The Covergirl – 03

The Covergirl

Chapter 3

Hindi na pinatagal ni Richard ang pirmahan ng kontrata after two days pinatawag niya muli sina Eman at Maya upang makapirmahan na sila ng kontrata. Ayaw na patagalin pa ni Richard, excited na siya makatrabaho si Maya. Kahit sabihin pang hindi naman kailangan ang presensiya niya sa mga pictorial nito. Pero gusto niya andon siya lagi. Ayaw niya mawalay sa paningin niya si Maya kapag nagsimula na ito sa pagtratrabaho sa kanya. Napagkasunduan niya susunod na buwan na lang sila mag simula ng shooting tutal patapos na ang buwan ng September. Kaya unang sabado ng buwan ng Oktubre ang first shooting day nila sa Stallion Riding Club. Gaganap siya isang equestrian.

“Can I invite you two for lunch, since malapit na rin magtanghalian.” sabi ni Richard kina Maya at Eman.

“Naku Richard, thank younsa imbitasyon kaso hindi akompupuede ngayon eh. Susunduin ko sa airport ang makulit ko pamangkin. Kakatawag lang sa akon ng kapatid ko na parating ngayon 1:00 PM ang dating niya,” hingi paumanhin ni Eman. “Kayo na lang ni Maya.”

“But….” atubiling sabi ni Maya.

“Please….” sabi ni Richard.

Maya sign in resignation.

“Ok fine.”

“Don’t worry I don’t bite. I will make sure you will enjoy our lunch date.”

“Excuse me, this is not a lunch date.”

“Eh ano tawag mo sa gagawin natin?”

“Lunch out but definitely not a Lunch Date.”

“Ok , if you say so, baka bigla mo pa bawiin itong pagpayag mong lunch eh. Let’s go.” sabi ni Richard sabay hawak sa siko niya.

Muli nakaramdam na naman si Maya ng maliliit na boltahe ng kuryente dumaloy sa mga ugat niya. Hindi na lamang niya ito pinansin. Dahil mukha siya lamang ang nakaramdam noon at hindinpati ang lalaki naka hawak sa siko niya.

———

Maaga nagising si Maya, kasi maaga ang call time niya today. Ayaw niya ma late at baka masigawan pa siya ni Eman at 1st day of shootimg nila ngayon.

Naka bihis na si Maya ng isang equestrian dress. Nakaharap siya sa salamin noon napa-isip siya kung pupunta ba si Richard sa 1st day ng shooting niya. May parte ng puso niya na umaasam na sana andun ito, pero may parte din nguso niya ang nagsasabi na huag na lang. Kasi baka mailang lang siya kapag andun ito at manood sa pictorial nila ni Eman. Muli niya sinipat ang sarili sa salamin ng bigla…..

Ding…dong…ding….

“Sino kaya ito? Alam naman ni Eman na doon na lang kami magkikita eh sa SRC ah.” pag silip niya sa peep hole ganun na lang ang pagka gulat niya.

“Si Richard?, ano ginagawa niya dito?”

Pinag buksan niya ito ng pinto. “Mr. Lim, ano ginagawa mo dito?”

“Good morning!, nasa vicinity lang kasi ako kaya naisipan ko daanan na lang kita para sabay na tayo pumunta sa SRC,” nakangiting sabi nito sa kanya.

“Pupunta ka sa shooting?”

“But of course, its my baby project, so dapat andun ako.”

“Ah ok, pero sana hindi na kayo nag-abala Mr. Lim na sunduin ako. Meron naman ako kotse, kaya ko pumunta mag-isa sa location.”

“I know, it’s just that….., ah nevermind. Shall we go baka naiinip na si Eman.”

Wala na nagawa si Maya kungdi sumama dito.

Pagkarating nila sa SRC. Nagulat si Eman na magkasama silang dalawa.

“Good morning, Richard and Maya.”

” Good morning, Eman.” bati rin nilang dalawa.

“Sinundo ko na si Maya, kasi meron ako pinuntahan malapit sa lugar niya kaya naisipan ko na siyang daanan.”

Napangiti na lang si Eman. “Maya, you look great. Kahit kelan talaga hindi ka pa pumapalya sa pag-aayos ng sarili mo. Aakalain ng lahat ay isa ka talagang Equestrian sa suot at tindig mo.”

