Ang Misyon ni Maya – 11

Ang Misyon ni Maya

Chapter 11

Nagtuturuan pa sina Army at Melai kung sino ang uupo sa unahan. Alangan naman pareho sila sa likuran umupo eh di nag mukha driver nila si Richard. Ang guapong naman driver nito pag nagkataon.

Napilitan si Army sa unahan sumakay kasi inunahan na siya ni Melai na sumakay sa likuran upuan. Pinanlakihan ni Army ng mata si Melai..

Sakay na ng kotse ni Richard sina Army at Melai. Hindi malaman noon dalawa kung magsasalita ba o tatahimik na lang gang makababa sila.

Pakiramdam nina Army at Melai at nasa loob sila ng kumbento sa sobrang katahimikan sa loob ng kotse. Ramdam nila na napipilitan lang si Richard na ihatid sila gang sa main gate. Kung bakit kasi naka-aatend pa sila ng birthday party na iyon ni Maya. Oo nga at invited naman sila dahil nag imbita si Maya sa klase nila kahit PE lang iyon. Dapat talaga di ako nagpatangay dito kay Melai eh. Himutok ni Army sa isip niya.

Nag alis muna ng bara sa lalamunan si Army bago ito nagsalita.

Ah eh, Richard sorry ha. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa inyo lalo na sa yo. Alam ko nang dahil sa akin nadungisan ko ang pagkatao mo. Nadala lang kasi ako ng galit ko noon tinanggihan mo ako. Di kasi ako sanay na tinatanggihan ng mga lalaki.

Hindi pa rin umiimik si Richard. Nagpatuloy sa pagsasalita si Army.

Kaya noon minsan nakita ko ninanakawan ka ng halik ni Tonnett ay kinunan ko kayo ng litrato. Pero wala talaga ako balak ilabas iyon kung di mo lang ako muling ipinahiya o tinanggihan.

Tumingin dito si Richard at sabi “so ako pa pala ang may kasalanan? Dahil tinanggihan kita,. Ganun ba Army? Sabay preno at palo sa manibela ng kotse nito. Ganun ba? Pasigaw na tanong ni Richard kay Army.

Nasindak si Army sa klaseng ng pagtatanong ni Richard.

Alam mo ba ang naging epekto sa akin ng kumalat ang tsismis na ginawa ninyong magkapatid sa akin? Ang sakit sa ego at pride ko. Iyon sa bawat paglalakad ko alam ko pinagbubulungan, pinag-uusapan, pinagtatawanan at nililibak ng ibang tao pagtalikod mo.

Siguro kung naging mahina-hina akong tao baka bumigay na ako sa ginawa ninyong kaguluhan. Tapos meron kapang lakas ng loob na ibalik sa akin ang sisi?

Ha eh Richard hindi naman ganun ang ibig sabihin ni Army. Hindi ka niya sinisisi. Mas sinisisi niya ang sarili niya kasi padalos-dalos siya sa mga kilos niya. Hind kasi siya nag-iisip pa minsan-minsan. Kung ano ang maisipan iyon ang gagawin. Kaya pasensiya ka na sa kaibigan ko. Litanya ni Melai.

O-oo ganun nga Richard. Sorry talaga alam ko maling-mali iyon ginawa ko. Pero iyon kay kuya promise wala talaga ako alam doon. At higit sa lahat hindi ko alam na may pusong babae si kuya. Sa bahay lalaking lalaki siya. Hindi ko alam na sa labas at malayo sa amin doon siya naglaladlad. Siguro takot siya kay Daddy. Retired General si Daddy kaya hindi niya magawa maamin sa amin ang totoo niyang kasarian.

Hindi pa bading ang kuya mo pero papunta na doon.

Ano ang ibig mo sabihin?

Callboy ang kuya pumapatol siya sa mga bading at matrona. Nag conclude na lang so Kuya Ed na bading na rin ang kuya mo. Since pumapatol siya sa bading.

May kinuha sa compartment ng kotse si Richard. Mga litrato iyon at binigay kay Army.

Ang kuya mo yan nasa litrato na may iba iba’t kasamang bading at matrona. Katulad mo, akin din tinanggihan ang kuya mo. Sa ilan araw ko pamamalagi sa gay bar ganun din ang araw na lagi niya ako sinusuyo para ma-idate lang.

