Ang Misyon ni Maya – 05

Ang Misyon ni Maya

Chapter 5

Dumating ang araw ng Biyernes excited ang lahat sa pagpunta sa bahay nina Maya. Sa tambayan ang usapan nilang magkikita kita upang sabay sabay na silang pupunta kina Maya.

Sumabay na lang si Maya kina Raffi at Charlie. Hindi na siya nagpa sundo. Lahat naman kasi may sasakyan dala except for Raffi and Maya.

Kumpleto na ba tayong lahat? Tanong ni Maya.

Wala pa si Rome eh. Sagot ni Yna.

Pare si Rome? Tanong ni Simon kay Richard.

Susunduin ko pa lang siya sa school nila. Tatanungin ko lang kung ano address nina Maya sa Dasmarinas Village.

Ah ok. Sige sunod na lang kayo ni Rome. 1153 Tamarind Road ang address namin.

Ok got it. Thanks.

Hihintayin namin kayo sa bahay ha.

Oo pupunta kami.

May himala….bati na sila. Puna ni James.

Sira. Ngayon may girlfriend na siya. Eh di ligtas na si bestie ko sa kanya. Kaya hindi ko na siya aawayin.

Paano pare aalis na kami ha. Sunod ka ha. Sabi ni Charlie.

Oo susunod kami. Bye.

Beep…beep…beep

Nasa pintuan ng bahay nina Maya ang parents niya noon dumating silang magkakaibigan. Noon naka baba na ang lahat ipinakilala ni Maya ang bawat isa sa magulang niya.

Nice meeting you all. Feel at home. Ituring ninyo pangalawang tahanan itong bahay namin.

Salamat po. Sabay sabay sabi ng mga kaibigan ni Maya.

Ma, Pa…aalis kayo?

Oo nalimutan mo ba ngayon ang punta namin sa bahay ng Ate Cristina at Kuya Jeff mo? Susunduin namin ang kapatid mo at pamangkin mo. Dito muna sila titigil. Kasi malapit na manganak ang ate mo.

Ay oo nga pala. Doon po kayo matutulog ngayon?

Oo. Si Aaron muna ang makaka sama mo dito sa bahay.

Ok po.

Tita, Tito mag sleepmover din po ako dito. Kaya may bantay sina Maya at Aaron.

Naku kahit wala bantay na ang dalawang yan. Pero sige para naman makapag bonding kayo lalo. Sagot ng ama ni Maya.

Tahnks po tito.

Thanks Pa. Don’t worry I will be fine. Sige na po at malayo pa ang Ayala Alabang.

Sinabi mo pa. Kaya nga sabi ko kay Jeff ay dito muna sa bahay ang mag-ina niya. Para kung ano man ang mangyari ay malapit tayo sa Makati Medical Center.Sabi ng ina ni Maya.

Mabuti naman kung ganun. Sige po. Guys hatid ko lang sila sa car. Pasok na kayo sa bahay.

Maya, bakit ba gusto mo na agad kami umalis. Sabi ng Mama ni Maya noon papunta na sila sa kotse ng mga ito.

Kasi po Ma, sabi ko sa kanila sabay tingin muna sa magkabilang side at baka may nakikinig sa kanila.

Ano?

Sabi ko po sa kanila na boyfriend ko si Kuya Aaron.

Bakit?

Ayaw ko pa paligaw kasi.

Ayaw paligaw o wala ka pa napupusuan o hindi ka pa ulit handa?

Parang ganun na nga po Pa.

Oh siya pumasok ka na doon at hinihintay ka na nila.

Ok po.

Beep beep…

Oh may dumating pa.

Pagkabukas ng gate. Pumasok ang 2 kotse isang Lancer at isang honda. Bumaba iyon sakay ng Lancer ay ganun na lang ang paghigit ng hininga ni Maya. Si Richard ang bumaba at napa guapo nito sa kasoutan na kupas na maong, top sider at white t-shirt na halos kumapit sa katawan niya.