“Thanks, Eman, nambola ka na naman.”

“Maiwan ko muna kayo dalawa. Ipapalabas ko lang sa trainer iyon kabayo gagamitin ni Maya.”

“Ok Richard.” Sagot ni Eman, saka tumingin kay Maya.

“Oh bakit mo ako tinitingnan ng ganyan ha?”

“I think, may gusto sa yo si Rochard. Kita mo naman sinundo ka pa niya at iyon mga nakaw na tingin niya sa yo. ”

“Puede ba Eman, wala iyon. Di ba sabi niya na andun na siya sa area malapit sa condo unit ko, kaya nasipan niya ako daanan.”

“Ows, totoo kaya baka palusot lang niya iyon.”

“Hay ewan ko sa ho, halika na umpisahan na natin ang ibang shots para makarami tayo.”

“Ok….”

Madami na nakunan at posing ang ginawa nina Eman at Maya noon bumalik si Richard na nakasakay sa kabayo at naka suot ng riding habit at black shades.

Napatanga si Maya, habang papalapit ito sa kanila ni Eman. NapalinoK siya ng ilan beses. Oh my gee, ang guapo niya sa suot niyang riding habit.

Nakita ni Richard ang reaksyon ni Maya pagkakita sa kanya, natuwa siya sa nakita nitong reaksyon. Nakitaan niya ito ng paghanga sa kanya. Nakangiti sila lumapit sa mga ito at kasunod ang isang trainor na may hila-hila kabayo.

“Maya, meet, Chloe, siya ang kabayo gagamitin mo for the pictorial. Don’t worry mabait yan at tame. Hindi ka niya ihuhulog.”

“Marunong ako sumakay ng kabayo at nag-aral din ako ng horseback riding noon nasa LA ako. May pinsan ako tiga Texas ay may rancho sila doon. So I know how to ride and tame horses too. Gusto mo race pa tayo eh,”

“Call, after ng pictorial mo, let’s race. Ang matalo will treat ng lunch sa Rider’s Veranda.”

“Call ako diyan.”

“Eman, saksi ka ha…”sabi n Richard.

Sumaludo lang si Eman, “Maya umpisahan na natin ang pictorial para maaga tayo matapos at makapag race na kayo ni Richard.”

“Ok, ano ba gagawin ko?”

Aftre one hour, satisfied na si Eman sa mga nakunan niya pictures and posing ni Maya as an equestrian.

“Maya, magpahinga ka muna para mamaya may lakas ka na sa race ninyo ni Richard.”

Nasa competition area na silang tatlo. Balak kasi kumuha ni Eman ng mga stolen shots ng dalawa habang nag ra-race ang dalawa. Nasa benches ang ilan mga SRC boys para panoorin at i-cheer si Maya, samantala ang mga flowers girl at ibang kakababaihan ay si Richard naman ang chinicheer.

“Maya, huag ka papatalo kay Richard, kaya mo yan,” sigaw sa kanya ni Neiji Kilala niya ito kasi siya ang latest endorser ang SRC shampoo.

“Kumaway siya dito at sa asawa nito si Winry. Andun din ang may-ari ng SRC si King Reid kasama ang asawa at anak.

“Richard, baby…galingan mo. I will give you a kiss after your race.” sigaw ng isang member ng flower girls….si Meriam.

Napapailing na lang siya.

Si Jubei ang nagbigay ng signal na simula na ang race. 2 lapse ang gagawin nila ni Richard.

Nauuna siya sa race, pero hindi niya maipagkakaila na magaling din si Richard. Kasi nahabol siya nito. Pero di siya papatalo, binulungan niya ang kabayo niya si Chloe. Bumilis ang takbo nigo. Kaya sa unang lap siya ang nanalo. Pero sa pangalawang lap si Richard naman. Kaya may isa pang race to determine the real winner.

Pero bago magsimula ang 3rd and last lap, nagsalita muna si Reid, na kung sino ang mananalo ay may free trip to Stallion Island sa may Palawan.

“Really? Reid hindi ka nagbibiro?”

“Do I look like joking, Maya?”

“Errr…no. Reid puede ba mag request? Na makita at ma-meet ko in person si Prince Rustam?”

