Will You Ever Love Me? 7

Will You Ever Love Me?

Chapter 7

I’m sorry Richard. Hindi si James ang dahilan kaya ako nasa bar noon. Naglalasing ako kasi nag iipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa yo na mahal kita at huag ka pakasal kay Chloe.

Alam ni Ninang ang damdamin ko sa yo. Since I was 15 crush na kita. Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi kita nasisilayan noon.

Alam mo ba ang sasaya saya ko noon hinalikan mo ako bago ka umalis. Tapos hinintay kita nood debut ko pero hindi ka dumating. Tapos noon graduation ko ganun din.

Buti lagi andiyan si James na lagi ako inaalo at pinapasaya. Siya ang bestfriend ko. Siya ang tigapagpayo ko. Alam niya ang damdamin ko sa yo.

Sila ni Jen ang nagbigay sa akin ng tip na pupunta kayo ni Chloe sa bar na iyon. Andun din sila nagtatago lang. Para in case na hindi ka sumipot meron ako makakasama pag uwi.

But you came and take me home. In your home. Di ko iyon magagawa kung wala ang tulong nila mama, james at jen.

Hindi sa ayaw ni Mama kay Chloe. Iyon nga lang mas mahal niya ako at ako ang gusto nya para sa yo.

Sorry kung nagulo ko ang buhay mo. Anyway, pinagdusahan ko naman iyon for almost a year eh.

Never kayo nagka relasyon ni James? As in never?

Oo naman. Its always Jen ang mahal ni James, not me. Jen is my friend. Ako ang nagpakilala sa dalawang iyon and they hit off.

Pero bakit kayo lang ang pupunta sa hongkong after your graduation?

Nauna na si Jen sa hongkong. Doon kasi ang stop over ng flight niya papuntang NewYork. Mag mamaster kasi si Jen sa ibang bansa. Sa hongkong kami magcecebrate. Ayoko nga sumama pero ayaw pumayag ni Jen.

Ako ang bantay ni Jen kay James. Kaya kami lagi ang magkasama ni James, but never kami nagkaroon ng romantic relationship.

Damn…kung alam ko lang sana…

Mahilig ka kasing mag assume eh. Hindi muna magtanong. Yan nagdusa ka tuloy.

Teka you were still a virgin paano nagkaroon ng red stain sa bedsheet ko noon.

Si Mama ang maypakana noon. Sinugatan ni Mama ang daliri niya tapos ayun pinatakan ang niya iyon bedsheet mo.

Paano nga pala napunta doon si Mama?

Noon naliligo ka tinawagan ko si Mama na magpunta siya ng condo mo. Itext na lang ako pag andun na siya para pag buksan ko siya ng pinto.

Tapos iyon nga nilagyan niya ng red stain ang bedsheet mo. Tapos umalis na ulit siya at bumalik na lang noon umaga. Sinabayan ni si Chloe.

Ang galing ninyo magplano ha. Ang linis.

Si James ang may idea ng lahat ng yan.

Kung ganun mas una ka pala nakita ang kabuuan ko kesa ako sa yo.

Parang ganun na nga. Tama nga lang pala pakasalan mo ako. Kasi ikaw ang sumira sa puri ko.

Hoy an kapal mo….hindi ko nga iyon hinawakan kasi natatakot ako baka magising kayo pareho. Hindi ko alam kung alin sa inyo dalawa ang uunahin ko. Hehehe.

Pilya.

Lagot ka talaga sa akin pagdating natin sa bahay. Walang tulugan tayo.

Pero Richard inaantok na ako eh. At saka may trabaho pa tayo bukas.

Mamimili ako ng materyales na kailangan ko para sa bahay ni Steve. At ikaw ilang araw ka na di pumapasok.

So? I’m the boss. Kaya ok lang na hindi ako pumasok.

Samahan mo na lang ako mamili ng mga materials na gagamitin ko. Kung gusto mo lang naman. Kung wala ka ibang lakad.

Sure sasamahan kita. Sabay kuha sa kamay ni Maya at hinalikan ito. I love you wife..

Nginitian ko lang siya.

Hindi ka pa rin ba naniniwala na mahal kita?

Ewan ko? Kasi kung iisipin ko ang mga nangyari sa atin last year parang ang hirap isipin na sa isang iglap ay mahal mo na ako eh.

Hindi ba sinabi ko na sa yo na katulad mo matagal na ako may gusto sa yo at nagseselos ako kay James noon.

Pero bakit nagawa mo pa rin ako saktan noon unang taon nang pagsasama natin?

Kung mahal mo ako hindi mo iyon gagawin. Galit ako noon kasi akala ko panakip butas lang ako ni James. Kasi nga akala ko bago lang niya kakakakilala kay Jen. At si James talaga ang mahal mo.

Iyon mga babaeng dinadala ko noon sa bahay. Dinadala ko lang sila kasi gusto kita pagselosin, pero wala ako katiting na nakita nagseselos ka. Ni hindi ka nagrereklamo. Ginagawa mo lahat ang pinag uutos ko. Alam mo ba na tuwing ginagawa ko iyon mas nasasaktan ako. Doble sakit ang nararamdaman ko. Sabi ko noon lagi, kelan mo kaya ako matutunan mahalin Maya.