Natulala siya.

Maya anak. Natuklaw ka ba diyan ng ahas. Peri infairness ang guapo niya ha. Type mo.ano?

Ma ano ka ba baka marinig ka. Nakakahiya.

Naglalakad na palapit sa kanila si Richard.

Maganda hapon po.

Hi Maya.

H-hi ..Ano ba bakit ba ako nautal. Asar.

Ma, Pa si Richard po. Kaibigan po din namin.

Nice meeting you po.

Nice meeting you rin iho. Pasok nasa loob na silang lahat.

Asan si Rome?

Hindi siya pupuede eh. May lakad sila ng parents niya.

Ay sayang naman.

Hi tita, tito. Hi babe…Pare…

Oh Aaron. Mabuti at nandito ka na. Dito ka na matulog samahan mo si Maya.

Sure po. No problem. Saan po kayo pupunta?

Sa Ayala Alabang kina Cristina at Jeff. Susunduin namin si Cristina dahil malapit na siya manganak.

Ay oo nga pala malapit na manganak si Ate Cris. Sige po, ako na bahala dito sa babe ko. Sabay akbay kay Maya.

Ok. I give you 100% trust young man. Sabi ng papa ni Maya.

Don’t worry tito, hindi ko sisirain ang tiwala ninyo sa akin.

Good. Siya pumasok na kayo sa loob.

Pumasok na sina Maya sa loob ng bahay nila. Nadatnan nila an mga ito nagkakatuwaan.

Eto na pala si Maya. Uy kasama na niya sina Richard at Aaron.

Asan si Rome? Tanong ni Raffi.

May lakad daw kasama ang parents niya.

Ay ganun sayang naman. Sabi ni Lisa.

Sandali lang ha.

Umalis sandali si Maya at pagbalik may dala na itong cookies.

Eto mag cookies muna kayo at juice. Magluluto lang ako ng bake macaroni. Ako ang nag bake niyan chocolate crinkles.

Talaga? Patikm nga. Uy masarap siya ha. Sabi ni Yna.

Marunong ka magluto? Si Lisa naman.

Yap. Cooking is my hobby. Tinuruan kami ni Mama magluto. Tungkulin daw kasi natin mga babae ang ipagluto ang ating mapapangasawa.

Kaya nga super love ko ito. Kasi ang sarap niya magluto. Lagi niya ako pinagluluto noon nasa States pa kami.

Bolero….siya diyan muna kayo. Bestie, babe kayo muna bahala sa kanila ha. Mag sing-along muna kayo sa entertainment room. Madami doon minus one tapes.

Uy gusto ko yan sing -along. Sabi ni James. Tara na sa entertainment room. Saan ba iyon.

Dito halika kayo. Sabi ni Aaron.

Nasa entertainment room na sila noon nilapitan ni Aaron si Richard na nasa isang parte ng entertainment room malayo sa mga kaibigan niya.

Pare kanina ka pa tahimik. Malungkot ka ba kasi wala si Rome mo? Naiinggit ka sa kanila?

Hindi naman. Eh bakit parang ang layo-layo nang iniisip mo.

Matagal na ba kayo dalawa?

Ni Maya? Oo naman. Super tagal na. Why?

Kaya pala ganun na lang tiwala ng parents ni Maya sa iyo. Dito ka pa pinatutulog para samahan si Maya.

Yeah.

Nakakatawa nga ito si Raffi. Akala ko si Maya lang ang protective iyon pala siya din protective kay Maya.

Bakit mo naman nasabi.

Naikuwento sa akin ni Charlie na nag-offer si Raffi mag sleep over para sasamahan daw kayo ni Maya.

Oo ganyan nga ang dalawang yan. Protective sa bawat isa.

Ah pare meron sana ako itatanong sa iyo ha. Kung ok lang.

Sure ano ba iyon?

