The Covergirl – 04

The Covergirl –

Chapter 4

Naka ready na si Maya noon dumating si Richard para sunduin siya. Naka golf outfit na siya, purple sleeveless golf dress skort (skirt-short underneath), cap, golf, shoes and socks.

Tinitigan ni Richard si Maya.

“So Mr…..opps, (natawa si Richard na munting na paglimot ni Maya), Richard, do I passed in your scrutiny?

“Perfect…You look great. Sabi ni Richard dito. “Bilib na talaga ako sa yo. Ang galing ng pagkaka make up mo. Napaka sporty ng dating mo.” Sumaludo pa ito sa kanya.

“Well, thank you. You too look great in your outfit.”

“Thanks….. Let’s go…..” Madali ka naman matuto di ba?”

“Yeah….I hope so….”

“Meron ka naman siguro Idea how to play golf?”

“Oo naman, pero never pa talaga ako maglaro.”

“Don’t worry I will teach you how to play.” inalalayan siya nito pasakay sa golf cart na magdadala sa kanila sa golf course.

——

Pag dating nila sa golf course, nakakuha na agad ng atensyon ang dalawa sa mga kalalakihan at kababaihan naglalaro ng golf.

“Hindi ba siya iyon commercial/ramp model na si Maya dela Rosa?” sabi noon isang babae sa kasama nito.

Tiningnan ng kasamahan nito si Maya, “oo siya iyon, sino iyon kasama niya boyfriend niya? Grabe ang guapo ng boyfriend niya ha. Bagay sila.”

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Richard ang usapan iyon ng dalawang babae. He feels proud of himself to be mistaken as Maya’s boyfriend. Gusto niya halikan ang dalawang babaeng lalo na iyon nagsabi bagay sila ni Maya. Kaya to show possessiveness, kinuha niya ang kamay ni Maya at hinawakan at pinagsalikop sa kamay niya. Nagulat si Maya at pilit na inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak nito.

“Mr. Lim let go of my hands kung ayaw mo magwala ako dito.”. Galit na sabi niya.

Pagtingin sa kanya ni Richard, nakita nito ang namumula na sa galit. “What did I tell you, if I caught you calling me in a formal way?”

“Subukan mo gawin iyon dito at talaga makakatikim ka sa akin. Right at this moment mag reresign ako, kahit idemanda mo pa ako ng Breach of Contract, wala ako paki-alam.”

“Talaga?, gagawin mo iyon?” nag smirk si Richard. “Sige pag ibigyan kita sa ngayon. Halika na mag start n tayo. Mamaya nandiyan na si Eman ang ibang staffs para sa pictorial mo.

Tinuruan ni Richard ng basic sa paglalaro ng golf. Madali naman nito natutunan ni Maya. Kaya noon dimating si Eman at mga staff para pictorial niya. Akala mo ay isang profesyonal golf player na si Maya.

“That was great!” Maya. Nawala bigla ang concentration ni Maya sa laro. Madami na ako nakuha magagandang shots. Grabe para ka ng professional maglaro ng golf. We can call it a day na Maya. Puede ka na magpahinga. Para maka balik tayo sa Manila ng maaga.

“Like a pro huh? Kanina ko nga lang yan natutuhan eh. Thanks to Richard.”

“Worth it naman ang pagtuturo ko eh. Tara Maya, laro tayo ng golf.” Yaya ni Richard dito.

“Ayoko ko nga matatalo mo lang ako.”

“Malay mo naman.”

“Sige na Maya, makipaglaro ka na kay Richard. Pusta ako ikaw ang mananalo.” sabi ni Eman.

“Sira ka talaga Eman.”

“Ano Maya, shall we?”

“Sige mapilit ka eh.”

Naglaro nga ang dalawa. At sa di inaasahan nanalo si Maya.”Congrats Maya.” sabay abot ng kamay niya kay Maya.

Tinanggap ni Maya ang pakikipag-shake hand ni Richard. Pero hindi naman makipag-shake hand ang gusto ni Richard kungdi para hawakan ang kamay niya. “Pakiramdam ko nagpatalo ka lang talaga eh.” sabi ni Maya kay Richard.

“Hindi ah..madali ka lang talaga matuto ng golf.”

“Whatever….”

