The Covergirl -01

The Covergirl

Chapter 1

Nasa studio ni Eman si Maya. Hinihintay niya ang kapalit nito photographer upang kunan siya para sa print ads ng bago niyang shampoo endorsement.

“Grabe ang tagal naman ng kinuha kaplait ni Eman. Bago-bago palang hindi na marunong magpahalaga sa oras.” himutok ni Maya.

Upang hindi mainip, nagbuklat muna si Maya ng mga collection ni Eman. Hangga nakita niya ang isa niyang litrato. Napangiti siya….ito ang isa sa mga unang litrato niya, noon nagsisimula pa lang siya sa pagmomodelo, tatlong taon na ang nakakaraan.

Flashback

“Ma, Pa..sige na po pumayag na kayo na umuwi na ako ng Pilipinas.”

“Pero anak, wala ka makaka-sama doon.” Sabi ng mama niya.

“Anak, iba ang buhay sa Pilipinas, mahirap kapag nagsosolo ka sa Pilipinas. Dumito ka lang anak, puede ka naman dito sa America mag-modelo. Mas malaki pa ang kikitain mo, kumpara sa Pilipinas na barya-barya lang.”

“Pa, mahirap makipagsapalaran dito sa LA compare sa atin sa Pilpinas.”

“Iha, akala ko ba gusto mo mag negosyo kaya business management ang kinuha mo?”

“Yes, Ma…kaya nga magmomodelo muna ako para maka-ipon ng pera gagamitin ko sa itatayo ko negosyo.”

“Anak, kami na ng Papa mo ang magbibigay sa yo ng pubunan, huag ka lang umalis dito.”

“Ma, buo na po ang desisyon ko. Isa pa malaki na po ako, O can take care of myself.” sabay yapos sa ina nito.

“Hindi ikaw pa din ang baby ko.”

“Ma, 21 na ako, dapat nga 3 years ago pa ako wala sa piling ninyo eh. Sige na po, payagan na ninyo ako bumalik sa Pilipinas. Miss ko na rin po ang Pilipinas eh.”

“Mukhang hindi ka na talaga namim mapipigilan sa pag-alis mo.” malungkot na sabi ng Papa niya.

“Pa,” lumapit ito sa ama, “huag ka na kayo malunkot ni Mama, ganito na lang, just give me a year. Pag wala nangyari sa akin sa Pilipinas babalik ako dito sa LA.”sabi niya sa mga magulang niya.

“Teresita, wala na tayo magagawa, buo na talaga ang desisyon nitong unica iha natin eh. Pero anak isang taon lang ha.”

“Yas, Pa, pero pag nagtagumpay ako, then I will stay there at bibisita na lang ako dito sa LA. At saka di ba malapit na kayo mag retire sa work nnyo. Why not settle in the Phils, instead.”

“We will think about it anak.”

End of Flashback…..

That was three years ago, dahil pagkatapos ng isang taon, unti-unti na rin siyang gumagawa ng sariling niyang pangalan sa mundo ng pagmomodelo. Salamat sa kaibigan niyang si Viana. Kungdi di dahil dito hindi niya makikilala si Eman. Ito rin ang matiyagang lagi siyang isinasama sa mga raket nito.

Naiyak na naman siya noon naalala niya si Viana. Kumuha ulit siya ng isang larawan kung saan magkasama sila ni Viana.

“Bestfriend miss na miss na kita, kakainis ka naman eh bakit mo agad ko iniwan. Di ba magtatayo pa tayo ng negosyo.”

Di na napigilan ni Maya ang mapaiyak, kakamatay lang ng kaibigan niya apat na buwan pa lang ang nakakaraan. Masakit pa rin sa kanya ang biglaan pagkamatay nito.

“Click…”

“Huh?” nagulat si Maya ng bigla may nag click sa harapan niya.

“Ikaw ba ang pinadala reliver ni Eman? Bakit ngayon ka lang kanina pa ako naghihintay sa yo dito.” sabi ni Maya sabay pahid ng luha niya.

Nagulat man sa sinabi ni Maya sa kanya hindi na lamang niya ito pinansin. “Kanina pa ako dito, kaso mukhang napakalalim ng iniisip mo kaya di mo namalayan ang pagdating ko.”

“Pasensiya ka na, nainip na kasi ako sa paghihintay sa yo kaya ayun nagbungkal muna ako ng mga lumang pictures ni Eman, hangga nakita ko….”

“I’m sorry about what happen sa friend mo.”

“Kilala mo ang bestfriend ko?” manghang tanong ni Maya dito.

“Natural iisang mundo ang ginagalawan natin eh.”

“May point ka diyan, ano magsisimula na ba tayo ng photo shoot?”

“Ah eh….” napakamot sa ulo.

“Oh bakit, don’t tell me hindi mo alam ang gagawin mo? Hindi ka naman siguro kukunin ni Eman maging reliever niya sa pagkuha sa akin ng mga pictures kung di ka marunong kumuha ng pictures?” mataray na sita dito ni Maya. “Asan na pala ang camre mo? Wala ka dala? Tsk…, ano bang klaseng reliever ito kinuha ni Eman.?” bulong ni Maya, pero she make sure dinig nito ang sinabi niya. Makarating talaga kay Eman ang reklamo niya sa reliever nito.

Napa smirk ito, “Sabi kasi ni Eman, iyon camera na lang niya ang gamitin ko eh.” kinuha nito ang camera ni Eman at inayos.

