Ang Misyon ni Maya – 03

Sorry masyado natagalan ang update busy kasi..

Previously….

Isang balik tanaw sa lovestory nina Richard at Maya noon college days nila..

Ang Misyon ni Maya

Chapter 3

Dahil mag bestfriend sina Maya at Raffi naging parte na rin ng barkada nina Charlie si Maya. Kasama ang mga girlfriend nina James at Simon na sina Yna at Lisa.

Nasa tambayan silang lahat maliban kay Richard at Charlie.

Meron na ba kayo regalo kay Richard? Tanong ni Yna sa kanila. Kung wala pa share-share na lang tayo. Isip na lang tayo kung ano maganda ibigay sa lalaking iyon.

Bakit anong meron? Tanong ni Maya.

Maya, ano bang date sa Friday? Tanong ni Lisa?

July 22. Oh anong meron sa Friday?

Birthday ni Richard sa Friday at may party sa kanila. Kaya pupunta tayo doon para maki-party. Excited na sabi ni Yna ulit. Invited tayo.

Ah….ba kayo na lang ang invited hindi ako makakasama.

Bakit hindi ka ba nasabihan ni Richard? Tanong ni Lisa.

Iyon taong yon magtatangka ako kausapin? Takot lang noon matarayan ko siya.

Hindi ha, sabi sa amin ni Richard ay personal ka niya iimbitahan para sa birthday party niya sa Friday.

Baka sabi lang niya iyon sa inyo. Kasi nga ayaw niya din ako nandun.

Hindi naman ganun iyon kaibigan namin. Pagtatanggol ni James kay Richard.

Pero kahit naman imbitahin niya ako. Hindi rin ako pupuede. Meron ako lakad sa Friday. Pasigla sabi ni Maya upang pag takpan ang lungkot na nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung bakit ganun ang naramdaman niya. To think hindi naman sila close ni Richard.

Kahit pabalat bunga hindi naman lang ako sinabihan. Pangit talaga ugali ng lalaking iyon”. Bulong ni Maya sa sarili.

Meron ka sinasabi Maya? Tanong ni Lisa.

Ha eh…wala sabi ko sayang kasi nagkasabay ang date namin ni Aaron sa birthday ni Richard.

Kuya sana wala ka lakad sa Friday. Bulong muli ni Maya.

Meron ako suggestion. Sabi naman ni James.

Ano iyon sabay-sabay na tanong nina Yna, Raffi, Lisa at Simon.

Bakit hindi mo na lang isama si Aaron sa party ni Richard. For sure ok lang iyon kay Richard. At para na rin namin makilala ang boyfriend mo. Kung papasa ba siya sa amin.

Oo nga bestfriend isama mo na lang si Aaron sa party.

Ano? Eh di nag mukhang gatecrasher si Aaron doon. Baka ipahiya pa iyon ng singkit ninyo kaibigan. Alam naman ninyo iyon. Wala ginawa kungdi asarin ako.

Sayang naman hindi tayo makukumpleto. Sabi naman ni Simon.

Ok lang iyon. Hindi naman ako kawalan doon. Baka masira pa ang party ng kaibigan ninyong iyon.

Natanaw ni Maya palapit na sina Charlie at Richard. Kaya nag kunwari siyang aalis na. Para hindi niya marinig ang usapan nila para sa birthday nito sa Friday. Maiinis lang siya. Hindi siya mainggitin tao, pero noon mga oras na iyon nakaramdam siya ng inggit kasi hindi siya kasama sa party. Iyon pa naman ang gusto niya ang party.

Naalala pa niya noon nasa States sila panay ang party nilang magkakaibigan. Halos tuwing Friday may party siyang pinupuntahan. Hay, I miss those things. Balik tanaw ni Maya.

Bestie, mauna na nga pala ako sa yo. Meron pa ako bibilihin sa bookstore eh. Tatawagan na lang kita sa inyo mamaya. Humalik pa ito sa pisngi nina Raffi, Yna at Lisa tanda ng pamama-alam niya. Kaway naman kina James at Simon.

Bye guys…kung ano man ang mapagkasunduan ninyo regalo share na lang ako. Di pa masyado nakakalayo sa tambayan si Maya, noon dumating naman sina Charlie at Richard.

Oh bakit umalis na si Maga? Tanong ni Charlie kay Raffi.

Meron daw bibilhin sa bookstore eh.

