Thank You For Lovng Me 19

Thank You For Loving Me

Chapter 19

NAIA 1

Napapikit si Maya. Muling siya tumapak ng Pilipinas. Ang bansang iniwan niya four years ago.

Sinalubong sila nina Lisa at Simon na mag asawa na ngayon,

Maya kamusta ka na. Ang ganda mo lalo ah.

Lisa, Simon kamusta na. Asan na ang inaanak ko?

Naku nasa bahay iniwan namin, ang likot kasi.

Wala ka bang balak ipakilala sa amin yan guapo mong kasama.

Kayo talaga…Steve, si Lisa at Simon mga bestfriend ko.

Hello madalas nga kayo ikuwento sa akin ni Maya noon nasa Canada pa kami. Finally nakilala ko na rin kayo. Hope we can be friends also.

Oo naman.

Tita, kamusta na po.

Mabuti naman ako. Hiyang ka sa buhay may asawa ah.

Syempre naman tita, mapagmahal ata akong asawa. Sabi ni Simon.

Kayo Maya at Steve di ba kayo naiinggit sa amin? Sabi ni Lisa.

Malapit na rin. Naka ngiting sabi ni Maya kina Lisa.

Pero napansin ni Lisa hindi abot sa mga mata ni Maya ang ngiting ipanakita nito.

Nasa ganoon silang tagpo ng may mahagip ang mata ni Maya na papasok ng airport….

Richard……usal niya

Maya masama ba ang pakiramdam mo? Bakit parang namumutla ka?

Hindi I’m fine, sandali lang.

Maya, wait saan ka pupunta.

Bumalik sa loob si Maya, may hinahanap siya. Hindi siya puedeng magkamali si Richard iyon nakita niya. Buhay ito.

Pero bigo siya muli itong makita. Hindi na niya ulit nakita ang pigura ng tao hinahanap niya.

Sinundan siya ni Steve sa loob. Maya, what’s wrong bakit bigla ka nagtatakbo pabalik dito.

Wala meron lang ako nakita akala ko kakilala ko. Pero bigla rin siyang nawala eh.

Halika ka na sa labas. Naghihintay na sila sa atin. Andun na iyon sundo natin. Nauna sa paglakad si Steve.

Daddy…daddy….

Hello son. Kamusta ang pamamasyal ninyo ng mommy mo sa hongkong?

It’s great daddy. Sayang hindi ka nakasama.

Madaming work kasi si daddy eh.

That voice…bigla lumingon si Maya at ganun na lang ang pagka bigla niya,

Si Richard nasa harapan niya…..Pero may karga bata at tinawag siyang daddy.

Richard….

Kilala mo siya daddy?

No son. Miss ok ka lang ba?

Richard…hindi mo ba ako nakikilalala?

Miss hindi Richard pangalan ng daddy ko. Benedicto Angeles name niya, ako nga junior niya eh,

Hey anong gulo ito,

Mommy, tinawag kasi ng girl na ito na Richard si Daddy eh. Di ba Benedicto naman name ni Daddy.

Namutla si Cecil pagkakita kay Maya.

Si Benedicto naman ay nakatulala lang at bigla sumakit ang ulo at natumba ito.

Benedicto…tulong…tulong…

Doon naman natauhan si Maya at nagtatakbo palabas. Umiiyak ito yumakap sa ina,

Iha, bakit?

Ma…buhay siya…

Sino?

Si Richard Ma. Buhay siya. Pero hindi niya ako kilala. May asawa at anak na siya. Sabi noon anak niya Benedicto Angeles pangalan ng daddy niya kasi junior siya nito.

Baka nagkakamali ka lang anak.

Oo nga iha.

Pero Ma, Auntie hindi ako puedeng magkamali si Richard iyon nakita ko,

Iha baka kamukha lang siya.

Auntie mpossible…wala siyang pinag iba kay Richard tumanda lang siya, ng matured lang siya. Pero siya si Richard.

Kung siya si Richard bakit hindi ka niya nakilala. Si Steve.

