The Covergirl – 02

The Covergirl – For Revision

Chapter 2

Nasa condo unit si Maya, asar na asar pa rin siya sa nangyari kanina sa studio ni Eman.

“Grrrr…nakaka-inis talaga. Akala mo kung sino….bakit porke ba guapo na siya puede na niya ako lokohin. Puede naman niyang sabihin sa akin na hindi siya iyon reliever ni Eman. Bwiset talaga….well siguro naman ay hindi na kami muling magkikita dalawa. Kung bakit naman kasi, hindi ko agad siya namukhaan. Maya you are so stupid.” sabi niya sa sarili niya.

Nasa ganun siyang tagpo noon nag ring ang celphone niya. Wala gana sinagot niya ito.

“Hello”

“Friend, meron ako good news sa yo.”

“Hay naku Eman, siguraduhin mo lang na good news iyon kung hindi sa yo ibubunton ang galit ko.”

“Chilax my friend. Bakit ka ba badtrip.”

“Tinatanong mo pa?”

“Don’t tell me di ka pa rin maka move-on sa nangyari kanina dito sa studio. Ikaw naman kasi, kahit kelan napaka taklesa mo. Pero huag mo pansinin iyon, oks lang iyon kay Richard.”

“Wow, Richard lang talaga tawag mo ha. FC lang kayo dalawa.”

“Mabait lang talaga si Richard.”

“Teka bakit ka ba napatawag?”

“May lakad ka ba bukad ng umaga?”

“Wala naman, baka dalawin ko lang si Viana.”

“Good, you have an appointment with Richard Lim bukas ng umaga.” kaswal na sabi ni Eman sa kanya,

“What?, ano ibig mong sabihin?”

“Friend, gusto kunin ni Richard ang serbisyo natin dalawa para doon sa bago niyang magazine.”

“Naalala ko maylakad pala ako bukas ng umaga.” Meron ako meeting sa handler ko.”

“Maya, kakasabi mo lang na wala ka lakad. Believe me wala lang iyon nangyari kanina sa studio kay Richard.”

“Eman, ayoko na siya makita muli. Puede ba iba na lang ang kunin modelo para sa project ni Mr. Lim.”

Lumungkot ang boses ni Eman, “ikaw ang gusto kunin ni Richard, kung hindi din rin daw ikaw eh kalimutan na lang iyon project niya. Nanghihinayang lang ako kasi opportunity na sana ito para lalo tayo makilala eh.”

Para naman nakonsensiya si Maya, alam niya kungngaano kamahal ni Eman ang propesyon nitong isang photographer at pangarap nito mas makilala pa sa larangan ng photography.

“Ok fine, pupunta na ako. Kung hindi lang kita kaibigan, hindi ko ito gagawin eh.”

“Salamat, friend. Pangako hindimka magsisisi. Pasasalamatan mo pa ako.”

“Oo na. Asan ba ang office ni Mr. Lim?”

Binigay ni Eman ang office address ng company ni Richard before they hang-up.

Napabuntong hininga si Maya habang nakatitig sa address na binigay Eman.

“Mr. Lim, what are you up too? Bakit sa dinadami-dami modelo ako pa ang napili mo? Dapat ba ako ma flatter o kabahan? Sabi ko pa naman hindi na kami mulimg magkikita, iyon pala bukas na bukas din magkikita kami muli.”

“Hay makatulog na nga, baka hindi pa ako magising ng maaga bukas. Kasalanan ko pa.”

———-

Nasa isang bar si Richard kasama ang mga kaibigan niya. Napansin ito ng mga kaibigan niya na parang malayo ang iniisip at nangingiti.

“Pare, mukha masaya tayo ngayon ah, kayo na ba ni Stephanie….naka score ka na naman sa kanya noh.” biro dito ni Wilmer.

“Hell no at kaibigan ko lang si Stephanie, wala ko nararamdaman sa kanya.”

“Eh bakit ang saya-saya mo ngayon.” Sabi naman ni Floyd.

“Kasi mga pare ko, nakita at na meet ko na siya in person, mas maganda talaga in person.”

“Si Maya dela Rosa???” sabay sabi ng mga kaibigan niya.

“Oo mga pare ko.”

“Saan, kuwento naman diyan.” sabi ni Dan.

“Naks, in lababo na ang kaibigan natin.” Biro naman ni Jun.

“Ano ka ba matagal na yan in lababo kay Maya.” sabi naman ni Arman.

“Siya kuwento na…” sabi ulit ni Dan.

Kinuwento na nga ni Richard sa mga kabarkada niya kung paano sila nagkita at nagkakilala ni Maya.

“Iyan guapo mo yan napakamalan ka niya na photographer.” sabi ni Floyd.

“At ginamit mo ang pagkakataon iyon para lalo siya mapagmasdan at makasama ng mas matagal.” sabi naman ni Dan.

“Tsk…ayos ka din mag damoves pare.” sabi naman ni Arman.

“So ano na ang next move?” tanong naman ni Wilmer.

