Ang Misyon ni Maya – 06

Ang Misyon ni Maya

Chapter 6

Maya akala ko ok na kayo ni Richard kasi nag uusap na kayo noon nag punta tayo sa bahay ninyo. Pero ano iyon ginawa mo sa kanya noon Friday sa gym noon may laro sila. Sabi ni Yna.

Iyon ang akala mo. Nagkunwari lang pala siya na girlfriend niya si Rome para kahit papaano makalapit pa rin siya kay Raffi.

hay naku ikaw talaga. Walang gusto si Richard kay Raffi. Iba ang gusto ni Richard. At i-….

Yna nag-aaway ba kayo ni Maya?

Hindi tinatanong ko lang siya kung bakit pinahiya niya si Richard noon laban ninyo last Friday.

Hus huag mo na ungkatin iyon. Hindi naman big deal,kay Chard iyon eh. Kaya huag mo na lang pansinin.

Pasesnya ka na Maya dito kay Yna ha.

Wala iyon. Sige punta muna ako sa CR.

Sasabihin mo kay Maya na siya ang gusto ni Richard noh.

Kasi naman kawawa si Richard eh.

Buti na lang pala dumating agad ako. Pabayaan mo na si Richard sa diskarte niya.

Pero….

Honey, diskarte na iyon ni Richard. Ok?

Ok…

—————

Sa CR…..

Nasa loob ng cubicle si Maya noon marinig niya ang usapan ng mga babae bagong pasok sa CR.

Girl 1: alam mo na ba ang kumakalat na tsismis?

Girl 2: anong tsismis?

Girl 1 : about Richard Lim

Girl 2: kay Richard iyon binalibang noon freshman na si Maya last Friday sa gym?

Girl 1: oo

Girl 2: ano tsismis about him?

Girl 1: well, kaya pala wala girlfriend hangga ngayon ay iba ang type.

Girl 2: ano ang ibig mong sabihin?

Girl 1: boys din ang type niya.

Girl 2: what? Paano mo nalaman?

Girl 1: bakit hindi mo pa ba nakikita iyon mga picture na kumakalat ngayon?

Girl 2: hindi anong picture?

Girl 1: well, meron ako nakitang picture na may kahalikan siya bading.

Girl 2: what? Sayang naman guapo pa naman siya. Akala ko nga noon una nililigawan niya si Maya eh.

Girl 1: hindi no. Baka kaya type niya asarin iyon si Maya kasi naiinggit siya dito kasi maganda si Maya.

Girl 2: siguro nga.

Girl 1: at eto pa. Hindi ko pa nakikita pero meron isa pa pang picture na kumakalat na naka dress at make-up daw ito si Richard na nasa gay bar.

Girl 2: hindi nga? totoo ba yan?

Girl 1: shocking di ba?

Girl 2: sinabi mo pa. Tara na baka malate pa tayo sa next class natin. Pero sana may makita ako picture ni Richard.

Umalis na ang dalawang babae saka lang lumabas ng cubicle si Maya, nanlalambot si Maya sa narinig niyang balita. Pag labas niya ng cubicle….

Humahangos na tumatakbo si Joan.

Maya buti nandito ka. Meron ako tsismis sa yo.

Ano naman iyon sasabihin mo sa akin?

Bumulong si Joan kay Maya.

Totoo ba yan sinasabi mo sa akin?

Oo naman.

Natahimik si Maya sa sinabi ni Joan.

Bakit di ka ata masaya sa binalita ko.

Hindi shock ako sa balita mo. Sige salamat.

Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Maya tungkol sa sinabi ni Joan.

Shocks pangatlo beses ko na nadinig ang tsismis na iyon about Richard. Kung totoo iyon. Kawawa naman siya. Baka pandirihan siya ng mga tao dito sa school.

Lumipas ang mga araw at dumating ang kinakatakutan ni Maya. Kumalat na ang balita sa school na iba pala ang gender preference ni Richard.

Napapansin ni Maya na tuwing dumadating si Richard sa campus nila. Pinagbubulungan ito ng mga tao. Pero balewala lang dito ang tsismis na kumakalat sa kanya. Mukhang di ito apektado.