Dahil baka may amnesia siya.

Maya, it’s been 4 years wala naman ata taon ang binibilang sa isang tao may amnesia. Baka ibang tao lang siya,

No..si Richard iyon. Hindi naman natin nakita ang bangkay niya ah. We just assume he is death. I mean kayong lahat you assume na patay na siya, pero ako ni minsan sa apat na taon hindi ko inisip na patay na siya.

Tara umalis na muna tayo dito. Piangtitinginan na tayo. Sa bahay na natin yan pag usapan.

——–

Mahal ok ka lang ba? Anong nangyari sa yo?

Bigla kasi sumakit ang ulo ko kanina. Hindi ko alam kung bakit…

Mabuti patingnan na natin yan sa doctor,

Huag na…puyat lang siguro ako dahil sa dami ng trabaho.

Ano na nga pala nangyari doon sa babae kanina?

Ewan ko nalito na kasi ako kanina noon bigla ka natumba eh.

Bakit niya ako tinawag na Richard.

Baka napagkamalan ka lang niya. Sige na magpahinga na muna diyan.

Hndi maipaliwanag ni Benedicto an naramdaman niya kanina, noon nakaharap niya iyon babae kanina. Parang nakita na niya ito.,pero hindi niya matandaan kung saan.

Gustong gusto na niya itong aluin kanina. Para siya ang nasasaktan sa pag iyak nito.

Sino ka sa buhay ko?

——–

Lola, Lolo…andito na po kami.

Oh bakit ngayon lang kayo dumating.

Naku Pa, nahilo kasi ito si Benedicto sa airport. Sumakit ang ulo kaya ayun nawalan ng malay. Tumigil muna kami sa clinic sa airport.

Kamusta ka na iho.

Ok na po pa.

Masyado ka kasi workaholic tinalo mo pa ako eh.

Yan na nga ba sinasabi ko eh.

Lolo alam mo po ba…may girl na lumapit kay daddy kanina tapos tinawag siyang Richard.

Sino naman iyon. Ewan ko ho. Mukhang napakamalan ako na boyfriend niya si Richard.

Hindi mo ba talaga kilala iyon ha? Baka babae mo iyon?

Naku pa hindi po. Si Cecil lang ang babae sa buhay ko.

Totoo po iyon lolo. Nagulat nga rin si papa noon tinawag siya Richard eh.

Samantala si Cecil ay hindi mapakali sa kinatatayuan niya, natatakot siya na baka malapit na siyang mabuko sa ginawa niya four years ago.

Oo nga pala Cecil. Tumawag ang pinsan mong si Steve. Dumating na siya at kasama niya ang fiancee niya.

Talaga ho ma…

Dadalaw sila dito mamaya. Kaya maghanda na kayong mag anak.

Mas lalo kinabahan si Cecil sa pag sulpot ni Steve sa buhay niya. Hindi niya dapat malaman ang totoo.

Hey, penny for your thoughs. Sabi sa kanya ni Benedicto bago siya hinalikan sa pisngi.

Wala medyo pagod lang ako sa byahe kanina.

Halika na ay magpahinga na rin muna sa kuarto natin. I miss you tatlong araw din kayo nawala ng anak ko.

Benedicto pagod ako ngayon. Sa ibang araw na lang.

Kaasar naman kung kelan si Benedcito na ang nagpahiwatig. Ako naman ang wala sa mood. Bulong ni Cecil sa sarili. Bakit naman kasi sabay sabay pa nagsidatingan ang mga problema sa buhay ko.

Bakit sabay pa lumitaw sina Maya at Steve sa buhay ko.

——–

Ding-dong…

Naku Victor baka sina Steve na yan at ang fiancee niya.

Tita, Tito, Cecil nandito na kami.

Steve iho kamusta ka na…

Mabuti naman po tita.

Btw this Maya dela Rosa my fiancee.

Nasa hagdanan na noon si Cecil. Muntik na siya mahulg sa narini na pangalan ng fiancee ni Steve.

