Ang Misyon ni Maya – 12

Ang Misyon ni Maya

Chapter 12

Paki-ulit nga ng sinabi ninyo Mt. Lee. Baka nabingi lang ako. Sabi ni Roberto.

Tama po Sir ang nadinig ninyo. Gusto po ni Mr. President na makasal sa lalong madaling panahon si Richard sa apo ng kasosyo niya.

Hindi yan pupuede. Hindi ako papayag magpakasal sa isang tao ni minsan ay hindi ko nakita o nakilala at higit sa lahat hindi ko M-A-H-A-L at INIIBIG. Pa, do something about this. Naloloko na ba si Lolo? Mahal ko siya pero Pa I’m sorry pero hindi ko susundin ang kagustuhan ni Lolo.

Alam ko son….huminahon ka muna diyan.

Paano ako magiging mahinahon kung me ganyan problema.

Ah iho mabuti pa doon ka muna sa kuarto mo at magpahinga. Everything will be alright. Trust me, your Mama, ngumiti si Esmeralda kay Richard.

Umalis si Richard sa hapag-kainan at dumerecho sa kuarto niya. Pero hindi siya mapalagay. Hindi siya puedeng pumayag sa kagustuhan ng Lolo niya. Kumg kinakailangan itakwil siya nito wala siya magagawa. Basta hindi siya papayag.

Shaolan, alam mo ba ang dahilan ni Papa at naisipan niya ipakasal ang apo niya sa apo ng kasosyo niya.

Pasensya na po Sir, pero wala po akong alam. Kaya nga po kayo pinasusundo.

Totoo bang may sakit ang Papa o dahilan lamang niya iyon para maawa kami sa kanya?

Maysakit po talaga ang ama ninyo pero on the way to recovery na po siya.

Ano ibig mong sabihin Shaolan? Tanong ni Esmeralda?

Mahigit na dalawang buwan na po ng magkasakit at naoperahan ang ama ninyo sa puso. Hindi niya po gusto ipaalam sa inyo dahil ayaw niya kayo mag-alala dito.

Ngayon po na ligtas na talaga siya sa panganib minarapat na niya ipa-alam sa inyo ang nangyari sa kanya.

Hay, papa talaga kahit kelan….

Shaolan ako na lang muna ang sasama sa yo sa China. Ako muna ang kakausap sa kanya. Kilala ko ang anak ko, hindi mo siya mapipilit sa isang bagay na ayaw na ayaw sa kanya.

Sige po kayo po ang masusunod.

Esmeralda, ikaw gusto mo ba sumunod at makita ang Papa o di ka muna sa anak mo?

Gusto ko rin makita ang Papa mo. Suusnod ako doon bukas pero hindi ako magtatagal kasi kailangan din ako dito ng anak mo.

Shaolan kelan ba ang balik mo sa China? Sasabay na ako sa yo. Mamaya pong hapon sir. Kung ganun dapat na ako bumili pala ng tikcet. Tatawagan ko muna ang secretary ko para ma-i-book ako papuntang China.

Maiwan ko muna kayo Roberto at aayusin ko muna ang mga dadalhin mo papuntang China. Mga ilan araw ka ba doon?

3 days lang ako doon hon…

Ok. Shaolan maiwan muna kita.

Bago dumerecho sa kuarto nilang mag-asawa dumerecho si Esmeralda sa kuarto ng anak niya.

Tok..tok.. Richard anak?

Ma, bukas po yan pasok kayo.

Lumapit si Esmeralda dito sa kama. “Anak, huag ka mag-alala hindi mangyayari iyon gusto ng Lolo mo. Ako na ang una tututol pag nagpumilit siya sa kagustuhan niya. Nakapangako na ako kina Teresita na kayo ni Maya ang magkakatuluyan. Kung kinakailang maikasal kayo ni Maya agad para hadlangan ang kasal na gusto ng lolo mo, gagawin ko.

Talaga po Ma?

Oo naman. Alam ko kung gaano mo kamahal si Maya.

Pumayag din kaya si Papa, syempre po Tatay pa rin niya si Lolo.

Papayag din iyon. Alam mo ba manang-mana ka sa ama mo?

Bakit po?

