Ang Misyon ni Maya – 08

Ang Misyon ni Maya

Chapter 8

Nasa CR ulit si Maya at nasa cubicle naman. Nag bigla may pumasok.

Lalabas na sana si Maya. Nang bigla magsalita iyon mga pumasok.

Army, wala naman epek iyon ginawa mong pagkakalat ng picture ni Richard at noon bading na si Tonette eh. Bakit mo pa iyon ginawa? Tanong ng kasama nito.

Kasi naman Melai, nagpapacute ako sa kanya. Aba isnabin ba ang byuti ko. Hindi daw niya ako type at ayaw niya sa mga flirt na babae. Napahiya kaya ako. Kaya sabi ko gaganti ako, sagot noon si Army.

Ikaw din ba ang may kakagawan noon halikan ni Tonette si Richard kaya nakunan mo ng picture. Tanong ulit noon si Melai,

Of course not. Naglalakad ako doon papunta sa may bench. Nakita ko si Richard nakapikit parang nanaginip. Ang baklang si Tonette lumapit at dahan-dahan hinalikan si Richard. Tamang tama may dala ako camera noon at kakalagay ko lang film. Kaya ayun kinunan ko sila. Wala naman ako balak ikalat iyon eh. Kaso noon lumapit ulit ako sa kanya minsan. Muli niya ako pinahiya. Kaya sa inis ko kinalat ko iyon picture niya. Para makaganti ako.

Army paano pagnalaman nila ikaw ang may gawa noon.

Paano naman nila malalaman eh wala naman ibang nakaka-alam kungdi ikaw lang. Kaya pag kumalat iyin ikaw lang ang pagbibintanagn ko. Ikaw ang mananagit sa akin.

Grabe ka naman. Hindi ko naman iyon gagawin sa yo. Takot ko lang.

Mabuti alam mo kung paano ako magalit. Isa pa wala na rin si Tonette dito sa school. Nag drop out na di ba. Kasi nalaman noon tatay na bading siya kaya ayun pinauwi na sa probinsya. Iyon address naman niya sa dorm lang at walang nakaka-alam kung saan ang province niya. Kaya wala rin silang Tonette na mapapagtanungan. So my secret is safe. Hahaha.

What if hindi pa lang sila gumagawa ng hakbang para alamin ang totoo.

Alam mo kung gagawa sila ng hakbang dapat noon pa unang linggo pa lang kumalat ang tsismis na yan. Gumawa ba sila ng aksyon. Kaso wala eh. Baka totoo nga bading si Richard. Ok fine maaring di makatotohanan iyon picture ko. Pero paano iyon picture ni Chard sa gay bar? Paano nila iyon ipapaliwanag.

Pero may alam ka ba kung sino may pakana noon?

Wala eh. Hindi ko nga alam kung sino sa school natin ang nagpupunta sa gay bar eh.

Ibig sabihin meron tayong schoolmate na bading pero nagtatago pa. Sino kaya iyon?

Oo nga eh. Halika na nga gumagabi na.

Noon pa lang lumabas si Maya sa cubicle. Hindi siya makapaniwala. Nasa ganun ayos siya ng bigla ulit pumasok sina Army.

Maya!!!

Ay kabayo. Bakit ba kayo nang gugulat?

Saan ka galing?

Ha? Sa labas syempre. Bakit?

Kakarating mo lang ba dito?

O-oo. Kakapasok ko lang. Bakit ba parang nerbiyos na nerbiyos kayong dalawa.

Wala-wala…sige nakalimutan ko lang kasi ito libro ko. Sige aalis na kami.

Maya…Maya…nandiyan ka ba sa loob.

Si Richard. Dali-dali pumasok sa loob ng cubicle ang dalawa.

Oo. Nandito ako sa loob. Wait lang lalabas na ako.

Ok hintayin na lang kita dito sa labas,

Sa kotse na lang.

Sigurado ka?

Oo.

Ok.

Lumabas nga kayong dalawa diyan. Anong meron bakit nadinig ninyo lang boses ni Richard nagtago kayo diyan sa cubicle.

Wala-wala. Crush lang namin si Richard at nahihiya kami makita niya na ganito ang itsura namin.

Ok naman ang itsura ninyo ah.

Amoy pawis kami at wala na kami make-up. Basta…sige na hinihintay ka na niya di ba?

Ay oo nga pala. Sige bye.

Hay pag guilty ka nga naman.