“Dapat huag mo na pakawalan ang pagkakataon mo yan, pare.” sabi naman Jun.

“Wala talaga ako balak siya pakawalan pa. Kaya sa pamamagitan ng kaibigan niyang photographer na si Eman, kinuha ko sila mag trabaho sa akin.”

“Wow, teka may kinalaman ba yan doon sa baby project mo?” tanong ni Dan na siya rin art director sa kumpaniya niya.

“Oo…siya ang gagawin ko modelo sa baby project ko. Kaya humanda ka na dahil dapat maganda lumabas ang layout ng magazine niya.”

“Don’t worry, I will do my best para maganda ang kalabasan ng bago magazine.” sagot ni Dan.

“Let’s cheer for our friend here” sabi naman ni Wilmer.

“Cheers….”

Tumagal pa sila ng isang sa bar na iyon bago nagsiuwian. Masayang-masaya si Richard at excited na siya para sa muli nilang pagtatagpo ni Maya dela Rosa bukas.

—-

Si Richard is the epitome of every girls dream. Guapo, matangkad, mayaman, matalino. Sa edad na 29, madami na siyang nakamit at napatunayan. Para siyang may midas touch, kasi lahat ng negosyo tinayo niya ay matagumpay niyang napapamahalaan, isa na nga ang AA Media Magazine ang family business nila. Kaya nga madami babae ang gusto mapa-ugnay sa kanya. At isa na nga si Stephanie Lopez ang family friend ng pamilya nila.

“Good morning Lisa….”nakangiting sabi ni Richard sa secretary niya.

“Good morning sir….mukhang ang saya saya natin ngayon ah.”

“Maganda lang ang gising ko. What’s my schedule for today?”

“You only one have schedule meeting this morning sir with Maya dela Rosa.” sabi ni Lisa sabay bigay sa kanya ng isang intrigang ngiti. “Shall free up your schedule in the afternoon sir?”

Binigyan lang niya si Lisa ng isang lopsided smile.

“You’re on sir….even kapag tumawag si Ms. Stephanie sabihin wala kayo.”

“Remind me to Inform the HR and accounting department that I will give you a raise for being a very competent secretary.” sabi nito kay Lisa

“Talaga sir, wala na yan bawian ha.”

“Kelan ba ako nag biro.”

“Thank you sir.”

Pumasok na si Richard sa opisina na niya. Ilan minuto na lang ay dadating na si Maya. Hindi mapigilan ni Richard na hindi isipin ang aksidente pagtatagpo nila kahapon sa studio ni Eman. Nagulat talaga siya na makita ito doon. Mukha nga di nito namalayan na andun na siya. Kaya malaya niya ito napagmasdan.
Kaya hindi niya napiilan na kunan ito ng litrato gamit ang iphone niya. Napapa-iling siya kapag naalalaya niya ang naging expression nito noon nalaman nito kumg sino siya talaga. Kaya excited na siya sa kanilang muling paghaharap ngayon umaga.

“I will make you fall for me Maya dela Rosa.” sabi nito sabay bukas ng drawer niya at kinuha doon ang isang picture frame na may picture ni Maya.

Samantala si Maya, habang lulan ng kanyang kotse ay hindi mapalagay. Hindi niya alam kung ang pag uusapan nila ni Richard Lim. Kung paano niya ito papakiharapan. Naiinis pa din siya dito, pero hindi rin niya maitatanggo na meron bahagi ng puso niya ang natutuwa at muli silang magtatagpo.

Pinarada na ni Maya sa parking area ng AA Media’s building is located 7th floor of Go-Lim Cybergate Tower 3 Ayala Avenue, Makati City ang Mazda 3 niyang kotse at saka huminga ng malalim. “Kaya mo iyan Maya, hinga malalim, huag ka magpapa-apekto sa kaguwapuhan niya. Huag ka magpapa intimidate sa kanya,” sabi niya sa sarili niya. Bumaba na siya ng kotse at naglakad patungo sa opisina ni Richard.

Pagpasok pa lang ni Maya sa building ay nakuha na niya agad ang attention ng lahat. She was wearing a red-orange above the knee tube dress which she accentuated with a large necklace and a pair of earrings para mabuhay ang napaka simpleng cocktail dress niya. Tinernohan niya ito ng isang 3″ wedge shoes with a bit of shades ng suot niya damit. Nilagyan lang niya ang clip ang long shiny hair niya at pina-one sided lang ito.

Nakangiti siya pumunta sa reception area at sinabi niya meron siyang appointment kay Mr. Richard Lim. Sinabi ng receptionist na nasa 7th floor ang office ni Richard. Napasalamat siya dito at dumerecho na siya sa elevator.

Pag dating ng 7th floor, lumapit siya sa isang table which she believes ay ang secretary ni Richard.

“Hi good morning, I’m Maya dele Rosa, I believe an appointment with Mr. Lim”

Losa was dumbfolded, dahil kahit isya mismo ay nagandahan sa personal,kay Maya.