“Halika na hatid na kita sa tinutuluyan mo para makapagpahinga ka na. Remember meron pa tayo lakad mamaya.”

“Ha eh, sabi ni Eman maaga kami babalik sa Manila eh. Maaga pa ata ang call time ko bukas eh,”

“Sino ba ang boss dito?” naka kunot na tanong ni Richard na hangga ngayon ay hawak pa din ang kamay ni Maya.

“Ikaw…”

“So it means, I can move the schedule ng pictorial di ba?”

“Sabi ko nga.”

“Good, halika at inform na natin si Eman about our plans,” hatak-hatak ni Richard si Maya.

Sa ginawa iyon ni Richard nagulat si Maya dahil parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang sistema. May kung ano gumuhit sa gulugod niya at nakaramdam siya parang may paru-paru nagliliparan sa sikmura niya.

“Eman postpone muna ang shooting ninyo bukas sa Tuesday na lang. Nag promise kasi ako kay Maya na magpicnic kami sa malapit sa lawa ng Taal.”

“Ganun ba…mauna ako sa Manila at maeron ako date.” naka ngising sabi nito sa dalawa. “Enjoy and have fun na lang kayo sa picnic ninyo.

“Goodluck sa date mo.”

Hawak pa rin ni Richard ang mga kamay niya, Mr. Lim puede ba pakibitawan na ninyo ang kamay ko. Sinabi niya na may halong kaba. Sana huag mahalata ni Richard, nakagat tuloy niya ang ibang labi niya.

“Yan ka na naman…it’s Richard at hindi Mr. Lim. Hindi pa rin binibitawan ni Richard ang kamay niya. Pero sa totoo lang ayaw naman niya na bitawan siya ni Richard. May kakaibang katuwaan siyang nararamdama sa tagal nang pagkakahawak ni Richard sa kanyang kamay.

“Ok fine…Richard, paki bitawan naman ng kamay ko. Kanina pa kasi tayo piangtitinginan ng mga tao eh.”

“So what, maganda nga iyon para hind ka na nila pormahan.” bulong ni Richard.

“May sinasabi ka ba”

“Wala, halika na ihahatid na muna kita sa guesthouse then I will pick you up around 5Pm.”

“Ok”

——–

Sakto 5:00 sinundo siya ni Richard sa guesthouse.

“Saan tayo sasakay?”

Tinuro ni Richard sa di kalayuan ang kabayo niya.

“Aangkas ako sa yo? Sana dinala mo na lang si Chloe.”

“Hindi pa sanay si Chloe sa forest trek, mahihirapan siya. Let’sgo.”

Wala nagawa si Maya kung di umang,as sa kabayo ni Richard.

Di nagtagal narating nila ang lakeside. Inihanda ni Richard ang picnic mat at inihain doon ang baon nilang pagkain.

Binigyan niya si Maya ng alak.

“Pasensiya na pero hindi ako umiinom eh. Ano ang gusto mo inumin.”

“Tea” or “Milktea”

“Mabuti na lang may dala ako thermos. Hot o Cold” ang tea mo? Tanong ni Richard saka ngumiti sa kanya.

“Iced” sabay bulong sa sarili niya “relax, Maya”. Kaya mo yan. Bigay consuelo sa sarili niya.

“Hindi ka ba umiinom?”

“Hindi masyado, mahina kasi ang alcohol tolerance ko. Kaya hangga maaari ay iniiwasan ko na uminom.

Di akalain ni Maya na ang picnic na kasama si Richard ay magiging masaya. Dapat lang niya talaga. Rendahan ang puso niya para maging relaxed siya kapag nandiyan si Richard. Dapat pagkaisipin niya na pure business lang sila, more professional sa career nila.

Saan ba ang next phot ahoot ko? Mr. este Richard.

Napangiti si Richard. Sa Ninoy Aquino’s Park and Wildlife Park tayo.

I see..

Tamang tama din kasi ang Ninoy’s Aquino Parks and Wild Life, para sa iba’t-ibang outdoor activities tulad ng biking, volleyball, table tennis, badminton, etc.
Sabi ni Richard sa kanya. Nahiga si Maya sa damuhan.Tumabi si Richard dito.

“Sana madami butuin sa langit mamaya. Masarap mag star gazing.”

“Mahilig ka rin ba sa star gazing, Maya?”