Dapat masabi ko ito kay Richard.

——

Sorry medyo natagalan ako.

Ok lang. Hop in.

Chard, maaga pa naman. Daan muna tayo sa Greenbelt park.

Bakit ide-date mo ako.

Sira. Bakit naman kita ide-date. Meron lang ako sasabihin sa yo.

Magtatapat ka na ba sa akin. Mahal mo ako?

Alam mo gutom lang yan. Mabuti pa umuwi na tayo at sa bahay ka na mag dinner.

Doon na lang tayo mag usap after dinner.

Di ngayon na tayo mag usap. Pupunta na tayo sa Greenbelt.

Nasa Greenbelt na ang dalawa at naglalakad gang makarating sila sa malapit sa Chapel. Naupo sila sa isa sa mga bench na andun.

Chard, bakit hindi ka gumawa ng hakbang noon kumalat iyon tsismis about your gender preference

Bakit pa eh wala naman katotohanan iyon eh.

Hindi ka ba nababahala sa iisipin ng ibang tao.

Hindi. Trabaho naman iyon ginawa ko eh.

What do you mean?

Are ready to listen?

Oo naman.

Kinuwento na nga ni Richard ang trabaho niya at kung bakit siya nasa gay bar that time.

Naniniwala ka ba na hindi talaga ako bading?

Oo naman. Nagbibiro lang ako kahapon. Sorry. Peace.

Eto naman. Kunwari may sasabihin sa akin. Gusto mo lang na singilin kita sa utang mo sa akin eh. Kitam pinaalala mo talaga sa akin.

Hoy lalaking singkit ang kapal naman mukha mo. Ano ang akala mo na gustong gusto ko mahalikan mo ako ulit.

Bakit hindi ba?

Oo este hindi ha.

Talaga lang ha? Naka ngiting sabi nito kay Maya. Tumayo ito at umupo sa harapan ni Maya. Habang itinukod ni Richard ang mga siko niya sa kanyang hita at bahagya inilapit ang mukha kay Maya.

Napakurap si Maya. Ibang tono ng boses ang ginamit ni Richard sa kanya. May tono ng mapang-akit na boses. Habang ang mga mata nito ay parang nagungusap na nakatitig sa kanya.

Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya dahilan upang mapa-awang ang mga labi niya. Gusto niya mag salita pero walang lumabas na kahit anong kataga sa mga labi niya. Bumilis ang tibok ng puso at kahit malamig, ang simoy ng hangin sa paligid ng parke pakiramdam niya ay pinagpapawisan siya.

Ano itong nararamdaman ko? Possible ba na-i-inlove na ako sa kanya. Na ang simpleng paghanga ko sa kanya ay nauwi sa pagmamahal? Pero meron siyang ibang gusto, kung hindi si Raffi. Meron pa rin siyang ibang tinutukoy na babaeng gusto niya. Malayo ako sa babaeng gusto niya…..

Nakatitig pa din sila sa isa’t-isa nang mas inilapit pa ni Richard ang mukha niya sa mukha ni Maya. Napapikit automatiko si Maya. Ngunit bigla din ito napamulagat noon naramdaman niya lumapat ang mga labi ni Richard sa noo niya at nakita niya ang naka ngiti mukhang ni Richard.

Disappointed?

Of course not.

Saka na lang pag tayo na. Araw-araw hahalikan kita sa lips,

Wow ang kapal. Hindi magiging tayo.

Talaga?

Oo naman. Teka nalilihis iyon sasabihin ko sa yo eh.

Ano ba iyon sasabihin sa akin.

Alam ko na kung sino ang may pakana ng pagpapakalat ng picture mo sa school.

Sino?Salubong ang kilay na tanong nito.

Si Army ang may pakana nang pagpapakalat ng picture mo na may kahalikan bading sa school. Galit siya sa iyo kasi ni reject mo daw siya at pinahiya pa. Kaya ayun gumanti siya sa iyo.

Pero hindi niya inutusan si Tonette na halikan ka. Pinag-samantalahan ka lang talaga ng bading na si Tonette. Tamang-tamang padaan si Army kaya ayun nakuhanan kayo ng picture.

Pero iyon sa gay bar hindi nila alam kung sino ang nagpakalat noon.

Paano mo nalaman yan?

Kanina sa CR nadinig ko nagkukuwentuhan sina Army at Melai. Nasa loob kasi ako ng cubicle noon nag uusap sila. Ano ang gagawin mo sa kanila?

