Will You Ever Love Me? 5

Will You Ever Love Me?

Chapter 5

Nagising si Richard na wala sa tabi niya si Maya.

Maya?…..Maya…. Lumabas siya ng kuarto niya.

Maya….Maya..pinuntahan niya ito sa kuarto nito wala din. Kinakabahan na siya.

Bumaba siya sa kitchen at nakita niya ang note naka dikit sa ref. Dali-dali niya itong binasa. Nakahinga siya ng maluwag. Akala kasi niya itinuloy pa din nito ang pag-alis.

Nabigla lang siya kasi hindi niya alam na bumalik na pala ito sa agtratrabaho. Hindi man lang sinabi sa kanya na babalik na siya sa work.

Tinawagan niya si James para itanong kung saan sa Lipa ang work ni Maya. Pero hindi niya ito macontact. Kaya ang secretary nito ang tinawagan niya para alamin kung nasaan si Richard.

Ring,..ring….

Good morning. Ada si Richard ito. Asan ang boss mo?

Good morning sir Richard. Naku wala po dito si sir James. Nasa Lipa po.

Pagkakarinig sa sinabi ni Ada, napatiim-bagang ito. Alam mo ba kung saan sa Lipa nagpunta si James?

Sa Beverly Hills Lipa po sir.

Salamat Ada.

Pupuntahan ba ninyo sila doon?

Sila?

Opo sila ni M’Maya.

Oo. May dinner kasi kami ni Maya eh. Salamat Ada.

Walang anuman po sir.

Pagkatapos niya makipag usap kay Ada. Nagpupuyos ang damdamin niya. Gusto niyang magwala. Hindi niya matanggap na kahit may nangyari na sa kanila ni Maya. Eto at nakipagkita pa rin si Maya kay James. Nagdahilan la ito trabaho ang pinunta sa Lipa.

Nagsisikip ang dibdib niya. Nagseselos siya. Kanya lang si Maya, hindi ito maaagaw ni James sa kanya. Iniwan tapos babalikan niya. Playboy talaga.

Dali-dali naligo at nagbihis si Richard at bumiyahe patungo Lipa. Susunduin niya si Maya. Ilalalayo niya ito kay James. Kung kinakailangan sa ibang bansa sila manirahan gagawin niya. Mailayo lang si Maya kay James.

Ayaw na niya magdusa. Halos ilan taon din siyang nagdusa at makuntento sa pagtingin tingin sa malayo kina James at Maya.

Muling naglakbay ang diwa ni Richard….

Dahil sa nasaksihan ni Richard kina Maya at James hind na ito nagpakita kay Maya noon graduation. Hindi na rin nito ipinaalam na nasa Pilipinas na siyang muli.

Isa na siyang tanyag na arkitekto. Matunog na ang pangalan Architect Richard Lim.

Nagtayo siya ng isang architectural firm. Since kilala at tanyag na siya. Madami ang gusto mapabilang sa kumpanya niya. Kaya hindi siya nahirapan ito itayo.

Kung iyon unang limang taon ay lagi silang nagpapalitan ng e-mail ni Maya. Simula noon nalaman niya sila ni James ay hindi na niya sinagot ang mga e-mail nito sa kanya. Nagpalit siya ng e-mail address. Hindi niya ipinaalam na dito na siya Pilipinas mananatili.

Hindi rin nabalitaan nina James at Maya na nandito na si Richard dahil ibang pangalan ang ginamit ni Richard sa kanyang mga gawa. Hindi rin siya lumalabas upang umatend ng mga party. Tuloy naging palaisipan kung sino si Architect Rich.

Pero lingid sa dalawa ay lagi naka subaysabay sa kanila si Richard. Nakikita niya ang mga ito lagi kumakain sa labas, nanonood ng sine, namamasyal sa ibang bansa minsan ay business trip minsan naman ay pasyal lang talaga. Sa halos tatlong na taon ay para siyang stalker ni Maya at James. May pagkamasohista ata siya eh. Kasi kahit nasasaktan siya, patuloy pa din siya sa pagsubaybay sa mga ito. Kahit gaano man ito kasakit para sa kanya. Kanya itong tiniis makita lang si Maya kahit sa malayo man.