Tanda mo noon bumisita sina Mama, hindi acting iyon pinakita ko sa yo na lambing. Totoo iyon. Nasaktan nga ako noon mas pinili mo pa sa sahig mahiga kesa sa katabi ko matulog. Pakiramdam ko maysakit ako nakakahawa.

Paano naman pingangunahan mo agad ako na gusto kita katabi. Kaya para pagtakpan ang pride ko. Sinabi ko sa sahig ako matutulog. Para hindi tayo magkatabi.

Iyon ang akala mo. Kasi pagtulog ka na. Tumatabi ako sa yo. Eh tulog mantika kaya hindi mo alam.

Ano? Kaya pala minsan pakiramdam ko pagising ko nakadikit sa katawan ko ang amoy mo. Iyon pala amoy mo talaga kasi sa tabi ko kaw natutulog.

Yap.

Ang drama natin dalawa noh?

Ikaw lang huag mo ako isama.

Eh di huag. Matulog ka magisa sa room mo. Doon pa din ako sa room ko matutulog.

Eh di doon na rin ako.

Maliit ang kama ko. Pang isahan lang iyon.

Ano ang ginagawa ng kapok mo eh di doon tayo.

Wala na pinamigay ko na.

Pag gusto may paraan. Pag ayaw may dahilan. Eh gusto ko kaya may paraan.

Ano naman iyon.

Later mo na lang malalaman.

Whatever….

Richard…

Yes

May relasyon ba kayo ni Mira?

Nino?

Ni Mira. Iyon secretary mo? Di ba madalas sa kuarto mo kayo lagi nagkukulong dalawa?

Hahaha. Wala kaming relasyon ni Mira. Palabas lang namin iyon dalawa para pagselosin ka. Kaso wala effect kaya hindi ko na ulit sinama si Mira sa bahay. Katulad din noon mga ibang babae dinadala ko noon sa bahay.

Weh? Maniwala ako sa yo.

Yan ang totoo. Kung ayaw mo maniwala. Wala na ako magagawa. I will do my best to win your trust again and your love…..

Ano ba ang dapat ko gawin para mapaniwala kita na mahal na mahal kita.

Sabihin mo at gagawin ko para sa yo.

Talaga?

Lahat gagawin mo?

Oo. Just forgive me and love and trust me again.

Maya dalhan mo kami ng makakain ni Rita sa pool. Maliligo kaming dalawa sa pool.

Ano ba ang gusto ninyo kainin?

Kahit ano kung ano ang puede mo iluto.

Sige ako na nag bahala. Pakainin ko kaya ang mga ito ng panis na pagkain. Makaganti man sa inyo.

Pagkaluto ko ng kakainin nila. Inihanda ko ang lamesa sa may pool atbdoon naghain.

Honey anong pangalan ng maid mo?

Maya po ma’am ang pangalan ko. Meron pa po ba kayong ipag- uutos?

Napatiim-baga si Richard bago ito nagsalita. Wala na sige na pumasok ka na sa loob at magpahinga.

Salamat po Sir RICHARD. Mabulunan sana kayo sa kinakain ninyo. Mga hayup.

Dali-dali nagpunta si Maya sa kuarto niya at doon umiyak.

Tok..tok..tok..

Maya…puede pa ako pumasok? Maya….

Ramdam ko na pinihit ni Richard ang doorknob ng kuarto ko pero naka lock ito kaya hindi nakapasok sa loob. Naka ilan katok pa din ito bagomtuluyan nilisan ang kuarto ko.

Maya!!!

Ay Maya! Anu ba bakit nanggugulat diyan?

Wala…wala.. May naalala lang ako. Ano ba iyon sinasabi mo?

Ah nevermine hindi naman iyon gaano ka importante eh.

Are you sure….

Oo naman.

Okay. Tutulog muna ako.

Sige pagmalapit na tayo saka kita gigisingin.

Salamat.

Wait.

Ano?

Wala ba ako kiss bago ka matulog?

Kiss your ass….

Galit ka sa akin?

Hindi. Sige na antok na ako. Mamaya na tayo mag usap.

Okay. Sabay dukwang at hinalikan ako sa lips.

Hindi na lang ako umimik. Baka humaba ang usapan.

Hindi pa nakuntento si Richard kinuha nito ang isa ko kamay at hinawakan iyon. Isang kamay lang tuloy ang gamit niya sa pag dra-drive.

Pumikit na lang ako may ngiti sa akin mga labi…..sabay bulong sa sarili ko. I Love You So Much, Richard Lim.

I Love You too wife…..lingid sa kaalaman ni Maya, napalakas ang bulong niya at dinig ni Richard iyon. Kaya sinabot niya ito.

Masayang nag-drive si Richard pauwi sa bahay nila sa Green Meadows.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s