Ang Misyon ni Maya – 01

Ang Misyon ni Maya

Chapter 1

October 3, 2013

Richard ano bang kalokohan ito? Ang tatanda na natin para sa ganito. Pa blindfold-blindfold ka pa nalalaman. Worst nakatali pa ang mga kamay ko.

Honey, patience. Malapit na tayo sa ating pupuntahan.

Saan ba kasi tayo pupunta. Nasaan na ba tayo bakit ang tahimik ng paligid.

Ssshhh quiet. After all this years madaldal ka pa rin. Walang kupas.

Ewan ko sa yo malapit na talaga ako mapikon sa yo Richard Lim.

Nandito na tayo honey. Wait lang…..

Bilis ali—-hmmm.Hinalikan siya ni Richard sa labi niya.

Kaya gusto madaldal ako ang sarap ng parusa nakukuha ko sa yo. Isang matamis na kiss. Puede isa pa.

Tatawa -tawa si Richard. Ano uunahin ko? Ang alisin ang tali ng kamay mo sa likod o ang kiss.

Kiss syempre. Masarap iyon eh.

Ok your wish is my command My Queen.

After a long lingering kiss.

Thank you My King for that sweet kiss of yours. Kung nasa bahay lang tayo tiyak masundan pa ang triplets natin.

Hindi masama. Puedeng puede ka pa naman mag buntis. You are 42 and I’m 44. Sinasabi ito ni Richard habang hinahalikan si Maya sa leeg at ang mga kamay naman niya ay naglalakbay sa waistline ni Maya papunta sa likuran upang alisin ang pagkakatali niya sa mga kamay nito.

Ohh..Honey you are teasing me. Gusto mo dito eh. Kung nasaan man tayo.

Pilya ka ha….pero tiyak ko pag nakita mo kumg nasaan tayo. Matatawa ka sa kapilyahan mo.

Nasaan ba tayo. Puede ko na ba alisin ang blindfold ko?

Sandali lang….Ok honey, you may take off your blindfold.

Inalis ni Maya ang blindfold niya at dahan dahan iminulat ang mga mata na ilan minuto rin nasanay sa dilim. Nagulat siya sa nakita. Inilibot niya ang kanya mga mata sa kanyang paligid.

Richard….honey. Nasa school football field tayo ng school natin noon college.

Yup….

Ano ginagawa natin dito?

Wala ka ba naalala 25 years ago sa mismong spot na ito ng football field?

Nag-isip si Maya…..

Oh Richard….Happy 25th Anniversary honey. I Love You.

Happy Silver Anniversary, honey. I love you more. Dito mo ako sinagot noon 25 years ago. Sabay halik ulit sa mga labi ni Maya, kinalawit na ni Maya ang mga kamay niya sa leeg ni Richard to deepen their kiss.

Sorry, Muntik ko na makalimutan.

Anong muntik? Nakalimutan mo na talaga….

Oo na. Mas magaling ka sa akin when it comes to special occasion dates.

You wait here may kukunin lang ako sa kotse.

Pagbalik ni Richard may dala ito flowers, picnic basket at sleeping mat and pillow. Inilatag nila ang sleeping mat at doon nahiga.

Honey, naalala mo ba noon binalibag mo ako sa loob ng school gym. Grabe ang sakit ng puwet ko noon. Buti na lang hindi nabasag ang itlog ko eh di sana wala tayo limang anak ngayon.

Hihihi….Ikaw naman kasi ang hilig mo ako asarin.

25 years ago……

Bestie bilisan mo naman ang palalakad mo. Malapit na magsimula ang basketball game nina Charlie.

Eto naman akala mo mauubusan ng upuan. For sure meron na tayo uupuan doon sa gym.

Kahit na gusto ko muna magkita at magkausap ni Charlie para mas ma-inspire siya sa game nila.

Hay naku, ang mga in love talaga.

Magiging ganito ka rin kapag na in love ka na.

Hindi rin….

Pagpasok nila sa gym, nakita agad niya ang mortal niyang kaaway. Ang ka teammate ni Charlie si Richard.

Patakbo ito lumapit sa amin ni Raffi.

Hi, Raffi. Kamusta na?

Hello Richard. Si Charlie nasaan?

Nasa harapan mo na ako si Charlie pa din ang hinahanap mo?

Natural BOYFRIEND niya si Charlie. Syempre iyon ang hahanapin niya. Kaya tsupi alisin mo yan pagkaka-akbay mo sa kaibigan ko. Baka kung ano pa ang isipin ni Charlie.

Sumingit ako sa pagitan nila ni Raffi.

Ay may kasama ka pala bubwit.

Bwiset…

Si bubwit nag selos agad.

Excuse me at bakit ako magseselos? Sino ka ba?

Si Richard Lim ang crush mo.

Yak! Ang kapal ng mukha. Ako magkaka-crush sa yo? In your dreams.

Tama na nga yan awayan ninyo dalawa. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.

Eto kasi intsik beho na ito kasi ang pasimuno.

Raffi, Maya…

Hi Charlie….sabay namin bati ni Raffi.

Andun ang bench na uupuan ninyo dalawa. Tara na.

Sumunod kami ni Raffi kay Charlie. Paglingos ko wala na sa likuran ko si Richard. Hay Salamat naman umalis na rin ang asungot.

Pero laking dismaya ko na pag dating namin sa aming uupuan andun na ang mokong at nakaupo na sa isa dalawang bakanteng upuan andoon.

Raffi dito ka maupo sa bakante upuan sa tabi ko.

