Ang Misyon ni Maya – 04

Ang Misyon ni Maya

Chapter 4

Nagkakatuwaan ang magkakabarkada, noon dumating si Maya.

Naku Maya sayang di ka nakarating noon birthday ni Richard. Ang saya-saya namin.

Oks lang iyon. Mabuti nag enjoy kayo.

Tumawag pa nga sa inyo si Raffi. Pero sabi ni Raffi sabi noon katulong ninyo na wala ka pa daw. Anong oras na iyon mga 10PM na iyon. Si Lisa pa rin.

Ah oo, wala pa nga ako kasi sakto 12:30 na kami naka uwi ni Aaron. Teka asan ang mga boys bakit kayo lang ang nandito? Sagot naman ni Maya.

Meron silang mission ngayon eh.

Mission?

Ay di mo pa nga pala alam. They work as part time undercover agent sa negosyo ng kapatid ni James. Sabi ni Yna.

Bakit ano ba negosyo ng kuya ni James? Tanong ni Maya.

Meron kasi siyang detective agency. So pa minsan minsan kikukuha ni Kuya Edu ang magkakaibigan para sa mga ilan detective work. Si Yna ulet.

Naks kuya na talaga ang tawag. Hehehe. Hind pa delikado iyon? Tanong ulet ni Maya.

Hindi naman kasi magagaan na trabaho lang naman ang binibigay sa kanila ni kuya eh.

Nakasama na ba kayo sa kanila?

Naku hindi pa. Ayaw nila kami pasamahin kahit anong pilit namin.

Ganoon? Sayang naman parang ang saya noon eh.

Para kang si Richard. Sa kanilang apat si Richard ang feel na feel ang part job niya.

Ah…

Teka Maya, Ikaw kelan mo naman ipakikilala sa amin ang boyfriend mo? Si Lisa.

Oo nga naman Maya. Balita ko guapo iyon boyfriend mo eh. Si Yna.

Sino naman ang may sabi?

Si Richard kasi di ba nakilala na niya boyfriend mo? Si Lisa.

Aba marunong pala iyon tumingin ng guapo. Sige pag sinundo niya ako mamaya ipakikilala ko kayo.

Promise yan ha. si Yna.

Oo naman.

Kamusta na pala kayo ni Richard?

Ano naman tanong yan Lisa.

What I mean nga-aaway pa rin ba kayo?

Well, kung di na siya eepal at magpapacute sa bestie ko. Walang away na mangyayari.

Kaw naman, ganun lang talaga si Chard. Sabi ni Yna.

Hindi ganun pakiramdam ko. Alam ko may gusto siya kay Raffi.

Hay naku ikaw talaga paranoid. Uy malapit na ang sporstfest natin. Next week na. Sabi naman ni Raffi.

Kelan ba ang sportfest natin?

Sa August 4 na. Sino kaya muse ng team nina Charlie? Sagot ni Raffi.

Di ba si Charlie ang team captain. Eh di syempre ikaw na ang muse nila. Sabi ko.

Hindi si Charlie ang team captain ngayon taon ito. Si. Richard. Sabi naman ni Yna,

Naku for sure si Raffi pa din ang kukunin noon. Symepre chance na niya.

Baka hindi kasi si Raffi na ang muse last year eh. Bake ikaw ang kunin muse ngayon taon ito Maya. Sabat naman ni Raffi.

Hehehe. Hindi ka nakakatawa bestie. Puede si Lisa o Yna.

Tapos na kami diyan. Sagot ni Lisa.

Hello beautiful ladies. Aba kumpleto kayo ngayon ah. Hi Maya. bati ni Richard.

Hello….

Totoo ba ito nakikita ko? Walang world war mula sa inyo? Biro ni James.

Aray! Bakit ka ba nambabatok Charlie?

Ok na nga eh. Mang-aasar ka pa eh.

Natuwa lang naman ako eh. Sabay kamot sa parte ng ulo binatukan ni Charlie.

Teka ano ba ang pinag-uusapan ninyo bago kami dumating. Tanong ni Simon.

Pinag-uusapan namin ang nalalapit na sportsfest. Kung sino ang kukunin ninyo muse ngayon taon. Sagot ni Raffi sa tanong ni Simon.

Ah. Ewan ko dito kay Team Captain namin si Richard. Sabi ni James.

Si Rome sana kaso di pa siya sumasagot eh. Maya, puede ba ikaw na lang ang muse namin?

Tinaasan ng kilay ni Maya si Richard. Thanks but no Thanks. Kulitin mo na lang iyon Rome. Kung sino naman siya. Tutal siya naman talaga ang choice mo di ba?

Selos ka lang ata kay Rome?

Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako magseselos?

Bakit nga ba?

Hmp! Maka-alis na nga. Ang kapal talaga ng lalaking iyon. Gawin pa ako second choice. Etong ganda kong ito, second choice lang. Manigas ka.

Hi Maya…

Leo….Bakit?