“Oo, pag wala ako ginagawa lagi ko niyaya sina Eman at Viana sa Antipolo para mag star gazing kaming tatlo.” Malungkot na sabi ni Maya.

“You missed your bestfriend?”

“Yes I missed her so much. Siya kasi ang takbuhan ko lagi pag may problema ako.”

“Puede baako mag-apply na kapalit niya? Puede mo ako hingahan ng sama ng loob mo.”

“No but thanks…..”

“Ayaw mo ako maging kaibigan?”

“ha? Hindi naman sa ganun…..”

Nag bigla may pumatak na tubog sa mukha niya, “Oh no! Umuulan Richard.”

Dali-dali nilang nilogpit ang kanilang dala-dala at simakay na sakabayo ni Richard. Pinatakbo ni Richard ng mabilis si Storm pero naabutan pa din sila ng ulan. Kaya ayun basang basa silang dalawa pag dating sa guesthouse.

“Pumasok ka muna at magpalit ng damit mo. Basang basa ka baka magkasakit ka pa niyan.” Sabi ni Maya kay Richard. Tinawagan ni Maya si Polly para mag pa dala ng bihisan para kay Richard. Sinabi nito ang nangyari sa kanila ni Richard.

Nauna nagpalit ng damit si Maya, saka niya pinapasok ito sa banyo para ito naman ang maligo. Habang nasa banyo ito dumating iyon damit na pinadala niya kay Polly.

Kinatok niya si Richard,, “Richard, eto na ang bihisan mo.” nag hintay si Maya gang bumukas ang pinto ng konti. “Eto na ang damit mo.”

“Salamat….” sabi ni Richard.

Habang nasa banyo si Richard, naghanda si Maya ng kape. Napaisip si Maya.
Hindi maganda ito….Maya mali ang makipaglapit ka kay Richard Lim. Alalahanin mo siya ang boss. You will be in big trouble. Pangit na maugnay ka sa kanya. Hindi maganda para sa image mo.” sita ni Maya sa sarili niya. Lumayo ka na habang maaga pa, hangga wala pa nangyayari na puede mong pagsisihan sa huli. Nasa ganun siyang tagpo ng bigla mag ring ang telephono ni Richard.

Tiningnan niya ito at nakita niya…

“Stephanie calling…..” kumatok siya s banyo….”Richard may tumatawg sa yo.”

“Paki sagot mo na lang please.”

“Hello”

“Hello…sino ito”

“This is Maya….nasa…”

“Bakit ikaw ang sumgot sa telephone ni Richard. Nasaan siya?”

“Ah nasa banyo kasi si Richard, naliligo.”

“Damned” sabay patay ng phone.

“Patay nagalit ata siya sa akin.” nasa ganun pag iisip si Maya ng bigla nag salita si Richard.

“Maya sino tumawag.”

“Richard, sorry mukha nagalit sa akin ang girlfriend mo. Hinanap ka kasi sa akin sabi ko nasa banyo ka at naliligo. Sorry talaga.”

“Hahaha. Hindi ko girlfriend si Stephanie.”

“huh?”

“Hindi ko girlfriend si Stephanie in a romantic way. Ok?”

“Pero galit siya eh.”

“Huag mo na lang siya pansinin.” sabi nito sabay ngiti at pisil sa balikat niya.

Ngumiti din siya kay Richard at may kakaiba siyang naramdaman, di maipaliwanag na pakiramdam na dumadaloy sa kanya – isang senyales na di pamilyar sa kanya.

“Sandali lang at ipagtitimpla kita ng kape…maulan pa ata sa labas eh.”

“Thanks…” muli tumunog ang telephone ni Richard. Lumapit ito kay Maya at muli pinasagot kay Maya ang phone niya.

“Ayoko”

“Please……”

“Richard, tandaan mo pag ako inaway nito lagot ka sa akin.” inis speaker phone ni Maya ang iphone n Richard.

“Hello..Stephanie”

“Ikaw na naman?”

“Pasensiya na ha, masama kasi pakiramdam ni Richard eh kaya ayun nagpapahinga na siya sa kuarto.”

“Ano ka ba ni Richard”

“Kaibigan niya….”

Napangiti si Richard sa sinabi ni Maya……

—————-

To be continued

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s