Wala. Pero ipapa-alam ko sa kuya ni James. Hahayaan ko na lang sila ang gumawa ng hakbang laban sa mga yan.

Thanks for telling me. Kinitlan niya si Maya ng magaan halik sa mga labi nito.

Namula ang mukha ni Maya.

You are blushing.

——-

Kinabukasan sa tambayan nila. Parang palengke sa ingay ng magkakaibigan.

Nalaman na nila kung sino ang may pakana nagpagpapakalat ng picture ni Richard na may kahalikan bading. Sinabi na kasi ni Richard sa kuya ni James at kay James mismo ang sinabi sa kanya ni Maya.

Sinabi naman ni James kay Yna. Si Yna ayun sinabi naman kina Raffi at Lisa.

Ang resulta ayun gusto na sugurin ng mga babae sina Army. Pero pinigilan sila ni Richard. Sinabihan ni Richard ang mga ito na pag ginawa nila ang pagsugod magkakaroon lang ng eskandalo at tiyak si Maya ang paghihinalaan nila nag sumbong dahil naabutan nina Army si Maya sa CR.

Wala naman sila prueba na andun si Maya ah. Si Raffi.

Kahit na. Kahapon lang sila nag uusap sa CR ng mga babae. Sila lang ang tao doon. Then wala pa isang minuto nakakalabas sila at muling bumalik ay nadatnan nila si Maya na tulala. Mapapag dugtong dugtong na nila iyon.

Kami na ang bahala sa kanila. Gusto muna namin malaman iyon sa gay bar incident bago iyon kina Army. Mas maganda wala silang alam. Mahabang paliwanag ni Richard.

Enough for that muna. Malapit na ang birthday ni Maya. Sabay akbay nito kay Maya na hindi naman inalis ni Maya. Iyon na lang ang pag usapan natin.

Nagkatingan ang magkakaibigan.

Ano ibig sabihin ng akbay-akbay na yan? Kayo na ba? Tanong ni Charlie?

Hindi ah. Sabay sagot ng dalawa.

Wow ang tigas ng pagtangi nitong dalawa ito. Si Charlie ulit.

Alam ninyo para kayo showbiz, no we’re friends only. Sabi ni James. Tapos mababalitaan buntis na o break na, huag naman kayo gumaya sa kanila. Kung kayo na wala naman masama kung aamin kayo eh. Mas matutuwa pa nga kami eh.

Ano ang aaminin namin, eh wala naman talaga kami relasyon. Si Maya.

Hay naku…sige na nga. Maghihintay na lang kami ng latest development sa inyo. Sabi naman ni Simon.

Maya excited ka na para sa party mo sa Friday? Si Lisa.

Oo naman.

Sino-sino ba ang mga invited mo.

Aside sa inyo, some of my classmates, cousins, some old friends…

Ano balak mo sa Wednesday sa birthday mo talaga.

Mag di-dinner lang kami ng family ko.

Kasama ba si Richard? Tanong ni Yna,

Sa Friday kasama siya.

Wow ang galing sumagot. Hindi mo mahuli.

Paano ninyo ako huhulihin eh wala naman ako ginagawa masama,

Si Richard tawa-tawa lang pero naka-akbay pa rin kay Maya.

Kinikilig naman si Maya habang naka-akbay sa kanya si Richard.

———

Sakto alas dose ng gabi nag ring ang telepono ni Maya sa kuarto niya,

Hello!

Hello babe, happy birthday.

Babe ka diyan. Thank you. Kaw ang unang bumati sa akin.

Dapat lang. Inabangan ko talaga mag alas dose para makatawag agad sa iyo.

Thank you I’m touch.

Happy?

Yes I’m happy. Ano ang gift mo sa akin?

Secret.

Secret? Ang daya naman. Teka di ba sasabihin mo sa akin kung sino iyon girl na type mo?

Oo.

Sabihin mo na ngayon.

Bakit ba gustong gusto mo malaman? Alam mo naman ata eh.

Para alam ko na kung magluluksa ako o hindi. Sabi ni Maya habang naka takip ang mouthpiece ng telepono.

May sinasabi ka ba?

Wala.

Parang meron eh.

Sabi ko, wala ako idea kung sino iyon girl na tinutukoy mo.

Bukas na lang mas gusto ko makita ang reaksyon mo pag sinabi ko kung sino siya.

Talaga gusto mo face to face ha. Napahikab si Maya.