Sabihin mo na. Bulong nagkasama ni Leo.

Maya, kukunin ka sana namin muse para sa sportfest next week.

Sure. No problem.

Talaga? payag ka maging muse namin?

Oo naman….

Naku thank you. Mamaya meron meeting iyin team namin after class sama ka ha.

Sure. Saan ba?

Sa canteen.

Sige dadating ako.

Maya…sigaw ni Richard.

Tumingin si Maya dito bakit?

Bakit sa kanila pumayag ka maging muse nila. Kanina kinuha kita tinangihan mo ako? Kami ang mga kaibigan mo?

Pinamewangan ni Maya si Richard. Sa pagkaka-alam ko meron ka na nakuha muse di ba? So bakit ko pa tatanggapin ang inaalok mo maging muse ninyo? At tsaka hindi pang panakip butas ang beauty ko. Sabay alis…

Napabunga na lang ng hangin si Richard. Habang tinatanaw ang papalayong si Maya. May naramdaman siya umakbay sa kanya…

Pare sablay na naman ang plano mo. Bakit mo kasi siningit pangalan ni Rome. Kahit naman sino di papayag maging 2nd chocie eh. Sabi ni Charlie.

Wala ka na pag -asa pare. Di ba na rehearse na natin ang sasabihin mo kay Maya. Bakit iba iyon sinabi mo? Hopeless ka na pare. Kaya nga nag joke na ako kanina eh. Para mabawasan yan kaba mo sa dibdib eh. Si James naman.

Ewan ko ba mga ‘tol. Pagkakita ko palang sa kanya. Lumipad na iyon dapat ko sabihin sa kanya.

Yan sa ka torpehan mo. Nawalan ka na tuloy ng chance na mapalapit sa kanya.

Problema pa niyan ay kung mapapayag mo si Rome na maging muse ng team natin.

Nandiyan naman mga girlfriends ninyo puede silang tatlo ang maging muse natin.

Charlie, ano ba yan pinag uusapan ninyo diyan?

Tara na tawag na tayo ng mga girls. Sabi ni Charlie.

Goodluck na lang pare.

———

Araw ng sportfest…..

Puno at maiingay ang mga estudyante ang gymnasium. Kanya kanya sila cheer para sa kanilang sinusuportahan team.

Di nag tagal lumabas na ang head ng sports commetee at inumpisahan na ang parada ng mga basketball team. Una lumabas at pumarada sa gymnasium ay ang freshman ng Fine Arts student kung saan si Maya ang muse.

Sigawan at panay ang pag cheer para kay Maya ng mga estudyante. Ang ganda ni Maya. Naka short, jersey shirt at rubber shoes lang. Simple light make up lang. Simple lang siya pero lutang na lutang ang ganda niya.

Habang nagpaparada nahagip ni Maya nanonood si Richard. Nagulat siya sa nakitang reaksyon nito. Naka nganga at nakatulala ito habang titig na titig sa kanya.

Bakit kaya ganun ang tingin ng singkit na iyon sa akin. Nagagandahan din ba siya sa akin. Ah siguro na realize niya di nga ako dapat pang 2nd choice.

May sinasabi ka ba Maya?

Ha? Wala….

Ang ganda ganda mo. Kung wala ka lang boyfriend liligawan kita eh.

Ako liligawan mo?

Oo, wala naman masama di ba?

Oo naman kaso may boyfriend na ako eh. Iba na lang ang ligawan mo. Madami naman diyan na mas maganda pa sa akin.

Sa muling pag-ikot sa gym mga mata ni Jellie ang nakita ni Maya. Ang kaklase niya na alam nila may gusto kay Leo. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Naku nag seselos ata ito sa akin ah.

Akala mo kung sino maganda. Malandi naman, dinig ni Maya sabi ni Jellie . Humanda ka sa akin babae ka.

nagkibit balikat na lang si Maya. Patuloy ang pag ngiti niya gang humnto sila sa puwesto nila. Ibang year naman ang pumarada sa gym gang tinawag na ang achitecture junior basketball team. Ang team nna Richard.

Mas lalo lumakas ang sigawan sa loob ng gym, dahil sa mga nagguguwapuhan players ng Architecture Junior Team. Lumabas na ang mga ito at pumarada. Hindi niya kila ang muse ng mga ito.

Ito siguro si Rome. Ang ganda nga pala niya at ang sweet nila ni singkit. Ano kaya ito ni singkit? Girlfriend siguro….

After 30 minutes natapos na din ang parade ng mga basketball team.

Awarding na kung sino ang best muse.

We have a tie para sa best muse. Sabi ng sports commitee. And the best muse are from Freshman Fine Arts Maya dela Rosa and Architecture Juniors Rome Ledesma. Ladies please come forward. Team Captain please escort your muse.

Nag shakehands sina Maya at Rome

Congrats…

Ikaw din congrats…

Congrats Maya….sabi ni Richard.

Salamat.