Base sa mga lalawan kuha niya sa akin ang pinaka hling araw ko sa gay bar doon niya natuklasan ang lihim ko. Sinundan niya ako ng palihim kaya nalaman niya ako si Rica.

Pero bakit hindi mo nakilala si Kuya?

Hindi ko siya kilala dahil iba ang tambayan namin. Ako iyon tambay lang namin ng barkada ko at library. Nakita ko lang siya noon araw na tinawag niya ako Rica.

Tatango-tango si Army. In behalf ni Kuya ako na rin ang humihingi ng tawad para sa kanya. Kakausapin ko din siya kuya.

Ok. Basta mangako kayo hindi na ninyo iyon muling gagawin.

Oo. Promise. Salamat ha.

Walang anuman. Eto na tayo. Meron na kayo makukuha taxi mula dito.

Salamat ulit Richard. Paki sabi na rin kay Maya salamat sa pag-iimbita sa amin.

Thank you Richard sabi din ni Melai.

Sige makarating.

——-

Ang tagal mo naman nakabalik?

Sorry. Nag-usap pa kami ni Army.

Ano nagpag usapan ninyo? Kinuwento ni Richard ang napag usapan nila.

Mabuti naman kung ganun. Tara na kumain na tayo. Nagkakainan na silang lahat eh.

Hinintay mo ako?

Syempre escort kita eh. Kaya dapat lang na hintayin kita.

Sumupil ang simpleng ngiti mula sa mga bibig ni Richard. At dali-dali itong yumakap kay Maya.

Hindi mo ba ako puedeng sagutin ngayon?

Bakit ba masyado ka atat na sagutin kita? Siguro meron ka tinatakbuhan babae ano?

Of course not! Ikaw lang ang gusto at mahal ko.

Bakit mo ba ako gusto?

Kasi ikaw yan.

Nasa ganun silang ayos magka-akap ng makita sila ng kani-kanilang mga magulang.

Eto pala ang dalawa eh.

Dali-dali humiwalay sa isa’t-isa. Namula ang mukha ni Maya.

Ok lang ang sweet ninyo nga eh.

Paano ba yan Teresita..balae na ba ang itatawag natin sa isa’t-isa?

Hindi masama?

Ma, parang gustong-gusto na ninyo ako ipamigay ah. Hindi pa nga ako ng dedebut eh.

Hindi naman ganun. Ikaw pa rin ang baby namin. Pero kung magkaka boyfriend ka lang aba si Richard na sana iyon mapalad na lalaki.

Ma, magtatapos muna ako ng pag-aaral ko at mag ta-trabaho saka ko papakasalan si Maya.

Teka teka hindi pa nga “tayo” kasal na agad yan iniisip mo?

Masuerte ang anak ko sa yo. Isa ka responsable tao.

Syempre mana ata yan sa akin. Nagmamalaking sabi ni Roberto.

Hay naku, “kayo na” o “hindi pa kayo”, basta para sa amin engage na kayong dalawa.

Sabi ng magkaibigan Teresita at Esmeralda.

Nagkatawanan ang lahat.

Halika na nga sa loob balae.Turuan mo ako gumawa masarap na kalderetang. Sabi ni Esmeralda kay Teresita.

Mabuti pa nga balae. Halika ituturo ko sa yo.

Women sabay sabi ng mga asa-asawa nila.

Samantalang sina Maya at Richard ay natatawa na lang sa mga ina nila.

Halika na sa loob. Baka hinahanap na tayo ng barkada. Yaya ni Maya kay Richard.

Mabuti pa nga at gutom na rin ako. Pa, Tito pasok muna po kami ni Maya.

Sige mga anak. Sabay sagot ng dalawang lalaki.

Madaling araw na halos natapos ang party ni Maya. Ang pamilya ni Richard ang pinaka huling umalis sa tahanan ng mga dela Rosa.

Paano balae…gang sa muli. Papasyal pasyal ka dito sa bahay ha Esmeralda.

Oo naman ganun ka din ha. Malapit lang ang mga bahay natin.

Paano aalis na kami ha. Pahinga ka na at alam ko pagod ka sa party mo ngayon. Masaya ka ba?

Masayang masaya. Salamat sa yo. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako masaya ngayon birthday ko.