Hindi ako ang babaeng gusto ng lolo mo para da Papa mo. Pero nagmatigas ang Papa mo. Kinausap ng Papa mo ang mga magulang ko, humingi siya ng tulong sa mga ito para makasal agad kami kahit nag-aaral pa lang kami. Sabi ng Papa mo, kung hindi rin lang kami dalawa ang magkakatuluyan mas mabuti pa daw wakasan na lang niya ag buhay niya. Kasi kung makakasal siya sa babaeng di niya mahal para na rin daw siya namatay.

Kaya iyun ang mga magulang ko ang gumawa ng lahat para makasal kami. Nagalit ang lolo mo sa ginawa ni Roberto. Itinakwil nya ito. Sina Mama at Papa ang nagpaaral sa Papa mo. Nagsumikap ang Papa mo, kahit kasal na kami noon. Hindi kami nagtatabi hangga’t hindi pa kami tapos mag-aral.

Pagka graduate namin naghanap agad ng trabaho ang Papa mo. Kahit anong trabaho pinasok niya. Hindi siya humingi ng tulong sa mga magulang ko. At noon may matatag na siya trabaho, saka niya ako kinuha sa poder ng mga magulang ko. Doon niya napabilib ang mga magulang ko. Tinupad ni Roberto ang pangako niya sa mga magulang ko.

Sabi niya kaya na niya ako buhayin at kaya na rin niya bumuhay ng pamilya. Noon bumukod na kami saka pa lang kami bumuo ng aming sariling pamilya. Doon pa lang kami nagsiping ng ama mo. At tulad ng pangako niya na hindi ako maghihirap sa poder niya, natupad iyon anak, nakita mo naman kung gaano ako sa spoiled sa papa mo.

Kayong magkakapatid ay spoiled din sa Papa ninyo. Ibinigay niya ang lahat sa inyo. Ang lahat ng ito ay mula sa pagsisikp ng ama ninyo.

Ma, paano nagka sundo sina Papa at Lolo?

Noon ipinanganak na ang kuya mo. Lalaki ito at tuwang -tuwa. Pero sinabi na agad ng Papa mo na hindi niya puedeng saklawan ang bunay ninyo magkakapatid. Na malaya kayo makakapili sa gusto ninyong iibigin.

Kaya alam ko papayag din ama mo kung makakasal agad kayo ni Maya. Pero sana maging responsable kang tao tulad ng ama mo.

I will Ma. Thank you po. I love you.

Halika samahan mo ako mag ayos ng dadalhin ng Papa pag uwi sa China at tawagan na rin natin ang Kuya at Ate mo para maipalam ang nangyari sa lolo ninyo. Baka gusto rin nila ito bisitahin.

Tumayo na siya sa kama at sumama sa ina nito.

————-

Sa tahanan ng mga dela Rosa….

Arturo puede ba maupo ka muna diyan. Nahihilo na ako sa iyo eh.

Teresita paano naman ako mapapalagay nito. Alam mo naman ang pinagkakaganito ko di ba?

Oo, pero puede umupo dahil hilong hilo na ako sa yo.

Teresita, kinakabahan talaga ako kung bakit bigla-bigla uuwi dito sa atin si Papa. Parang may kakaibang mangyayri eh.

Hus, ikaw naman oh. Huag ka mga isip ng kung ano-ano diyan. Hintayin muna natin ang pagdating nila dito sa atin. Baka naman kaya ka nagkakaganyan eh dahil nalaman mo kasama nila sa kanilang pag-uwi ang dati mong kasintahan. Hmp!

Teresita huag mong sabihin na hangga ngayon ay nagseselos ka pa kay Gloria. Ang tatanda na natin. Lola at Lolo na nga tayo eh.

Aba malay ko kung may pagtingin ka pa rin sa kanya,

Tsk..tsk..ito talagang mahal ko. Lumapit ito kay Teresita at niyakap ito at hinalikan. Saka may binulong dito.

Mahiya ka nga Arturo. Ikaw na nga ang maysabi may apo na tayo eh. May gana ka pang…

Aba bakit, tumatayo pa kayo ito. Gusto mo subukan? Ikaw lang ata ang wala na lakas diyan eh. Sabay kiliti sa tagiliran nito.