Totoo kaya iyon tsismis about him? Pero bakit parang deadma lang siya. Kahit sa tropa di na big deal iyon. Tinatawanan na nga nila eh. Baka naman matagal na nilang alam iyon. Di lang nila sinasabi sa akin. Kaya sabi nila wala ako dapat ipag-alala na may gusto si Richard kay Raffi.

Oh no! Baka si Charlie ang type niya, hmm impossible iyon. Di bale ako ang tutuklas noon. Makikipag lapit ako kay Richard. Malalayo ko pa siya kay Raffi. Sisimulan ko na ang misyon ko. Misyon alamin ang totoo pagkatao ni Richard. Hihihi.

——-

Simula noon insidente sa gym. Hindi na masyado lumalapit si Richard kay Maya. Kung makaka-iwas din lang umiiwas na si Richard. Para wala na gulo sa pagitan nilang dalawa. Tapos dumagdag pa iyon kumakalat na tsismis sa kanya about his gender preference.

Kung bakit ba kasi pumayag pa siya sa gusto ng kuya ni James na siya ang mag undercover agent at pumunta sa gay bar. Pero dati na niya iyon ginagawa eh. Kung bakit kasi meron naligaw na tiga campus sa gay bar na iyon eh.

Hindi naman big deal sa akin iyon eh. Alam naman ng mga kaibigan ko ang totoo. Mabuti nga iyon eh, wala na chicks na lalapit sa akin. Solong-solo na lang ako ni Maya. Hehehe.

Yan ay kung hindi rin siya naniniwala sa tsismis tungkol sa yo. Bulong ng isip niya.

Pesteng buhay ito. Maka-alis na nga lang muna ng bahay.

——-

Nagdadalawang isip si Maya kung tatawagan ba niya si Richard o hindi sa bahay ng mga ito.

Ano naman ang sasabihin ko sa kanya. Bahala na.

Ring…ring….ring….

Good afternoon. Lim Residence.

Good afternoon po. Puede po ba maka usap si Richard. Si Maya po ito kaibigan niya.

Hello Maya. This is your Tita Esmeralda.

Po?

Ako ang mommy ni Rickyboy. Sandali lang tatawagin ko siya.

Maya?

Oo, Richard si Maya nga ito.

Napatawag ka?

Ha eh…

What?

May gagawin ka ba? Magpapa-sama sana ako sa yo sa Rustan’s. Wala kasi iyon driver namin. Tapos si Aaron bumalik na sa States kasi malapit na ang pasukan eh. Pero kung busy ka ok lang.

Teka…teka..sandali lang. Puede huminga ka muna. Pasingitin mo naman ako. Puede?

Sige sasamahan kita sa Rustan’s. Susunduin kita diyan sa inyo. Bore na rin ako dito sa bahay eh. Balak ko rin naman gumala eh. I’ll be there in 10 minutes.

Thanks. Bye.

Bye. See you later. Yahoo!!!!

Mama, nagpapasama sa akin si Maya sa Rustan’s sana fuloy-tuloy na ito. Sige Ma, I go ahead baka mainip pa si Maya.

Son, may pera ka pa ba? Baka wala ka extra cash diyan. Nakaka hiya kay Maya.

Meron pa ako pera mom. Malaki ang binayad sa akin ng kuya ni James sa ginawa ko undercover agent sa kumpanya niya.

Ah ok. Enjoy son.

Thanks Ma…

———-

Beep…beep…beep…

Manang aalis na po ako, paki sabi na lang kina Mama

Lumabas na lang ng gate si Maya para hindi na pumasok si Richard sa bahay nila.

Bumaba pa din si Richard para pag buksan si Maya ng pinto ng kotse.

Thank you.

Pagka upo ni Richard sa driver’s seat.

Richard sorry nga pala doon sa ginawa ko sa iyo last Friday. Pasensya na promise di ko na ulit gagawin iyon sa yo.

Kalimutan na natin iyon. Friends?

Friends.

Nag shakehands na silang dalawa.

Halika na. Ano ba ang bibilhin mo?

Dress para sa birthday party ko next month.

Wow ang aga mo naman bumili. Hindi ka naman excited niyan ha.

Naku ganito talaga ko. Gusto ko maaga pa lang ready na ang lahat bago iyon event.

Wow, may pagka OC ka pala ha. Opps sorry.