Hindi ito puedeng mangyari, bakit ganito magbiro ang tadhana sa akin. Bakit sa dinami dami ng babae si Maya pa.

Parang natulos sa kinatatayuan si Cecil at doon siya nakita ni Steve.

Hey cousin…wala ba ako welcome hug mula sa yo? Tagal natin di nagkita ah…Four years right?

Huminga muna ng malalim si Cecil saka bumaba at nagpaskil ng ngiti sa mukha.

Steve its great to see you. And who’s this beautiful lady beside you?

Cecil meet your future cousin in law, Maya dela Rosa.

Finally, naka tagpo ka na rin n babaeng magpapatino sa yo. May kirot sa puso ni Cecil habang sinasabi niya ang mga iyin kay Steve.

Nasaan na ang mag-ama mo Maya.

Naku Ma, tulog na tulog pa ho. Kaya hindi ko na muna ginising,

Hindi ba ikaw iyon asawa ni Richard na tinatawag mong Benedicto Angeles?

Ha?

Oo ikaw iyon nasa airport kanina. Dumating ka kanina bago nawalan ng malay si Richard.

Steve ano ba ang sinasabi ng babaeng ito.

Inagaw mo si Richard sa akin. Steve mang -aagaw siya, ano ginawa mo sa kanya. Bakit nawalan siya ng memorya.

Hey anong kaguluhan ito?

Mabuti nandito ka na Benedicto…ikaw nga ang magpaliwanag sa amin ng kaguluhan ito.

Sinasabi ng fiancee ni Steve na si Maya. Na ikaw daw si Richard.

Sa narinig ni Benedicto na fiancee ni Steve si Maya. Parang may gumuhit na sakit sa puso niya.

Pa, sa maniwala kayo at sa hindi. Hindi ko po talaga siya kilala. Hindi ko po alam kung bakit niya ako tinatawag na Richard.

Liar…kilala mo ako Richard. We love each other four years ago, bago tayo naaksidente sa dagat galing Boracay. Brad didn’t make it. Akala nila ikaw din ay namatay na. Pero di iyon ang sinasabi ng puso ko.

Tama nga ako, kasi buhay ka. Walang pakialam si Maya kung sino ang mga nasa paligid niya. Lumapit siya kay Benedicto at hinalkan ito sa mga labi. Akala niya noon una ay nagkamali lang siya. Dahil di ito tumugon sa halik niya. Pero di nagtagal ay tinugon nito ang halik niya.

Ikaw nga si Richard. Ikaw lang ang may kakayahan tugunin ang ganun halik ko.

Puede ba layuan mo ang asawa ko. Steve iuwi mo na yan fiancee mo at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Hindi ako tititgil hangga di ko napapatunayan na siya si Richard Lim at hindi siya si Benedicto Angeles. Hinding hindi ako titigil.

Iha meron ka ba katibayan na nagsasabi na siya ay si Richard Lim.

Opo. Kinuha ni Maya ang kuwintas niya at binuksan ang locket noon. Natambad sa mag-asawa ang mukha nila ni Richard.

Diyos na mahabagin…kamukhang kamukha ni Benedicto.

Mommy…daddy…

Oh baby gising ka na pala.

Ito na ba ang anak mo Cecil?

Oo.

Ilan taon na siya?

Mag aapat na siya.

Victor tingnan mo si Steve pala ang kamukha ng apo natin eh.

Oo nga no.

Napatingin si Steve kay Cecil.

Napayuko si Cecil di makatingin kay Steve.

Nagtangis ang mga bagang ni Steve.

Tita, Tito babalik na ang po kami sa ibang araw.

Maya, let’s go.

Bye Richard at muling lumapit kay Benedicto at muling kinitlan ng halik sa mga labi na autimatiko tinugon ni Benedicto.

Sa halik na iyon meron bilang may nag flash sa utak ni Benedicto….malabo pero parang sanay na sanay na siyang halikan ng ganun si Maya.

Sino ka ba talaga sa buhay ko Maya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s