Ayy Arturo anu ba? Alam mo naman malakas ang kiliti ko diyan eh. Hindi ko pa pala nasasaid ang kiliti mo sa katawan. Sabay halik sa mga labi ni Teresita. Si Teresita naman at ikinalawit ang mga kamay niya sa leeg ni Arturo.

Nasa ganun silang tagpo noon pumasok si Maya sa entertainment room nila. Nagkalambingan ang mga magulang niya.

Ma, Pa naiingit pa ata kayo kina Ate Cris eh. Hindi na ako bunso? Doon ninyo naman yan gawin sa kuarto ninyo.

Bigla bumitaw si Teresita at namumula. Ang ama naman niya ay kinabig pa si Teresita palapit sa kanya.

Hindi masama anak. Sabi ng papa niya.

Ma, you are blushing. Tukso niya dito.

Maya! Wala ka na galang sa akin ha.

I’m not doing anything. Anyway, ituloy na ninyo kung ano man yan gagawin ninyo sa kuarto ninyo. Sabihin ko lang po nasa labas na si Richard. Napaaga po ang punta niya. Doon muna kami sa room ko.

No way! Sabay sabi ng Mama niya.

I’m just joking nasa garden lang kami dalawa.

Sige susunod na kami sa labas sabi ng Mama niya.

Natatawa umalis si Maya sa entertainment at iniwan na ang mga magulang niya.

Noon bumalik siya kay Richard ang lapad ng ngiti niya.

Why are you smiling wide like that?

Nothing, natutuwa lang ako kina Mama at Papa. Nahuli ko silang naglalambingan sa entertainment room namin. At si Mama, namula ang face niya. Hihihi…

They really love each other. Hangga ngayon in love pa rin sila sa isa’t-isa. Sana ganyan din tayong dalawa.

Tayong dalawa? Hindi pa naman kita sinasaot ah.

Ayaw mo pa kasi eh. Pinatatagal mo pa eh alam ko naman mahal mo rin ako.

Patience is a virtue. Matuto ka manghintay, hindi naman lahat ng bagay nakukuha ng mabilisan. Panget iyon, mas maganda iyon pinaghirap mo. Ok?

Sige na nga, ikaw naman ang boss ko eh. Basta ako alam ko Mahal Kita. I Love You.

Forever?

No?

No? Why?

Kasi there is no such thing as forever. But as long as my heart beats at kung titibok pa din ito sa kabilang buhay. Ikaw pa din ang ititibok nito. Ganyan kita kamahal.

Walang masabi si Maya sa sinabi ni Richard. Gustong gusto na niya ito sagutin. Pero nangako siya sasarili niya hindi pa ito ang oras para sagutin ito.

Maya, may bisita kami sa bahay kanina umaga. Tauhan ni Lolo, ipinalam niya sa amin may sakait si Lolo at isang bad news na dala.

Bad news about your lolo?

Not about Lolo? About me.

About you?

Oo gusto ako ipagkasundo ni Lolo sa apo ng kasosyo niya.

What? Buti pala hindi pa kita sinasagot.Magpapa-alam ka na ba? Kaya ba sinabi mo iyon declaration mo ng pagmamahal sa akin? Kasi magpapakasal ka sa iba?

Hey, of course not! Walang kasalan mangyayri sa akin at doon sa apo ng kasosyo ni Lolo.

Kung ikakasal naman ako sa iyo iyon mangyayri. At saka hindi rin papayag sina Mama at Papa.

Paano mo nalaman? Sinabi nila akin. Gusto ko lang naman sabihin sa yo ang nangyari sa akin eh.

Nakahinga ng maluwang si Maya, akala niya hindi pa naman sila ay mabibigo na siya.

Nakita mo na iyon girl na gusto ipakasal sa yo ng Lolo mo?

Hindi pa. Kay papa ko pa lang malalaman ang itsura niya pagbalik niya dito. Alam mo ba sabi ni Mama, incase na mag-insist si Lolo sa gusto niya. Sa ayaw at sa gusto mo daw, ipapakasal niya ako sa iyo.

Sinabi iyon ni Tita?

Yap. Ganun ka kamahal ni Mama.

I’m flattered.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s