Kilala mo siya sweetie? Tanong ni Rome.

Yap. Siya iyon bestfriend ni Raffi na girlfriend ni Charlie.

I see. Nice meeting you Maya. I’m Rome Ledesma. Special friend ni Richard.

Hi. Nice meeting you too.

After ng sportsfest….dali dali nagsilapitan sina Yna, Lisa at Raffi kay Maya.

Bestfriend congrats….Rome congrats din….

Thanks Raffi.

——–

Nasa tambayan muli ang magkakabarkada. Kumpleto silang lahat including Rome. Wala na kasing pasok after ng opening ng sportsfest kanina tanghali. Nagpapalipas muna sila ng oras sa tambayan nila bago magsu-uwian.

Maya blow-out naman diyan. Kantiyaw ng mga boys kay Maya.

Oo nga naman Maya.

Para nanalo lang ng best muse dapat agad mag blow out?

Syempre naman.

Sige sa Friday night punta kayo sa bahay. Magpapahanda ako ng merienda and dinner kay Manang.

Papayag ba ang parents mo?

Oo papayag sina Tito at Tita. Ako ang bahala.

Napatingin sa likod si Maya. Babe….

Yes, it’s me babe. Sabay halik sa pisngi nito. Balita ko ikaw ang nanalo ng best muse. Dapat lang ang ganda-ganda ata ng girlfriend ko.

Ehem…ehem..

Ay oo nga pala..babe mga kaibigan ko..si Raffi, Yna, Lisa, Rome, Charlie, James, Simon at si Richard.

Si Aaron boyfriend ko.

Hi guys, finally na meet ko na din kayo. Si Richard pa lang kasi ang nakikilala ko sa inyo eh. While Raffi, I heard so much about you from Maya. When we were in the states.

Same here Aaron. Panay din ang kuwento ni Maya sa akin about you. Habang sinasabi iyon ni Raffi, titig na titig si Raffi kay Aaron.

Nagulat si Raffi ng bigla may bumulong sa kanya ng “kung nakakatunaw lang ang mga titig mo kanina pa tunaw si Aaron sa mga titig mo and damned it I’m jealous.”

Pagtingin ni Raffi kay Charlie, salubong ang kilay nito at naka-kunot. Napa ngiti si Raffi dito,

May gana ka pa ngumiti ha.

Huag ka na mag selos. Para kasi may kakaiba eh. Para nakita ko na itong si Aaron. Di ko lang matandaan kung saan.

Mga tol mauna kami ni Rome. Ihahatid ko na muna siya sa kanila.

Bye guys…

Rome sa Friday ha, sama ka ha. Richard isama mo siya ha, sabi ni Maya.

Hindi ako nangangako Maya ha. I will try. Sabi ni Rome.

Pagka-alis noon dalawa.

Sino si Rome, girlfriend ni Richard? Tanong ni Maya.

Hindi namin alam. Basta ang pakilala lang niya special friend siya ni Richard eh.

Maganda siya ha. Bagay sila. Meron na pala siyang girlfriend eh bakit nagpapa cute pa siya kay Raffi?

Ikaw lang naman kasi ang ang nagbibigay ng malisya doon eh.

Called it woman’s instinct. Pero iyon talaga ang pakiramdaman ko.

Pasensya na kayo dito sa girlfriend ko. Masyado lang yan talagang protective sa bestfriend niya. Kahit sa States ganyan yan sa mga friends niya. Sabay kindat kay Maya.

Oh-oh ang sweet nila….sabi ni Yna.

Aalis na rin kami. Basta sa Friday sa bahay tayo…..

Tiyak iyon Maya.

Bye guys……

——-

Si Maya iyon special girl na sinasabi mo sa akin?

Yes.

Paano yan may boyfriend na siya at halata sa kilos nila na mahal nila ang isa’t-isa? Kaya walang epekto sa kanya ang pagpapa-sweet ko sa yo. Hindi siya afrected my dear.

Ewan ko. Basta gagawa ako ng paraan….

Nagseselos ka kanina kaya nag aya ka na umalis di ba?

Oo at baka ma-away ko na naman siya para ma pansin niya ako.

Hay kaya nga ayaw ko ma-in-love eh. Pero ang guapo ng boyfriend ni Maya ha. Crush ko siya.

Richard!!!

Bigla napa tapak sa break si Richard.

Bakit ka ba bigla sumigaw? Ma-aaksidente tayo nito eh.

Meron ako naisip na paraan..a brilliant idea.

Ano naman yan? Dapat maganda yan kung hindi malalagot ka sa akin. Isusumbong kita kina Tito at Tita.

Here’s the plan…aakitin ko ang boyfriend ni Maya. Para mag-away sila at i-bre-break siya ni Maya. Tapos kaw aaluin mo naman si Maya kasi bigo siya.

Yan ba ang sinasabi mong brilliant idea? Baka ako mapatay ng di oras nina Tito at Tita. Huag na huag mo gagawin yan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s