Ang Mishon ni Maya – 07

Last update for the day…..bukas ng gabi ulit. Sleep na muna ako. Ok na ako sa trending ng result ng elections.

Ang Misyon ni Maya

Chapter 7

Simula noon impromtu date nina Maya at Richard. Hindi na sila mapaghiwalay. Si Richard na ang opisyal na tiga hatid at sundo ni Maya papasok sa school.

Ito na ang nag volunteer na mag sundo at mag hatid kay Maya sa magulang ni Maya. Malapit lang naman daw ang San Lorenzo Village sa Dasmariñas Village. Kaya hindi hassle.

Kaya ayun mas lalo pa napalapit sa isa’t-isa sina Maya at Richard.

Minsan sa tambayan kumpleto ang magkakaibigan.

Kayo nga dalawa umamin sa amin. Kayo na ba? Tanong ni Raffi.

Bakit porke ba close na kami ni Chard at hindi na nag-aaway. Kami na agad? Magkaibigan lang kami. Close friend. Iyon lang iyon. Sagot ni Maya.

Iba kasi ang pakiramdam ko eh. Iba kasi iyon mga kilos ninyo dalawa eh.

Raffi, bestie…kelan ba ako naglihim sa yo. Wala talaga kami relasyon ni Chard.

Totoo iyon Raffi. Magkaibigan lang kami ni Maya. Saka di ba meron na siyang Aaron. Kaya paano ko naman siya popormahan.

Sabagay. Sabay ngiti ni Raffi ng nakakaloko.

Teka Maya 3 weeks na lang birthday party mo na. Sino escort mo? Tanong ni Lisa.

Si Chard syempre.

Si Richard ang escort mo. Tapos sasabihin mo wala kayo relasyon? Si Yna.

Bakit porke escort ko si Chard dapat may relasyon na kami? Kayo talaga. Papayag ba kayo girls na yan mga boyfriend ninyo ang gagawin ko escort? Kaw bestie ipapahihiram mo ba sa akin si Charlie? Di ba hindi?

Si Aaron…sabi ni Lisa.

Pero wala si Aaron dito at hindi iyon makaka-uwi usually exam week ang birthday ko sa States. Kaya imposible iyon maka uwi.

Teka bakit ba parang ayaw ninyo ako maging escort ni Maya ha. Nakakasama kayo ng loob ah. Mga kaibigan ko ba kayo?

Wow ang drama mo tol. Sabi ni Charlie.

Nagkatawanan silang lahat.

Guys, mauna ako sa inyo. Meron pa ako project na gagawin with my classmates. Sabi ni Maya.

Harid na kita. Sabi ni Richard.

Huag na. Baka kung ano pa isipin ng mga yan sa atin.

Hayaan mo na nga sila. Inggit lang ang mga yan.

Kami pa ang maiingit eh mga taken na kaming lahat. Ikaw na lang ang hindi kasi kahit si Maya taken na rin.

Ok lang iyon mga ‘tol. Hind naman ako insecure eh.

Umalis na nga iyon dalawa.

Sa palagay ninyo nanliligaw na itong manok natin kay Maya? Tanong ni Charlie.

Ewan ko, ang alam ko si Maya ang lumapit sa kay Richard. Sabi ni Raffi. Nagulat nga ako noon kinuwento sa akin ni Maya lumabas sila ni Richard at nagkabati na silang dalawa.

Ang napansin ko lang nagsimula iyon closeness nila noon pumutok iyon balita about Chard’s gender preference. Sabi naman ni Lisa.

Hindi kaya naaawa lang si Maya kay Richard. Since walang na involve kay Richard. Siya na ang kusa lumapit dito para na rin ito protektahan sa mga tao nais siya sirain. Iniisip niya sa ganun man paraan makabawi siya sa mga ginawa niya kay Chard. Sabi naman ni Yna.

May punto ka diyan sweetheart. Sabi naman ni James.

Pero ang tanong hangga ngayon ay sino ba talaga ang may pakana nagpagpapakalat ng picture ni Richard na may kahalikan bading, at iyon sa gay bar. Isa lang ibig sabihin noon may schoolmate tayo nagpupunta sa gay bar na iyon. Guys hindi kaya it’s time na kumilos na tayo para malaman natin kung sino ang may gawa nito. Sabi ni James.

You mean mag undercover agent ulit tayo? Tanong ni Charlie,

Kung kinakailangan para malinis natin ang reputasyon ng kaibigan natin. Sagot ni James.

Pero teka si Richard ba talaga iyon nasa gay bar at naka damit pang-babae? Tanon naman ni Yna.

Nakatinginan ang magkakaibigan. Saka nagsalita si James. I guess it’s time ipaalam na natin sa kanila ang ating sekreto.

Girls, alam ninyo na we do undercover agent for kuya’s business. At ang pagiging cross dresser ay isa sa aming disguise.

What do you mean na cross dresser?

Cross dresser means we dress up in girls custome. Para masubaybayan namin kung sino naman iyon pinasusubay-bayan sa amin ni Kuya,

So kaya naka pang damit pambabae si Chard at nasa gay bar siya ay dahil meron siyang trabaho noon as undercover agent? Sabi ni Yna.