May gusto ka ba talaga kay Raffi tulad ng inaakala ni Maya?

Tsk. Wala talaga ako gusto kay Raffi. Kaibigan lang turing ko sa kanya. Close lang talaga kami. Masaya ako sa kanila ni Charlie. Wala pa si Maya sa Philippines close na kami ni Raffi pero gang doon lang.

I see. Pero bakit ganun lagi ang iniisip ni Maya. Sabi niya panay daw ang pagpapa cute mo kay Raffi.

Hindi ako kay Raffi nagpapa-cute.

Ha? Kanino?

Sa girlfriend mo.

Ano? May gusto ka kay Maya?

Ssshh. Sorry pare hindi ko naman alam dati na may boyfriend siya. Noon nakita lang kita, noon ko lang nalaman na taken na pala siya. Don,t worry pare hindi ako threat sa relasyon ninyo ni Maya.

Hahaha. Kaya ba niligawan mo si Rome?

Si Rome?

Oo. Sabi ni Maya girlfriend mo siya.

Hindi ko girlfriend si Rome. She is my niece anak siya ng bunso kapatid ng mom ko.

Ganun ba? Can I tell you a secret?

Sure.

Kung gusto mo si Maya. Bakit di mo siya ligawan?

Ha?

Sabi ko bakit di mo ligawan si Maya.

Pagkaharap ko na kasi si Maya. Nalilimutan ko ang sasabihin ko. Umuurong ang dila ko. Tulad noon sportfest, dapat siya talaga ang kukunin ko muse kaso iba iyon lumabas sa bibig ko.

Alam mo ba galit na galit si Maya noon, ginawa mo daw siyang second choice noon.

Nabatukan nga ako ni Charlie noon eh. Kasi super practice na ako ang sasabihin ko. Kaso noon nakaharap ko na si Maya, nawala na ako.

Pare hindi ko alam na may pagka torpe ka pala. Hahaha.

Kakahiya man aminin. Oo pare pag dating kay Maya na totorpe ako eh. Ang lakas kasi ng dating niya eh. Teka di ba kayo ni Maya, bakit mo siya pinaliligawan sa akin?

Maya and I are not lovers. Like what you all think. Drama lang namin iyon dalawa kasi ayaw pa ni Maya magpaligaw at naiinis siya sa yo. When you accuse her na lesbian siya.

Biro ko lang iyon sa kanya. Kung hindi kayo dalawa. Mag-ano kayo?

First cousins. Tulad ninyo ni Rome, ganun din kami ni Maya sa isa’t-isa.

Pero you kiss her sa lips once.

Smack lang iyon. At saka kung maging kayo hindi rin kaw ang first kiss niya. Iyon first boyfriend niya sa States.

Ano nagyari sa kanila?

Si Steve? Patay na siya. Naaksidente. Kaya nga inuwi sila dito para kahit papaano makalimot si Maya eh.

I see. Salamat pare ha. Tara na join tayo sa kanila.

Mabuti pa nga.

Ano kamusta naman ang kuwentuhan ninyo dalawa? Tanong ni Charlie.

Seryoso ang pinag uusapan ninyo ah. Sabi ni Simon.

Ano ba yan kinakanta ninyo? Pag-iiba ni Richard.

Kung ano-ano na lang. Sagot ni Charlie.

Patingin nga ng mga minus one.

Habang tumigingin si Richard ng minus one. Siya naman pasok ni Maya sa entertainment room.

Eto na ang luto na ang “baked mac”. Puede na kayo kumain. Babe, halika kumain ka na. Paborito mo ito di ba?

Thanks babe…

Tara tikman na natin ang ipinagmamalaki nitong si Maya. Sabi ni James.

Habang nagkakagulo sa pagkuha ng baked mac ang magkakaibigan. Si Richard nagsalang ng cassette tape

(A/N di pa uso ang CD noon, 1988 pa yan setting natin. CD kasi 90’s na lumabas.🙂 ).