“Sure, no problem, I can make an arrangement with that. Yan ay kung ikaw ang mananalo.” nakangiting sabi nito.

“But of course, I can beat Mr. Lim here, easily.”

“Let see Maya dela Rosa.”

“Ok after three guh shots, start na kayo.”

Neck to neck ang laban nila ni Richard.. Eman naman panay ang click ng camera niya, sa dalawa, sa mga audience, kay Reid at Tamara sa sa iba pang.

Natapos ang race at halos sabay nilang narating ang finish line. Kahit sa replay sa cctv ay ganun pa din, sabay na sabay sila. Kaya…..

“Since tie na naman kayo dalawa, pareho ko na lang kayo bibigyan ng free trip to stallion island. Sabihin ninyo na lang sa akin kung kelan ninyo gusto i-avail. Puede individual,puede din naman sabay na kayo.” mapanukso sabi pa ni Reid sa kanila.

“Thanks Reid…. Ilan araw ba yan.”

“One week….”

“Wow great…makikita ko na rin si Prince Rustam.” kinikilig na sabi ni Maya.

“Congrats, Maya.” sabay lahad ng kamay dito.

“Congrats to us” sabi naman ni Maya.

“nag bigla sumigaw si Tamara ng Kiss…..Kiss….Kiss…..na sinabayan naman ng iba.

Pinamulahan si Maya. Hindi alam ang gagawin.

“Well, Maya, bibiguin ba natin sila? Come-on katuwaan lang ito.”

“Yeah, katuwaan lang ito.”

Akma hahalikan na ni Richard si Maya sa cheek ng bigla tinawag ni Eiji si Maya na ikinalingon nito, kaya instead na sa pisngi ay sa mga labi ni Maya dumapo ang labi ni Richard.

Parang tumigil sandali ang ikot ng mundo. Para sila lang dalawa ang andun noon mga oras na iyon. Nakatitig lang sila sa isa’t-isa habang nakalapat pa din ang mga labi niya.

Nabalik lang sila sa kasalukuyan noon nagtilian ang mga audience. Kaya dali-dali silang naghiwalay.

Pulang-pula si Maya na hindi makatingin kay Richard. Si Richard naman ay abot hangga tenga ang ngiti. Si Eman, he capture the kiss so damn good. Idedevelop niya iyon at bibigyan ng kopya ang dalawa. Pareho pa naka pikit ang mga ito.

“Paano ba yan, pareho tayo, winners, so sino ang manlilibre ng lunch sa atin dalawa? Tanong ni Richard kay Maya.

“Ha? Eh..ewan ko. Sandali lang pupunta muna ako sa guesthouse, maliligommuna ako. I think I need a relaxing bath. Nakakapagod kaya iyon race natin. Kaya cancel na iyon liunch treat natin. Bye. See you around.” sabay takbo papalayo kay Richard.

“Maya wait” sabi niya dito pero hindi na siya nito pinansin.

————-

tok…tok…tok…Naka tatlong katok na si Richard ay wala pa rin nagbubukas sa kanya. “Maya, can I come in?”

Kasalukuyan nagbababad sa bathtub si Maya ay may earphone sa tenga kaya di niya nadidinig ang tawag sa kanya. Noon wala pa rin sumasagot, pinihit ni Richard ang door knob at nagulat siya di ito nakasara. Kaya pumasok na siya….

“Maya…..Maya….” nasaan kaya ang babaeng iyon. Gang narating niya ang banyo at binuksan iyon. Nakita niya si Maya nakalubog sa bathtub at nakapit ang mata. Napalunok siya at dahan-dahan pumasok sa loob ng banyo nito. Lumapit siya dito at pinagmasdan ang payapang mukha nito, hindi niya alam kung nakatlog ba ito o nakapikit lang talaga. Habang nakatitig siya dito ay may naramdaman siyang patang unti-unti nabubuhay sa ibaba niya. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay ginising na niya ito.

“Maya…”banayad na sabi niya dito sabay tap sa may balikat nito.

Nagulat si Maya noon maramdaman niya may humipo sa balikat niya, kaya dali-dali siya nagmulat, upang masilayan lang si Richard. Mabuti na lang at madaming bubbles ang bathtub kung hindi wala na siyang tinago dito. Sa tindi ng pagkakahiya at gulat, natarayan niya ito.