Yap. May kumunsulta kasi sa serbisyo ni kuya. Meron pina subaybayan isang gay na pusher. It so happen si Chard lang ang puede that time na magpanggap na gay. Sabi ni James.

Kaya siya ang andun sa gay bar noon meron nakakita sa kanya. Sabi naman ni Lisa.

Tama. Kaya ngayon kami naman ang magtratrabaho para malaman kung sino ang may kakagawan ng gulong ito. Sabi naman ni Simon.

Sama kami. Sabi ng mga girls.

Huag na baka makagulo pa kayo. Kami na lang. Makibalita na lang kayo ng tsismis. Si Charlie.

Ano palagay mo sa amin mga tsismosa? Si Raffi.

Hindi naman sa ganun sweetie. Ayaw lang namin kayo mapahamak. Love you.

Sige na nga. Love you too.

———-

Natanaw ni Maya si Richard na may kausap na babae. Sino kaya ang kausap niyang babae. Parang enjoy na enjoy siya ah at ang ganda ng girl. Simple lang pero litaw ang ganda niya,

May usapan silang magkikita. Kaso sa nakita niya mukhang nalimutan na nito ang usapan nila kaya umalis na lang siya.

Pero napansin siya ni Richard. Kaya dali-dali ito nagpaalam sa kausap niya.

Maya…wait. Saan ka pupunta.

Pero hindi tumigil sa paglalakad si Maya. Napilitan tuloy tumakbo si Richard para mahabol si Maya.

Bahala ka diyan. May nakita lang babae nalimutan na ang usapan namin. Hmp! Kakainis.

Hey, ano problema mo.

Wala….bakit iniwan mo iyon kausap mo. Nakakahiya naman sa kanya.

Uy selos siya..

Excuse me. Bakit naman ako magseselos. Sino ka ba magkaibigan lang naman tayo di ba?

Oo magkaibigan lang tayo. Malungkot na sabi ni Richard.

Sige na bumalik ka na doon sa kausap mo. Kaya ko mag isa.

No, tayo ang may usapan kaya tayo dalawa ang dapat magkasama.

Hindi na umimik si Maya. Kasi sa tono ng pananalit ni Richard. Alam niya na hindi niya ito mapipilit na umalis sa tabi niya.

Sa bagay na iyon napangiti siya. Siya ang pinaboran kesa sa babaeng kausap nito kanina. Oh no! Mali ito nararamdaman ko sa kanya. Hindi ito dapat mangyari. All I need is to know his gender preference. Hindi dapat mahulog ang loob konsa kanya.

Nasa kotse na sila. Wala pa rin silang imikan. Pero si Richard ang unang bumasag ng katahimikan nilang dalawa.

Come on spill it.

Ha?

Alam ko kating-kati ka na magtanong.

Ako may itatanng sa yo? Wala ako maisip…

Talaga lang ha….

Nangingiti na si Richard. Hindi ako galit sige na magtanong ka na.

Bakit pa ang kulit mo. Wala nga ako itatanong sa yo.

Ok fine. Sige mas mahirap yan pag hindi mo ilalabas. Baka maging mabahong hangin yan lalabas sa puwet mo.

Ang bastos mo. Huminga siya ng malalim. Bago nag salita. Ok..”sino siya?”

Sino?

Ok fne huag na lang.

Hindi naman ito mabiro….So hindi mo talaga nakilala iyon kausap ko kanina ha.

Bakit ko naman siya makikilala?

Kilala ka niya eh.

Ako kilala niya?

Oo.

Bakit sino ba siya?

Si Rome?

Si Rome iyon?

Oo. Kaya nga kita tinatawag eh. Kasi gusto ka niya maka-usap.

Oh no. Nakakhiya.

Ikaw kasi inuna mo pa yan pagseselos mo.

Pinalo niya ito, hoy ang kapal mo. Hindi ako nagseselos. Umiwas lang ako kasi ayoko maka-istorbo sa yong dalawa.

Eh bakit noon tinatawag kita hindi mo ako pinapansin.

Kasi nga ayaw ko pagselosan ako noon girl na kausap mo kanina. Na malay ko ba si Rome pala.

Hahaha. Buking na ayaw pa umamin. Ikaw ata ang nagseselos eh.

Wala nga ako aaminin. Richard Lim malapit na ako mapikon. Hindi nga ako nagseselos. Baka gusto mo bawiin ko ang pagiging escort mo sa akin next week.

Ok suko na ako. Tatahimik na ako. Saan ba tayo?

Sa bahay ihatid mo na lang ako. Nawala na ako sa mood mag shopping eh.

Sorry na. Sige na bati na tayo.

Oo na.

Sinasagot mo na ako?

Bakit naman kita sasagutin eh hindi ka naman nanliligaw?

Kung manliligaw ba ako may pag-asa ako sa iyo….

Wala…

Wala?

Oo kasi may boyfriend na ako. Si Aaron

Kung wala ka boyfriend, may pag-asa ba ako?

Wala pa rin?