Mag-iika-apat na taon na siya sana sa pagmamatiyag kina Maya at James. Noon naman siya may nakilalang babae si Chloe.

Maganda ito at ismarte. Isa ito aplikante sa kompanya niya. Bagong graduate sa interior design. Magaling siya nakita nya ang mga porfolio nito. Very impressive. Kaya tinanggap niya ito.

Dahil kay Chloe nalimutan pansamantal ni Richard sina Maya a James. Naging maging kaibigan sila ni Chloe at di nagtagal naging sila ni Chloe. Masaya sila at nagplaplano na magpakasal.

Busy sila sa pagpaplano ng kasal ng di inaasahan na makakasalubong niya si Maya.

Richard Lim is that you? Ikaw nga kamusta ka na? Long time no hear ah. Bigla na lang naputol ang communication natin. Alam mo nagtatampo ako sa yo hindi ka man lang dumating noon sa graduation ko.

Napa smirk si Richard. Singungaling hindi nababakas sa mukha mo na namiss mo ako. Masaya ka noon dahil kay James, bulong ni Richard sa sarili niya.

Ha eh. Pasensya ka na busy kasi ako that time eh.

Hi! I’m Chloe Richard’s fiancee.

Nabigla si Maya sa narinig. Hi! Maya dela Rosa. Kababata ni Richard.

Richard, kamusta na sina ninang? Kelan pa kayo bumalik. Wala naman kasi nabanggit si ninang sa akin nauuwi na kayo eh.

Nasa Canada pa sina Ma at Pa. Baka sa wedding namin ni Chloe sila uuwi.

I see. O paano hindi na ako magtatagal. Mukhang may lakad pa kayo eh. Chloe nice meeting you. Give me a call Panget pag hindi ka busy here’s my card.

Same here sabi ni Chloe.

Bye….

Nagbago ang timpla ni Richard sa di inaasahan pagkikita nila ni Maya. Parang may galit na namuo sa dibdib niya. Nakuha pa nito sumbatan siya na hindi umuwi noon graduation nito.

Richard, honey. May problema ba? Bakit bigla ka natanimik diyan. Meron ba ako dapat malaman?

Ha eh..wala..wala honey. Medyo sumakit lang bigla ang ulo ko.

Gusto mo umuwi na muna tayo. Saka na lang tayo pumili ng wedding ring natin.

Ok lang ba sa yo?

Of course. Let’s go. Para makapag-pahinga ka na.

Lets go. Hinatid muna ni Richard si Chloe bago siya umuwi sa condo niya. Habang nakahinga hawak-hawak niya ang calling card na binigay ni Maya.

Nagtatalo ang puso at isipan niya kung tatawagan ba ito o hindi na.

Ring…ring…nagulantang si Richard sa tunog ng telepono.

Hello..pagalit nitong sabi.

Hi! Galit ka ba kasi hindi kita ginising kanina? Sorry ang sarap ng tulog mo eh. Just wanna let you know nandito ako sa Lipa.

Sino kasama mo diyan?

Iyon client ko.

Pupuntahan kita diyan.

Ha? Bakit?

Bakit ayaw mo bang sunduin kita diyan? Baka naman kasama mo si James kaya ayaw mo ako papuntahin diyan?

Ha? Ano ka ba? Wala dito si James.

Singungaling. Kausap ko si Ada at sinabi niya sa akin na magkasama kayo pumunta sa Lipa.

Oo makasabay nga kami kaninang umaga kasi sa Lipa rin iyon appointment niya sa client niya. Pero magkaiba iyon pinuntahan namin.

Katahimikan…

Richard are you still there….

Yes.

Hindi ka naniniwala sa akin? Ok fine bahala ka kung gusto mo pumunta ka dito at sunduin ako dito sa Lipa Royal Estate. Ite-text ko sa yo ang address ng client ko.

Wala ka sa Beverly Hills Lipa?

Wala nga eh. Nandito ako sa Lipa Royal Estate. Binaba lang ako dito ni James. Ano susunduin mo ba ako o sasabay na lang ako pa-

No I will pick you up there. Huag ka na sumabay kay James.

Ha? Sino may sabi sa yo na kay James ako sasabay? Eh kanina pa siya nakabalik sa Manila.