Guilty as charge. May pagka OC talaga ako.

Here we are. Sana meron pang parking.

Oo nga. Ayon may-aalis. Dali bilisan mo.

Ay salamat di tayo natagalan sa pag papark.

Oo nga eh,

Sa mismong araw ba ng birthday mo gagawin ang party mo?

Hindi Wednesday kasi papatak ang birthday ko. Kaya Friday night ko gagawin para wala tayo pasok kinabukasan.

I see. Sino escort mo? Uuwi ba si Aaron?

Nope. Hindi siya makakauwi. Ikaw gusto mo ba maging escort ko?

Ako? Ako escort mo?

Oo. Ayaw mo ata eh.

Of course not. I’m flattered to be your escort.

So it’s settled then. Ikaw na ang escort ko.

Yes. I will be your escort.

Halika na. Ikinawit pa ni Maya ang kamay niya sa braso ni Richard.

All smile naman si Richard.

Chard ok lang sa yo na samahan talaga ako ha. Kasi matagal ako mamili ng damit.

Ok lang sanay na ako. Baka mas matagal pa sa yo mamili si Rome eh.

Pagkarinig sa pangalan ni Rome. Bumitiw si Maya sa pagkakahawak sa braso ni Richard. Pero kinuha agad ni Richard at ibinalik sa braso niya ang mga kamay ni Maya.

Hindi ko girlfriend si Rome, di ba sinabi ko na sa yo noon sa bahay ninyo.

Kungdi mo siya girlfriend ano mo siya?

She is my niece. Anak siya ng Bunsong kapatid ng Mama ko.

I see.

Kayo ni Aaron kamusta na?

Ha? Ok naman kami ni Aaron.

Hindi ba mahirap ang long distance affair?

Hindi naman siguro, ngayon ko pa lang ma-e-experience iyon eh.

Sabagay. Paano pag hindi nag click.

Huag ka naman ganyan. Bakit gusto mo ba hindi mag work out ang relasyon namin ni Aaron?

Gusto matawa ni Richard. Pero hindi niya ginawa. Kasi baka magalit si Maya. Kakabati lang nilang dalawa. Hindi niya masabi alam niya ang totoo sa kanila ni Aaron. Gusto niya kay Maya mismo ang magsabi noon sa kanya.

Maghihintay na lang siya kung kelan sasabihin ni Maya ang totoo. Tiyak di pa agad ito magtitiwala sa kanya kasi kakasimula pa lang nilang magkabati.

Richard bakit hangga ngayon wala ka pa girlfriend. Hope you don’t mind me asking it,

Pihikan kasi ako sa babae eh. Meron akong nagugustuhan babae pero..

Si Raffi ba yan?

No…how many times ba na sasabihin ko sa iyo na hindi si Raffi ang gusto ko.

Ok. Sorry. Sino naman ang gusto mo.

Secret. Saka mo na malalaman. Don’t worry sasabihin ko din sa iyo.

Kelan?

Sa birthday mo?

Promise sa birthday ko sasabihin mo sa akin kung sino siya.

Promise.

Sige diyan ka muna. Mamimili lang ako ng dress. Ngayon ko malalaman kung pusong babae ka nga o hindi.

Pumasok si Maya sa dressing room at nagsukat ng damit.

Mamaya lumabas na siya.

Richard bagay ba?

Maganda. Bagay sa iyo.

Ano ba yan? Para naman napipilitan ka lang sumagot eh.

Ha ano ba ang gusto mo sabihin ko. Na hindi bagay sa yo? Kung magalit ka naman sa akin.

Promise just tell me the truth.

Ok. I’m telling the truth. Bagay sa yo ang damit na yan. Saka nag smile.

Wait may isusukat pa ako iba.

Muling lumabas si Maya,

Umiling si Richard. You look old on the dress.

Mamaya muling lumabas si Maya. Wearing a light purple dress.

Pagkakita kay Maya all smile si Richard sabay sabi perfect. Bagay na bagay sa iyo at lalo lumutang ang ganda mo sa dress na yan.

Talaga?

Yes. You look like a young lady in that dress.

So ito na kukunin ko?

Yes.