Bakit na naman?

Kasi baka mag hiraman tayo ng lipstick eh.

What???Sabay tingin dito.

Nakita ni Richard na nakangiti siya Maya.

You are laughing at me ha. Hindi ako bading no.

Wala naman ako sinasabi ah. Ikaw ang nagsabi. Pero natawa pa rin si Maya.

Huminto si Richard sa pag dri-drive at humarap kay Maya.

I said hindi ako bading. Sabay halik sa mga lips ni Maya.

Saglit lang iyon halik ni Richard kay Maya. Pero sa pakiramdam ni Maya ay daan-daan boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan niya.

Natahimik si Maya.

Samantala ngiti-ngiti si Richard. Naka-isa kasi siya eh. Halik ko lang pala ang magpapatahimik sa yo eh.

Why did you do that.

To prove to you that I’m not gay.

Kissing me doesn’t prove that you are not really gay.

Gusto mo lang ata mahalikan ko ulit eh. Bakit bitin ka ba?

The nerve.

Masarap ba ako humalik?

Hindi. Halik bading eh.

Isa pa at hahalikan ulit kita diyan.

Fine tatahimik na ako. Sige bati na tayo. Bukas na lang tayo mag shopping.

Sigurado ka?

Oo.

Ok you’re the boss.

Here we are.

Baba ka muna.

Huag na. Bukas na lang diyan ako mag di-dinner.

Okay. Bye Rica. Sabay takbo paloob ng gate.

Anong Rica? Lagot ka sa akin bukas.

——-

Bago matulog tinawagan ni Maya si Raffi at tumili ng bonggang bongga sa telepono. Buti na lang at naka sound proof ang mga kuarto niya. Kung hindi tiyak na nabulabog niya ang nagpapahinga niyang magulang,

Bestfriend, tanggal tutuli ko sa lakas ng sigaw mo. Pakiramdam ko basag din ang eardrum ko,

Sorry naman bestie. Excited lang ako.

Bakit ka ba tumili…

Bestie, huag ka maingay sa tropa ha….

Bakit?

Hinalikan ako ni Richard sa lips.

Ano???Sigaw naman ni Raffi.

Aray ko naman. Ang sakit noon sigaw mo ha.

Kasi naman binigla mo ako.

Ano naman kabigla-bigla doon?

Sabi mo hinalikan ka ni Richard. Ibig sabihin noon kayo na?

Hindi no. Hindi kami. Hinalikan niya ako kasi sinabihan ko siya bading.

Sira ka talaga.

Ok lang nahalikan naman niya ako.

Magtapat ka nga sa akin. Crush mo si Richard noh?

Ha eh…

Umamin ka.

Oo na matagal na. Kaya nga ako naiinis sa kanya dati kasi pakiramdam ko hindi niya ako napapansin kasi sa iyo lang ang mga mata niya,

Sabi ko na nga ba eh. Hindi na lang ako nagsalita. Kaya pati si Kuya Roy dinamay mo pa,

Ay hi di kaya, si Kuya kaya ang nagsimula noon.

Siya nga pero hinayaan mo instead na itama.

Hayaan mo na iyon.

Anong hayaan. Paano ka liligawan ni Richard kung alam niya boyfriend niya mo si Aaron.

Hindi ko naman alam kung liligawan niya ako eh. Ang layo kaya sa akin iyon tipo niyang babae.

Bakit ano ba ang tipo babae ni Richard?

Simpleng babae lang ang gusto niya. Hindi naman ako ganun eh. Pero sabi niya sasabihin niya sa akin iyon gusto niya girl sa birthday ko. Sa birthday ko na rin aaminin ang tungkol kay Aaron.

Oh no! Bestie baka birthday na birthday ko malunkot ako kasi malalaman ko na kung sino iyon girl na type niya.

Puede ba huag ka muna mag jump sa conclussion. Malay mo naman positive ang result. Hindi mo masabi, malay mo ikaw pala iyon tinutukoy niya,

Bestfriend nga kita dahil pinalalakas mo ang loob ko.

Sige na nga matulog na tayo at may pasok pa tayo bukas.

Good night bestie.

Goodnight bestfriend.

Binaba na ni Maya ang phone ng mag ring ulit ito.

Hello…

Hello. Sino iyon kausap mo at busy ang phone mo dyan sa kuarto mo?

Si Raffi. Bakit ka napatawag? Meron ka ba nalimutan sabihin sa akin?

Gusto ko lang ipa-alala sa yo na may utang ka sa kin.

Ako may utang sa yo?

Oo…

Anong utang iyon?

Bukas na lang kita sisingilin.

Ha?

Goodnight. Sweet dreams. Dream of me. Hindi na hinintay ni Richard ang sagot ni Maya at binaba na niya ang telepono.

Ano kaya ang sinasabi noon utang ko sa kanya. Sa kaka-isip, naisip na din niya ang sinasabing utang niya kay Richard. Napa ngiti siya.

Kilig. Sana bukas na.

Pinatay na ni Maya ang lampshade sa kuarto niya at natulog na may ngiti sa mga labi nya,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s