Ang Misyon ni Maya – 13

Ang Misyon ni Maya

Chapter 13

Kasalukuyan…..

Nakangiti si Maya habang nakahiga sa sleeping mat. Nakaunan siya sa mga hita ni Richard.

“Ano ang nginingiti mo diyan, Hon?” tanong ni Richard. “Parang kanina pa naglalakbay ang isipan mo ah.”

“Nagbabalik tanaw lang ako sa nangyari sa atin before.” Hindi pa nga tayo may balakid na agad.

“Balakid? Wala naman di ba?”

“Meron po kaya, iyon papakasalan mo dapat na Chinese girl.”

“Ah…hindi naman natuloy di ba?”

“Natural. Kasi kung natuloy eh di sana hindi ako si Mrs. Richard Lim.”

Masuyong hinaplos ni Richard ang buhok ni Maya. “Hon, meron ka na white hair, pero maganda ka pa rin.”

Si Richard naman ang nahulg sa pagbabalik tanaw sa nakaraan nila.

———

Ang tatlong araw na dapat itatagal ni Roberto sa China ay naging kulang kulang na dalawang linggo.

Tawag sa telepono lang naging communication nilang mag-anak. Walang sinasabi si Roberto tungkol sa plano ng ama nito sa napipinto pagpapakasal sa apo nito at sa apong babae ng kasosyo nito. Kaya ganun na lang ang kaba ni Richard at ina nito.

Kaya eto ngayon nasa airport sila para sunduin si Roberto.

“Ma, ayun ang papa, palabas na. Halika ka na po.”

“Papa.” Tawag dito ni Richard.

Lumapit ito sa kanila mag-ina.

“I miss you guys. Lalo ka na hon.”

“I miss you too hon.”

Sa di kalayuan andun din sa airport ang magulang ni Maya.

Esmeralda, Roberto, Richard. Tawag ni Teresita sa mga ito.

Teresita may sinusundo din kayo?

Oo, ang papa ni Arturo at iyong pamilya ni Gloria. Sabay simangot.

Teka si Gloria ex ni Arturo? Sabi ni Esmeralda?

Oo, walang iba.

Eh bakit sila magkasa ng magulang ni Arturo?

Yan ang hindi ko alam.

Tita si Maya po.

Naku iho hindi na sumama. Sa bahay na lang daw.

Ah ganun ho ba.

Kayo sino naman ang susunduin ninyo.

Naku eto si Roberto ngayon lang dumating simula noon umalis papuntang China para bisitahin si Papa.

Oh Roberto, kamusta naman ang papa mo?

Maayos na ang lagay ng Papa.

Mabuti naman kung ganun. Sana sinama mo siya dito.

Susunod siya next week. May tinatapos lang na ilan mahalagang bagay. Sabay tingin kay Esmeralda.

Talaga, mapakilala nga siya sa Papa ni Arturo para naman hindi mainip si Papa sa bakasyon niya.

Magandang idea yan Teresita. Para mag bonding na rin ang dalawa.

Sinabi mo pa.

Balae, mukhang dapat bumalik kana kay Arturo mo at dumating na iyon sinusundo ninyo. Bilisan mo at naka dikit na agad kay Arturo oh.

Ha? Oo nga ano. Ang landi talaga. Sige mauna ako sa inyo.

Papaunta na si Teresita kay Arturo ng bigla siyang kinabahan na di niya mawari. Parang may mangyayri di niya gusto. Kaya muli siya bumalik kina Esmeralda na naghahanda na para umalis…

Esmeralda sandali lang….

Oh Balae bakit?

Sa bahay na kayo maghapunan mamaya. Nagpahanda ako ng munting salo-salo dahil nga dadating sina Papa.

Sige balae, pupunta kami sa inyo mamaya.

Lumapit si Teresita kay Richard, “Iho, anak puede mo bang daanan si Maya sa bahay at doon muna siya sa inyo”

Ho? Bakit po?

Mamaya ko na ipapaliwanag. Basta sa bahay muna kayo dumerecho at daanan ninyo doon si Maya. Sandali gagawa ako ng sulat para kay Maya para sumama siya sa inyo.

Gumawa si Teresita ng kapirasong sulat para kay Maya. At inabot ito kay Richard.

Hinatak ni Esmeralda si Teresita at tinanong ito, ” balae may problema ba?”

“Hindi ko alam balae, pero kinabahan ako bigla eh.” “Basta sa inyo muna si Maya at isama na lang ninyo mamaya pagpunta sa bahay.”

Sige aalis na ako at baka hinahanap na ako ni Arturo.

“Papa, Mama, maligayang pagdating po. Ganun din sa inyo Gloria.”

Siya tara na sa bahay. Yaya ni Arturo.

———-

Kinagabihan sa bahay ng mga dela Rosa. Masayang nagkukuwentuhan ang buong mag-anak.