“Ano ginagawa mo dito Mr. Lim.? Pinagbabalakan mo ba ako ng masama?”

Hindi magkangdatuto si Richard sa pagsagot dito.

“Hin…hindi of course not!. Kumatok ako kaso wala nagbukas, noon hawakan ko ang door knob nalaman ko di iyon naka lock kaya pumasok na ako. Tapos pag pasok ko at tinawag ko pa din pangalan mo. Pero wala pa rin sumasagot sa akin. Nag-alala ako na baka may nangyari sa yo. Kaya hinap kita at nakita nga kita dito. Muli kita tinawag pero di ka pa rin sumagot. Akala ko tulog ka at baka ka malunod sa bathtub pag napasarap ka ng tulog kaya ginising kita. Iyon pala may earphone ka lang kaya di mo ako madinig. Sige lalabas na muna ako,”

Hindi nakapag salita si Maya sa gulat. Pakiramdam niya ay pulang pula ang mukha niya. Mabuti na nga lang at madaming bula ang bathtub kung hindi, tiyak nag pista na ang mga mata ni Richard sa katawan niya. Dali-dali siyang umalis sa bathtub at nag banlaw saka nag bihis at nilabas si Richard.

“Bakit ka pala napasugod dito?”naka ngiting tanong niya kay Richard.

Pero galit na mukha ang nasilayan kay Richard. “Ganyan ka ba talaga? Hindi ka marunong magsara ng pintuan mo? Mabuti na lang nandito tayo sa SRC alam natin lahat na safe tayo. What if sa Manila yan nangyari? Ganyan ka rin ba sa condo? Hindi naglo-lock ng main door?

Kulang ang salitang shock sa kanya, sa inasal ngayon ni Richard. Wagas kung makapag sermon ito sa kanya. Kaya medyo nag init ang ulo niya, though meron ito point. Pero wala ito karapatan na pagsabihan siya. Hindi niya ito ama, kapatid o boyfriend o kaibigan. Kaya sinagot niya ito….

“Look, ikaw na rin ang nagsabi safe dito sa SRC, so ano ang ikinagagalit mo? Sino ka ba para ako sermunan ng ganyan. Wagas lang makapanermona. Tatay ba kita? Kapatid o Kuya ba kita? Nobyo ba kita? Para ako pagsabihan ng ganyan. Syempre hindi lahat ang sagot sa mga tanong ko. Kaya huag ka umasta diyan na para ko Tatay, Kuya, boyfriend para sermunan ako. You not even my fri……”

“Hmmmmm” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinalikan ni Richard. Mapagparusa ang paraan ng paghalik no, his tongue is seeking entrance. A noon kinagat nito ang ibaba niyang labi, napa-awang ang mga bibig niya. Ngunit bago pa naman nito maipasok ang dila nito sa loob ng bibig niya ay ubos dili niya itong tinulak at sinampal.

“Wala ka karapatan na halikan ako.” duro niya dito.

“Sorry sa kapangahasan ko. Nabigla lang ako. Pero hindi ko pinagsisihan ang pag halik sa yo. Magbihis ka na at kakain na tayo ng lunch. It’s my treat.”

“Mag lunch ka mag-isa mo, hindi mo ako puppet para pasunurin sa kagustuhan mo.” sikmat niya dito.

“Gusto mo ba halikan ulit kita? Sabay lapit sa kanya, umatras naman siya….

Lapit….

Atras…

Lapit…

Atras……gang napasandal na lang siya sa pader. Lumapit ito sa kanya at inilapat ang dalawang kamay sa pader. Nakulong tuloy siya sa pagitan ng dalawa nitong mga kamay. Dahan-dahan bumaba ang ulo nito. Langhap na langhap na niya ang amoy nito male scent. Napapikit na lamang siya. Noon ilan segundo na siyang nakapikit, ngunit wala labi ang lamapat sa mga labi niya, kaya napamulat muli siya at nakita ang nakangisi nitong mukha.