Pare, akala ko iimbitahan mo personally si Maya sa birthday mo? S James.

Di ko pa nasasabi, dapat ngayon palang.

Ah sabay-sabay na sagot nina Yna na nagkatinginan.

Bakit? Tanong ni Richard.

Wala naman. Natanong ko lang. Sagot ni James.

———–

Bestie, mauna ako nang uwi sa yo. Baka nasa labas na ng gate si Aaron eh. Magsasalita pa lang si Raffi. Pero pinuntol na agad ni Maya kung pa man ang nais sabihin ni Raffi sa kanya.

Bye bestie…enjoy the party. Sigaw ni Maya habang papalayo ito kay Raffi.

Bestfriend di ka talaga makakasama? Sigaw na tanong ni Raffi sa papalayong si Maya.

Sorry talaga bestie.

Wala pa sa gate si Aaron. Nasaan na kaya ang kumag na iyon. Sabi ko by 4:00 PM nandito na siya. 4:10 wala pa.

Beep…beeep…beeep.

Hay salamat dumating din.

Pagsakay sa kotse ni Aaron. Agad na sinita ni Maya si Aaron.

Alam mo sa lahat ng kakilala ko lumaki sa States ikaw lang ata ang hindi na impluwensiyahan ng American time.

Syempre, Pinoy ako eh. Kaya Filipino time ang susundin ko.

At talaga namilosopo ka pa diyan ha.

Kung lalaitin mo lang ako, mabuti pa iwan kita dito sa kalsada at makiki-pagdate na lang ako. Alam mo ba na?

Hindi pa…

Huag ka din pilisopo.

Mag pinsan tayo kaya pareho tayong piliosopo. Hehehe. So ano iyon gusto mong sabihin sa akin?

Wala na.

Eto naman si Kuya ang pikon-pikon. Sabay kiliti sa tagiliran nito.

Maya, tumigil ka at baka mabanga tayo. Ano ba?

Sorry naman. Sige tatahimik na ako.

Saan mo gusto pumunta?

Wala sa bahay lang.

What? Kinansel ko iyon date ko ngayon. Dahil sabi mo meron tayo pupuntahan at need mo ang presence ko doon.

Ha eh, sorry naman kuya. Sinabi ko lang iyon para sunduin mo ako sa school namin. Gusto ko lang makita nila na may guapo ako boyfriend.

Meron ka di sinasabi sa akin.

Wala. Sabi ko lang iyon doon sa mga makulit ko mangliligaw na may boyfriend na ako. Iyon iba kasi ayaw maniwala, wala naman daw sumusundo sa akin. Kaya sabi ko sa Friday may date kami at sususnduin niya ako sa school.

Ah…Since wala tayo pareho gagawin. Eh di gawin natin date na talaga ito.

Puede din. Saot ni Maya.

So saan mo gusto punta?

Wala ako maisip eh. Manood na lang tayo ng movie.

Sige. Pero meron muna tayo pupuntahan bago manood ng movie.

Saan kuya?

Eh di sa ice cream house. Your favorite…sabay ngisi.

Thanks kuya.

Anything for my favorite cousin.

———-

At the party…

Oh Raffi, Charlie, bakit hindi ninyo kasama si Maya? Bungad na tanong ni Richard.

May lakad siya eh. Sagot ni Raffi.

Ganun ba pero alam naman niya birthday ko ngayon di ba?

Oo alam niya.

Ikaw naman kasi pare hindi mo pa tinuloy ang pag-iimbita sa kanya. Tulad noon una mong plano. Paninisi ni Charlie. Eh di sana nandito si Maya.

Ok lang iyon pre…naisip ko kasi na baka sirain lang niya ang party. Sabi ni Richard pero di nakatingin kay Charlie.

Ganun naman pala eh. Bakit tinanong mo pa si Maya? Labo mo rin minsan Chard eh. Mataray na sabi ni Raffi.

Sweetheart mauna ka na muna sa entertainment room. Susunod na kami dun ni Richard. Kukuha lang kita ng pagkain.

Mabuti pa nga.

Pagkalayo ni Raffi, hinarap ni Charlie si Richard. Magsabi ka nga sa akin ng totoo pare. Habang ginigiya siya ni Charlie patungo sa gazebo ng bahay ng mga ito.

Ano naman ang sasabihin ko sa yo totoo? Tanong ni Richard kay Charlie noon nasa gazebo na sila.