Ako mamaya pa. Hindi pa kasi ako tapos mag design dito sa bahay ng client ko.

Kanino ka sasabay paluwas?

Kay Steve…my client.

What? Lalaki ang client mo?

Oo bakit?

Huag na huag ka makasabay sa lalaking yan. Kayo lang dalawa diyan?

Hep hep bago ka mag react diyan. Makinig ka muna. Hindi ako type ni Steve. Baka nga ikaw pa ang magustuhan ni Steve eh.

Hahaha….ok ok..I’m sorry I over reacted. Pasensya ka na seloso lang ang asawa mo. See you later. Love you.

Na shock ako sa nadinig.

Maya, love are you still there?

Ha eh..oo nandito pa ako.

See you later. Bye.

Iyon lang?

Ano iyon lang?

Wala ka na ba sasabihin iba pa?

Meron pa ba?

I said love you. Di ba dapat sagutin mo din iyon ng love you too….

Bye Richard…see you later. Sabay pindot ko cellphone. Ay oo nga pala itetext ko pa sa mokong na iyon ang address. Ma text na nga at baka magwala pa iyon.

Tatawa tawa si Richard. Alam ko Maya mahal na mahal mo pa din ako. Maghihintay ako. Kung naka paghintay nga ako ng ilan taon ngayon pa kaya ako hindi makapag hintay.

Napaisip si Maya sa mga ginagawa ni Richard. Mahal kaya siya nito? O ayaw lang nito na iwan ko siya.

Sana noon pa siya naging ganito…

Maya…gumising ka nga diyan. Ipagluto mo kami ng pagkain. Nagugutom na kami.

Pagod ka na nga sa trabaho wala ka pang dadatnan pagkain pagdating mo sa bahay. Ano bang klaseng buhay ito. Reklamo ni Richard.

Bumangon ka na diyan huag ka na babagal bagal.

Bumaba si Maya at nadatnan niya si Richard atbang assistant nito si Mira malandi ang kasakasama nito.

Pagkakita ni Richard sa kanya. Bilisan mo magluto dun muna kami sa kuarto ko. Mira lets go….

Yes boss Richard.

Nagluto na ako ng kakainin nila. Kahit masama ang loob ko hindi ko iyon pinahalata. Pinakita ko kaya ko tiisin ang lahat ng pasakit niya.

Pagkatapos ko silang ipagluto, napunta na ako sa kuarto ni Richard para tawagin sila. Akma kakatok na ako nang maulinigan ko si Richard na nagsasalita. Pag wala tayo sa opisina Richard o Chard na lang an itawag mo sa akin Mira.

Sige ikaw ang masusunod.

Gustong gusto na tumulo ang mga luha ko. Pero pinigilan ko lang. Buti pa sa bang tao malambing si Richard. Parang noon magkaibigan pa silang dalawa. Kumatok siya..”Richard naka hain na ang mesa puede na kayo kumain”.

Pagkasabi ko noon ay nagkulong na ako muli sa kuarto ko. Mamaya na lang ako ulit lalabas pagwala na sila doon. Baka hindi ko na kayanin pa ang mga susunod na eksena. First time na nagdala ng babae si Richard sa bahay nila. Masakit iyon sa kanya. Pero wala siyang magawa….

Ring….ring..ring…

Iha kamusta na? ninang?

Ano bang ninang? Mama mag asawa na kayo ng anak ko.

Oo nga pala. Kamusta po? Ang papa kamusta?

Mabuti naman kami ng papa mo. Napatawag lang kami kasi papasundo sana kami kay Richard sa airport.

Airport po?

Oo pauwi kami diyan next week.

Talaga po. Sige sasabihin ko po kay Richard na uuwi kayo next week.

Teka wala pa ba kaming apo?

Muntik na ako masamid sa tanong ni ‘Mama. Naku wala pa ma, di maka buo eh.

Baka naman lagi kayo nagpapagod ni Richard kaya hindi kayo makabuo.

Naku hindi po ma. Di lang talaga matiyempuhan.

Aba anim na buwan na kayo kasal. Wala pa din. Naiinip na kam ng papa ninyo.

Dont worry me, we will try and try gang makabuo kami.

Sige magbakasyon kayo mag asawa pag uwi namin diyan.

