Will You Ever Love Me? 1

Will You Ever Love Me?

Chapter 1

Maya ang aga aga namimintana ka na naman diyan bata ka. Halika nga dito at tulungan mo ako sa mga pinamili ko para sa karinderya natin.

Nanay naman eh…hindi ko pa nga nasisilayan ang imspirasyon ko eh.

Hindi ka na ba nahiya diyan sa sarili mo? Aba halos wala ka na ginawa kung di bantayan ang paglabas niyan kinakapatid mo ah.

Wala naman po akong ginagawang masama sa kanya eh. Alam naman ninyo na masilayan ko lang siya sa umaga ay kumpleto na ang araw ko.

Naku magtigil ka nga bata ka diyan. Sabay kurot sa singit ni Maya. Kinse ka palang puro kalandian na yan naiisip mo.

Nay naman eh dalaga na ako para kuritin pa sa singit.

Kung dalaga ka na nga. Puwes umakto ka dalaga ka na. Naku kung buhay pa ang tatay mo ewan ko lang kung makapamintana ka pa diyan ng ganyan ka-aga.

Kaya nga siguro kinuha ng maaga si Tatay para magawa ko iyon gusto ko.

Multuhin ka sana ng tatay mo…

Takot ako…

Teresita, Maya anu ba yan ang aga aga ay nagtatalo kayong mag-ina?

Paano naman Nay, etong apo ninyo ang aga-aga ayun nasa bintana at tinatanaw na naman lumabas sa kinakapatid niyang si Richard.

Hayaan mo na siya…

Kaya mahal na mahal kita mamang eh…

Kaya lumalaking spoil yan batang yan kinukunsinti ninyo eh.

Hindi naman sa ganun Teresita. Ang sa akin lang ay hayaan mo na kasi naka-usap ko si Esmeralda kanina sa simbahan. Aba’y paalis na pala silang mag-anak.

Saan po sila pupunta nay?

Oo nga mamang saan po sila pupunta?

Sa Canada at doon na sila maninirahan. Naaprubahan iyon petisyon ni Roberto para sa kanilang mag-anak….

Kelan daw ang alis nila Nay?

Sa susunod na Linggo…

Hindi ko na makikita si Richard?

Malamang doon na iyon makakapag-asawa aba sa daming magagandang babae dun tiyak iyon anak.

Nay, bakit kayo ganyan hindi man lang ninyo suportahan ang damdamin ko?

Anak bata ka pa 15 ka palang. Anong alam mo sa crush-crush at love na yan? Si Richard 21 na. Tapos na nga ng kolehiyo eh. Ikaw nasa high school pa lang.

Mare….

Aba parang si Esmeralda iyon ah.

Mare tuloy ka….Ano ba ang sa atin?

Maganda umaga sa iyon Mare, Mamang ay Maya.

Magandang umaga din sa yo Mare.

Mano po Ninang.

Kaawaan ka ng Diyos iha. Gusto ko lang kayong imbitahin sa sabado sa bahay. Magkakaroon kami ng munting salo-salo para sa mga malalapit namin kaibigan at kapit bahay na rin. Siguro nasabi na sa inyo ni Mamang na aalis na kami?

Oo nga daw mare eh. Napaka suwerte naman ninyo.

Hindi naman Mare nagkataon lang.

Naku eh di tuwang -tuwa ang anak mo niyan?

Sinabi mo pa. Madami daw mapuputi at matatangkad at sexy babae. Excited na nga iyon eh. Noon ibinalita ng papa niya sa amin na approved na iyon visa namin papunta sa Canada. Agad-agad gustong ng umalis.

Nagakatawaan silang sa sinabi ni Ninang bukod tanging ako lang ang hindi nakitawa…

Maya….

Ano po iyon Ninang….

Alagaan mo sarili mo at ha at huag ka muna papaligaw bata ka.

Ninang naman para kayo si Inay eh. 15 na po ako.

Maski na…..huag mo bibigyan sakit ulo nanay at mamang mo ha.

Opo ninang.

Siya hindi na ako magtatagal. Sa sabado ng gabi ha aasahan ko kayo.

Oo Mare, pupunta kami.

Akalain mo nga naman ang suwerte nina mare.

Oo nga Teresita eh.

Oh Maya bakit mukhang Biyernes Santo yan mukha mo.

Itinatanong pa ba iyon Nay?

Anak, bata ka pa. Malilimutan mo din si Richard. Pag nag-aral ka na sa Maynila mas marami ka pang makikilalang mas guapo at mas mayaman sa kinakapatid mo. Huag mong madaliin ang sarili mo. Mag-enjoy ka muna.

Inay…tama ba narinig ko sa Maynila ako mag-aaral ng kolehiyo?

Oo naman anak. Bago naman namatay ang tatay mo na sinugurado niya makakapag kolehiyo ang unica namin anak.

Eh Inay, saan po ako tiitra doon.

Sa pinsan mo sa tatay mo. Kina Ate Cris po?

Mismo.

Naku Nay salamat pp. huag kayo mag-alalla pangako po gagalingan ko ang pag -aaral ko ngayon 3rd at 4th ko para mataas ang makuha ko marka.

Ganyan nga anak pag -aaral muna ang asikasuhin mo.

Sige po. Maghahain muna ako ng ating agahan.

———-

Kinasabaduhan nag tungo kami kina Ninang. Nakita agad kami Richard kasama ang girlfriend niyang malandi – si Gina. Lumapit ang mga ito sa amin.

Magandang gabi Mamang, Nanay at Payatot.

Panget ganting sagot ko.

Magangdang gabi naman iho.

Nasa loob po sina mama pasok na po kayo.

Papasok na kami sa loob ng bahay nila ng….