“ye-yes…Mr. Lim is waiting for you in his office.” sabay turo ng nakapinid na pintuan.

“Thank you.” sabi ni Maya at nag derecho na siya sa pintuan tinro ni Lisa. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok.

Knock…Knock…Knock…

“Come in” nadinig niya sabi ni Richard.

Inaabangan ni Richard ang pagbukas ng pintuan niya. At pagpasok ng hinihintay niya bisita. Napatayo siya at napalunok ng 2 dalawang bese, napatanga siya.

Tnitigan niya ito ng mula ulo hangga paa at paa hangga ulo….

“Stop drooling with me Mr. Lim.” sabi n Maya sabay lakad patungo sa sarapan ng mesa nito.

Para naman napapahiya si Richard sa inasal niya kay Maya. Ngunit hindi niya mapigilan ang humanga dito, lalo na matagal siya attracted dito.

“Ta- take a sit Ms. dela Rosa. Shit bakit ba ako nag stummer.” bulong ni Richard sa sarili.

“Thank you, nice meeting you again Mr. Lim”

“Talaga bang natutuwa ka sa atin muling pagkikita?” biro dito ni Richard.

“Ok fine, you want the truth, no am not happy to see you again. If not for Eman, I would not be here. So can we get down into business.” napansin ni Maya, na parang nalungkot at nasaktan ito sa sinabi niya. Perohindi na niya iyon binigyan pansin.

“Nasaktan at nagulat si Richard sa kaprangkahan ni Maya. Pero hindi siya nagpahalata dito.

“Ah, yes…I wantto get your services and you can name your price.”

“What?”

“Don’t get me wrong, I’m not offering you a indicent proposal. I’m offering you a job, pero kung gusto mo with pleasure puede din.”

“Mr. Lim, kung iniisip mo ay kakagat ako sa bitang mo, ay nagkakamali ka. Narating ko ang kinalalagyan ko dahil sa sarili kong sikap at hindi sa ano pa man.” namumula sabi ni Maya dito.

“Namumula ka, mas maganda ka pala kapag nagagalit at namumula. Mas lumalabas ang ganda mo.”

Pakiramdam ni Maya ay mas lalo namula ang mga pisngi niya sa papuri nito sa kanya. Pero hindi siya nagpadala sa mga buladas nito.

“Mr. Lim, ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta ko dito?”

“Call me Richard, since mag tratrabaho naman tayo ng matagal-tagal kaya dapat magkapalagayan na tayo ng loob.”

“Trabaho?”

“Yes, I’m offering you and Eman a job. Ikaw ang model at si Eman ang official photographer.”

“Anong trabaho yan?”

“Isang Covergirl ng bago ko ilo-launch na magazine.”

“Kukunin mo ako covergirl ng bago mong magazine?”

“Hindi lang cover ng magazine pero ng buong magazine. Alam mo kasi balak ko mag launc ng Fashion Magazine called Female – The Many Faces of Eve.. Matagal-tagal na rin ito in-the-box. At noon nakita kita sa studio ni Eman, nasabi ko I found the roght girl for the project.”

“At ako iyon?” sabay turo sa sarili sabi ni Maya.

“Yes”

“But why me, mas marami diyan mas bihasa na kesa akin.”

Lumapit si Richard kay Maya at hinawakan ito sa baba, “dahil alam ko na yan mukhang yan ang kailangan ko para sa bago ko magazine. Hindi ko kailangan ang ibang modelo para sa pet project ko, ikaw lang ay sapat na.” titig na titig na sabi ni Richard sa kanya, saka nito binitawan ang baba niya.

Tahimik na nagiisip si Maya ng muli itong nagsalita….

“Isipin mo Maya, na mas sisiskat ka after natin matapos ang project na ito. Mas makakapag demand ka ng mas mataas na TF, dadami ang mga endorsement mo, baka nga kahit sa abroad at sumikat ka.” sabi ni Richard sa kanya.

“Fine, I’ll accept the job.” nakangiting sabi nito.

“Good, hindi ka magsisi. So ipahahanda ko na ang kontrata para magkapirmahan na tayo.”

“ok…thank you Mr. Lim.” nakangiti sabi ni Maya sabay lahad ng kamay niya para mag shake hand sila.

“Call me Richard” sabay kuha ng kamay ni Maya.

Nagkagulatan silang dalawa noon nagdaop ang mga palad niya ay parang may kuryente dumaloy sa katawan nila.

“Can I invite you for lunch?”

“I’m afraid I can’t Mr. Lim. I have other appointment. Thank you and good day.”

Papalabas na nag opisina niya si Maya ng muli niya ito tawagin…

“Maya….”

“Yes, Mr. Lim? May nakalimutan ka pa sabihin o I- discuss?”

“Wala na, paki iwan na lan ng contact number mo sa secretary ko. Para ma informed ka sa contract signing.”

“Ok, bye again.” at lumabas na ng opisina ni Richard si Maya.

“Yes…napa sigaw si Richard pagka-alis ni Maya sa opisina niya.

To be continue

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s