Pain in My Heart 1

Pain in My Heart 1
by: Purplegurl

Chapter 1

Hindi na nakatiis si Richard. Tinawagan na nito si Maya. Pero andun pa din ang pride niya.  Instead na mag sorry ay tinanong agad niya si Maya kung kelan ang balik nito sa Mansion. 

Pero hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Maya sa kanya. Nagpaalam na ito sa kanya na aalis na ito sa mansion. Na magcoconcentrate  na lang ito sa pag-aaral at trainng as cabin crew ng TA. Nabigla si Richard sa sinabi ni Maya. Wala siyang maapuhap na salita para sabihin kay Maya. Basta na lang niya ito binabaan ng telepono.

Hindi matanggap ni Richard ang sinabi ni Maya. Parang may dumurog sa puso niya. Nakaramdam siya ng sakit. Sobrang sakit mas masakit pa noon nawala sa kanya si Alex. Hindi niya kaya mawala si Maya, hindi dahil walang magaalaga kay Abby. Alam niya na kaya na ni Abby tumayo mag isa. Pero siya hindi niya kaya mawala si Maya. Kailangan niya ito sa buhay niya. Hindi siya makakapayag sa gusto nito mag resign. She will  get her back, by hook or by crook. Gagawin niya ang lahat bumalik lang ulit ito sa kanya – sa piling niya.

The kids are wondering for the mood swings of there dad. Naging masungit naman ito. Lahat na lang ng tao sa bahay nila ay sinisinghalan nito. They are starting to be afraid again. Until Nikki realize something…

Ohh Myyy Gee!!!  Kuya dad becomes like that when Maya left last Christmas eve. 

Actually Niks, meron ako napapansin sa kanilang dalawa eh. Alam mo ba di sila sabay dumating noon summit. Tapos pagdating ni Dad tinanong agad niya ako kung dumating na si Maya. Tapos di pa nagtatagal si Maya naman ang dumating na rin. Then when I asked them kung di sila nagsabay, sabi nila HINDI! Tapos biglang umalis si Dad. Si Maya naman, malungkot na parang umiiyak.

Kuya di kaya sila nag away ni dad, di ba noon pinakanta natin si Maya noon Christmas party natin. Feel na feel niya ang kanta niya. Sabi mo pa nga parang may pinaghuhugutan si Maya? 

Oo nga noh. Hmmm bakit kaya?

Tama kayo kuya Luke and ate Nikki. Magka-away nga ang Mahal na Hari at ang Mahal na Prinsesa.

Anu ang ibig mo sabihin Abby?

Kasi po si Daddy ang Mahal na Hari at si Yaya naman ang Mahal na Prinsesa. Sabi ni Yaya, meron daw sinabi masakit na salita ang Mahal na Hari sa Mahal na Prinsesa. Kasi nakita daw ng Mahal na Hari ang Prinsesa kausap ang Prinsipe. Pero sabi po ng Mahal Hari di lang siya na intindihan ng Mahal na Prinsesa. Gusto lang daw po protektahan ng Mahal na Hari ang Prinsesa sa Prinsipe. Kasi lolokohin lang daw ng Prinsipe ang Mahal na Prinsesa.

Hmmm mukhang tama si Abby kuya. Kasi looked ha, di ba last Christmas eve and Christmas day, never na tumawag si Maya kay Dad. Kung hindi pa hiniram ni Abby ang phone ni Dad eh hindi natin siya makaka-usap.

Tama ka Niks, kasi noon sinabi ni Abby pahiram ng phone dahil tatawagan niya si Maya. Parang nag-aatubili ito pahiramin si Abby. Siguro natatakot siya di sagutin ni Maya ang tawag. Dahil baka isipin ni Maya siya ang tumatawag.

Kaya ba ini-offer mo iyon celphone mo noon kuya?

Yap kasi nga napapansin ko na sila dalawa na parang nag-iiwasan.

Hmmm kuya I smell something here.

Anu naman iyon Niks.

Abby, do you miss Maya.

Yes ate.

Kaw kuya na miss mo din ba si Maya? Ako aaminin ko namimiss ko si Maya.

Oo naman miss ko na rin si Maya. At iba ang atmosphere dito sa bahay pag wala si Maya. Ang tahimik at malungkot.

I think dad is missing Maya too.  I was thinking bakit di natin sila pagbatiin dalawa?

But how? Wala dito si Maya…

Eh di tayo ang pupunta sa kanila?

Brilliant idea Niks. Tara sabihin natin kay dad.

Wait muna kuya, dapat humanap muna tayo ng paraan paano natin sila mapapag bati noh. 

Meron ka ba naisip?

Wala pa nga eh. Hey, dad is coming. Huag kayo pahalata meron tayo pinaplano.

Hi guys….what are you doing?

Hello dad! Hi daddy! Sabay kiss sa dad nila. Just chatting dad.

Guys, magpapa-alam lang ako sa inyo. I’ll be leaving tomorrow to Mindoro.

Why dad?

Site visit lang.

On Christmas season?

Yes, its very important. Don’t worry I’ll be back before New Year’s Eve.

Daddy?

Yes baby, can we go with you? Its vacation naman po eh. Kung puede lang naman po. Naiiinip na po kasi ako dito eh. Pag dito lang ako sa house namimiss ko lang po si yaya.

Napa-isip si Richard, habang hinahaplos ang ulo aang anak. Ngumiti ito sa kanila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s