Ubod lakas niya ito itinulak, kaya nakawala siya. Ngunit mabilis nito nahawakan ang mga kamay niya at napaharap ult siya dito. Sa pagkakataon iyon sinakop na muli ni Richard ang mga labi niya. Ibang-iba ang estilo ng paghalik nito ngayon kumpara sa kanina. Banayad ngayon ang paghalik nito sa kanya. Nakakapang lambot ng tuhod. Naramdaman na lang niya tinutugon niya ang mga halik nito at itinaas niya ang kanyang mga kamay sa batok nito.

Pareho sila humihingal noon natapos ang halikan nila. Si Richard ang unang nakabawi.

“Let’s go, gutom na ako, for sure ganun ka rin, si Eman kanina pa kumakain.” sabi ni Richard sa kanya na naka ngiti.

Tumango lang si Maya, “sandali lang kukunin ko lang pouch ko.” sabi niya sabay pasok sa kuarto niya. Huminga siya malalim saka inayos ang sarili. Hinipo nya ang labi niya na ngayon ay namamaga ng konti dahil sa halik na pinagsaluhan nila. Naglagay lang siya ng lipgloss at lumabas na ng kuarto niya.

“Let’s go..” sabi niya kay Richard.

Lumabas na sila ng guesthouse at sumakay ng golfcart para sila dalahin sa Rider’s Veranda.

Tahimik lang si Maya habang byahe. Si Richard ang bumasag nag katahimikan nila.

“After lunch, sa golf course naman ang shooting natin.”

Napatingin si Maya dito. “Hindi ako marunong mag golf.”

“I will teach you the basic bago tayo mag start ng shooting.”

“Ok…..” hindi na muli sila nagsalita hangga makarating sila sa Rider’s Veranda.

“Here we are” noon lang muli nag salita si Richard. Inalalayan siya nito sa pagbaba at hindi na binitawan ang kamay gang makapasok sila sa Rider’s Veranda.

“Good afternoon sir,” bati noon waitress sabay abot ng menu book sa kanila. Napaka-obvious na nagpapa cute kay Richard, kaya di mapigilan i-rolled ang mga mata niya.

Binasa ni Richard ang menu at tinanong siya sa malambing na tinig, “babe ano gusto mo kainin?”

Nagulat si Maya sa tinawag nito sa kanya. Napansin niya umismid sa kanya ang waitress na malandi.

“Green salad…”

“Iyon lang? No hindi puede iyon lang kainin mo. Kaya ito na ang nag order para sa kanilang dalawa.”

“Will that be all sir.”

“Yes, thank you.” sabay ngiti dito na ikinilig naman ng waitress.

Napa smirk si Maya.

“Jealous?”

“In your dreams and please don’t call me babe….hindi mo ako girlfriend.”

Natawa si Richard sa inasal nito. Habang hinihintay nila ang order nilang pagkain. “So Maya, tell me something about yourself. Matagal-tagal din ang atin pagsasamahan. Kanino mo ba namana yan features mo?” tanong ni Richard sa kanya. Hindi naman yan produkto ng sensiya o salamat Doctor di ba?”

“What? Mr. Lim, this is natural beauty and not a product of sensiya or Thank You, Doctor. How could you say that? Maganda lang ang combination ng parents ko kaya lumabas na maganda ako.

“Whoa! Relax. I didn’t mean to insult you. I know its natural beauy. I know how to look one. Remember that’s my business.”

“Business?”

“My magazine business. Kaya nga kinuha ko ang serbisyo mo sa baby project ko di ba. Dahil sa taglay mo kagandahan.”

“Well, thank you Mr. Lim”

“Bakit mo naisipan dito sa Pilipinas maging model. Nasa LA ka na.”

“Mas malaki kasi ang tsansa ko dito compare sa LA at New York o Milan. Meron at meron pa din racist na mas prefer nila ang white beauty over sa Asian beauty tulad ko.”

“Pangarap mo ba talaga ang maging isang modelo? I heard graduate ka ng Management with honors sa UCLA?”

Nanlaki ang mata ni Maya, “kanino mo nalaman?”

“Sa kaibigan mo si Eman.”