Maya….may narinig ako tumawag sa akin kaya na palingon ako.

Uy James kaw pala ang pinsan makulit ni Richard. Kamusta ka na?

Eto guapo pa rin…

Hay naku bolero ka pa rin kahit kelan. Wala kang kasamang girlfriend?

Wala na ako girlfriend. Good boy na ito…

Weh hindi nga? Asan ang goodboy diyan?

Oo good boy na ako. Kasi nakita ko na ang babaeng gusto ko pakasalan pag dating ng tamang panahon?

Naks….may paganyan-ganyan ka pang nalalaman ha.

Oo. Pagka graduate ko next year at pagkakuha ko ng board liligawan ko na siya.

Bakit naman ang tagal mo pa bago siya ligawan? Bakit hindi na lang ngayon para may inspirasyon ka?

Hindi pa puede eh….

Ganun? Napatingin ako sa gawi nina Richard? At ganun na lang pagtataka ko..masama ang tingin nito sa amin ni James.

James tingan mo iyon pinsan mong ang sama ng tingin sa atin. Siguro nagka crush sa yo ang girlfriend niyang malandi.

Well, wala tayo magagawa mas guapo ako sa kanya….

Hindi ko na lang pinansin ni Maya ang tingin iyon ni Richard sa halip at pinagpatuloy ang masayangbpakikipag kuwentuhan kay James.

Ang yabang mo talaga. Pero bakit ba hindi pa puede iyon gusto mo ligawan?

Kasi bata pa siya?

Bata? As in bata? O batang isip lang?

Grabe ka naman. Hindi naman ako cradle snatcher. She is just 15 years old.

15? Kasing edad ko?

Oo…

Bata pa ba ang 15? Kasi kayong lahat sinasabing bata pa ako.

Bata ka pa nga. Sabay pisil sa ilang ko.

Aray ko James anu ka ba?

Ano kaya ang pianguusapan nng mga kumang na iyon at panay ang tawanan nilang dalawa. Bulong ni Richard.

Hey sweetheart….bakit ang lalim ng iniisip mo. Don’t worry kahit malayo tayo sa isa’t-isa I will be faithful to you? Sabi ng malanding gf nito.

Really? You can be faithful? Can you promise me you will not flirt nor do any stupid things while I’m away? Can you?

Parang nabibilaukan sumabot ang gf nito..Bu–but ofcourse!

Napa ismid si Richard sa sinagot ng gf niya.

Maya anu pala ang kukunin mong kurso pag ng college ka na?

Gusto ko maging interior designer. May alam ka bang magandang school sa Maynila?

Sa Maynila ka mag-aaral ng kolehiyo?

Oo. Sinabi na sa akin ni Nanay.

Ayos. Ako ang bahala sa yo. Ako ang bodyguard mo.

Naks naman…salamat ha.

Alam mo, bagay na bagay talaga tayong dalawa.

Bakit naman?

Kasi gragraduate ako ng civil engineering?

So anong connect sa kurso ko? Kayo lang naman tiga gawa ng mga kalsada, tulay, building….ano ang iinterior ko dun?

Kasi po after graduation at sa free time ko sa review kukuha ako ng crash course ng architecture. Aalis na kasi si pinsan eh. Dapat sosyo kami doon sa business na itatayo namin.

Eh di mag-isa ka na lang sa negosyo mo?

Nope, kasi meron pa naman ibang friends na kasama eh eh at ikaw

Anong ako?

Magigng katuwang kita sa magiging negosyo ko?

Katuwang at bakit?

Kasi ikaw iyon babaeng gusto ko pakasalan?

Napanga-nga ako…what???

Ulitin mo nga iyon sinabi mo?

Sabi ko GUSTO KITA…ikaw iyon babaeng gusto ko pakasalan sa tamang panahon. Kaya pagdating no ng 18 liligawan kita.

Napa nga-nga na lang ako sa sinabi ni James.

——–

Araw ng alis nina Richard.

Payatot magpataba ka ha. Para naman magkalaman yan dibdib mo. Para pagnagka boyfriend ka na hindi siya lugi sa yo..

Panget ka. Bastos pa. Naiiyak ko sabi dito.

Hey Richard watch your mouth. Kinakapatid mo yan….Sita dito ng papa niya.

Huag ka mag-alala pinsan bantay sarado sa akin itong si Maya.

At bakit naman?

Syempre siya kaya ang pakakasalan ko pag dalaga na siya.

What?

Ano naman nakakagulat doon?

Playboy ka pinsan ang dami mo kaya pinaiyak na babae sa campus. Isaasama po pa sa kalokohan mo si payat.

I’m dead serious with her.

Wow English iyon ha..

Hay naku kayong dalawa ako na naman ang nakita ninyo asarin.

Hindi kita inaasar Maya. Totoo ang sinasabi ko.

Whatever James…. Sige na sumakay ka na at aalis na kayo.

Sumakay na si James sa sasakyan. Nailwan kami ni Richard.

Paano payatot paalam na. Hanggang sa muli natin pagkikita.

Bye Richard. Ma-mi-miss kita.

Ako din ma-mi-miss kita. At yumakap na siya sa akin.

Pag mayaman na ako papadalhan kita ng pera magpa breast implant ka ha.

Sabay bitiw kay Maya. Hinampas ito ni Maya.

Bastos….tingan natin sa muli natin pagkikita tutulo ang laway mo dahil super sexy na ako.

Talaga lang ha.

Talaga.

Richard halika na baka mahuli tayo sa flight natin.

This is goodbye Maya, sabay smack sa lips ko. At nagtatakbo na ito papalayo sa akin…

Naiwan ako nakatulala. My first kiss kahit smack lang….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s