong niya. Hindi lang niya alam kung alam ba iyon ni Richard o hindi na lang nito pinapansin. Hindi na pinaunlakan ni Richard ang imbitasyon ni Joaquin na manatili pa sila doon ng ilan minuto pa.

Hindi mahilig si Stephanie sa mga bar. Paliwanag ni Richard na naka ngiti sabay akbay sa mga balikat ni Stephanie, napatingin si Stephanie sa ginawa iyon ni Richard at ngumiti ito kay Richard. Ang simpleng gesture noon dalawa ay hindi nagustuhan ni Maya. Naiinis siya pero ayaw niya aminin na nagseselos siya sa ginawa noon dalawa. ” Sinamahan lang niya lang talaga ako dito. Balak ko kasing isama ang bar sa layout ko ng magazine.” Tumingin si Richard kay Maya na binigyan siya nito ng isang palaisipan ngiti. ” At kapag susuwertihin ka rin dahil nagkita tayo dito Maya, at least alam ko na kung ano ang gusto ko mangyari sa set up nagagawin ko para sa photo shoot mo.”

“Naniningkit na tiningnan ni Maya si Richard at nahuli niya ito na may namumuong ngiti sa mga mata nito. Alam niya hindi naniniwala si Richard sa mga luck at alam nito na nasa bar siya ngayon gabi, kaya ayun gumawa ng plano a kunwari ay aksidente silang nagkita doon.

“Kita na lang tayo sa Lunes Maya,” sabi ni Richard habang ginigiya na nito sa pag-alis si Stephanie.

“Monday?” ulit ni Joaquin noon sila na lamang dalawa ulit. “Hindi ka naman isang lobo?” Naka ngiti sabi nito kay Maya. ” Ang kilalang at tanyag na Mr. Lim napaamo mo at nagawa mo pang dumikit lagi sa yo.

“Ako lobo?, nagpapatawa ka ba, Joaquin?” sagot nito sa nakakairitang sapantaha nito sa relasyon nila ni Richard. “FYI lang ang relasyon namin ay pure business lang. Ako ang modelo niya sa lalabas niyang magazine. Siya ang amo ko, at hindi na hihigit pa doon ang relasyon namin, period.”

“Ok….Ok.” Fine. Lalo lang napangiti ng malapad si Joaquin sa pagalit niyang sagot dito. “Para mo naman ako pupugutan ng ulo, dahil lamang sa mali kong sapantaha, hindi lang ako nagkakamali. Tao lang ako.”

Tiningnan ni Maya si Joaquin. “Ano ba kasi yan pinagsasabi mo?”

“Sweet Maya, paliwanag nito sa mahinahon tono, “hindi mo ba naramdaman ang mga kutsilyo tumama sa likuran mo habang nagsasayaw kayo ng sikat mong amo?” Blangko tiningnan ni Maya si Joaquin, napabuntonghininga ito, “alam mo, kahit tatlong taon ka na dito sa Pilipinas, isa ka pa rin walang alam na nilalang.” Napapailing ito at hinaplos nito ang balikat niya. “Alam mo ba meron isang babae na kung pagbabasehan ay ang nanlilisik nitong tingin sa yo, baka kanina ka pa natumba sa dance floor.”

“Sobra ka naman, alam mo exag ka, wala yan katotohanan,” sabi ni Maya sabay simangot dito. “For sure kilalang-kilala na ni Ms. Stephanie si Mr. Lim at alam niya na kaya lang kami nagkita dito ni Mr. Lim ay dahil naghahanap ito ng magandang venue o materials para sa magazine lay out niya kung saan ako ang image model niya.”

“Ikaw ang bahala,” sabay iling. “Tulad ng sinabi ko kanina, Maya napaka naive mong babae.”

To be continued

******************

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s