Ang Misyon ni Maya – 14

Ang Misyon ni Maya

Chapter 14

Balae pasensiya na at medyo natagalan kami. Nahilo kasi ito si Maya. Kaya pinatingan muna namin. Sabi ni Esmeralda.

Huhulaan ko kaya nahilo itong bunso namin. Buntis na siya ano?

Ma!

Pa, Ma eto nga po pala si Richard ang asawa ng apo ninyo si Maya. Pasensya na po kung hindi namin agad nasabi sa inyo.

Pero paano nangyari iyon hindi ba kakauwi lang ninyo ngayon taon ito dito sa Pilipinas. Sabi ng Lola ni Maya.

Opo nga po. Nagkakilala sila sa school kasi pareho sila ng pinapasukan. Nagkakila at nagka -inlaban. Alam naman ninyo ang mga kabataan ngayon masyado mapusok.

Ayun nahuli namin sila minsan dito sa bahay sa di kaaya-ayang situwasyon. Kaya ito si Arturo hindi na nagpaligoy-ligoy pa at pinatawag agad ang magulang ni Richard.

Tapos pa, singit naman ni Arturo noon dumating dito ang mga magulang nitong si Richard ay muling nagkita ang magkaibigan sina Esmeralda at Teresita. Kaya ang resulta kasalan agad ng dalawang ito. Kasi ito na sina Esmeralda at Roberto ang hindi pumayag na di agad makasal ang dalawa.

Hindi ito pupuede Papa. Sabi naman ni Gloria. Naipamalita ko na sa lahat ng mga kakilala ko at kaibigan ng pamilya ang nalalapit na kasal nito si Joey at Maya.

Pasensya ka na Gloria hindi ko alam na may asawa na pala itong apo namin eh.

Lolo, what do you mean? Ipapakasal ninyo ako sa lalaking yan. Bastos yan Lolo, noon nasa States pa kami. He almost rape me. Buti na lang tinuruan ako ni Kuya Roy ng self defense kaya nasipa ko siya sa maselang parte ng katawan niya.

What? Tarantado ka pala eh. Sabi ni Richard.

Babe, honey. Hayaan mo na yan. Nakaraan na iyon and I’m fine.

Kung ganyan din naman pala. Wala na tayong dapat pag uusapan. Aalis na kami ng anak ko at Papa kalimutan mo na ang merging ng company natin. Hindi na iyon matutuloy.

Goodbye… Joey anak halika na.

Babalikan kita Maya…

Wala ka na babalikan pag-aari na ako ng iba. Mrs. Richard Lim na ako. Kaya you may go to hell.

Balae kaya mo ba pinasundo mo si Maya sa amin kanina? Bulong ni Esmeralda kay Teresita.

Oo, balae. Kinabahan ako bigla noon may kasamang binata sina Papa. Kasi sa totoo lang biglaan ang pag uwi nina Papa dito sa Pilipinas. Kinakabahan nga rin si Arturo noon sinabi ng Papa niya uuwi sila dito sa atin.

Hay naku, may ganyan din kaming problema sa ngayon. Ang Papa ni Roberto ipinagkasundo din ito si Richard sa apo ng kasosyo niya.

Ha?

At uuwi din dito si Papa para kumbinsihin si Richard na pakasalan iyon apo ng kasosyo niya,

Kaya panindigan na natin na kasal na ang dalawa para hindi na rin maka hirit si Papa.

Lumapit si Roberto sa kanilang dalawa. Hoy ano bang pinag uusapan ninyo dalawa diyan. Iyon mga anak natin ayun ginigisa na noon dalawang matanda.

Ha? Naku halika na balae. Kawawa naman iyon dalawa doon.

Teresita, puede ba manatiling kasal ang dalawa hanggang dumating si Papa?.

Oo naman. Nasabi nga sa akin ni Esmeralda eh. Nakita mo na ba iyon babae gusto ng Papa mo para kay Richard?

Hindi pa. Ayaw pumayag ni Papa na hindi makasal ang dalawa. May isang salita kasi si Papa.

Pure Chinese din ba iyon girl?

Sa totoo lang wala ako idea. Walang sinasabi si Papa sa akin.

Sa pag-uwi na lang daw niya saka magkaka-alaman.

Oo. Kaya sana kung papayag kayo mag-asawa na sa amin muna si Maya gang alam mo na.

Sa akin walang kaso iyon. At malaki ang tiwala ko sa anak ninyo na hindi sila gagawa ng masama at ikasisira ng tiwala natin sa kanila.

Makaka-asa ka doon Teresita.

Teresita, hindi pa naman pala buntis ito apo ko.

Pasensiya Pa excited lang ako.

Maya, Richard wala na ako magagawa dahil kasal na kayo at sa tingin ko naman ay mahal na mahal nitong si Richard ang apo ko. Kaya ang masasabi ko lang ay sana tapusin ninyo muna ang iyong pag-aaral bago kayo bumuo ng inyong pamilya.

Mas maganda iyon may tinapos kayo dalawa. Para sa ganun ay may ibubuhay ka sa pamilya mo. Nagkakaintindihan ba tayo Richard?

Opo..Sir.

Anong Sir…call me Lolo.

Promise po Lolo.

Welcome to the family iho. Sabi naman ng Lola nina Maya. At inakap nito si Richard. Muronong pumili itong mga apo ang guguwapo ng mga napangasawa.

Siyempre sa iyo nagmana ang mga yan. Tignan mo ako ang napili mong pakasalan.

Hahahaha…nagkatawanan ang lahat.

Mabuti pa sa hapang kainan na natin ituloy itong kuwentuhan natin. Lumalamig na ating pagkain eh. Nagpahuli sa paglalakad sina Maya at Richard.