Totoo ba iyon sinabi mo kanina na ayaw mo talagang imbitahin si Maya sa party mo ngayon?

Ha eh…

Pare tayong dalawa lang nandito.

Pre, dinaga na naman ako at saka di ba sabi ni Simon na baka hindi rin makapunta si Maya. Kaya di ko na rin tinuloy iyon plano ko.

Pero sana nag effort ka pa din. Malay mo hinihintay lang niya ang imbitasyon mo sa kanya.

Masyado naman siya pa importante.

Hindi sa ganun pre. Alam mo naman ang situwasyon ninyo dalawa di ba? Sa palagay mo basta na lang iyon pupunta dito? Iisipin noon baka asarin mo pa siya pagnakita mo siya dito.

Paano ka niyan maka first base sa kanya.

Ewan ko pare. Isa pa di ba may boyfriend na siya. At sa tingin ko mahal na mahal niya iyon bf niya. Kaya naisip ko di ko na lang ituloy ang balak ko panliligaw sa kanya. Baka mabasted lang ako.

Ganun na lang iyon pre? Susuko ka na agad? Ang hina mo naman pala eh. Diyan ka na. Baka hinahanap na ako ni Raffi.

Napaisip si Richard sa sinabi ni Charlie. Susuko na ba talaga siya? Ah bahala na nga….

Nasa bar si Richard at nag iisip ng bilang may lumapit sa kanya na babae.

Hi birthday boy. Happy birthday sabay halik sa lips nito.

Ikaw pala Rome.

Problem?

Sort off. Care to tell me?

Huag na. Its just a small problem.

Are you sure?

Yeah. Thanks anyway….

Richard nandito ka lang naman pala. Akala namin kung nasaan ka.na eh. Hindi ka na kasi nagpunta sa entertainment room. Nagkakantahan kasi kami doon. Sabi ni Simon.

Pare meron palang magandang chicks dito kaya nalimutan na tayo nitong kaibigan natin eh.

Hi I’m James.

Simon atbyour service.

Rome here. Nice meeting you James and Simon. Sabay shakehands.

Nice meeting you too.

Ehem…ehemm…

Yna andiyan ka pala. This is Yna my girlfriend.

Hi Yna. I’m Rome.

Hi Rome. Halika join us sa entertainment room. Nagkakantahan kami doon.

Naku kung ayaw ninyo umulan ngayon birthday ko. Huag ninyo pakantahin ito si Rome.

Grabe ka naman diyan Richard. Proke ba mas may boses ka diyan. Kung makapanglait ka diyan sobra.

Hahahha. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Sayang wala dito si Maya. Sabi ni James.

Bakit naman?

Maganda kaya ang boses ni Maya.

Bakit nasaan si Maya.

Hindi nakarating eh. May lakad daw sabi noon bestfriend niya. Halika ka na para makilala mo ibang kaibigan ni Richard. Yaya ni Yna.

Napatingin si Rome kay Richard. Tumango lang si Richard kay Rome bilang pag sang ayon na sumama siya sa mga kaibigan niya.

Dont worry sweetie, mababait ang mga kaibigan ko.

Ok. Tara lets go. Yaya ni Rome.

Pagdating sa entertainment room. Ipinakilala nina James at Yna si Rome kina Lisa, Raffi at Charlie. Madali naman silang nagkapalagayan-loob.

Nagkakantahan sila noon pumasok si Richard.

Please guys huag na huag ninyo pakakantahin si Rome.

Grabe ka. Binato ito ni Rome ng mani.

Guys, try ko tawagan si Maya baka puede siya sumunod dito. Ok lang ba Chard? Tanong ni Raffi.

Sige Raffi tawagan mo na si Maya. Oks lang yan kay Richard.

Sino si Maya? Tanong naman ni Rome.

Kaibigan namin at mortal na kaaway ni Richard. Sabi ni Lisa.

May kaaway ka Richard?

Wala iyon. Don’t mind them.

Actually, Rome para silang aso’t pusa. Ito kasi si Richard ang hilig asarin si Maya. Sabi ni Charlie.

Bakit naman?

Mahabang kuwento.

I’m willing to listen.

So ayun kinuwento ng grupo kay Rome kung bakit naging magka-away sina Maya at Richard.

One thought on “Ang Misyon ni Maya – 03

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s