“Oo pangarap ko talaga maging isang sikat na modelo pero hindi ko naman plano gawin ito propesyon habang buhay, siguro gang kailangan pa ako ng modeling world I will be there. Maybe 6 years from now magtatayo ako ng sarili ko modleing agency and designing cloths. Tulad ng pangarap namin ng bestfriend kungdi lang sana siya kinuha agad ni Lord.” naiiyak na naman siya kapag naalala ang kaibigan namayapa.

“Change topic na lang tayo. Ilan taon ka noon umalis kayo ng Pilipinas? Kasi ang galing mo pa rin managalog.”

“i was 10 years old noon umalis kami ng Pilipinas. Ayaw kasi ni Papa na iwan kami ni Mama dito at siya na lang ang umalis. Consultant kasi si Papa na pinadadala sa iba’t-ibang bansa ng mother company nila. At 10 we moved to Seoul and leave there for 3 years then China to Tokyo then London and lastly sa LA. Daddy plan to resign na this year at bumalik na dito sa Pilipinas for good.”

“Wow ang dami mo na palang napuntahan lugar. Eh di ang dami mong alam na lenguwahe?”

“Oo. Marunong ako mag Korean, Japanse, Chinese at Italian pero never ko makalimutan ang salita natin. Kapag sa bahay purong tagalog ang usapan namin. Kapag may bisita lang kami kaya kami nag sasalita ng English o ang native language nila.

Napahinto sila sandali noon dumating ang order nilang pagkain.

“Grabe ka ang dami naman nitong inorder mo. Maabos ba natin itongl lahat?”

“Kung hindi eh di ipa-take-out natin at kainin natin mamaya sa lake after ng photo shoot mo.”

“Ha? Hindi ba tayo uuwi pabalik ng Manila after the shoot?”tanong niya dito.

“Bakit may lakad ka ba tonight? ”

“Wala naman.”

“Iyon naman pala eh, mag overnight na lang tayo dito.”

“Pero….. Nakakahiya naman sa yo.”

“Forget it, so its settled then mag o-overnight tayo dito. Bilisan na natin ang pagkain at by 2PM re start na ang photo shoot sa golf course.”

Kumain na sila ng matiwasay. Tulad ng inaasahan nila, madami sila natira at di man lang nagalaw na pagkain. Pina take out na lang nila at pinatago muna. Babalikan na lang nila later. Hinatid muna ni Richard si Maya sa tinutuluyan nito……

“I will pick you up by 1:30, remember tuturuan pa kita ng basic sa golf para maging makatotohanan ang paglalaro mo ng golf.”

“Ok then, thanks for the lunch Mr. Lim.”

“It’s Richard or Chard….Mr. Lim is too formal. Siguro naman we already establish friendship between the two of us.” sabi nito giving her a lopsided smile.

Namula siya kasi parang may ibig ito pagkahulugan sa sinabi nito.

“Pag tinawag mo ako ulit na Mr. Lim, I guarantee you paparusahan kita.”

“What. At anu naman ang parusa mo Mr. Lim?”

Napangiti si Richard at lumapit sa kanya na halos isang dangkal na lang ang pagitan nilang dalawa. His lips is almost brushing to her lips.

“I will ravish your delicious lips again and again. Do like that?”

Nahigit ni Maya at hininga niya sabay takip sa bibig niya. Pero inalis ito ni Richard at ginawaran siya ng magaan halik.

“Para yan sa pagtawag mo ulit sa akin ng Mr. Lim.”

“Hey, hindi pa ako pumapayag, hindi iyon counted. Madaya ka.”

Isang halakhak lang ang sinagot ni Richard at tumalikod na ito sa kanya, “see later Sweetie. ”

Naiwan nakatulala si Maya sa lobby ng guesthouse at dinama ang kanyang mga labi.”

“Maya you are in big trouble kapag hindi ka umiwas kay Richard Lim. Guguluhin lang niya ang tahimik mong buhay. Gusto mo ba iyon?” Tanong ng isipan niya sa kanya. Ngunit, ayaw patalo ng kabilang bahagi ng isip niya, “come-on alam mo attracted ka din sa kanya at kinilig ka sa halik niya. Why deprived yourself from happiness. Matanda ka na …kaya mo na sarili mo.”

“Haizts…..” tanging nasambit ni Maya bago tuluyan pumasok ng guesthouse at nag tuloy sa unit niya

To be continued

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s