Hawak ni Richard ang kamay ni Maya habang nag uusap silang dalawa.

Bukas pupuntahan kita sa hapon sabay tayo mag simba tapos pasyal tayo sa Makati.

Sige. Basta ipagpapaalam mo ako kina Mama at Papa.

Gusto mo ngayon na eh.

Ikaw ang bahala.

Tito, Tita puede ko po ba isama bukas o rather mamaya po sa pag simba si Maya tapos mamasyal po kami sa Makati after namin mag simba?

Sige walang problema iho.

Yan pumayag na sila ha.

Tumango na lang si Maya bilang pagsang-ayon.

What time mo ako susunduin?

Around 4:00 PM. Simba tayo ng 4:30 PM sa Sanctuario de San Antonio then Makati na tayo.

Ok. Sige na ba-bye na.

Wala ako kiss? Sabay nguso kay Maya.

Sira ulo. Natatawang sabi ni Maya pero hinalikan din niya si Richard sa pisngi nito. Sabay takbo sa magulang niya.

Naiwan kakamot kamot sa ulo si Richard bago sumakay ng kotse.

Bye…Kaway ng pamilyang Lim

Bye…sagot ng pamilya dela Rosa at kumaway din.

Masaya ba ang bunso ko?

Masayang-masaya po dad.

Bunso dalaga ka na talaga. Malapit na magka boyfriend.

Ate naman eh…

——–

Pag bukas ng gate sa bahay nina Richard. Sinalubong agad sila ng katulong at sinabing meron silang bisitang naghihintay sa kanila.

Bisita? Sino

Tauhan po ng papa ninyo. Kanina po magka-usap sila ni Manang Dolor.

Ganun ba sige salamat. Magpahinga ka na pagkasara mo ng gate.

Opo sir.

Manang sinong tauhan ni Papa ang nandito?

Si Shaolan Lee. Nasa guest room. Akin muna pinapahinga. Sabi ko gigisingin ko na lang siya pagdating mo.

Huag na po Manang. Bukas na lang kami mag uusap.

Oo sige ikaw na ang bahala.

Kinaumagahan sa hapag kainan.

Manang si Mr. Lee gising na po ba?

Oo Roberto tinawag ko na siya at papunta na siya dito.

Salamat Manang.

D nagtagal dumating na si Mr. Lee.

Zâoshànghâo Mr. Lim, Mrs. Lim.

Zâoshànghâo Mr. Lee. Sagot ng mag-asawa.

A/N: isipin na lang ninyo Chinese iyon usapan nila.

Halika na Mr. Lee at sumabay ka na sa amin.

Shaolan na lang po Sir.

Good morning everyone. Siya naman pasok ni Richard.

Iho siya si Mr. Shaolan Lee isa sa pinakatapat na tauhan ng lolo mo.

Zâoshànghâo, Mr. Lee

Zâoshànghâo, Richard.

So Shaolan bakit ka napasyal dito sa amin.

Sir, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. May sakit po ang inyong ama at naka confine po siya sa isang hospital sa China. Pinapupunta po kayong lahat doon sa lalong madaling panahon?

What? Anong sakit ng papa?

Inatake po siya sa puso. Noon umalis ako ng China nasa ICU po siya.

Esmeralda. Tawagan mo ang agent natin at ipaayos mo ang passport ko at ibili ako ng ticket papuntang China.

Sir bilin po ni Mr. President ay isama ninyo ang buo ninyong pamilya sa pag punta ng China.

Hindi agad kami mamakaka-alis ng sabay sabay. Anyway, papasunurin ko na rin agad sila.

Mag iiwan lang si Esmeralda ng instruction sa opisina at si Richard naman ay magpapa-alam muna sa paaralan nila.

Ah sige po.

Ganun na ba kalubha si Lolo Mr. Shaolan at pati kami ay dapat andun na rin agad-agad?

Gusto ng lolo mo na maiayos na ang kasal mo bago siya pumanaw.

Anong kasal ang sinasabi ninyo? Pa, Ma may alam po ba kayo dito?

Shaolan ano ang ibig mong sabihin?

Nais po ipakasal ng papa ninyo si Sir Richard sa apo ng kasosyo niya sa negosyo.

Ano??? Sabay sabay na sabi ng mag-anak.

One thought on “Ang Misyon ni Maya – 11

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s