Arturo, Teresita anong bang oras dadating ang mga apo ko at apo sa tuhod. Aba inip na inip na ako. Sabik na ako makita ang mga apo ko sa tuhod.

Ma, Pa relax nasa byahe na tiyak ang mga iyon. Alam naman ninyo mahirap umalis agad-agad pag may baby ka.

Teresita tingnan mo ito mga pasalubong na dala ko sa mga apo ko sa tuhod lalo kay Kristel.

Naku matutuwa nito ang apo ninyo….

Teka asan si Maya bakit wala din dito. Alam naman niya ngayon ang dating namin di ba?

Parating na rin po siya Ma. Maagap na sagot ni Teresita.

Madami tayong pag-uusapan ng batang iyon. Sabat naman ng Papa ni Arturo.

About what Pa?

Mamaya na son.

Beep….beep…beep…

Yan na ata sila eh.

Di nagtagal tumatakbo papasok ng bahay si Cho. Lola, Lolo….

Pocholo dahandahan at baka madapa ka.

Tuwang-tuwa ang 2 matanda sa pagkakakita sa apo nila sa tuhod na si Pocholo.

Lo, La mano po at eto ang bunso ninyo apo si Kristel.

Naku napaka gandang bata nito. Kinuha agad ng lola nina Cristina si Kristel.

Halika kayo sa loob madami ako dalang pasalubong para dito kay Pocholo at Kristel.

Maiwan ko muna kayo diyan at ihahanda ko lang ang mesa.

Teresita, tutulungan na kita sa pag-aayos ng mesa.

Naku huag na bisita ka namin dito. Doon ka na lang sa salas.

Baka naman kaya ayaw mo lang ay dahil meron kami nakaraan ni Arturo?

Gloria naman, ang tatanda na natin para sa ganyan bagay. May apo na nga kami at ikaw may anak ka na rin binata di ba?

Mismo. Kaya halika ka na at tutulungan na kita.

Sige na nga mapilit ka eh.

Aba mukhang nagkakasiyahan kayo dalawa diyan ah. Sabi ni Arturo. Noon pumasok ito sa dining area. Ano ba iyan pinagkukuwentuhan ninyo dalawa ha?

Ikaw..sagot noon dalawa.

Ako? Aba wala ata ako sekretong tinatago dito da Mahal ko. Gloria baka kung ano-ano sinasabi mo dito kay Teresita ha.

Wala ha. Bakit defensive ka?

Oo nga Mahal bakit defensive ka? Meron ba ako di alam na alam ni Gloria?

Wala ha.

Iyon naman pala eh. So bakit ganyan ka maka react?

Wala dyahe lang na ang mahal ko at ex ko pinag uusapan ako.

We just compare notes…..Sagot ni Teresita.

Compare notes about what?

How good you are in bed? Sagot naman ni Gloria.

Pinamulahan si Arturo. Sa sinabi ni Gloria.

Joke lang mahal. Sabay halik ni Teresita kay Arturo.

Maiwan ko na nga kayo dalawa diyan. Tatawa tawa sabi ni Gloria.

Pinag usapan ninyo talaga ang bagay na iyon?

Napadako lang doon usapan namin. Kung ano ano kasi ang napag usapan namin eh. Tapos na tanong ko kung may nangyari ba sa inyo noon kayo pa.

Umamin namin siya. Kaya ayun natanong ko kung nasiyahan siya sa yo?

Ano sabi niya magaling ka daw. Tapos meron siya sinabi sa akin. At doon kami nagkatawanan kasi ganun din iyon naramdaman ko noon may nangyari sa atin.

Ano iyon?

Binulong ni Teresita kay Arturo kung ano ang bagay na iyon.

Napangiti ito. Gusto mo gawin ulit natin iyon mamaya? That’s my expertise.

Sira, matanda na tayo.

Arturo, mamaya nga pala pag dumating sina Esmeralda sumakay ka na lang sa gagawin ko?

Bakit?

Basta mother’s knows best.

Ok. I trust you Mahal.

Halika ka na sa salas.

Tita nasaan na po si Maya?

Parating na iyon iho.

Bakit excited ka na ba makita ang magiging asawa mo? Sabat ng papa ni Arturo?

Asawa? Papa, Mama?

Ano ibig sabihin nito.

Arturo…Arturo…akin inereto sa anak nitong si Gloria si Maya, hindi man kayo dalawa ang nagkatuluyan tulad ng gusto namin ng mga magulang ni Gloria. Kaya amin ito itunuloy sa mga apo namin.

Ano ho? Gulat na tanong ninaTersita at Cristina.

Pa, Ma hindi ninyo iyon puedeng gawin sa apo ninyo. Sabi ni Arturo.

At bakit naman hindi puede?

Kasi ho…

Beep…beep….beep…

Teka yan na ata sina Maya….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s