Wala ka na kawala sa akin Mrs. Lim.

Mrs. Lim ka diyan. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari eh. Ikaw ba alam mo?

Hindi rin. Ang alam ko lang “asawa” na kita.

Richard, Maya halika na kayo masama pinaghihintay ang grasya ng Diyos.

Nandiyan na po Ma…

Masayang nagkukuwentuhan ang lahat. Nang magpaalam na sina Cristina na uuwi na sila dahil may pasok pa si Pocholo kinabukas.

Ma, puede po ba dito na tayo matulog. I want to sleep with Lola and Lolo.

Anak may pasok ka pa bukas. Babalik na lang tayo dito sa weekend. Or we can invited Lola and Lolo to spend there weekends with us.

Bakit hindi na lang sumama sina Lola at Lolo sa atin now why on weekends pa.

Siya-siya sasama na muna kami kina Cristina at Jeff gusto ko rin makasama itong apo ko makulit.

Yehey. Thank you Lola, Lolo. Sabay halik sa mga ito.

Hay iba na ang spoiled. Sabi ni Maya.

Huag ka mag-alala Maya pag nagka-anak na kayo ni Richard spoiled din yan sa amin.

Matagal pa iyon La….

Maiwan muna namin kayo at ihahanda ko lang ang dadalhin namin kina Cristina.

Tulungan na kita La. Sabi ni Maya.

Hindi na kaya ko na iyon. Hindi pa ako matanda. Yan asawa mo na lang ang asikasuhin mo. Samahan ko lang ang Lola ninyo sa pag impake ng gamit namin.

Nagmaka-alis ang dalawang matanda.

Ma, sabi ni Cristina. Anong drama iyon kanina?

Kanina sa airport pagkakita ko kay Gloria at sa kasama niyang binatilyo, bigla ako kinabahan. Tamang tama andun din sa airport ito sina Richaed kaya ayun pinaki-usapan ko na daanan muna si Maya dito sa bahay at doon muna sa kanila.

Kaya ayun tama ang hula ko. Meron nga niluluto ang Lolo ninyo kaya umuwi dito.

Balae, malakas pa din pala ang ESP mo.

Oo nga eh.

You mean Tita, I mean Ma, hanggang nandito sina Lolo at Lola magpapanggap kami mag-asawa ni Maya.

Oo ganun na nga,

Eh saan titira s Maya. Sa amin muna?

Ganun na nga iho. Si Arturo ang sumagot. Pero inaasahan ko na rerepetuhin mo si Maya habang nasa inyo siya.

Promise po Papa. Aalagaan ko si Maya.

Salamat Arturo, huag ka mag-alala aalagan namin si Maya habang nasa poder namin siya. Alam mo kasi ganyan din ang problema namin sa ngayon. Sabi ni Roberto.

Ano ang ibig mong sabihin,

Paparating din dito si Papa at siya mismo ang kukumbinsi dito kay Richard na pakasalan ang apo ng kasosyo niya sa negosyo.

Ano?

Oo, wala ako magawa. Hindi ko naman masawata si Papa kasi bagong opera sa puso. Baka atakihin ulit.

Ngayon kung may asawa na ito si Richard eh di hindi siya magpilit.

Pero nasabi mo na ba may asawa na itong anak mo.

Hindi. Ang sabi ko lang kay Papa na hinding hindi pupuede iyon gusto niya mangyari.

Maniwala kaya ang Papa mo?

Sana nga….basta hindi ako papayag sa gusto niya.

Cristina, Jeff, Pocholo tayo na. Ready na kami.

Paano bye Ma, Pa, Tita, Tito, Bunso and Richard.

Ingat kayo ha…

Pagka-alis nina Cristina.

Paano balae hindi na rin kami magtatagal. May pasok pa ang mga bata bukas.

Ma, sasama ba ako sa kanila ngayon? Wala naman sina Lolo dito eh.

Oo anak sa kanila ka muna. What if bigla dumating ang Lolo ni Richard at wala ka doon?

Kukuha lang muna ako ng ilan damit ko. Sige tulungan na kita anak.

Maiwan muna mamin kayo ha…

Di nagtagal muling bumalik ang mag-ina at dala dala na isang travelling bag kung nasaan ang ilan gamit ni Maya.

Isusunod na lang namin iyon iba mo pang panganga-ilangan. Anak, magpakabait ka doon ha, huag ka pasaway sa kanila ha.

Yes Ma. I’m a good girl naman po eh.

Hinatid ng tanaw ng mag-asawa ang papalayong sasakyan ng mga Lim.

Hindi magtatagal iiwan na rin tayo ni Maya. Sabi ni Tersita.

Ano kaya kung gumawa ulit tayo.

Magtigil ka nga diyan Arturo.

Bakit hindi ka pa naman menupause ah. 45 ka palang

Mahiya ka nga. Alam mo ba yan sinasabi mo.

Alam na alam. Sagot ni Arturo sabay akap kay Teresita.

Arturo!!! Napasigaw si Teresita kasi may naramdaman itong tumusok sa likuran niya.

Halika ka na sa kuarto natin.

Alam mo may kasalanan ka pa sa akin eh.

Ano naman ang kasalanan ko sa ho?

Bakit hangga ngayon “Papa” pa rin ang tawag ni Gloria sa papa mo?

Aba ewan ko doon.

At bakit atat na atat siya maipaksal ang anak niya sa anak mo? Ano balak niya dugtungan ang nakaraan ninyo?

Wala ako alam doon. Huag mo na nga iyon pansinin. Sabay halik sa mga labi nito. At binuhat na ito papunta sa kuarto nila.

Arturooooo…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s