Ma imposible yan sinasabi ninyo. Ang daming trabaho ni Richard sa opisina

Puede naman ang papa mo ang mag take over pansamantala ng negosyo ni Richard eh. Habang nagbabakasyon kayo.

Magtatagal ang bakasyon ninyo dito sa atin? Excited na tanong ko kahit kinakabahan ako.

Oo mga tatlong buwan kami diyan at sa bahay ninyo kami titira unless ayaw ninyo kami diyan tumigil.

Of course not! Welcome kayo lagi dito sa bahay.

Iyon ang tagpo naabutan ni Richard noon pumasok ito sa kuarto ko.

Ma, eto po si Richard kayo na ang magsabi ng plano ninyo. Sabay abot ng telepono kay Richard.

Hello Ma, kamusta po?

What uuwi kayo dito at dito kayo titira sa bahay namin?

Bakit ayaw mo ba?

Hindi naman po Ma? Kaya lang istorbo kayo sa amin ni Maya. Dati malaya kami kahit saan maglambingan ngayon may audience na kami.

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Richard sa Mama niya. Nag tiger mode si Richard sa akin.

Sige we will do that. Ok I will pick you and papa at the airport next week.

Pinindot na niya ang end button ng hinaklit niya ako sa braso.

Aray ko naman.

Nagsumbong ka ba kina Mama?

Masasaktan ka talaga pag hindi ka sumagot ng maayos.

Haller bakit naman ako magsusumbong?

Para kaawaan ka?

Hindi ko kailangan ang awa ng ibang tao.

Mabuti naman pala kung ganun.

Maghanda ka kailangan mo ilipat yan mga gamit mo sa kuarto ko gang maka-alis sina Mama.

Tumango lang ako.

Masaya ka siguro dahil makakatabi mo ako sa pagtulog noh?

Hindi rin. Sanay na kasi ako walang katabi eh. Kaya nga naisip ko ipasok din sa kuarto mo iyon kapok na nabili ko noon. Para doon na lang ako sa sahig matulog.

Bahala ka kung yan ang gusto mo. Nakasimangot na sagot ni Richard.

Salamat sa pagpayag mo.

Oo nga pala tapos na kami kumain. Ayusin mo na ang mesa.

Sige baba na ako.

Hey Maya…..Maya…..Maya..

Ha? Steve may kailangan ka?

Ang layo ng iniisip mo ah. Care to share it to me?

Ha eh. Meron lang ako naalala. Huag mo na akong intindihin.

Are you sure?

Oo naman. Tingnan mo nga pala itong ginagawa ko design para doon sa guest room? Ayos na ba ito?

Ayos na ayos. Mabuti na lang ikaw ang nirekomenda sa akin ni James. Magaling ka nga.

Salamat naman at nagustuhan mo ang mga gawa ko.

You are one of the best Interior Decoarator I’ve ever met. May bonus ka sa akin pagkatapos mo gawin ito project mo sa bahay ko.

Talaga? Wala na yan bawian ha.

Oo naman.

Thank you sabay akap kay Steve. Nagumanti rin ng akap kay Maya.

Hindi mo na kailangan bigyan ng bonus ang asawa ko. Kaya ko siya buhayin. Kung ako lang ang masusunod mas gusto ko sa bahay lang siya. Pero masaya siya pagnakaka pag design siya kaya pinayagan ko siya mag trabaho. But it doesn’t give you the right na akapin siya.

Richard ano ka ba….

Hi I’m Steve and you don’t have to worry about Maya. Hindi ko siya gusto at alam ko may asawa na siya.

Richard di ba sinabi ko na sa yo kung ano si Steve. Bakit ka ba nagkaka ganyan?

Steve pasensiya ka na kay Richard ha.

Maya, kung ako ang asawa mo magiging over protective din ako sa yo. Sa ganda mo yan alam ko madami ako magiging kaagaw ko sa yo. Kaya ok lang. I still give you a bonus.

Thanks Steve. Paano mauna kami ni Richard ha.

Sure no problem. See you the day after tomorrow?

Oo. Bukas kasi hahanapin ko na mga materials na kailangan ko eh.

Okay. Bye Richard. You take care of Maya.

I’m sorry. Yeah I will take care of her. Bye.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s