Antok ka na. Matulog ka na. See you later, sweet dreams and happy hirthday again. Good night.

Thank you goodnight.

Maya sleep with a smile in her face.

——–

Nagising si Maya nag maramdaman niya may humalik sa mga labi niya.

Ganun na lang ang pagkagulat niya sa pag mulat niya ng mata ay ang naka ngiting mukha ni Richard ang nasilayan niya.

Ano ginagawa mo dito sa room ko?

Your dad let me in here.

What? Pinayagan ka ni dad na pasukin ako dito sa room ko.

Oo sabi ay ang kulit. Happy birthday ulit. Sabay abot ng bouquet ng flowers sa kanya at muli siyang hahalikan sa lips.

Umiwas siya. Teka teka…nakakarami ka na ha. At saka di pa ako nag to-toothbrush.

Ok lang wala ka naman bad breath eh, mabango pa din ang hininga mo.

Bakit ba nandito ka.

Di ba sabi ko gusto ko face to face sabihin sa yo kung sino ang type ko babae,

Brutal din lalaking ito. Talagang gusto pa niya makita ang magiging reaction ko pag sinabi niya kung sino ang gusto niya ha. Lord, bigyan mo ako ng lakas ng loob na huag maiyak pag sinabi niya sa akin kung sino ang gusto niya.

Ano ready ka na ba malaman?

Tumango lang ako.

Well, the only woman who capture my heart since the day I saw her was no other that the woman infront of me.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ha? Puede paki ulit?

Sabi ko. “The only woman who capture my heart since the day I saw her was no other than the woman infront of me”

Ako iyon tinutukoy mo?

Oo. Bakit sino ang ini-isip mo?

Ibang babae. May gusto ka sa akin noon pa?

Oo sabi.

Pero di ba nagpapa cute ka lagi kay Raffi?

Ha eh, bluff ko lang iyon. Kasi dinadaga ako pag nakakaharap ka na. Hindi na ako makapag salita pag nasa harapan na kita. Na to-torpe ako pagkaharP kita.

Tawa ng tawa si Maya sa mga ipinagtapat ni Richard.

Pinagtatawanan mo na naman ako eh.

Kasi naman sabi mo ikaw torpe. Para naman hindi. Ilan beses mo na nga nahalikan at lahat iyon ay walang permisso mula sa akin. Tapos sasabihin mo tor— hmmmm

Muling hinalikan ni Richard si Maya. Its a tender passionate kiss. There tongues meet inside there mouth. Kung hindi pa sila kinapos ng hangin ay hindi pa sila mahhihiwalay.

I love you Maya. Will you be my girl?

Not so fast Mr. Lim. Remember am still commited to Aaron.

No you are not. Because Aaron is your first cousin.

Ha? How did you know?

Aaron told me when we were here in your house,

Sira ulong pinsan ko iyon ah. Hindi man lang ako winarningan, lagot iyon sa akin.

Infact, boto siya sa akin para sa yo.

Talaga lang ha?

Oo. Tanungin mo pa siya.

Talagang tatanungin ko siya.

So will you be my girl?

Not yet. Manligaw ka muna. At kilalanin muna nagin ang isa’t-isa. Ayoko pumasok sa isang relasyon na hindi sigurado.

Matagal na ako sigurado sa yo?

Basta manligaw ka muna.

Liligawan kita pero tayo na rin.

No, manligaw ka muna talaga bago kita sagutin. Iyan ba ang torpe ang bilis bilis mo nga umaksyon. Naka halik na agad. Di lang isang beses kungdi maraming beses pa.

Gustong-gusto mo naman. Aminin mo. Huag ka mag deny.

Ewan ko sa yo.

Uy namumula siya. Sabay akap dito. Papatagalin pa ba natin?

Bakit how sure na “yes” ang isasagot ko sa yo?

I can feel it in your kiss,

Basta manligaw ka muna. Tapos ang usapan.

Ok. I will court you if that’s what you want.

Good.

Ano ba yan. Hindi pa nga tayo ina-under mo na ako.

May reklamo ka ba?

Wala.

Sige na bumama ka na at magbibihis ako.

Ok bye. Muli siyang ninakawan ng halik. Sabay takbo sa may puntuan,

Richard muli ito tinawag ni Maya.

Yes? Naka smile na sagot ni Maya.

Samahan mo ako mag simba at join us sa family dinner namin mamaya.

Talaga? Invited ako.

Ayaw mo?