Ok. Nasiyahan si Maya sa ginawang papuri sa kanya n Richard. Sa ginawa ni Maya pagtatanong kay Richard kung ano ang babagay sa kanya damit. Wala siyang nakitang ni katiting na ito ay may pusong babae. Ang nakikita niya sa mga mata nito ay paghanga at hindi ka baklaan.

Hay paano ko kaya malalaman ang totoo.

Paglabas ni Maya.

Wait lang ha. Magbabayad lang ako sa cashier.

Huag na bayad na.

Ha?

Binayaran ko na.

Pero bakit?

Call it as my advance birthday gift ko sa yo.

Ganun? Nakakahiya naman sa yo.

Wala iyon. What friends are for?

Anyway, thank you. Sabay halik sa pisngi nito.

What’s that for?

My way of saying thank you.

Ma’am, eto na po iyon dress ninyo. Ang suerte naman po ninyo sa boyfriend ninyo. Ang bait-bait niya at halatang mahal na mahal kayo.

Ha? Naku hindi….

Pero sumingit si Richard…

Well, pag ganyan kaganda ang girlfriend mo talaga naman mamahalin mo di ba? Thank you. Halika na honey.

Giniya na ni Richard si Maya palabas ng department store. Noon makalayo sila sa ladies section.

Bakit mo sinabi iyon sa sales lady at cashier.

Kasi nakakainis sila. Panay ang pa cute alam na nga nila may kasama na ako babae. Nagpapa cute pa.

Eto naman, naguguwapuhan lang sila sa yo. Ayaw mo noon, madaming humahanga sa yo.

Ok lang naman iyon eh. Hindi naman talaga maiiwasan ang mga babaeng humanga sa kaguwapuhan ko.

Hindi ka rin mayabang ano?

Ayoko lang ng mga babaeng flirt at liberated.

Bakit ano ba ang gusto mo sa babae?

Iyon mga simpleng babae lang. Hindi iyon flirt o liberated.

Ah…pihikan ka nga sa babae. Kaso meron pa bang mga ganyan uri ng babae?

Gustong-gustong ni Richard na sumagot na oo ikaw.

Meron pa naman. Iyon babaeng gusto ko, ganun siya, isa siyang simpleng babae. Oo moderna na siya. Pero alam mo na simple pa rin siya.

Talaga?

Oo. Halika kain muna tayo. Gutom na ako. Saan mo gusto kumain.

Kahit saan. Ikaw na ang bahala. Sagot ni Maya.

Sa Cafe Elysee gusto mo?

Sige ok lang. Pero ako na ang magbabayad ha. Ikaw na ang nagbayad ng dress ko.

No. I won’t allow it.

Pero Richard….

No buts Maya.

Don’t worry may pera ako. Kakakuha ko lang ng sahod ko doon sa work na ginawa ko sa kuya ni James.

Ah iyon pagiging undercover ninyo magkakaibigan.

Yap.

Sigurado ka ha.

Oo naman.

Tara na sa Cafe Elysee. Muling umabresyete si Maya kay Richard.

Pagpasok nila sa Cafe Elysee, napansin ni Maya na meron sila mga schoolmate na kumain din. Hindi nagpahalata si Maya na napansin niya ang mga ito. Nagulat ang mga ito na nakita silang magkasama. Iisipin nilang nagde-date silang dalawa.

After this saan mo gusto pa pumunta?

Ikaw meron ka ba ma i-sa-suggest?

Ok lang ba kung manood tayo ng movie?

Anong movie?

Diehard ni Bruce Willis.

Sige ok lang. Pero magpapa-alam muna ako kina Mama ha.

Sige umuwi muna tayo sa inyo. Tutal malapit lang naman tayo eh.

Huwag na. Humanap na lang tayo ng public phone at tatawag ako.

Sigurado ka?

Oo naman.

Thank you.

Oh bakit ka nagpapasalamat sa akin? Ako nga dapat magpasalamat sa yo. Kasi sinamahan mo ako. Sa pag shopping ko. Tapos ikaw pa nagbayad ng damit ko at nilibre pa ako ng snacks.

Its my honor. Masaya ako sa ginagawa ko.

Ngumiti na lang si Maya. Tara tumawag na tayo sa bahay. Muling umabresyete si Maya kay Richard.

Masaya silang umalis sa Cafe Elysee….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s