Habang ginagawa nito iyon ay malayang napagmasdan ito niya Maya. “Hmmm, mukha naman siyang may-alam sa camera. At infairness guapo siya ha at matangkad. Tantiya niya ay may taas ito 5’10. Flawless ang skin niya ha, bumagay sa kanya ang kanyang chinky eye at pointed nose.

“Pasado na ba ako sa panlasa mo?”

“Huh?” pinamulahan ng mukha si Maya. “Anong sinasabi mo diyan? Halika ka na simulan na natin ang pictorial at may appointment pa ako mamayang hapon.”

Natawa ito, sa paningin niya lalo ito gumaganda pag namumula ang mukha nito. “Para saan ba itong pictorial mo?” sabi nito habang panay ang click dahil nagsimula ng mag posing si Maya.

“Hindi ba sinabi sa yo ni Eman?”

“Pasensiya ka na, sinabi niya kaso nalimutan ko na eh.”

“Hay naku, no wonder magkasundo kayo ni Eman, pareho kayo malilimutin dalawa. For your information, para ito sa print ads ng shampoo commercial na akin ene-endorse.” sabi nito.

“Pasenya ka na Maya, madami lang kasi ako inaasikaso ngayon eh,”

“Kilala mo ako?”

“Oo naman, wala naman siguro di nakakakilala sa yo eh. Lagi ka laman ng magazine, teevee, radio at naglipana ang billboard mo sa Edsa. Ikaw din ang number one ramp model. Well, hindi na ako magtaka, magaling at maganda ka naman talaga eh.” Habang sinasabi niya ito ay panay ang click ng camera niya.

“Well, thanks for the compliment. I’m flattered.”

“I guess, tama na itong mga shots na nakuha natin. Marami-rami na rin ito, bahala na si Eman ang pumili ng gusto niyang shots.”

“Ok.” Sagot ni Maya.

Bigla nagbukas ang pintuan ng studio ni Eman at inuluwa noon si Eman,

“Eman, kamusta ang lakad mo kay Mr. Lim? Successful ba?”

“Hindi kami nagka-usap ni Mr. Lim eh.”

“Ha? Bakit”

“Sabi kasi noon secretary niya, di ito pumasok kasi may pupuntahan ito kliyente.”

“Ano? Eh di ba siya pa ang nag set ng appointment na iyon sa yo. Matanda na ba iyon si Mr. Lim at malilimutin na?”

“Hindi ah, bata pa siya ha.”

“Eh bakit ganun, napaka iresponsable naman niyang tao. Parang di propesyonal kung umasta.”

“Hndi naman ganun si Mr. Lim, baka emergency lang talaga. Mabuti pa simlan na lang natin ang pagkuha ko sa yo.”

“Ano ka ba di ba meron ka pinadala reliever dahil di ka nga pupuede ngayon umaga.”

“Ha? Pero …..”

“Hi Eman!”

“Mr. Lim! ”

“What? Ikaw si Richard Lim?, sabi ni Maya sabay nganga.

“Click” sige na Maya, isara mo na yan bibig mo at baka pasukan pa yan ng langaw.

Bigla naman sinara ni Maya ang bibig niya. Tinarayan niya ito upang pagtakpan ang pagkakahiya niya dito.

“Bakit di ka nagpakilala sa akin kanina?”

“Paano ko naman sasabihin eh basta mo na lang ako sinita-sita diyan.”

“Kahit na, dapat sinaway mo pa rin ako.”

“Mr.Lim, Maya, puede ba ipaliwanag ninyo sa akin ang nangyayari dito.” sabi ni Eman.

“Ganito ka iyon, Eman…..” kinuwento ni Maya angpangyayari kay Eman.

“Naku, pasensiya na po kayo Mr. Lim dito sa kaibigan ko.” Hingi paumanhin ni Eman.

“Ok lang, no harm done. Sabay abot ng camera dito. “Ikaw na bahala tumingin sa mga shots. Kung wala ka gusto, ulitin mo na lang.” sabi ni Richard.

“No need, alam ko magaganda ang shots mo kay Maya. Idol ko kaya kayo when it comes to photography.” sabi ni Eman.

“Thanks for the compliment. Btw, I texted you this mornng, na dito ako dederecho sa studio mo.”

“Naku, pasensya na po, naiwan ko kasi sa pad ko ang celphone ko.”

“Typical Eman”, bulong ni Maya. Sabay kuha n mga gamit niya. Gusto niya umalis doon ng hindi napapansin noon dalawa. Kaya dahan dahan siya lumakad papalabas ng studio ni Eman.

“Maya, aalis ka man lang na di nagpapa-alam sa amin.” sabi ni Richard na may kasamang nakakalokong ngiti.

Napabuntong hininga si Maya sabay tingin sa kanila ni Eman. “Bye Eman, Fancy meeting you Mr. Richard Lim.” sabay talikod upang umalis na.

“How about lunch with me?” sabi ni Richard kay Maya.

“Thanks but no thanks Mr. Lim. Meron pa ako appointment after lunch.” sabi ni Maya. Isa pa meron kayo meeting ni Eman di ba. Sabay bigay dito ng nakakalokong ngiti dito.

“See you soon Maya, hindi ito ang una’t huling pagkikita natin.”

“Whatever…..”

To be continue…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s