At ako saan mo papaupuin?

Madami naman bakante upuan doon sa itaas doon ka na. Para naman masolo ko si Raffi. Lagi ka na lang naka buntot sa kanya eh.

Natural bestfriend niya ako. At pagkaka alam ko sa amin dalawa ang upuan yan. Si Charlie ang nag reserve niyan sa amin. Kaya umalis ka diyan. Hindi ba may laro kayo. Bakit ayaw mo pang mag palit ng uniforme. Bilis alis na diyan.

Nope hindi ako maglalaro today. Kaya dito uupo.

Ah ganun?

Oo ganun nga….kung gusto mo kumandong ka na lang sa akin.

I rolled my eyes.Raffi paki hawak naman nitong mga gamit ko.

Maya, ano gagawin mo?

Bibigyan ko lang ng leksyon ang lalaking ito.

Humarap ako kay Richard at kinuwelyuhan ko ito sabay hila dito at binalibang ko sa flooring….

Iyan ang bagay sa yo. Hindi ka makuha sa matinong usapan eh. Sa susunod don’t mess up with me. Naiintindihan mo.

Shock pa rin si Richard, hindi niya akalain na ganun pala kalakas si Maya. Akala niya kung sino itong lampa.

Nagtawanan ang mga tao naka saksi ng ginawa ko kay Richard.

Hahahaha….isang babae lang pala katapat ni Lim eh….

Tiklop sa babae….

Tsk..tsk…bawas pogi points…

Sabihin mo ganda points….

Bakit ganda points? Bakla ba si Richard? Sayang crush ko pa naman siya.

Kita mo ba lagi na lang niya inaasar si Maya. Meron bang matinong lalaki ang lagi nag-aasar sa babae. Wala di ba?

Oo nga noh. Baka nga bakla si Richard.

Sayang guapo pa naman.

Oo nga eh. Kaya siguro wala tayo nababalitaan na nililigawan o girlfriend. Kasi boys pala ang gusto niya. Hihihi..

Ang mga komento iyon ang narinig ni Maya pinag uusapan sa ibang college girls na nasa bleachers din.

Si Richard tumayo at umalis ng gym. Naka tungo ito lumabas.

Maya, bakit mo naman ginawa iyon kay Richard. Alam mo naman paborito ka lang noon asarin eh. Pero mabait naman siya.

Ayun mabait? Bastos kamo walang modo. Spoiled kasi.

Maupo ka na diyan at malapit na mag umpisa ang game nina Charlie.

Wala sa laro ang isip ni Maya. Na kay Richard. Sa totoo lang na konsensiya rin siya sa ginawa niya dito. Kaso napikon na talaga siya eh.

Pinopormahan pa din si Raffi kahit alam na naman niya sina Raffi at Charlie na. May pagka masokista ata ang isang iyon eh.

Pero totoo kaya iyon sinasabi noon mga babae sa member ng federacion si Richard.

Para wala naman sa itsura niya na “Paminta” siya.

Maya, halika ka na. Tapos na ang game panalo sina Charlie.

Ha? Tapos na?

Oo. Asan ba ang isip mo?

Wala-wala. Tara congrats natin si Charlie mo.

Patakbo lumapit si Chaflie kay Raffi. Sweetheart we won.

Syempre magaling ata ang sweetheart ko.

Charlie congrats.

Salamat Maya. Nakita ko iyon ginawa mo kay Richard ah.

Serves him right. Porma pa ng porma kay Raffi eh kayo na nga.

Sus, palabiro lang iyon. Wala iyon gusto kay Raffi. Bluff lang niya iyon.

Naniwala ka naman doon.

Oo. Alam ko kung sino ang type noon.

Talaga sino?

Secret….

Kakaasar ito.

Saka na. Baka masira ang diskarte niya eh.

Makahulugan sabi nito sa akin. Tara kain muna tayo my treat kasi nanalo ang team namin.

Yan ang gusto sa boyfriend mo bestie eh. Galante…

Paglabas nila nakita nila sa gitna ng soccer field si Richard.

Richard pare ano ginagawa mo diyan. Halika samahan mo kami kumain. Double date tayo. Wala partner si Maya.

Hay naku Charlie, kung ayaw mo pati sa yo magalit ako. Huag mo maisama-sama ang asungot na yan.

Bakit naman…

Ayoko ko siya kasama.

Bestie the More You Hate The More You Love.

Di uso iyon sa akin.

Talaga Maya?

Oo naman. Wanna bet?

Sige bet tayo.

Pusta ko di matatapos ang first sem kayo na si Richard.

What? In your dreams Charlie. Pero sige call ako.

Paano pag ako ang nanalo na hindi maging kami ni Richard?

I-tre-treat ko kayo ni Raffi.

Saan?

Name it.

Sa Hongkong Disneyland.

Call. Pero pag ako nanalo kami ni Raffi ang I-tre-trwat mo.

Sige Singapore naman.

Call.

End of flashback.

Hihihi…

Ano ang tinatawa tawa mo diyan ha. Tanong ni Richard kay Maya.

Wala naalala ko lang iyon insidente na binalibag kita sa gym. Noon aso’t pusa pa tayong dalawa.

Natalo ka nga sa pustahan ninyo tatlo eh.

Oks lang ikaw naman ang naging kapalit iyon.

Sabagay..ang dami na nagin pinagdaanan…pero eto tayo pa rin dalawa. 25 years na tayo mag bf/gf, 17 years of being married. Pero ang pagmamahal ko sa yo never na nagbago from day 1 na nakita sa school campus natin…..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s