Gusto syempre.

Ok see you in awhile.

Pa kiss ulit.

Mamaya na.

Promise?

Oo. But it doesn’t mean tayo na ha, kahit nagpapahalik ako sa iyo.

Yes….yes I understand.

Pagkasarado ng pinto ng kuarto ni Maya

Sumigaw ng walang sound si Maya at kinikilig. Nagpagulong gulong pa siya sa kama niya saka bumangon, para maligo.

At nagkasunod-sunod ang tawag kay Maya upang batiin siya sa kanyang kaarawan. Hindi muna siya pumasok sa school. Birthday naman niya eh. Ganun din si Richard, hindi na rin pumasok. Sinamahan niya si Maya sa kaarawan nito.

Sa Don Bosco Church sila nagsimba ni Richard saka sila ng lunch sa Kamayan Pasay Road.

After that namasyal sila sa Greenbelt at nag shopping. Hapon na sila bumalik sa bahay ni Maya, hinatid lang ito ni Richard saka umuwi sandali sa San Lorenzo Village si Richard para maligo at mag ready sa family dinner kasama ang pamilya ni Maya.

Super saya niya kasi siya ang kasama ni Maya sa special na araw sa buhay nito.

Pero higit na nagpasaya sa kanya ay ang pagpayag nito na ligawan siya. Bonus na iyon pinayagan siya nito mahalikan Anytime na gusto niya itong halikan.

Hindi kasi nakaka-sawang halikan ang mga labi nito. Ang sarap sarap, ang lambot at ang tamis ng labi ni Maya. Nakaka-adik.

Ma, Pa…malapit ko na maging girlfriend si Maya, di ba ok lang sa inyo kahit wala siyang Chinese blood?

Oo naman son. Para sa ikakaligaya mo doon kami ng Mama mo.

Thanks pa. I got to go, my family dinner sina Maya and I’m invited.

Ok son..enjoy your day.

Beep…beep…beep

Yan na ata si Richard Maya.

Mamaya kasunod na pumasok ng katulong nina Maya si Richard.

Good evening po Tito, Tita.

Good evening iho. Btw, eto nga pala ang Ate Cris at Kuya Jeff mo at eto naman ang pamangkin mo si Pocholo.

Pocholo say hi to your tio Richard.

Hi Tito Richard.

Hi Pocholo.

Ma…sita ni Maya sa mama niya.

Pero di pinansin ng Mama ni Maya ang pagsaway nito sa kanya.

Good evening Ate Cris and Kuya Jeff.

Good evening din, alagaan mo kapatid ko ha.

Oo naman Ate Cris. Huag ka mag -alala di ko yan paiiyakin.

Pangako yan ha.

Oo pangako sa inyo lahat. Aalagaan ko ang bunso ninyo.

Ma, Pa, Ate bakit pakiramdam ko gustong gusto na ninyo ako ipamigay sa iba.

Hindi naman ganun iha. We just want you to be happy. So kayo na ba Richard?

Naku hindi pa ho. Manliligaw pa lang po ako.

Bakit hindi pa panliligaw iyon ginagawa mo hatid-sundo dito sa bunso namin?

Ho eh bumubuwelo pa lang ho ako noon eh. Kanina pa lang ho ako nagpaalam na liligawan ko siya.

Ganun ba. Sige laging bukas ang aming tahanan sa yo.

Tara na at baka gabihin tayo.

Saan ba tayo kakain Pa? Tanong ni Maya.

Nagpareserve ako sa Mother Cina Restaurant diyan sa Pasay Road.

Richard imbitahin mo sa Friday ang parents mo sa birthday party ni Maya.

Sige po tita sasabihin ko po sa kanila.

Maya sa kotse na ni Richard ka sumakay. Sasabay na lang kami kina Cristina.

Sige po.

Habang sakay sila ng kotse. All smile si Richard.

Ano at ngi-ngiti ka diyan. Tanong ni Maya kay Richard.

Wala masaya lang ako. Kasi silang lshat ng pamilya mo boto sa akin.

Ako kaya magustuhan ng pamilya mo eh wala akodugong Chinese?

They love you already. Believe mo kaya sana sagutin mo na ako.

Hindi maghintay kung kelan kita sasagutin.

I love you….

Maya just smile. Pero super kilig na ang nararamdaman niya.

A/N: pakipot muna si Maya ng konti bago bumigay kay Richard. Gusto muna niya pahirapan si Richard ng konti..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s