I’ll Get Her Back 2

I’ll Get Her Back 
By purplegurl

Chapter 2

Anak kamusta naman ang pag aaral mo hindi ka ba nahihirapan nag aaral at nagaalaga ng bata?

Naku hindi po Nay. Mabait po ang mga alaga ko lalo na ang baby ko si Abby. Kahit sina Luke at Nikki ang babait nila.

Mabuti naman kung ganun anak.

Nay alam mo pa nag iintern na ako?

Nag-iintern? Anu ba iyon anak?

Intership po Nay. Nag-iintern na po ako para magging stewardess po. Para po part time job.

Anu sabi ng Sir Chief mo, hindi ba siya nagalit dahil sa pagiging ntern mo? Teka paano mo ba nakuha ang internship mo?

Masaya po si Sir Chief noon nalaman niya ako nakapasa sa mock interview. 

Mock interview?

Mock interview po, iyon po meron mga opisyales ng mga airlines ang pupunta sa mga school ay magsasagawa ng interview. Tapos po pagnakapasa kayo doon puede nila kayo irekomend para mag intern sa company nila. Iyon sa akin po, TA ang nag nterview sa akin at nakapasa po ako. Sabi noon opisyal na tiga TA puede daw ako mag apply for intership sa company nila. Kailangan ko lang po daw ng recommendation sa mula sa school.

Pero alam mo po ba Nay, si Sir Chief ko ang nagbigay ng recommendation letter sa TA para sa akin. Sabi po ng tiga TA ang ganda ganda daw ng sinabi ni Sir Chief dun sa recommendation letter. 

Sir Chief mo?

Nay naman eh.

Nagbibiro lang ako anak. Kasi naman kumikisplap yan mata mo pag binabanggit mo yan Sir Chief mo eh. Mukhang proud na proud sa yo ang sir chief mo sa yo eh.

Hindi rin po siguro nay. Kasi noon nalaman niya na after intership ko puede na ako mag trainee as cabin crew sa recommendation ni Sir zjames. Hindi siya masaya eh. Hindi niya ako binati. Akala ko pa naman proud siya sa akin. Pero…

Anak, yan ba ang dahilan kaya ka umuwi dito sa atin. Nagtatampo ka sa Sir Chief mo kasi hindi ka man lang niya binati dahil magtratrainng ka na? Tingin mo hindi na siya proud sa yo? Hindi mo ba naisip kung ano ibig sabihin noon sa kanya?

Anu po ibig ninyo sabihin nay?

Di ba kaya ka nga sabi mo magreresign ka na sa kanila kasi mawawalan ka na ng oras kay Abby. Unfair iyon sa kanila na nagpapasahod sa yo. May usapan kayo na 2 taon. Pero ano ito ilan buwan ka palang aalis ka na sa kanila. Sa palagay mo handa na sila mawala ka sa kanila. Lalo na si Sir Chief mo. Sa mga kinuwento mo sa akin kagabi magkasundong magkasundo kayo ng Sir Chief mo.

Napaisip si Maya sa sinabi ng Nanay niya. Parang may punto nga nanay niya. Mali nga naman magtampo agad siya dito. Pero teka bakit pa lagi na ganun sinabi si ng nanay niya- sir chief mo. Para naman niya sinasabi pag aari ko si Sir chief. Si nanay talaga.

Oh anak natulala ka na diyan. Mabuti ba anak bukas na bukas ay bumalik ka na sa Maynila. Mag usap kayo dalawang ni Richard ng Sir Chief mo.

Inay..bakt ba lagi na lang may mo pag sinasabi mo ang sir chief?

Anak kaw ang nag umpisa niyan. Sabi mo kanina “Sir Chief ko”.

Nay anu sasabihin ko kay Sir Chief? Anak kaw na magpakumbaba, amo pa rin siya kaya kaw ang dapat mauna. Pero nasaktan din niya ako inay eh. May dahilan siguro siya. Huag matigas ang ulo anak. Mag usap kayo bago pa naman maghiwalay ang taon. Tama na yan pride pride na yan.

Salamat nay. Pero bakit wala pa kaya si Sir James. Matawagan nga.

——–

Samantalang si Richard habang lulan ng sakayan di malaman ang gagawin. Kinakabahan siya at pinaglalamigan ng kamay. Meron siya nadaanan flower shop. Bumili siya ng tatlong bouquet ng flowers para sa tatlo babae Mamang, Nanay Teresita at Maya.

Hindi nagtagal nakita na niya ang Little Pards Chibugan. Sinabihan niya ang driver na ihimpil ang kotse sa di kalayuan ng tirahan nina Maya. Gusto niya maglakad papunta kina Maya.

Nasa tapat na siya ng pintuan nina Maya at handa na kumatok ng maulanigan niya nag uusap sina Maya at nanay ito. At siya ang topic, natukso siya makinig muna sa usapan ng mga ito.

Hello Sir James, asan na po kayo? Dito po ba usapan natin dito kayo mag aalmusal tapos iikot ko kayo sa San Nicoholas kasi hapon pa naman ang flight ninyo pa Manila?

Noon na pumasok si Richard…

Hindi ba puedeng ako na lang ang ipasyal mo sa San Nicholas at kumain ng almusal na inihanda mo?

Bigla harap ni Maya at ganun na lang ang pagkagulat nito.

Sir Chief? 

Sa kalituhan bigla niya nabitawan ang phone niya at ito na ang pumulot at kumausap kay James.

To be continue….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s