Nagulat ang lahat noon bigla pumailang ang boses ni Richard.

Natahimik at nakinig ang lahat habang kumakanta si Richard.

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana’y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, ako ma’y naguguluhan

Ang ganda ng boses ni Richard noh? Sabi ni Aaron kay Maya. Hindi kaya para sa yo ang kinakanta niya.

Heh. Manahimik ka nga diyan. Bakit naman niya ako kakantahan, aber? Remember meron na siyang Rome at hangga ngayon may gusto pa rin siya kay Raffi.

‘Di ka masisi na ako ay pagtak’han
‘Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad

Sinabi na niya sa yo na girlfriend niya si Rome?

Hindi.

CHORUS
Ahh, minahal kita agad
Ahh, minahal kita agad
Ipagpatawad mo, ohh

AD LIB
Woh woh hoh
(Ooh) Woh woh woh oh

Paano mo nasabi na girlfriend niya si Rome. Hindi naman pala niya sinabi sa yo.

Hula ko lang.

BRIDGE
Minahal kita (ahh)
Kay tagal-tagal (ahh)
Sana nama’y ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito’y totoo

Alam mo bagay kayo ni Richard pag niligawan ka niya sagutin mo ha. Boto ako sa kanya.

Nasamid si Maya. Ubo…ubo.. Ano ba yan pinagsasabi mo. Ok ka lang?

CHORUS
(Ipagpatawad mo) Hah, minahal kita agad
(Ipagpatawad mo) Hah, minahal kita agad
(Ipagpatawad mo) Hah, woh woh woh
(Ipagpatawad mo) Ipagpatawad mo, ipagpatawad mo, hoh
(Minahal kita agad, ipagpatwad mo) woh

Kita mo nga sa yo nakatingin si Rihcard habang kinakanta niya ang “Ipagpatawad Mo”.

Alam mo hindi ko alam kung bakit mo ako binubuyo magka boyfriend ulit. Nasa puso ko pa rin si Steve noh.

It’s time to move on my dear.

I know kuya. Pero ….

Ssshhh huag ka iiyak. Baka sabihin nila kung ina-ano kita diyan.

(Ipagpatawad mo) ohh woh eaa
(Ipagpatawad mo) eaa
(Ipagpatawad mo) hahh
(Ipagpatawad mo)
[Fading]

Nagpalakpakan ang lahat noon matapos kumanta ni Richard.

Wow, pare ang ganda ng boses mo. Meron ka palang tinatago talento eh. Sabi ni Aaron.

Salamat.

Chard ganda ng pagkakanta mo parang may inspirasyon ka ah. Biro ni Charlie sa kanya.

Natawa na lang si Richard.

Halika na pare kumain ka na dito. Samahan mo muna dito si Maya. Sabi ni Aaron.

Bakit saan ka pupunta?

Bibili lang ako ng ice cream at cake para may dessert tayo mamayang dinner. Sagot ni Aaron.

Maya kaw ulit magluluto ng dinner natin? Tanong ni Yna.

Hindi si Manang na ang magluluto.

Akala ko kaw ulit.

Next time ipagluluto ko kayo ng dinner. Sa birthday ko.

Masarap nga itong baked mac mo. Sabi ni Richard.

Talaga? Walang halong biro?

Oo naman.

Salamat kung ganoon.

Sayang wala si Rome.

Ok lang. Hindi mo na mi-miss ang girlfriend mo?

Correction ko hindi ko girlfriend si Rome.

Hindi mo girlfriend si Rome? Sabi niya special friend ka niya. Tapos hindi mo naman siya kinorek.

Bakit selos ka?

Ako magseselos bakit naman? Kung ganun pala hindi pa rin ligtas si bestie sa yo?

Masama na naman ang tingin ni Maya kay Richard. Sasaot pa sana si Richard kaso bigla ito tinanong ni Yna.

Maya, kelan pala ang birthday mo?

Next month September 14.

Debut mo? Si Lisa

Hindi ah 17th pa lang ako sa birthday ko.

17th ka lang bakit ganun? Si Lisa ulit.

Anong bakit ganun?

Kasi di ba sa US 18 y/o saka pa lang gra-graduate ng high school? Sabi ni Lisa.

Ah iyon ba? Kung nasa States pa ako, dapat Junior High palang ako. Kaso noon nag decide kami bunalik dito kumuha ako ng exam sa DECS. Nakapasa ako kaya ayon naka pasok ako ng college.

I see. Ang galing mo naman. Si Yna.

Magaling talaga yan si bestfriend. Kahit noon elementary kami. Lagi yan nasa honor roll.

Hus nagsalita ang hindi nasa honor roll.

Nagkatawanan ang lahat.

Teka kelan pala ang game ninyo? Tanong ni Maya.

Next Friday pa. Sagot ni Charlie. Manood kayo ha.

Syempre naman.

——-

Oras na ng uwian.

Thank you sa pag punta dito sa bahay.

Maya papasyal ulit kami ha at mag sleep over kami. Grabe ang sarap ng pagkain. Sobrang busog ako. Sabi n James.

Oo nga Maya super sarap ang pagkain. Sabi rin ni Simon.

Buti naman nabusog kayo. Sure puedeng puede kayo mag sleep over dito sa bahay.

Bye Maya….sabi ni Richard.

Bye……

Noon naka-alis na ang mga bisita. Nakatingin lang si Raffi kina Maya at Aaron.

Bestie bakit ganyan ka makatingin sa amin. Para meron kami kasalanan sa iyo ah.

Meron nga. Hindi lang ako nagsasalita pero unang kita ko palang dito sa boyfriend mo. Alam ko na meron iba eh.

Anong meron iba pinagsasabi mo?

Kilala ko siya.

Syempre pinakilala ko siya sa iyo eh.

Hay naku Maya, huag na nga tayo magtago dito sa bestfriend mo. Para naman hindi mo kilala ito si Raffi. Diaper days pa lang magkasama na kayo dalawa.

Raffi wala akong hug. Binigyan ni Aaron ng isang ngiti si Raffi na alam na alam niya hindi nito malilimutan.

Kuya Roy? Sabi ko na nga ba eh. Ikaw yan eh. Grabe mas gumuwapo ka ngayon. Ikaw pa rin ang ultimate crush ko. Sabay akap dito.

Ows meron ka na nga boyfriend eh. Crush mo pa rin ako.

Bestie, huag ka maingay sa tropa ha….

Bakit mo naman naisipan gawin boyfriend si Kuya Roy?

Matagal na namin gawain iyon ni Maya kahit nasa States pa kami.

Akala ko siya iyon boyfriend mo lagi mo sinasabi sa akin pag naguusap tayo sa phone.

Si Steve iyon,

Kamusta na kayo ni Steve?

Wala na kami. Kaya nga ako umuwi dito eh.

Bakit pinagpalt ka niya sa iba? Tarantado pala iyon eh.

Hindi ganun Raffi . Steve is died. Naaksidente siya. Susunduin niya si Maya noon nabagka ng truck ang kotse niya.

Oh no! I’m sorry bestfriend.

Ok lang. Tanggap ko na iyon.

So bakit nga kayo nagpanggap na mag boyfriend kayo?

Ayoko pa kasi magpaligaw ulit at naiinis ako kay Richard noon sabihan niya ako na lesbian ako.

Hay naku, masanay ka na kay Richard. Alaskador lang iyon.

Basta….

Hay naku ikaw talaga…

Ako ay matutulog na. Maiwan ko na kayo dalawa bestie at kuya. Alam ko marami kayo dapat pagkuwentuhan.

Ok…good night bestie.

Goognight babe….

Goodnight you two.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s